Wednesday, July 23, 2008

flyfly? samahan mo na ako

ilang beses ko ba sasabihing hindi ako hiatus?

nagsusulat ako, pero di ko maiwasang sa hangin ko ito malathala

tama na, tama na. . .

minsan, bilang tao, hindi natin maiwasang lumisan

lumayo

pumunta sa kung saan

AALIS NA AKO, iiwan ko na ito.

pero sana, sa susunod na paglipad ko, SAMAHAN MO MULI AKO.

magdala ka na din ng emergency light, pakiusap!

flyfly!

Wednesday, July 2, 2008

motherf***er!



hmmm. . .

ANG STORYA

girl: huhuhu

boy: huh?!

girl: huhuhuhuhuhu. . .huhu.

boy: o, bakit?

girl: (tumingin kay boy at sumagot) huhuhu. . .

boy: uh. . .?!


>>>

hindi ako sigurado kung paano ang magiging sulatin ko sa gabing ito, umaga na pala, linteksness, umaga na pala, nagpupuyat nanaman ako, anong eyebag este mukha nanaman ang maihaharap ko sa mga estudyante ko neto. sabagay, in a way, okay din makakakita sila ng totoong RACOON sa katauhan ni teacher nikolai nila, instant zoo nanaman ang room bukas, o mas masayang tawagin itong JUNGLE.

nililigaw ko nanaman ang ideya ng pagsusulat ko, taeness, tagal ko na kasing hindi nagsusulat.

may mga taong di mapakaling nakakakita ng mga taong umiiyak, yun tipong natataranta sila. Hindi nila kontrolado ang pangyayari pero mas nais nilang patigilin muna ang takbo ng oras. Masakit ito sa kalooban pero minsan mas ayos na lamang na ito’y tanggapin. Tao lang. mahina. Walang kontrol. MAY MAGAGAWA MAN, wala pa rin magagawa.

hindi ka makakapatahan ng tao kung hindi mo naman talaga alam ang dahilan ng kanilang pagluha, at malaman mo man ang dahilan, kailanman, hindi pa rin sapat na malaman mo. ALAM MO MAN, hindi mo pa rin alam. Hindi ikaw yun. Hindi mo rin pwedeng lakbayin ang isip nya, lalong lalo na ang puso niya. Anu yun, fieldtrip ng sineskwela?

Ang mga nararamdaman nya, NARARAMDAMAN MO MAN, hindi mo pa rin ramdam. Kulang. DI sapat. Kahit ilang beses mong pagbalibalitungin ang mundo hindi mo mababalintong ito. Feeling ka naman!

At letse, hanggang nayun, naliligaw pa din ang ideya ko.

Minsan, masakit man sa kalooban natin na hindi makapatahan, may mga oras na pakiramdam natin, gumuguho na ang bawat piraso ng mundo natin sa bawat patak ng luha na naihaharap sa atin, kahit pa kadalasa’y nakukubli ito ng mapagsimpatyang panyo o kahit kamay lang.

Nabasag ang katauhan ko ng malaman kong rason ako ng mga luha mo, pero kung yun talaga ang nakapagpagaan ng loob mo, kahit pa pirapiraso na ako, masaya ko na lamang pupulutin ang bawat piraso ng sarili ko.

Nabasa ko ang mga litanya mo, at bawat salita, isinapuso at iniukit ko sa puso ko, ayun, inatake ako! Seryoso na ulit, hmmmm. . . nasaktan ako, siguro kung inaakala kong itinataboy mo na akong palayo, mas tama ang ideya na nauna ako na itaboy ka, kahit sa anung paraan, PERO hindi ko sinadya.

Hindi ko sinasadya, at kailanman, hindi ko nanaising saktan ka. Kung aayain kita ulit ng suntukan, pinapangako ko, sa bawat suntok ko sayo, mas nasasaktan ako.

Pasensya na, napili mong mahalin ang isang taong tulad ko, na hindi nakikipagunahan sayong umiyak. Di ko sinasadya na ganito ako. Gusto ko din sanang umiyak, pero, ayaw ko naman na maging rason ka ng iniluluha ko, mas gugustuhin ko nalang na mas mabigatan ako, kaysa ikaw pa.

