Anak: tatay, totoo po bang may multo?
Tatay: ano ka ba naman anak, walang multo. Bakit mo natanong?
Anak: sabi po kasi ni yaya may multo
Tatay: anak... mag-impake na tayo...ngayon na ngayon na... WALA TAYONG YAYA.
-
Marami talagang bumabagabag sa isip ng mga tao(ewan ko sa inyo, sa akin oo, tao kasi ako..hehe)..
NAKAKAPAGPABAGABAG! (sige nga, bigkasin mo) ...
Maraming tanong... minsan pa nga makakatanggap ka pa ng bobong kaisipan.
Maraming tanong... minsan nga makakarinig ka pa ng nakakatuwang sagot.
Maraming tanong...minsan nga, malalaman mo yung TOTOO...
Yung totoong NAKAKATUWANG BOBONG SAGOT NG KAISIPAN...
Na minsan, nakakatakot tanggapin at paniwalaan.
Sa oras na malaman mo na yung totoo, na kumpirmado... tsaka ka naman basta-bastang aalis.
PARA SAAN PA AT INALAM MO YUNG TOTOO KUNG AABANDUNAHIN MO LANG DIN?
Karuwagan nga naman ng tao, nakakaaliw.
(January 31, 2008)
Thursday, January 31, 2008
e para saan pa?
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 2:50 AM 10 iba't-ibang reaksyon
Wednesday, January 30, 2008
yun nalang..di pa naibigay!
(kanina, enero 30, 2008)
nasa-fx kami ni mami aps, dahil nasa likod kami, patalikod din ang tingin ko, masyadong ma-effort kung sa harap ako haharap...
garabe ang trapiko, ang sarap magpasabog ng mga sasakyan..grrr.. o well, natripan ko nalang makipagtitigan sa mga tsuper na nakakatapat ko...
yung iba, mga pampasaherong tsuper(uh, tama ba yun?)... pilit ko talagang sinisilip kung anong hitsura nila, matanda na ba..bata, bulakog ba o singkit...maputi ba o maitim...
pero sobrang na-magnet ako nun isang naka-tsikot na tsekwa... ang gara ng kotse niya... ang gara talaga..
napaisip, siguro, kwalipikado to sa kwalipikasyon ko... hehe, (sabi ko nga gusto ko na may kotse ang mapapangasawa ko diba...seryoso ako dun... juklan,ah, bahala ka na!)
jampak ang trapik oo... napatingin ulit sa kotse, ang ganda...
may isang batang lumapit at nilinisan ang salamin nito... ninanais nung batang linisan yung salamin sa pagnanais na makakuha ng kaunting salapi kapalit ng serbisyong ipinagkaloob niya..
"PPPPPPPPPPPPPPPPPPOOOOOOOOOOOOOOOOOOOTTT!"
isang napakahaba at napakalakas na busina ang sumalubong sa bata... na ikinagulat ko din...
(nasa loob ako ng saradong sasakyan kaya hindi ko na dapat narinig ang busina, pero ang lakas talaga)...
yung lakas na parang nagmamadali kasi emergency, yun labas na yung ulo ng bata kung buntis man ang sakay nito.... ngumangawa ngawa pa...
KASO mag-isa lang itong si lalake(na baga-bading umarte)... nakakaasar...
di na din siya natapos kawiwisik nung tubig upang linisin tung salamin ng kotse niya.... nakita ko din kung gaano katapang ang mga matang nanlilisik na nakatingin sa batang naglinis ng sasakyan niya...
ANG SAMA NIYA, DI SANA PINAGBIGYAN NALANG NIYA YUNG BATA... kahit piso yata, tatanggapin naman yun... at malilinis naman niya yung kotse niya...
napakasamang ugali ang ipinakita...
MADALAS, SINASABI NATIN(TEKA, MAAARI KO BANG ILABAS ANG SARILI DITO?) NA WALA NG PAG-ASA ANG PILIPINAS...
NA MAHIHIRAP TALAGA ANG MGA TAO DITO, ANG MGA PILIPINO.
NA KUNG HINDI EDUKADO ANG ISANG TAO, WALA NA RIN SIYANG KARAPATAN NA MALAYANG GUMALAW NA HINDI SIYA IIWASAN NG MGA TAONG UMAARTE NA NAGYAYAMAN-YAMANAN(NA PARA DIN HINDI EDUKADO KUNG UMASTA, B*STOS!)
nadama ko yung pagsisikap nung mga batang maglinis ng kotse ng iba, umaasa kasi sila na dahil sa sipag na ito, makakakain sila...
hindi sila nanlilimos lamang at tumatambay sa gilid, NAGTATRABAHO SILA!!
hindi ko rin masyadong maintindihan ang mga taong hindi nararamdaman na mawserte sila, NA MERON NAMAN SILANG KAYANG IBIGAY...pero uupo-upo lang sa mga kotse nilang parang diretso na sa i*******...
WAG MONG SISIHIN ANG IBA KUNG SA TINGIN MO HINDI NA UUNLAD ANG PILIPINAS...
IKAW.. TIGNAN MO MUNA KUNG MAY GINAGAWA KA! BAKA NGA NI ISANG HAKBANG WALA KA!
hoy, lalakeng tsekwang nakatsekot, ang yabang mo! hindi ikaw ang taong dapat pagaksayahan ng oras... nakakahiya ka, umalis ka nalang ng pilipinas!
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 5:08 AM 6 iba't-ibang reaksyon
nakisamang kalangitan
matagal-tagal na ding hindi tumatahak ang mga luha sa pisngi ko... nung disyembre pa yung huli...
hindi pa rin ako ganoon kanormal kung luha, iyak, pasakit o kalungkutan man ang paguusapan, ako kasi yung taong nanaising balewalain na lang yan... hindi para mapagtakpan at mag-inarteng matapang ako... ayaw ko lang na may mga malulungkot para sa akin.
lubos lamang ang pagaaalala ko sa iba..
