Wednesday, June 4, 2008

sa ika-2 buwang anibersaryo

“wala ba kayong teaching sa group niyo na tumtulong man lan sa bahay? Maghugas ng pingan, o magwalis walis sa bahay, o kahit magayos lang man ng pinaghigaan?”

May mga naimbitahan akong mga kaibigan kagabi, mayroon kasing maliit na selebrasyon para sa kaarawan ng nakakbabata kong kapatid. Lumapit ang aking ina sa lamesa kung saan kami nakikipagdigmaan ng parang mga patay-gutom (actually OO TALAGA). Masaya ako na may nakapunta ulit sa bahay na mga kaedad ko, bihira lan kasi ang mga pagkakataong ganun.

Pero muli, ng marinig ko ang linya ng aking ina tungkol sa pagtulong sa bahay, nalungkot ako pero di ko inalis ang disposisyong masaya. Sayang ang oras kung magmamalungkot ako, may mga bisita pa naman.

Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na yun, lagpas sa literal na pakakangahulugan ng “pagtulong” ang naintindihan ko.

“lalai, tapos na ba kayong kumain? Huhugasan na kasi naming yung mga pinggan” –ate helper sa bahay

“a, sige, a. . .e. . . anong kailangang gawin?” –kookoo(na tinatawag na lalai sa bahay)

“hindi, ako nalang” –ate helper

Ninais ko siyang tulungan, alam ko sa sarili ko na may kasamang pagkukusa ang nais kong pagtulong. Pero natanggihan. Sige nalang kako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung ano ang pagtulong na kailangan kong gawin. Naalala ko pa ang ultimong reaksyon ko sa pangyayari, nataranta ako kung paanong pagliligpit ang kailangang gawin sa mga platong pinagkainan, bahagya.

“halata ka talaga ate kookoo” –arjan

Naintindihan ko ang nais ipahatid ni arjan, na hindi talaga ako sanay sa gawaing bahay, na may mga nagsisilbi para sa akin.

“eto, para mo namang pinararamdam sa akin na wala akong kwenta” –kookoo

“hindi sa ganun” arjan

“oo, naintindihan ko talaga ang ibig sabihin mo, pero dahil ganun blahblah, ayun na din ang patutunguhan nun” –kookoo (hindi ako galit nyan ha, hehe)

Nahiya ako bigla, ayaw kong iniisip ng mga taong mayaman kami. Hindi talaga kami mayaman, siguro, hmmm, sadya lang kaming asa sa mga magulang at sa mga tao sa paligid namin. (o sige, di ko na idadamay ang mga kapatid ko, si kuya may pera na. . . si bunso, madaming alam sa bahay, siyeeeet, nakakahiya nga pala talaga ako. hayaan nyo akong baguhin ang mga sinabi ko). Siguro sadya lang AKONG asa sa mga magulang at sa mga tao sa paligid KO. (okay na?)

Hindi ko alam kung anong pinagsusulat ko ngayon,parang napakapointless, basta naramdaman ko lang na, kelangan ko ng wakasan ang mga pananaw ng tao na mayaman ako (siyeeeeeet, naglalakad na ako pauwi dahil wa akong pera), na oras na para kalimutan ko na na may mga taong nagsisilbi para sa akin. Na may sarili akong paraan para masabi ko na may silbi din ako.

Habang nabagot habang nagsusulat, binuksan ko ang player ng pc ko, at isa lang ang tugtog na napili ng mga mata ko, ANNIVERSARY SONG ng KIKOMACHINE.

Letse hoho. . . nayun ko lang naalala dahil sa kanta, ika-2 buwang anibersaryo na ng ganap kong pagiging tambay. Tapos na ang binigay na palugit ng sikolohista ko para masabi kong “ready na akong magtrabaho”

Wala na akong kakampi ngayon para sabihing “hindi pa ako handa”

OO na, maghuhugas na ng pinggan, magwawalis walis na. . . magaayos na ng pinaghigaan.

OO, AAYUSIN KO NA ANG RESUME KO. OO NA!!!

Gaya ng dating plano, magtuturo ako bilang volunteer sa isang SPED class dito. Hindi man ako kikita ni singko sa trabahong papasukin ko, at least, makikita dito ang totoong pangangahulugan ng paglingkod ng walang kapalit.

Uh, natatamad ako. . . OO NA NGA, GAGAWA NG RESUME, eto hindi ma-jowk!!

Isang taon nalang, ako na ang may responsibilidad magbayad ng bill ko sa selepono. . .nakoooooo. . .

-

Tsk, tapos may kj pa kagabi, di man lan sinagot yun tawag ko, ipapagreet ko pa naman sa lahat ng mga kaprends ko. di bale na, lablablab padin.

“pag naging boldstar ako, hindi ka na papansinin, wala ng hahabol sayo. . . pag naging boldstar ako” -kikomachine

boldstar?!? anu daw?! kung anuano nanamang pinakikinggan kasi.ahaha

0 iba't-ibang reaksyon: