Friday, April 11, 2008

hindi ako nawala, pero salamat sa paghahanap...

[isa sa pinaka-sinsero pero magulo at pinakakakagulat na nangyari sa buhay ko, buong pakiramdam ko ang nabuhos ko diyan, lalo na sa unang part...]

mamamatay na ako, malapit na. . . kung di ako mabubuhay ng matagal, sana di na ako mabuhay ngayon pa lang. . .

nakakawalang ganang mabuhay, di ko maramdaman ang kahalagahan ko sa mga tao sa paligid ko. . .


AWOOOH

Sa mga pangyayari ngayon, para na rin akong walang pinagkaiba sa isang multo-- kinatatakutan at iniiwasan. Kelan ba kasi magkakaroon ng taong magtatapang na lapitan ako at kausapin, dinggin ang mga hiling na magbibigay kapayapaan.

Hindi ako multo, pero nagiging rason ako para multuhin ng isang tao ang sarili niya.
Hindi ako multo, kung oo man, masyado akong maganda (uh, ano daw? Sabi na nga ba, kelangan ko ng matulog)

Hard core.

--

Ilang araw din akong nagbulakbol hindi ako nagpapapasok sa eskwelahan at opisina, hindi nagpapakita sa mga tao(kaeskwela, kagrupo, katropa,kaorg…kahit sa mundo ng blog), hindi nangungumusta sa mga kapamilya, hindi matinong umuuwi ng dormitoryo, hindi nakakausap ng maayos, at kung anu-ano pa.

Marami-rami rin (kahit papaano) ang nagalala sa akin. Lagi nga akong ipinagtatanong kung nasaan na daw ba ako, kung kasama ko ba ito, o siya, o sino… walang may alam.

Ano bang nangyayari kay kookoo?

Walang makasagot, kung sa bagay, mismong ako nga e hindi ko masagot (sabi ko sa sarili ko)

Isang rason ng pansamantalang paglisan ko ay ang pagkapagod na magmahal sa mga tao sa paligid ko, di ko na kasi maramdaman na may naibabalik sa akin, nakakapagod, labas ako ng labas ng enerhiya, kaya naubusan ako.

Ako ang taong mahilig magsabi ng “ATTITUDE LANG NAMAN”.

Oo, negatibo talaga ang nauuna sa isipan ko pero dahil sa attitude na pinanghahawakan ko, nakikita ko ang positibong parte ng mga bagay-bagay, at pangya-pangyayari… pwede din hayop-hayop(uh?!)

Habang nasa HELL DAYS ako, pinipilit kong magpakasama, ayaw ko ng magmahal, letseng mga tao. Pilit ko talagang itinatago ang sarili ko at binabalewala ang mga taong pilit na hinahanap ako… letson de letse oo! Buset, buseeet!

Sa pagbukas ng aking malalaking mata(pero pasingkit maonti, di ko alam kung bakit ganito mata ko) tuwing umaga, plano ko ng hindi maging okay, hindi ako magdadasal at uunahin ko na ang pagsusungit at pagsimangot. Ilang araw din yon…

Pero dadating ako sa yugto ng araw na makikipagkita ako sa mga kakilala at makikipag tawanan, huwaw kakaw!! Nakipagtawanan pa, hindi ko maitanggi na hindi kaylanman lumipas ang araw na hindi ako nangungulit, nakikipaghagikhikan na humuhilik-hilik pa sa tawa at kung anu-ano pa. pero bago ulit matapos ang araw, iisipin ko ulit na SAYANG ANG MGA ORAS NA ITINAWA KO, mali ang ideya na nakipagkulitan pa ako..
ANG GALING KONG MAGPRETEND… sabi ko.

“hanep ang Diyos, ang bangis!!”

Pansamantala ko talagang tinalikuran ang pagmamahal na ibinabahagi niya sa araw-araw, alam kong may Diyos, ALAM NA ALAM KO AT SIGURADO, pero ayaw ko munang pilitin niya ngayon, nakakapagod siyang sundin…

Magulo--- magulong-magulo.

AYAW KO NG MAGMAHAL NG MGA TAO, AYAW KO NA… SWEARNESS EVER, HALLER?!


sa ngayon, gusto ko ang ginagawa ko, hindi masayang ganito, pero dito ko hinuhugot ang magiging ako..

DI naman natatapos ang araw na hindi nawawala ang poot eh… Di ko lang tinatanggap. Gusto ko lang malaman kung sino ang totoo, kung ano ang totoo…

Pero ganun pa rin, masayahin ako—kaya nalulungkot ako, kookoo-isa pang termino para sa salitang ironic” –
strong>
strong>kookoo to mikwinsi

Ganyan akong magsalita pag nagseseryoso na ako… hindi naman ako bihirang bumanat ng mga ganyang pahayag, pero sa sarili ko, yan ang mga bagay na nakikitaan ng sinseridad (lagi kasi akong magulo, wala na lugod minsan naniniwala sa akin) ng iba.

Hindi ako magaling magprentend, kung tutuusin, bigo nga ako diyan… YATA,

trivia: sinasabi ko man na magaling akong umarte, sa palagay ko hindi din… kung sakali man, magaling akong magpretend na nagpepretend ako…(oh, logic yun, hinga muna….)

STATUS: hindi ko alam kung kelan ko ito sinulat.

hindi ko rin alam na nakapagsulat ako ng ganito.. hanaku… hmm, at gaya ng mga dati kong mga isinusulat, hindi siya tapos…. Marapat niyong tapusin ko ito sa kasalukuyang estado ng mga damdamin at sigaw ng isipan ko.

Nagising ako kagabi o mas magandang sabihin ko na kaninang madaling araw, nakatanggap ako ng isang mensahe galing sa isang malapit na kaibigang si tomasa

kulasa, naalala ko, nung andoon tayo kela kuya nic natulog, super tawa tayo tayo kahit yung pinaguusapan natin e yung nakakatawang teknik mo ng ‘pagsuicide, happiness is attitude.. tawa lang, wag masyadong mamroblema, haix, miss kita, yakap!’”strong> –xena 3-13-08 2:42am

Balik tayo sa nadama ko nun HELL DAYS ko na yun… Napuno talaga ng toyo ang utak ko nun, yung pakiramdam ko gusto ko ng wakasan ang buhay ko, asos, fagod na fagod na ako. Nagdududa na nga ako sa patutunguhan ko sa kinabukasan ko, pakiramdam ko wala na akong hinaharap, wa ng future. Mamatayin na din ako, at kung ganun lang din, e di ko na pahahabain pa ang buhay kong ito.

Kung nakakasama niyo ako sa sa pang-araw araw na pamumuhay niyo, hindi maaaring hindi niyo maririnig sa akin ang mga linyang “e mas madali pang magpakamatay kaysa diyan e”

Sige, magbibigay ako ng halimbawa… ayaw na ayaw ko ng matematika, at kung pakokompyutin niyo ako isang araw sa buhay ko, sasabihin ko, “huh? Ako, bakit mo naman ako pagkokompyutin e ayaw ko nga ng mga ganyan ganyan e mas madali pang magsuicide kesa magkompyut niyan e”

O kaya naman

“huh? Ako? Paghuhugasin mo ng pinggan? E mas madali pang magpakamatay a”
Ayon sa pag-aaral namin sa sikolohiya ang mga taong madalas magsabi ng mga bagay na ganito ay yaong mga tao na hindi ito kaylanman gagagawin, hindi kasi malaking bagay ang turing nila dito.

Oo nga pala, eto nga pala ang thesis namin, Suicidal Tendencies, Meaning in Life and Self-regulation of Inmates of Manila City Jail with Substance Abuse.

Ang bangis diba, oo, nagsagawa kami ng pag-aaral sa city jail, apat sa grupo, tatlo kaming babae at isang metrosexual “daw”(oops, may tinira pa!)

Dahil puro nalang suicidal tsutsu blahblah tsorba ang pinagaaralan naming e burong-buro na ako sa salitang iyan, marami akong nalaman katotohanan ukol dyan… yun tipong hindi ko na talaga papasukin yan…

AKALA KO…

Balik tayo sa istorya, dahil sa sukdulang sakit na nadarama ko dahil sa mga pagmamahal na pinagkakait, naisip ko na din ang mga bagay na ganito-- ang pagsusuicide.