ANG TOTOONG STORYA

boy: huhuhu

girl: huh?!

boy: huhuhuhuhuhu. . .huhu.

girl: o, bakit?

boy: (tumingin kay boy at sumagot) huhuhu. . .

girl: uh. . .?!
_

MAS TOTOONG STORYA (director’s cut>> di pinalabas pampubliko)

Girl: huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu

boy: (lalaleelalah..busy)

Girl: huhuhuhuhu

boy: (hmmm, tsktsk. . .nagkocompute)

Girl: huhuhuhuhuhuhuuhuhu

Girl: huhuhu


-

SUMUSUKO KA NA BA? Sabihin mo na lang, di na ako magtatanong pa. Kahit gustuhin kong mangumbinsing "kaya po to, kaya pa, sige na kasi!"

-

2 Jul 08, 01:31

"bumibigat ang kalooban kapag walang kasagutan ang mga katanungan.... masakit oo kahit walang iba... mapaglaro ang panahon... akala ko pagsubok pero nauna kang sumuko" -pluma

-

"kookoo naman e, kaw ba si pluma? pls! "

07-03-2008 12:59AM

-

nalungkot naman ako, may PLS pa, parang hirap na hirap ka pa, pero wala akong magagawa, hindi ako si PLUMA. at kahit ako'y nagiisip kung sino ba siya, bakit niya sinabi yan sa iyo. . . (hindi ako galit, mahinahon mong basahin ha?!). alam mo kung gaano ako kawalanghiya, mapangasar at kung anuano pang mga tranpormasyon ng isang monster, pero hindi ako yan, hindi ako yan. ako ay si AKO, magandang AKO at napunding alitaptap.

sa lahat ng nasabi nya, parang gusto kong AKUIN nalan na sinabi ko nga yun, aku yun, dahil higit sa lahat, naniniwala ako na ako ang may karapatan upang magsalita ng ganyan. pero hindi ako mapagpanggap, hindi ako yan. at kung bakit niya sinabi sayu yan, hindi ko lalo alam.

eto lan ang gusto kong sabihin

"MAHAL KITA"

-AKO/magandangAKO/napundingalitaptap

-

motherf***er>>>mother father yan, alam mong hindi ako nagsasalita ng mga maaaring MAISIP ng mga karamihan tungkol dyan, kilala mo ako diba?

-

seryoso ako. seryoso ako. pero gusto ko nalang pagtawanan ang sarili ko.

-

3:40 AM na 7:30AM ang klase ko, maganda to, mas maganda ang petshow na maipapakita ko sa mga estudyante ko bukas. . . mas magandang RACOON na ako nayun kesa kaninang mga ala-una. ayos! masaya to! sana, mabigyan ako ng incentive ng boss ko, kahit isang linggong tulog lan.ahahahha! (parang nayun lan ako nakapag "ahahaha" sa buong sulat, na dati'y halos lahat meron nito)

-

Thursday, June 19, 2008

saang direksyon na?

nasubukan mo na ba yun inaanod ka na ng tubig palayo, paroon sa palayong direksyon. . .

pero nagawa mo pa ding magpatangay sa hangin, pabalik?


madalas talaga, TANGA.

TANGA. TANGA. TANGA.

bow!

Sunday, June 8, 2008

nadarama ng manhid

matagal siyang naitago sa baul ngunit naungkat muli ng nagtanong ang isang kaibigan para sa maaaring mailagay sa prestihiyosong papel ng aming institute(siyeeeet, ano bang tagalog ng istitute..tsktsk)upang maidagdag sa pahina ng literari (pilit na salin in da hawwwws)

buong puso ko namang ibinahagi ang tula kong ito, masaya akong nang nakita ito ng mga manunulat ng papel na ito, hindi na sila nagdalawang isip pa na isama ito. . .


isang tula na naisulat ko sa gitna ng pagkasuklam, pighati at pagmamahal. . .

Nadarama
Nakatatak sa isip
Nakabaon sa puso
Nabuhay ako para magmahal

Nakapapagal

Nadama
Natatak sa isip
Nabaon sa puso
Namamatay dahil sa pagmamahal

Nakasusuklam

Wala na,
Ayaw ko na
Naghihingalong masokista
Iba na….

Iba na,
Pero gaya ng dati
Nakadarama pa rin
Di nabura..
Di mabubura
Panghabang panahon na
Sa isip ko
Sa puso ko
Nabuhay ako para magmahal

Kahit pinipilit akong tinataboy
...pinapatay
Ng mga taong wala akong alam gawin
Kundi mahalin

-taong walang kwenta,
Batong nakangiti,…



P&T$#G_$N%


NADARAMA NG MANHID
ytalia nikolai s. moreno

naisulat ko ito sa bahay ng mga kaibigan, sa kompyuter ni pakoy para maging partikular. . . nag-iwan ako ng kopya nito sa pc niya

minsan habang naguusapa kami-kami

pakoy: meron gumawa ng tula sa pc ko

koo: (nangiti) baka si champ, gumagawa ng tula si champ

pakoy: (hindi kumbinsido, malamang alam nya na ako yun) a.... si chaaamp.

Wednesday, June 4, 2008

ano?!?!

"dapat mamayang ala-sais nasa bahay ka na ha"

nakakaaliw. . . anong edad ko na ba ngayon? wahaha! nakakaaliw nga naman. parang simula pa noon hanggang ngayon hardcore pa din sa curfew.

ang tanda ko na, pero ang curfew, malupet pa sa highchool...

ahahahahhahaha! funny!

sa ika-2 buwang anibersaryo

“wala ba kayong teaching sa group niyo na tumtulong man lan sa bahay? Maghugas ng pingan, o magwalis walis sa bahay, o kahit magayos lang man ng pinaghigaan?”

May mga naimbitahan akong mga kaibigan kagabi, mayroon kasing maliit na selebrasyon para sa kaarawan ng nakakbabata kong kapatid. Lumapit ang aking ina sa lamesa kung saan kami nakikipagdigmaan ng parang mga patay-gutom (actually OO TALAGA). Masaya ako na may nakapunta ulit sa bahay na mga kaedad ko, bihira lan kasi ang mga pagkakataong ganun.

Pero muli, ng marinig ko ang linya ng aking ina tungkol sa pagtulong sa bahay, nalungkot ako pero di ko inalis ang disposisyong masaya. Sayang ang oras kung magmamalungkot ako, may mga bisita pa naman.

Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na yun, lagpas sa literal na pakakangahulugan ng “pagtulong” ang naintindihan ko.

“lalai, tapos na ba kayong kumain? Huhugasan na kasi naming yung mga pinggan” –ate helper sa bahay

“a, sige, a. . .e. . . anong kailangang gawin?” –kookoo(na tinatawag na lalai sa bahay)

“hindi, ako nalang” –ate helper

Ninais ko siyang tulungan, alam ko sa sarili ko na may kasamang pagkukusa ang nais kong pagtulong. Pero natanggihan. Sige nalang kako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung ano ang pagtulong na kailangan kong gawin. Naalala ko pa ang ultimong reaksyon ko sa pangyayari, nataranta ako kung paanong pagliligpit ang kailangang gawin sa mga platong pinagkainan, bahagya.

“halata ka talaga ate kookoo” –arjan

Naintindihan ko ang nais ipahatid ni arjan, na hindi talaga ako sanay sa gawaing bahay, na may mga nagsisilbi para sa akin.

“eto, para mo namang pinararamdam sa akin na wala akong kwenta” –kookoo

“hindi sa ganun” arjan

“oo, naintindihan ko talaga ang ibig sabihin mo, pero dahil ganun blahblah, ayun na din ang patutunguhan nun” –kookoo (hindi ako galit nyan ha, hehe)

Nahiya ako bigla, ayaw kong iniisip ng mga taong mayaman kami. Hindi talaga kami mayaman, siguro, hmmm, sadya lang kaming asa sa mga magulang at sa mga tao sa paligid namin. (o sige, di ko na idadamay ang mga kapatid ko, si kuya may pera na. . . si bunso, madaming alam sa bahay, siyeeeet, nakakahiya nga pala talaga ako. hayaan nyo akong baguhin ang mga sinabi ko). Siguro sadya lang AKONG asa sa mga magulang at sa mga tao sa paligid KO. (okay na?)

Hindi ko alam kung anong pinagsusulat ko ngayon,parang napakapointless, basta naramdaman ko lang na, kelangan ko ng wakasan ang mga pananaw ng tao na mayaman ako (siyeeeeeet, naglalakad na ako pauwi dahil wa akong pera), na oras na para kalimutan ko na na may mga taong nagsisilbi para sa akin. Na may sarili akong paraan para masabi ko na may silbi din ako.

Habang nabagot habang nagsusulat, binuksan ko ang player ng pc ko, at isa lang ang tugtog na napili ng mga mata ko, ANNIVERSARY SONG ng KIKOMACHINE.

Letse hoho. . . nayun ko lang naalala dahil sa kanta, ika-2 buwang anibersaryo na ng ganap kong pagiging tambay. Tapos na ang binigay na palugit ng sikolohista ko para masabi kong “ready na akong magtrabaho”

Wala na akong kakampi ngayon para sabihing “hindi pa ako handa”

OO na, maghuhugas na ng pinggan, magwawalis walis na. . . magaayos na ng pinaghigaan.

OO, AAYUSIN KO NA ANG RESUME KO. OO NA!!!

Gaya ng dating plano, magtuturo ako bilang volunteer sa isang SPED class dito. Hindi man ako kikita ni singko sa trabahong papasukin ko, at least, makikita dito ang totoong pangangahulugan ng paglingkod ng walang kapalit.

Uh, natatamad ako. . . OO NA NGA, GAGAWA NG RESUME, eto hindi ma-jowk!!

Isang taon nalang, ako na ang may responsibilidad magbayad ng bill ko sa selepono. . .nakoooooo. . .

-

Tsk, tapos may kj pa kagabi, di man lan sinagot yun tawag ko, ipapagreet ko pa naman sa lahat ng mga kaprends ko. di bale na, lablablab padin.

“pag naging boldstar ako, hindi ka na papansinin, wala ng hahabol sayo. . . pag naging boldstar ako” -kikomachine

boldstar?!? anu daw?! kung anuano nanamang pinakikinggan kasi.ahaha

Monday, May 26, 2008

dahong ampalaya

mga di mahimigang tinig

nabigyan na ng tinig,

gayunpaman, paumanhin, wala paring himig

gustuhin ko man, di ito nakikisabay

di ko alam,

di pa ngayon,

di ko maipinta kahit man lang mabigyang kulay. . .

-

masakit

mapait

pero isa lang,

mahal mo ako

mahal kita

pero wag na muna nating ipilit

-

may oras para dito,

pero sana pagbalik ko,

mayroon na tayong pangako

meron ng matatawag na "tayo". . .


Friday, April 11, 2008

hindi ako nawala, pero salamat sa paghahanap...

[isa sa pinaka-sinsero pero magulo at pinakakakagulat na nangyari sa buhay ko, buong pakiramdam ko ang nabuhos ko diyan, lalo na sa unang part...]

mamamatay na ako, malapit na. . . kung di ako mabubuhay ng matagal, sana di na ako mabuhay ngayon pa lang. . .

nakakawalang ganang mabuhay, di ko maramdaman ang kahalagahan ko sa mga tao sa paligid ko. . .


AWOOOH

Sa mga pangyayari ngayon, para na rin akong walang pinagkaiba sa isang multo-- kinatatakutan at iniiwasan. Kelan ba kasi magkakaroon ng taong magtatapang na lapitan ako at kausapin, dinggin ang mga hiling na magbibigay kapayapaan.

Hindi ako multo, pero nagiging rason ako para multuhin ng isang tao ang sarili niya.
Hindi ako multo, kung oo man, masyado akong maganda (uh, ano daw? Sabi na nga ba, kelangan ko ng matulog)

Hard core.

--

Ilang araw din akong nagbulakbol hindi ako nagpapapasok sa eskwelahan at opisina, hindi nagpapakita sa mga tao(kaeskwela, kagrupo, katropa,kaorg…kahit sa mundo ng blog), hindi nangungumusta sa mga kapamilya, hindi matinong umuuwi ng dormitoryo, hindi nakakausap ng maayos, at kung anu-ano pa.

Marami-rami rin (kahit papaano) ang nagalala sa akin. Lagi nga akong ipinagtatanong kung nasaan na daw ba ako, kung kasama ko ba ito, o siya, o sino… walang may alam.

Ano bang nangyayari kay kookoo?