"ayaw kong ako ang magiging rason ng kalungkutan ng mga taong nasa paligid ko"
yan yung tinatawag sa ingles na "selfless love"
mahirap, kung tutuusin. pero mas hindi ko kakayanin kung hindi ko isasabuhay yan.
masaya na rin na nailabas ko ang luha kasabay ng paghihirap ko kay tatay lee, hindi ko siya tatay pero kinokonsidera ko siya bilang isa. isa ito sa minamahal ko na kaibigan ngayon...
matagal din ang pag-uusap namin. lumiwanag na nga't lahat. umaga na, kelangan ko ng umuwi...
ito ang pinakanatunan ko sa kanya
na tama naman ang ginagawa kong accountability sa iba yun nga lang, nabibigatan ko kasi hindi ko ito ipinapasa-Diyos.
okay na ako... umuwi, natulog.
pupunta kasi ako sa paranaque para tapusin ang thesis namin.
ng maibahan sa sistema...
hindi ako magiinarte, pero... parang hindi malabo na, meron akong malub....blahblahblah...
napaisip, siguro... wala na akong future kaya hindi ko na naiisip ang future ko...
habang gumagawa ng thesis napatanong sa mga kagrupo...
koo: ano kayang nararamdaman ng mga taong malapit ng mamatay?
kent: ANG DAMI MONG INIISIP
"ang DAMI KONG INIISIP"
yan ang madalas kong marinig sa mga tao ngayon....
==============================================================================
nagiging bugnutin na ako..nakakainis.
==============================================================================
usap blog.... masaya naman akong naitulak ko si jez, gboi at pidoy na magblog sa labas ng dating blogsite na sinusumpa ko..hehe
sige, sulat lang kayo...
==============================================================================
kanya-kanya ang istilo ng mga tao, kaya mahalin nalang natin kung ano yung ATIN
==============================================================================
kaninang ala-sais
cheng: o, ano, naghihintay ka nanaman ng sunset
koo: (ngumiti....)
==============================================================================
naghintay ng ilang sandali.... ang liwanag ng araw, nagpapaalam na... bumaba ako ng building.... 8th floor, tinakbo ko pa ground floor...
okay naman, lumawit lang ng konti yung dila ko....jpg)
(sa school to, FEU)
tinex ko si kah, jez at karol upang sabihing napakaganda ng kalangitan...
pag balik ko sa itaas... "hinahanap ka kaya ng lahat kanina....."
"nasaaaan si koooookooooo, dali ang ganda ganda ng kalangitan"
hmmm, Nakaiwan naman pala ako ng alaala sa mga kaklase ko..alam na nila na inaabangan ko talaga ang mga ganoong pagkakataon...
masaya ako na masaya sila para sa akin....
at naghinayang na hindi ko nakita yung nakita nila....na sa katunayan ay nakita ko, at hinanapan pa ng ibang anggulo...
================================================================================
(sa text)
karol: malungkot?
koo: sino? ako? bakit mo naman sinabi?
karol: hindi, yung sky?
koo: malungkot nga yun sky, pero the sky was trying to show how worthy "she" was to be looked at...and appreciated
nakakawindang na si karol... na taong hindi ganoon ka-okay sa art analysis ay nakaramdan ng kalungkutan sa panahong iyon...jpg)
================================================================================
karamdam-ramdam na nga ba?
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 5:02 AM 10 iba't-ibang reaksyon
Thursday, January 24, 2008
napaisip.
nakakalunkgot naman, hindi na ako nakakapagpost sa mismong araw ng mgpangyayaring inilalathala ko...
hindi ko na lugod maramdaman ang nadama ko...
kanina binalak kong magsulat ulit... dito mismo, habang may net pa ang computer na ginagamit ko... pero wala, hindi NANAMAN...
bahagyang hirap ako, baka ano kasi ang maisulat ko, hindi ako ayos ngayong araw na ito, simula pa kagabi sa katunayan....
nakakalungkot....ang lungkot...malungkot.
habang lumilibot sa mundo ng blog, napadaan nanaman ako sa blog ni gg.gasti, naghanap ng maaaring mabasa... at dahil bata pa ako(TALAGA), nahatak ang paningin ko ng "for kids only"..
enjoy namang magbasa, tawa nga ako ng tawa ng mag-isa dito... kulang nalang maghahagalpak pa...
malamang sa malamang, sa lahat ng nakasulat, dito talaga tumutok ang kamalayan ko..
top 10 ugali ng mga babae kapag inlove
ayun, tawa ako ng tawa...talaga! click mo nalang at makitawa na din..
pero napaisip, kung pagbabasehan ko ang mga ito, sasabihin kong "HINDI AKO INLAB"...
pero gaya din ng sinabi niya na "wala akong sinabing sasagutin ko kayo ng matino" ibig sabihin, hindi talaga tamang batayan ito... enjoy enjoy enjoy lang talaga... pero may point.... may katotohanan talaga, deviant lang ako kumbaga...
napaisip, inlab nga ba ako?
hindi ko alam...
pc: pagod ka lang
koo: sabi ko nga.
di bale, hindi ko naman kailangang magmadali...
(kuha ni yatchoy na anak ko, nakakaproud siya masyado, lalo na nung nalitratuhan niya to..sa antipolo to, ako na yung naglagay ng caption)
-
teka, naalala ko tuloy ang sabi ni kah..
(ako yan, pagnakatalikod... umarte pa, may attitude pa kamo ako niyan, di naman kita kasi nga di naman nakaharap.... nilangyan ko din ng caption, yun yung sinabi ni kah... iclick mo nalang para mabasa mo ng mas malaki-laki)
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 4:33 AM 8 iba't-ibang reaksyon
mukha ba talaga?
Ang umaga, ayon, ayos naman... kumain ako ng agahan, gaya ng nangyayari sa akin tuwing kumakain ako ng breakfast, ayun, sumasakit ang tiyan ko... consistent yan mga kapatid... grrr... matapos kumain, natulog ULIT ako...
Nagising upang maligo...nagbihis..badtrip, wala akong uniporme, hindi ko pa napalalaba...nais man akong pahiramin ng aking kasamahan sa kwarto e,wala, butas yung blusa na maaari kong hiramin... nauwi ako sa sibilyan na get up.badtrip!!
Nagaral-aralan sa polsay, nako, exam nanaman..eto yung asignatura na hirap na hirap akong pumasa sa mga pagsusulit... badtrip, kelangan ko mag-aral...
Nag-basa-basa ng 10 minutes, tapos natulog ulit...
Nagising, natulog ulit....at natulog ulit...at natulog ulit..
Gumising, nagbasa-basa... aalis na ako.
Hindi ako nahirapan sumakay sa jeep ngayong araw, impeyrnes, bihira lang ito..bwahaha... kaso ng makaabot ng Espana ang jeep, uhh? Kelangan na naming bumaba.. may rally. Badtrip
Hindi ko maiwasang hindi makitingin-tingin sa mga ralyista... sila yung mga magsasaka na hindi ko maintidihan kung anong pinagpuputok ng butsi nila. Ah, naghahanap ata ng CR.uh?! toink!
Naglakad ako, halos katabi ko na sila. Di ko rin maiwasan na may makasalubong na mga...hmmmm.. mukhang mga nag-aaklas... at hindi malayo ang hitsura nila sa akin. Mga estudyante ito... na sa palagay ko ay ditto lang rin sa kamaynilaan lumalagi.
Liban sa mga ralyista, naglipanan din ang naglalakihang mga kamera at mga mapormang litratista. Napaisip, kamera nalang pala ang kulang sa akin, kahawig ko na rin sila. (an sabe, trying hard..hehe)
Umakyat ako sa overpass, hindi para makiosh-shosho... makiusyoso pala sa mga limpak-limpak na mga magsasakang nag-aaklas. Huwaw, napaselfpity lugod ako ng di oras, hindi ako makapagsabayan sa baga-barbel na kamera nung mga kung sino man sila... gara! Ako, nasa tabi nalang. Kinunan ko pa rin ang mga nag-aaklas na parang naiihi lang naman talaga... bakit ba kasi mainit ang ulo nila?
Pc: a siguro meron...
Koo: baka nga.
Yung nga lang, kung sa konsyerto, wala ako sa moshpit... kaya tuloy walang kwenta yun nalitratuhan ko.
(mahaba talaga yang linya ng mga tao na yan....tsaka makulay sila, parang reynbow...yeknow).. walang eksaytment, patay! Bulaklak sa pader...(napakahaba niyan..yang nga lang ang kinaya ng maling anggulo ko...nasa gilid nga lang ako ng mga nasa gitnang mga litratista diba? kasama pa ang espesyal na partisipasyon ng mga binebentang payong)
Nang makapasok sa eskwelahan(matapos maglakad ng di naman kalayuan, pero malayo, uhh?!).. pumasok sa isang opisina upang makikulit sa mga ka-eskwela..at dahil nga hindi naman ako nagsi-civilian habang may pasok, nagtaka naman sila
“o, bakit ka naka-ganyan?”
“a, sumama kasi ako sa rally”
“ahhh”
Letse, mukha ba talaga akong sasama sa rally?
Habang nakikita ang mga ibang kaklase, walang tigil ang tanong ng mga ito kung bakit ako naka-civilian... at ang sagot ko, dati lang
“sumama kasi ako sa rally”
Ni-isa sa kanila wala lang nagtaka.... may nagsabi “ah, naglitrato ka ba?” medyo matinong kaibigan to...mas naisip na kung sakali, yun ang dahilan ko at hindi pagaaklas...hindi naman ako magsasaka indeperspleys...
Matapos ang isang leksyon, lumipat na kami ng kwarto..eto na polsay na, nagrerebyu-
rabyuhan kami ni kah...
Nagkatinginan kami ni propesor ho-ra-si-yo....
“why are you not in uniform?”
Napaisip ako ng isasagot ko,
hulaan mo ang sagot ko:
a. hindi pa po kasi napapalabhan
b. la lang, trip like wearing civilian sir
c. galing po kasi ako sa rally
naiisip ko ng sabihin na wala akong uniporme kasi hindi ko napalabhan, pero gaya ng mga nakaraang propesor mula nun ako’y musmos pa, sinasabing “hindi rason ang hindi paglalaba ng damit”
sinabi ko nalang, gaya ng sinabi ko sa karamihan....
“sir...a..ehhh... ga-ling po ako sa rally”... yung salitang parang may alinlangan...
Napatango nalang si sir
Nagulat si kah sa sinabi ko, pati ba naman sa prof, yung ang inirason ko...
Ang galing mo, mukhang paniwalang-paniwala si sir... ang sinasabi pa ng pagtango ni sir ay “a nirerespeto kita”
Medyo kinabahan ako sa ginawa ko.. baka kasi tanung-tanungin nya ako at wala akong maisagot.. kung makakasagot man ako
“ahhh...ehhh...ewan ko po sir” tooogsh! Dali ako nun, sira ang kredibilidad. Baka ibagsak pa sa pagiisip na ginagago ko siya..
Jan21,2008
Koo: aba, mukha ba talaga akong galing sa rally
Kah: oo... diba nga sabi ko dati sayo
Nagreminisce kami bigla...
1st sem(sept): papunta sa UPD
Koo: kah, sa tingin mo ba magiging aktibista ako kung sa UPD ako mag-aaral (naghihintay ng gustong marinig na sagot na HINDI)
Kah: OO
Koo: (tooogsh! Basag).. oh? Bakit o naman nasabi
Kah: wala, sa school pa nga lang ang dami-dami mo ng sinasabi... angd dami mo kasing naiisip
Koo: hindi naman a, di ko nga maramdaman...dahil ba kayang walang nagti-trigger?
Kah: oo naman, paano pa kaya kung nakasama ka sa Advo(Advocate, official newspub ng school)? May pagka-radikal ka kasi.
-
Naalala ko ulit yung pinagusapan naming dati... pero hindi pa rin ako makapaniwala HANGGANG NGAYON.
-
Rico: bakit ka nakacivilian
Koo: galing ako sa rally
Rico: o, bakit ka sumama? Paano kung damputin kayo at ikulong?
Koo: uhh, bakit naman kasi ikukulong? Matagal ba bago makalabas?
Rico: oo pare, ibe-bail ka ni mama at papa mo
Koo: excuse me, i only have mommy and daddy... at “bail”? nagreview ka bas a polsay?
Rico: mahina na kaya ang dyes mil diyan... ako natry ko ng makulong...
Koo: o, bakit?
Rico: bagansa
Koo: ano yun?
Rico: yun yung nakatambay kasi kami matapos ng gimik
Koo: ahhh, mahirap? Nasa loob talaga kayo ng rehas? Gaano kayo katagal? Binail ka ni mommy mo?
Rico: oo naman, magdamag yun. IYAK NGA NG IYAK SI MOMMY NUN
Koo: o, ikaw anong pakiramdam mo(nageexpect na isasagot na nalungkot, natakot o naiyak siya)
Rico: ANG BAHO!!
Nako, ewan ko nga ba kay rico at ANG BAHO ang sagot sa tanong ko ukol sa naranasan niya,..akala ko pa naman emosyon ang isasagot.
-
Naka-FISHERS OF MEN SHIRT pa pala ako kanina.. kaya malamang samalamang, akala ng mga tao e talagang nagrally ako nun... medyo dugyutin kasi ako kanina..
(eto yung shirt, may bible verse pa yan...ü gusot, galing kasi sa hamper..gusto ko lang talagang ipakita..kaya kinalkal ko pa sa basurahan...hehe..ü)
Hindi nga pangmagsasaka ang FISHER pero mangingisda, pero hindi mo masisisisi ang isip ng mga tao na hindi mahiwalay ang isdaan sa agrikultura...kaya hindi agad nito maiisip na hindi angkop ang damit para sa totoong sigaw ng mga ralyista.
(eto yung damit ko nung araw na yon... alisin mo lang yung hoodie, sapilitan na pagposing yan...hiling ni rico, kahit sabi ko sa kanya litratuhan niya ako sa totoong kasuotan ko...kaso, wala akong nagawa..tsk! ayan, with the special participation nanaman ng payong..payong ko na yan this time... teka, ano palang kumento mo sa posing ko diyan? bawal sumagot ng "emo" ha...)
-
Napaisip tuloy ako kung sasama ba talaga ako sa mga rally... kung sakaling Makita ko talaga ang mali..sasama ba ako?
Napapaisip tuloy ako, gusto kong maging etnograpista. Gusto kong alamin ang buhay ng mga taong ito... bakit, at para saan.... bakit at para saan ang rally?
Pero ganun pa din, nais kong maging litratista...ayun. minsan, gusto ko rin puminta nalang...minsan nga naisip kong maging basurera(wal halo joke to, sana makwento ko next time)
Anu ba naman to, ang wirdo ng mga ginugusto ko..bakit ba hindi nalang magstik yung utak ko sa pinagaaralan ko ngayon... pero napapaisip talaga ako, ayos kayang maging ethnographer???
Radikal nga ba ako? Hindi ko naman madama... totoo! pero marami akong naiisip...ah, basta..
Mukha nga ba akong litratista?
Ralyista?
E Dugyutin?
Marapat bang maglakad ako at bumaba agad dahil sa rally?
Mabaho ba talaga sa loob ng kulungan?
Kung iiyak kaya yung nanay ko, mas maiisip ko pang mabaho sa loob ng selda kesa isipin ang nararamdaman ng ina ko?
A, ewan...
-
Pero trivia: noong lunes, kasama ko si kapita-pitagang fjordz papuntang DOJ...
makikisama kami sa rally... PRESS FREEDOM to dod! Este dude... kaso hindi na naming inabot, ilang beses kasi kaming nakarating sa maling destinasyon, badtriiip... ayun, nauwi sa date... pero, teka, hindi ba senyales na rin ang rally na yun, bakit kaya ninais kong sumama?
HALA, NAKAKALITO...NAKAKATAKOT AH...
Antok!
Alas tres..
(nakakahiya, dapat alam ko pala muna yung rason nila bago sila nag rally... nasa kumbento kasi ako kaya walang balita...sana may magdala sa akin ng dyaryo... pero okay na rin ang pagregalo ng radyo...okay na din ang tv kung wala kang choice, ayos yung plasma tv)
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 2:59 AM 5 iba't-ibang reaksyon
etiketa: walong wirdo...
ang tagal na nito... tag to ni fjordz...ü
RULES:
1) In the 8 facts about [you], share 8 things that your readers don't know about you. At the end, you tag 8 other bloggers to keep the fun going. Each blogger must post these rules first.
2) Each blogger starts with eight random facts/habits about themselves.
3) At the end of the post, a blogger needs to choose eight people to get tagged and list their names.
4) Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
wirdo..limpak-lipak na tao na rin ang nakapagsabi na wirdo ako… ang weird ko, ang wirdo ko, ang weirdo ko, weirdotik ako.. lahat na ng kung anu-anong tsuba basta ang ini-imply ay weird ako, narinig ko na yan. Pati nga tingin ng mga tao na nagsasabi na ang weird ko e alam ko na yan.. panis!
Minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga ang basehan ng pagiging wirdo. Ayon sa pagkakaintindi ko, ang salitang ito ay ginagamit upang mabigyan ng karakter ang taong may kakaibang mga Gawain o pag-uugali. Yung hindi madalas na makikita sa normal na kapaligiran. Deviant kung baga. Sabi ko!
Bakit, kasalanan bang hindi mapabilang sa norm? whatever!
“pinagtatawanan niyo ako dahil kakaiba ako… pero pinagtatawanan ko kayo dahil pare-pareho kayo”
–halaw sa salita ni..um…ehh, di ko alam, basta nabasa ko yung bersyong ingles nyan, kinuha ko lang yung kaisipan.
1. Nagiging narcissistic na yata ako. Ahem, sa totoo lang, simula noong bata pa ako, umani na ako ng mga pahayag na maganda ako.. “kagandang bata”, “ang gandang bata”, “ang ganda ng anak/apo mo”.. tipong ang daming umaangkin na nagmana daw ako sa kanila, huh? Ni hindi ko nga kamag-anak yung iba..ano ako, singaw? Isa din sa mga una at nabibilang na natutunan kong mga salitang ilokano ang linyang “nagpintas”. Laking pagtataka ko kasi simula pa nung bata ako kung ano bang ibig sabihin nun. Akala ko kasi yun yung ayos ng buhok, yung braids.. nagpintas, akala ko nagtirintas ang ibig sabihin nila. Eh, ang tuwid naman ng buhok ko. Ah, maganda pala ang ibig sabihin nun. Ang salitang “kanos” naman ay nalaaman ko dahil sa president naming si Gino, 3rdyear college na ako nun, first time ko yung marinig… bikol term daw yun na ang ibig sabihin ay pangit.. ah, ni hindi kasi ako nasabihan niyan dati( take note, lumaki ako sa Bicol)..depensa ko, na totoo naman talaga.
Meron pa akong mga naaalala na mga anak ng mga amiga ng nanay ko na nirereto sa akin. Kesyo magiging “KAMI” daw ng anak niya pag laki namin. Hiniling ko tuloy na wag nang lumaki,tsaring lan! Basta
O, anu na? masyado ko na bang pinagdiinan na maganda ako? Eto kasi yun sundot dito. Wala, kahit man magandahan ako sa sarili ko, “iba parin ang palagay ko sa mga tao sa paligid ko, feeling ko ang pangit ko.” Hindi pansinin. Baga kulangot sa pader…ay!bulaklak pala! Amoeba oo!! Di ko alam kung bakit ako lumaking ganito, mababa ang kumpyansa sa sarili. Feeling tsakanes. Parang gulat na gulat at tuwang tuwa ako sa mga taong nagsasabi na maganda ako, palagay ko kasi ang pangit-pangit ko sa paningin ng iba. Minsan sinisigurado ko pa bago ako magreact at magpasalamat. Parang alam ko lang sa sarili ko na maganda ako pero sa ibang tao, Malabo. Basta, mahirap ipaliwanag pero alam kong gets mo na… aaaahhh.. koka kolai!! Weirdo diba?
Medyo kadugtong nito yung ang lakas-lakas kong mangmotivate ng iba na maging positibo ang tingin sa buhay pero ako mismo, kalahating lubog sa negatibismo.
2. Hindi ako madalas magkamali ng mga desisyon..siguro 60% o kaya’y 50%+1 ng mga desisyon ko ay nasa tamang tahakin. Yung iba dun, uhmmmm..togodoink! Ewan ko nga ba kung bakit pagdating sa direksyon, ang bopols bopols ko. Ako yung taong laging naliligaw, literal- as in. meron pang isang araw na nawala ako sa divisoria loob, divisoria labas, quiapo, at intamuros. OO, isang araw lang ito, sa apat na destinasyon agad ako nawala. Parang araw-araw akong nasa loob ng Labyrinth. Parang dagang pinageeksperementuhan(pero talo pa nila ako impeyrnes..imbyerna!) Sabagay, sabi nga ni Ajoy “normal lang yan, sa SM nga nawawala ka” sagot ko naman “sa DORM nga lang natin naliligaw ako, paano pa kaya sa SM, divi, quiapo at intramuros diba?” oo, inaamin ko naman. Di ko alam kung bakit sobrang wala akong sense of direction. Pero proud naman ako sa sarili ko na madalas man akong mawala, nakakarating parin akong buo sa kung saan destinasyon ko man plinanong pumunta, at hindi ako umuuwi ng walang napapala. Yun nga lang, madaming oras ang napupunta sa kawalan sa mga oras na dapat ay nasa lugar na ako ng dapat ay naroon ako. Gets? Getch!!
3. Gaya ni Pyordan at kung sino-sino pang matatalinong katauhan, hindi ko man hilig ang mag-isip pero may sarili itong pagkukusa. Tipong pagal na pagal na gumagana parin ito. Remedyo? MATULOG. Marami ang kumekwenstyon sa mahabang tulog na ginagawa ko. Kesa ikakain ko, itutulog ko nalang. Kesa sa ano pa mang bagay, a basta..AKO, MATUTULOG. Hep hep, anong wirdo dito? Hehe.. nasubukan mo na bang tumingin sa malayo? Tipong parang ang layo-layo na ng nilalakbay ng mga naiisip mo. Nakatingin ka nalang sa kawalan at napakalalim ng mga naguumpugang pananaw? Yung tinatawag nilang “TULALA”?
Kookoo: (malayo ang tingin, tualala)
Tuk’ko: parang ang layo-layo at ang lalim-lalim ng iniisip mo
Kookoo: huh? WALA NGA AKONG INIISIP E.
Ayun yun, sa dinami-dami ng mga kakilala ko, ako palang ang taong kilala ko na pwedeng tumulala ng walang iniisip, blanko. Ang weird talaga!
4. Kapag nakakaramdam ka ba ng pagsusuka, napansin mo bang bumibilis ang paglabas ng laway mo? Normal yun, pero ang pagkati ng mukha pag inaantok? Hmmm.. ako lang yun.
MABABAW LANG ITO ^
ITO HINDI v
5. Alam mo ba kung ano yung emoticon? Oo, yun yung madalas na nakikita sa mga message box ng mga tsorba sa internet. Yun yung mga emotions na nararamdaman natin na hindi natin maexpress kasi nga sa computer lang. parang sa bawat pahayag maglalagay ka nito para malaman ng kausap mo kung ano ba talagang nararamdaman mo sa oras ng pag-uusap niyo.
Halimbawa: >> kookoo: hindi ko na alam ang kelangan kong gawin o_O?
maglalagay ka ng emoticon para maemphasize na nalilito ka na. basta, gets mo nay un, alam ko.
Pero, nakakita ka na ba ng buhay na emoticon, OO, buhay. Kung hindi pa at gusto mo, try mo akong hagilapin at magkekwentuhan tayo. Tsaka mo masasabi na “OO NGA, PWEDENG MAGING BUHAY ANG EMOTICON” kahit ano pang nararamdaman ko, kayang kayang kaya ko yang ipakita… yun nga lang, kaya ko ding itago… pero kung walang rason para itago ito, sos! Magsawa ka! Ahaha.. matatawa ka nalang sa kawirohan..
Cathy: ikaw talaga, ang dami mong emosyon
-
Phoebe or MiKwinsi: si kookoo, emoticon
6. Vulnerability. Haha, isa ito sa kawirdohan ko, grabe akong maka-adapt sa environment ko. Kahit ano pa mang emosyon yan, kayang-kaya ko yang makuha ng walang kahirap-hirap. Halimbawa meron recitation sa class, hindi ako kinakabahan, pero kapag sinabi mo sakin na kinakabahan ka, malamang sa malamang kakabahan din ako.. hawa kumbaga sa sakit. Ayun, malakas ang hawa sa akin. Pagkagradweyt ko, gusto kong maging propesyonal na counselor. Ahaha, kumusta naman ang pagiging vulnerable ko diba, oh well, pero ang kakaiba pa rin sa akin e kaya kong itago ang mga emosyon na ito. Na sa katunayan ay nadadama ko din. Toink oo!
Kukay Mamen(testi): haha, eto problema ko pinoproblema din
Mark GMK: eto, ang dami daming problema sa mundo. Pinoproblema kahit hindi dapat problemahin
John XD: you’re not God, you can’t fix everything.—ingles, dumugo muna ang ilong ko niyan bago maarok ng nangangalawang kong isipan..
Rico: ate, pati yan, pinoproblema mo? Bayaan mo na sila
Oo, kasabay din kasi ng pagkahawa ko sa mga problema ng mga tao e ang kagustuhan kong maayos ang mga suliraning ito, malamang, naramdaman ko kaya yung nararamdaman nila. Yun nga lang, gaya ng nasabi ko kanina, kaya ko din umartiii na wapakels.
7. iyak. Ako si emoticon tsuba diba?! Pero maniniwala ka ba kung sasabihin kong dumating ako sa panahon na hindi ako umiiyak?(kahit umiiyak na ang isang tao, hindi parin ako maiiyak, walang hawa hawa kung luha ang usapan) Tipong kahit gumunaw na ang buhay pagibig ko e wala pa rin akong tinag. Simula pa hayskul, na-train(hindi tren, pagsasanay yan! Adek!) ko ang sarili ko na wag nang umiyak, bakit pa. senyales ito ng pagiging mahina. Sabi ko. Ayun tuloy, sa mga panahon na iyak na iyak na ako, ah, hindi pa rin.. matapang ako, ika ko…. Mas lalo tuloy akong nahirapan at natagalan gumalaw pasulong(ano ako, sundalo? Heller)… wirdo ba?
(hehe, medyo iba na ang pananaw ko ngayon…. Alam ko na ang tulong na naidudulot nito… di ko alam kung wala lang akong rason ngayon para umiyak o hindi nga lang talaga ako iyakin na nayun… ewaaaaaaaaaaan)-- (nasabi ko na to sa yearender ko..gaya ng sabi ko, matagal ko na itong sinulat)
8. mainlab. Wirdo akong mainlab… di ko na yata makekwento… di ko alam kung hindi ngayon o hindi magpakaylanman(whoops, mel t.. is da you?) pero wirdo talaga… sa mga matatagal ko ng kaibigan alam nila yan… nagreregalo pa nga ako ng aircon e… huh, soogar mame? De ah!
9. ahaha, 8 weird things lang daw diba… e bakit ba, parte ng pagkawirdo ko ang madalas na paglabag ko sa mga patakaran. Wala naman nakasaad na sasara ang butas ng ilong ko kung hindi ko susundin ang rules diba… ni sa mga chain tsorba nga, na mamalasin daw ako ng kasingtagal ng paboritong numero ko e hindi ako naniniwala
Pc: bakit, ilang ba ang paborito mong numero?
Koo: 6OOO..
O diba, 2008 palang kaya… kumusta naman ako, mamalasin nga ako, ang tagal ko namang mabubuhay… ay nako talaga…
Ilang mga gawain na rin sa eskwelahan ang ipinasa ko na lumalabag sa mga patakaran ng mga propesor.
Kahit pa ingles ang pinagagawa ng prop e magpapasa pa rin ako ng mga tagalog o mas mainam na tawaging FILIPINO na lathalain…
Isa pang pangyayari ang pinagagawa kami ng critique na essay KASO poem ang ipinasa ko(ingles nga… pero tula naman)
pero dahil sa mga paglabag na yan, umaani ako ng matataas na marka.
Magkukunwari pa akong magsosori sa mga prop
e.g(pero totoo to)
“Miss gracey, I’m sorry, just felt like writing in tagalog”-koo
“okay lang, nageenjoy naman ako sa pagbabasa ng mga isinusulat mo”-miss gracey ..sabay 100 na grade… woohoooo! O diba, napatagalog din si miss ng di oras..wahaha!
O diba! Bongga!!
Isa pa
“I’m sorry the unpoetic writer suddenly blahblahblah tsorba blahblah”-koo (di kasi talaga ako marunong gumawa ng poem dati, puro essay lang)
“COOL” sagot naman ni miss, um..missss..a..e..sino nga yun? Basta si miss… yun Lit prof na baga-ahas kung magsalita ng “S”…ssssssssssss, ang haba.
10. 10? May ten pa, oo, trip ko e… at saan ka makakarinig/makakakilala/makakakita/blahblah/tsorba ng tao na nakikipagusap sa kompyuter nya(KIYA ang pangalan ni pc… laiPod,short for nikolaiPod, naman yung iPod ko, o diba, may pangalan pa sila)…
Ayun, kaya di ko nga ba alam, dispalinghado na tuloy tong laptop ko, pag di kasi sumasagot niyuyugyog ko… ahuhu, dati sa battery lang ang problema, ngayon pati LCD na, nung isang araw ko lang natuklasan….
WAAAAAAAAAAAAAAHHHH! Ang wirdo talaga! Bahala ka na…
Hehe, pede na ba akong magkabit ng etiketa sa mga blagista prends diyan? Tada! homebodyhubby, duroy, pepe, repah, sheign, jv, jez, pidoy, mj at gboi… sampu yan, tatak wirdo yan…
Pyordaaaan, salamat sa pag-tag… hinalughog ko pa ang buong sistema ni kiya para mahanap to…haha, unang tag sa buong buhay ko… salamat.
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 1:37 AM 3 iba't-ibang reaksyon
Monday, January 14, 2008
etiketa: benteng katanungan
Ay, makapagbagbag damdamin naman ang intro ni REPAH, anyway, haha…
nakakagulat, sa totoo lang, paano kasi perstaym na may nagtag sakin na virtual friend..ahaha, parang tamagotsi(ta-ma-got-si) lang…toink! Hindi, unang tag to ng isang tao na hindi ko naman talaga kaprend sa ibabaw ng mundong kinagagalawan ko sa araw-araw.. hehe, salamat repah(talagang may-h pa…buti nalang bagong tusbras ako)..haaaaaaaaahh..salamhaaaat haaaah,tats akohhhhhhh..
At teka, teka, sa lahat ng tag ito ang unang ginawa ko kaagad..hehe(oo, nakasave lang sa pc)
Fjordz, nagawa ko na yun 8 weird things blahblah tsuba..di ko nga lang mahanap kung saan ko niseyb..lamu naman aku, OC, kaya kung sa kable, sabog-sabog… asarness!
Ge, shimpers nagawa ko na, di ko nga lang din mahanap.. at saka ang adek mo kasi, di mo lang man sinabi sa aking na naka-tag ako.. lamu naman bisi ako.. bisi sa frat ko…
frateng tulog… toink!
1. At what age do you wish to marry?
• Ahaha, kung magbebente na ako..(malapit na malapit na) um, 19 years old gusto ko ng magpakasal…(now? Hindi, magbasa ka kasi muna) oo kaya, 19, no joke, trip ko nang magpakasal nung summer. Ewan ko nga ba’t inlab na inlab ako… parang lutang ebri minute…iniisip ko na yung buhay ko kung kasal na ako….blahblah.. at dahil malupet ang tadhana, iniwan din ako nung trip kong pakasalan. Oha! San ka pa? ano ako, mag-iisang maglakad sa altar with all the expenses? Heelleeer?
• Pero honestly, trip kong magpakasal ng 25… payb years from now yun(oo na, bente na nga ako diba!). Sana lang stable na ang buhay ko nun. Okay lang naman na wala AKONG sariling mansyon, kotse, mga alahas at kung anu-ano pa…basta DAPAT meron nun yung MAPAPANGASAWA KO,.. hekhek.
• May siyentipikong eksplanasyon yan kung bakit dumadaan sa stage ng mga bata na gusto na nilang magpakasal… nagdidischarge kasi ang utak natin ng isang klase ng neurotransmitter kaya nararamdaman natin ang isang nakapataas na lebel ng pagmamahal(na akala lang pala) para sa isang tao sa maagang oras. Kya dapat hindi talaga padalos-dalos dahil mapanloko din ang sistema natin bilang tao, kung tutuusin.
Kung tatanungin niyo kung ano yung neurotransmitter nay un, nako, di ko alam e… hayaan nyo, magpapakadalubhasa ako para matukoy at maipaalam sa inyo.. tsk, ang yabang magbigay ng fact, intro lang naman,,, hehe, tanungin niyo pa kung bakit may bakla, baka masagot ko pa…toink!
2. What color do you like most?
• one lang? how kj naman this tag(ay, konya!) pinaka… Brown na yata ngayon, hindi na fuchsia, kung ibabase ko kasi sa istatistiko ng mga kagamitan ku, wawagayway talaga ang kuponan ng brown… Hehe. May istatistiko pa ako niyan, teknot…
3. If you have the chance, what would you probably say to your beloved one?
• Henep! Buti hindi pa kita niyayang magpakasal..kundi talo ko pa ang nakuryente habang nasa tub… hehe, tsaka hindi naman kita talaga yayayain, dalagang pilipina kaya ako(mebuheeey,mas flying kiss pa yan)… tama nay un ako yung nag-go the distance.. ahehe, tsaka masampahan pa ako ng kaso ng magulang mong parang gwardya sibil, corruption of minor…
Waaaaaaaaaaaah, okay na ako
pc: kookoo, breathe in, breath in, breathe in, beath in, breath in..
koo: breathe out DIN! Naubusan lalo ako ng hangin
o diba, nagusap pa kami ng pc ko..dyan kayo mabilib sa imahinasyon..uh, toink!
Sige, para sayo, pakasaya ka na… kaya naman talaga nating mabuhay ng MAGKAHIWALAY.. anu tayo, Siamese twins? Eew ka! (ay pait!)
4. Which part of you that you hate the most?
• Mata, kahit pa sinasabi ng mga tao na okay naman, I still don’t like it. Ang gaganda kasi ng mata ng mga matang nakikita ko sa bahay(sa aso namin, lalo sa pusa..reflectorized..uh?).. maganda kasi ang mata ni ina at ng mga kapatid ko. Tsaka, napakasinungaling ng mata ko. Maliban sa mahina ang supply ng tubig alat sa mata ko e..basta. YAW KO SA MATA KO. Pero ayaw ko din naman paltan. (ay, ayronik!)
5. When you encounter a sad moment, what would you do?
• Nood concert. Ay garabe. Tas habang nasa gitna ng smashing crowd e sisigaw ako ng malakas, habang asar na asar
• E.g, “********woman na ina mo”… hulaan nyo nalang kung ano yan... ang makahula may premyo. Hehe..
Pc: Sad moment daw, hindi annoying..
Koo: e bakit, blog ko to ah!
Pc: sabi ko nga, sorry boss..
6. What are you afraid to lose the most?
• What? O who? Dahil given na hindi mawawala si God poreber… marapat niyo akong sabihin na si mom. Kahit pa palagi akong asar dun, ang kulit kasi… hehe, pero maasikaso yun tsaka responsable(pag may sakit ako) toink! Hindi, lagi naman.
Yun nga lang badtrip yung manggising(mahilig nga akong matulog dba)… pag nanggising kasi yun parang aatakihin na ako sa puso sa lakas… namamalo pa ng puwet pag wapakels ang drama ko)
7. If you win $1 million, what would you do?
• dolyar? Teka teka, laki nun a… hehe, bibili ako ng malupet na camera at pc
pc: papaltan mo na ako?
Koo: aba’y oo..naghihingalo ka na kaya…
Pc: breathe in, breathe in, breathe in
Koo: ano ka, nagsusuicide? Wag muna, wala naman akong isang milyong dolyar…
Tapos papaayos yun bahay namin, repainting lang siguro..
tapos tapos tapos….
Ibibigay namin sa mga taong worth mabigyan ng bahay … tumutulong din kasi yung pamilya ko sa isang komunidad, pero di ko na naman babanggitin…
Bibili din ako ng madaming madaming BAKA..oongah! seryoso!
8. If you meet someone that you love, would you confess to him/her? Or would you keep it to yourself and observe from afar?
• Tooooooooooooogsh! Sapul. Base sa nakaraan ko, sinabi ko… okay naman SANA..hindi lang talaga kami para sa isa’t-isa..
• Pangit kasi yung may regrets ka dahil sa pagtago ng pagtago… e kung magtaguan nalang kayo?! Sa ilalim ng maliwanag na buwan(ay!! bumabalik sa pagkabata)..
• Depende sa sitwasyon, kung dapat talagang itago, itago..kung hindi.. try, di ka naman mamamatay, MAPAPAHIYA KA NGA LANG… ahihi. Toink!
9. Do you have straight hair?
• Ebersins… pero magtataka ka kasi kulotski si ina.. hindi ako ampon! (kahit hindi ako sinasagot ni ina tungkol sa tanong na “mommy, ampon ba ako?” ahaha)
10. What are the requirements that you wish from your other half?
• O, may “s” yan ha, pluralized! Um, dapat kilala niya ang Diyos tas sa puso ng Diyos niya ako mahahanap…kasi dun naman niya ako tinago.. weeee..
• Dapat responsable…. Mahal niya ang pamilya niya kesa sa mga tropapips…
• Dapat mahal niya din ang sarili niya, para handang-handa na siyang magmahal ng iba..
• Dapat may mansyon, madaming kotse… ibibili ako ng mala-imeldang alahas..toink! joke lan to…
• Dapat alam niyang mahalin at marunong tumulong sa mahihirap.. kung yun ngang mga taong yun kaya niyang mahalin, paano pa kaya ako…
• Oha, sana nasa komunidad lang namin… ah, di ko talaga mabanggit…
11. Till now, what is the moment that you regret the most?
• Wala, di uso yan! Matuto tayong matuto sa kamalian… mauuwi ka sa mental yan kung pagiisipin mo pa yan.. sabagay, mas Masaya kami pag maraming baliw.. paano nalang ang propesyon naming kung wala KAYO..OO, KASAMA KA! ay, sila pala..
• Kapag nireregret, lalong naiisip… tsk!! Mas kaiinisan ang happenings..
Pc: move forward.. move on!!
Koo: kerek…. korek pala!
12. Which type of person do you hate the most?
• Pananadiyang panlilinlang… yun tinatanong ng matino tapos, sasagutin ka ng matino..walang tril! Toink! Juk… yun seryoso na tas ang barubal..asarness!
13. What is your ambition?
• Get-up-and-go ang drama!! Maging magaling na sikolohista.. pero hindi tanyag… tama ng tutulong lang sa mga taong may saltik,.,,este mga taong nangangailangan ng tulong., taong makikinig.. taong makikiramay ng nasa tamang lebel(pinagaaralan kasi namin ng may tamang batayan..basta, magulo)
• Pero sa totoo, gusto kong maging misyonero…o misyonaryo… hindi ko gusto ang normal na pamumuhay na puro sarili ang iniisip.
14. What is the thing that will make you think he/she is bad?
• Depende yan. Ayaw kong magsalita… lahat depende sa sitwasyon.
15. If you had one wish what would you wish for?
• Makilala ko na talaga ang sarili ko habang katabi ang Diyos… seryoso yun. Pero dapat nasa masayahing disposisyon pa rin ako.
16. If you can relate your life now to a song, what will it be?
• Blue Danube ni Strauss. Hindi dahil feeling debutante ako, pero nakakatuwa lang yung taas-baba ng tono at ritmo niya… parang buhay ko, hindi stable… pero tumataas man o bumababa, nagagawa ko paring masining ang mga tagpo sa buhay ko, pinipilit..minamahal…( ay, seryoso na…), piyesa ang buhay ko ng Diyos kaya kailangan kong pag-igihan…
17. If the thing that you loves most would be taken from you forever but it would make you get “all” the things that you want, would you agree to it or not?
Hindi, ayaw ko na munang magsalita tungkol dito pero kung sarili ko lang ang iisipin at nakasalalay, wag nalang.. noodle.. no deal! (yung katanungan ay medyo halaw sa nabasa ko sa libro ni bob ong)
18. It would be 2008 in a few days, do you have a new year’s resolution?
• Toink! Haaaaaaaaay, anong petsa na?
19 . If your better half is cheating on you, will you forgive him or her?
• Oo naman, (teka, asawa na to diba?)… sigurado ako dun, hindi din sa akin mahirap magbigay ULIT ng tiwala.. ewan, napaka-trusting ko….
• Minsan sinabi ko sa sarili ko, dapat hindi na ako ganun.. kaya naaabuso…
• Kaya ko naman maisip kung tama na o tuloy pa, nabigyan ako ng saktong talino para magdesisyon sa mas tamang tahak.
• Pwede naming magsukli ng kabaitan, mamamatay yun sa konsensya… ahehe
20. If you’re going to die this day! Where do you want to go & who’s person your going to be with?
- isa lang ba? Hmmm… hindi ko pa din to napagiisipan. Hindi magandang pumili ngayon, kung sino nalang ang maglalaan ng oras sa akin, yun yung mahalaga.
salamat repah sa pagbibigay sa akin ng oportunidad na magawa ito... ang drama talaga.. ahaha
hehe, perstaym kong magta-tag, kinabahan naman daw ako... anyway, nilalagyan ko ng etiketa sina.... teka, di ko pa to naiisip.. next time nalang... ichechek ko muna kung sino yung mga na-tag na ng ganito para oportunidad na din sa iba.. uki?
Gb..ü
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 5:49 PM 15 iba't-ibang reaksyon
Saturday, January 12, 2008
tats
panalo to...
salamat po..
tats
ü <--- paclick ng matunghayan...
Gb..
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 8:39 AM 7 iba't-ibang reaksyon
happy birthday kookoo
toink...
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 7:52 AM 0 iba't-ibang reaksyon