Gaya ng madalas na sinasabi ko, hindi ako iyakin, pero minsan dumating ang isang matahimik at kagimbal-gimbal na gabi… hindi ko mapigilan ang mga luha sa pagdaloy, nakubli man ito sa iba sa tulong ng dilim na dala ng gabi, sa akin, ramdam na ramdam ko ang sakit na kasabay ng bawat patak, nakisama pa yung ilong ko, salamat ilong! Moral support!

Sige sige, hayaan niyo akong maging disclaimer, blog ko to e, oo, nagkaroon ako ng mga ideasyon pero sa mga babanggitin kong “paraan ng pagsusuicide” isa lang diyan ang tinangka ko,

MGA PARAAN NG PAGSUSUICIDE
(NI um, iatago nalang natin sa pangalang kookoo, boogsh!)

1. habang umiiyak ng nakahiga, napatingin ako sa kanang bahagi ng kwarto namin at nakita ang napakalaki at nangiimbitang bisitahin na bintana. Talon na talon na ako sa totoo lang (trivia: taga apat na palapag ako ng selda, este kumbento, este dormitoryo), kaso naisip ko, ang taas, baka kung anong itsura ko pag nadeds ako, lasug-lasug da ba-de farts… ang ganda ko pa naman, parang bb.pinas, tafos il just dead, ahaha, like, im sorry, ahaha… my pamili…my family…ahaha, wouldn’t be froud, dot froud, if I’ll die fanget… kaya yun, sabi ko, hindi, hindi sa pagtalon ang ikawawakas ng buhay ko.



2. matapos magdesisyon sa hindi pagtalon, ganun pa rin, nguyngoy pa rin ako ng nguyngoy… natalo ko pa ang mga dramatic na aktres sa pagiyak. Naalala ko tuloy yung napaka-morbidong video ni kyla(yun singer na maliit na may bangs na taga ji-em-ey) sa awiting HANGGANG NGAYON, si kyla ha, hindi si regine.,… flease!! Naalala ko dun (maliban sa tirahang repridyider ni kyla) yung bathtub na may nakahandusay na lalaki, ayun, nagpakamatay siya dun… parang yun nalang ang gusto ko, magpakalunod.
Kaso napaisip, wala namang bathtub dito sa dorm e… sabi ko nalang, pupunuin ko nalang yung cubicle na paliguan ng tubig, kaso kumusta naman, baka umaga na hindi pa rin puno yun ng tubig… at syempre magsisilabasan ang tubig sa mga gilid-gilid ng pinto. Asar!



3. Dahil sa pagkabigo dito, isa pa muli ang nasariwa sa isipan ko, wahaha! Ewan ko, pero sa pagkakaalam ko, umuso ito dati, yung flor contempacion story ni miss nowra onowr, sa pagkakaalam ko, (naalala ko lugod si ara mina nun mga matitinong days niya, uhh..tama nga ba?! Basta, hayaan na si ara mina), inakusahan siya na sinadya niyang lunurin yung batang anak ng amo niya sa balde.
Ayun, ganun na ganun… naisip ko din ilublob yung sarili ko sa balde… tama tama.. yun nalang. Hindi na mahirap yun…



Tapos, a oo, MASYADONG MALAKI YUNG BALDE… a oo talaga!

4. sa lahat, eto yung pinakamaganda ko atang naisip,AT ISINAGAWA ANG PAGTATANGKA.. unang-una hindi naman ako pangit malamang kung ito ang gagawin ko, hindi ko rin kailangan ng bathtub, o balde, o pumasok sa banyo at magsayang ng tubig… eto yun.
Iyak pa rin ako ng iyak… iyak talaga.

TRIVIA: natigil nanaman ang pagsusulat ko dahil kinain ng letson de letseng virus eto…etong eto… hehe, may back-up file lang pala ako,…. Ayun, asar na asar na ako nito kahapon…

Ipapatuloy ko nanaman..

Iyak pa rin ako ng iyak, pero napapagod na ako, nadarama ko na na unti-unti ng sumisingkit ang aking mga malalaking mata, namamaga na ito. Unti-unti na rin akong nahihirapang huminga… mayroon ng pagsikip dito. Napadasal ako, “Loooord, ang sakit! Kunin mo na po ako, parang awa mo na, plese, now na now na…”

Pinigil ko ang sarili ko sa paghinga… ilang minuto ko rin itong ginawa. Sana tumigil na rin ang pagtibok ng puso ko, sana tumigil na ang buong sistema ko, tutal, hindi naman titigil ang pag-ikot ng mundo kung titigil ang kahit anuman sa akin. Wala naman akong importansya. “Lord, ngayon na!”

Pinipigil pa rin ang paghinga..

Ayun, epektibo naman. Tanyo ngayon, buhay pa rin ako.

Buset! Buseeet!

Ayon, yun yung mga matatalinong kaganapan sa mga pagpapatiwakal ko.

Sa mga oras na iyon, hindi ko masabi na sinayang ko ang oras ko, sa katunayan, isa ito sa kakaibang pangyayari na nagparamdam sa akin ng totoong halaga ko, naalala ko na maging tao, at naalala ko din na sa buong panahon ng mga ginagawa ko ay nagpapakatao pa rin ako.

Malapit sa perpekto ang buhay ko. Ewan, sa tingin ko lang (wag ka ng kumontra). kung ikukumpara kasi sa mga taong madalas kong nakakasalamuha, masasabi ko talagang walang masyadong trill ang buhay ko.

Masaya ang pamilya ko, wala akong nairereklamo na magulang na bumubugbog sa akin at wala akong mga pinupulot na basag na plato gawa ng nanay ko na ginawang flying saucer ang mga ito.

Wala akong mairereklamo na mga kapatid na inaagawan ako ng mga kagamitan, o pagkain o anu pa man. Wala rin akong maireklamo na boring ang buhay dahil walang kapatid. Dahil may dalawa akong poging-pogi na mga utol.

Wala rin akong rason para maging rebelde sa hindi pagpapaaral sa akin, hindi ako makapag-rally at magsisigaw na “ang edukasyon ay karapatan blahblah” sa bahay namin dahil pinagaaral naman ako.

Wala rin akong masabi na wala akong mga kaibigan na manlilibre sa akin sa oras na gusto kong maging oportunista. Hehe, marami ako nun… LIBRE! Libre… libre kopya pa nga sa school kahit hindi ko naman gustong mangopya, may mag-aalok talaga. Hehe.

Pati boypren minsan, ibinenta sa akin, pero libre..oha! SAYA! Wahaha!
Higit sa lahat, hindi ko pwedeng sabihin na walang nagmamahal sa akin, kasi, may DIYOS na dakila na nagbigay ng buhay sa akin, at nagbibigay pa rin hanggang ngayon.

Yung hindi bumawi nito kasi malamang hindi pa niya napapadama sa akin ang lubos na pagmamahal niya.

Wala, tinatawanan ko nalang ang mga nangyari sa akin. Tawa talaga.

Maswerte, o hayaan niyong sabihin na blessed(hindi lucky) ako dahil yoon talaga e.

Hinding hindi ko talaga pinagsisisishan ang nangyari sa akin na ito (ulit ba ng ulit?) basta, marami akong natutunan ditto, turning point naman. Marami akong naalala. Kung iisipin, hindi ko dapat naranasan ang mga bagay na ito pero naranasan ko. Toink! Kasi, kasi, kasi, magagamit ko ito sa pagtulong sa mga tao na makakaranas ng mga ganito.

Wala kasi akong karapatan na magsalita na “okay lang yan blahblah” kung ako mismo, hindi ko naman talaga alam kung anong pakiramdam na maharap sa ganitong sitwasyon. At dahil naranasan ko na, WAHAHA…batas na din ako..toink! masasabi ko na sa iba na
“naramdaman ko na yan, at walang mangyayari kung magpapakain ka sa mga negatibong emosyon, ramdamin mo din yung pagmamahal sa iyo ng iba, masayang mabuhay, minsan pwedeng malungkot, pero mas masayang maging Masaya”


mamamatay na ako, malapit na. . . kung di ako mabubuhay ng matagal, sana di na ako mabuhay ngayon pa lang. . .

nakakawalang ganang mabuhay, di ko maramdaman ang kahalagahan ko sa mga tao sa paligid ko. . .


Ano bang nagyari kay kookoo?

Ah, hinanap lang yung sarili niya ng sandali, tsaka nagpapansin at nagpaimportante na rin. Ahaha!

MAGULO AKO, PERO TOTOO… hehe, an labo ko talaga!
Hmmm, maraming nagmamahal sa akin, marami… bulag lang ako minsan…