Walang makasagot, kung sa bagay, mismong ako nga e hindi ko masagot (sabi ko sa sarili ko)

Isang rason ng pansamantalang paglisan ko ay ang pagkapagod na magmahal sa mga tao sa paligid ko, di ko na kasi maramdaman na may naibabalik sa akin, nakakapagod, labas ako ng labas ng enerhiya, kaya naubusan ako.

Ako ang taong mahilig magsabi ng “ATTITUDE LANG NAMAN”.

Oo, negatibo talaga ang nauuna sa isipan ko pero dahil sa attitude na pinanghahawakan ko, nakikita ko ang positibong parte ng mga bagay-bagay, at pangya-pangyayari… pwede din hayop-hayop(uh?!)

Habang nasa HELL DAYS ako, pinipilit kong magpakasama, ayaw ko ng magmahal, letseng mga tao. Pilit ko talagang itinatago ang sarili ko at binabalewala ang mga taong pilit na hinahanap ako… letson de letse oo! Buset, buseeet!

Sa pagbukas ng aking malalaking mata(pero pasingkit maonti, di ko alam kung bakit ganito mata ko) tuwing umaga, plano ko ng hindi maging okay, hindi ako magdadasal at uunahin ko na ang pagsusungit at pagsimangot. Ilang araw din yon…

Pero dadating ako sa yugto ng araw na makikipagkita ako sa mga kakilala at makikipag tawanan, huwaw kakaw!! Nakipagtawanan pa, hindi ko maitanggi na hindi kaylanman lumipas ang araw na hindi ako nangungulit, nakikipaghagikhikan na humuhilik-hilik pa sa tawa at kung anu-ano pa. pero bago ulit matapos ang araw, iisipin ko ulit na SAYANG ANG MGA ORAS NA ITINAWA KO, mali ang ideya na nakipagkulitan pa ako..
ANG GALING KONG MAGPRETEND… sabi ko.

“hanep ang Diyos, ang bangis!!”

Pansamantala ko talagang tinalikuran ang pagmamahal na ibinabahagi niya sa araw-araw, alam kong may Diyos, ALAM NA ALAM KO AT SIGURADO, pero ayaw ko munang pilitin niya ngayon, nakakapagod siyang sundin…

Magulo--- magulong-magulo.

AYAW KO NG MAGMAHAL NG MGA TAO, AYAW KO NA… SWEARNESS EVER, HALLER?!


sa ngayon, gusto ko ang ginagawa ko, hindi masayang ganito, pero dito ko hinuhugot ang magiging ako..

DI naman natatapos ang araw na hindi nawawala ang poot eh… Di ko lang tinatanggap. Gusto ko lang malaman kung sino ang totoo, kung ano ang totoo…

Pero ganun pa rin, masayahin ako—kaya nalulungkot ako, kookoo-isa pang termino para sa salitang ironic” –
strong>
strong>kookoo to mikwinsi

Ganyan akong magsalita pag nagseseryoso na ako… hindi naman ako bihirang bumanat ng mga ganyang pahayag, pero sa sarili ko, yan ang mga bagay na nakikitaan ng sinseridad (lagi kasi akong magulo, wala na lugod minsan naniniwala sa akin) ng iba.

Hindi ako magaling magprentend, kung tutuusin, bigo nga ako diyan… YATA,

trivia: sinasabi ko man na magaling akong umarte, sa palagay ko hindi din… kung sakali man, magaling akong magpretend na nagpepretend ako…(oh, logic yun, hinga muna….)

STATUS: hindi ko alam kung kelan ko ito sinulat.

hindi ko rin alam na nakapagsulat ako ng ganito.. hanaku… hmm, at gaya ng mga dati kong mga isinusulat, hindi siya tapos…. Marapat niyong tapusin ko ito sa kasalukuyang estado ng mga damdamin at sigaw ng isipan ko.

Nagising ako kagabi o mas magandang sabihin ko na kaninang madaling araw, nakatanggap ako ng isang mensahe galing sa isang malapit na kaibigang si tomasa

kulasa, naalala ko, nung andoon tayo kela kuya nic natulog, super tawa tayo tayo kahit yung pinaguusapan natin e yung nakakatawang teknik mo ng ‘pagsuicide, happiness is attitude.. tawa lang, wag masyadong mamroblema, haix, miss kita, yakap!’”strong> –xena 3-13-08 2:42am

Balik tayo sa nadama ko nun HELL DAYS ko na yun… Napuno talaga ng toyo ang utak ko nun, yung pakiramdam ko gusto ko ng wakasan ang buhay ko, asos, fagod na fagod na ako. Nagdududa na nga ako sa patutunguhan ko sa kinabukasan ko, pakiramdam ko wala na akong hinaharap, wa ng future. Mamatayin na din ako, at kung ganun lang din, e di ko na pahahabain pa ang buhay kong ito.

Kung nakakasama niyo ako sa sa pang-araw araw na pamumuhay niyo, hindi maaaring hindi niyo maririnig sa akin ang mga linyang “e mas madali pang magpakamatay kaysa diyan e”

Sige, magbibigay ako ng halimbawa… ayaw na ayaw ko ng matematika, at kung pakokompyutin niyo ako isang araw sa buhay ko, sasabihin ko, “huh? Ako, bakit mo naman ako pagkokompyutin e ayaw ko nga ng mga ganyan ganyan e mas madali pang magsuicide kesa magkompyut niyan e”

O kaya naman

“huh? Ako? Paghuhugasin mo ng pinggan? E mas madali pang magpakamatay a”
Ayon sa pag-aaral namin sa sikolohiya ang mga taong madalas magsabi ng mga bagay na ganito ay yaong mga tao na hindi ito kaylanman gagagawin, hindi kasi malaking bagay ang turing nila dito.

Oo nga pala, eto nga pala ang thesis namin, Suicidal Tendencies, Meaning in Life and Self-regulation of Inmates of Manila City Jail with Substance Abuse.

Ang bangis diba, oo, nagsagawa kami ng pag-aaral sa city jail, apat sa grupo, tatlo kaming babae at isang metrosexual “daw”(oops, may tinira pa!)

Dahil puro nalang suicidal tsutsu blahblah tsorba ang pinagaaralan naming e burong-buro na ako sa salitang iyan, marami akong nalaman katotohanan ukol dyan… yun tipong hindi ko na talaga papasukin yan…

AKALA KO…

Balik tayo sa istorya, dahil sa sukdulang sakit na nadarama ko dahil sa mga pagmamahal na pinagkakait, naisip ko na din ang mga bagay na ganito-- ang pagsusuicide.

Gaya ng madalas na sinasabi ko, hindi ako iyakin, pero minsan dumating ang isang matahimik at kagimbal-gimbal na gabi… hindi ko mapigilan ang mga luha sa pagdaloy, nakubli man ito sa iba sa tulong ng dilim na dala ng gabi, sa akin, ramdam na ramdam ko ang sakit na kasabay ng bawat patak, nakisama pa yung ilong ko, salamat ilong! Moral support!

Sige sige, hayaan niyo akong maging disclaimer, blog ko to e, oo, nagkaroon ako ng mga ideasyon pero sa mga babanggitin kong “paraan ng pagsusuicide” isa lang diyan ang tinangka ko,

MGA PARAAN NG PAGSUSUICIDE
(NI um, iatago nalang natin sa pangalang kookoo, boogsh!)

1. habang umiiyak ng nakahiga, napatingin ako sa kanang bahagi ng kwarto namin at nakita ang napakalaki at nangiimbitang bisitahin na bintana. Talon na talon na ako sa totoo lang (trivia: taga apat na palapag ako ng selda, este kumbento, este dormitoryo), kaso naisip ko, ang taas, baka kung anong itsura ko pag nadeds ako, lasug-lasug da ba-de farts… ang ganda ko pa naman, parang bb.pinas, tafos il just dead, ahaha, like, im sorry, ahaha… my pamili…my family…ahaha, wouldn’t be froud, dot froud, if I’ll die fanget… kaya yun, sabi ko, hindi, hindi sa pagtalon ang ikawawakas ng buhay ko.



2. matapos magdesisyon sa hindi pagtalon, ganun pa rin, nguyngoy pa rin ako ng nguyngoy… natalo ko pa ang mga dramatic na aktres sa pagiyak. Naalala ko tuloy yung napaka-morbidong video ni kyla(yun singer na maliit na may bangs na taga ji-em-ey) sa awiting HANGGANG NGAYON, si kyla ha, hindi si regine.,… flease!! Naalala ko dun (maliban sa tirahang repridyider ni kyla) yung bathtub na may nakahandusay na lalaki, ayun, nagpakamatay siya dun… parang yun nalang ang gusto ko, magpakalunod.
Kaso napaisip, wala namang bathtub dito sa dorm e… sabi ko nalang, pupunuin ko nalang yung cubicle na paliguan ng tubig, kaso kumusta naman, baka umaga na hindi pa rin puno yun ng tubig… at syempre magsisilabasan ang tubig sa mga gilid-gilid ng pinto. Asar!



3. Dahil sa pagkabigo dito, isa pa muli ang nasariwa sa isipan ko, wahaha! Ewan ko, pero sa pagkakaalam ko, umuso ito dati, yung flor contempacion story ni miss nowra onowr, sa pagkakaalam ko, (naalala ko lugod si ara mina nun mga matitinong days niya, uhh..tama nga ba?! Basta, hayaan na si ara mina), inakusahan siya na sinadya niyang lunurin yung batang anak ng amo niya sa balde.
Ayun, ganun na ganun… naisip ko din ilublob yung sarili ko sa balde… tama tama.. yun nalang. Hindi na mahirap yun…



Tapos, a oo, MASYADONG MALAKI YUNG BALDE… a oo talaga!

4. sa lahat, eto yung pinakamaganda ko atang naisip,AT ISINAGAWA ANG PAGTATANGKA.. unang-una hindi naman ako pangit malamang kung ito ang gagawin ko, hindi ko rin kailangan ng bathtub, o balde, o pumasok sa banyo at magsayang ng tubig… eto yun.
Iyak pa rin ako ng iyak… iyak talaga.

TRIVIA: natigil nanaman ang pagsusulat ko dahil kinain ng letson de letseng virus eto…etong eto… hehe, may back-up file lang pala ako,…. Ayun, asar na asar na ako nito kahapon…

Ipapatuloy ko nanaman..

Iyak pa rin ako ng iyak, pero napapagod na ako, nadarama ko na na unti-unti ng sumisingkit ang aking mga malalaking mata, namamaga na ito. Unti-unti na rin akong nahihirapang huminga… mayroon ng pagsikip dito. Napadasal ako, “Loooord, ang sakit! Kunin mo na po ako, parang awa mo na, plese, now na now na…”

Pinigil ko ang sarili ko sa paghinga… ilang minuto ko rin itong ginawa. Sana tumigil na rin ang pagtibok ng puso ko, sana tumigil na ang buong sistema ko, tutal, hindi naman titigil ang pag-ikot ng mundo kung titigil ang kahit anuman sa akin. Wala naman akong importansya. “Lord, ngayon na!”

Pinipigil pa rin ang paghinga..

Ayun, epektibo naman. Tanyo ngayon, buhay pa rin ako.

Buset! Buseeet!

Ayon, yun yung mga matatalinong kaganapan sa mga pagpapatiwakal ko.

Sa mga oras na iyon, hindi ko masabi na sinayang ko ang oras ko, sa katunayan, isa ito sa kakaibang pangyayari na nagparamdam sa akin ng totoong halaga ko, naalala ko na maging tao, at naalala ko din na sa buong panahon ng mga ginagawa ko ay nagpapakatao pa rin ako.

Malapit sa perpekto ang buhay ko. Ewan, sa tingin ko lang (wag ka ng kumontra). kung ikukumpara kasi sa mga taong madalas kong nakakasalamuha, masasabi ko talagang walang masyadong trill ang buhay ko.

Masaya ang pamilya ko, wala akong nairereklamo na magulang na bumubugbog sa akin at wala akong mga pinupulot na basag na plato gawa ng nanay ko na ginawang flying saucer ang mga ito.

Wala akong mairereklamo na mga kapatid na inaagawan ako ng mga kagamitan, o pagkain o anu pa man. Wala rin akong maireklamo na boring ang buhay dahil walang kapatid. Dahil may dalawa akong poging-pogi na mga utol.

Wala rin akong rason para maging rebelde sa hindi pagpapaaral sa akin, hindi ako makapag-rally at magsisigaw na “ang edukasyon ay karapatan blahblah” sa bahay namin dahil pinagaaral naman ako.

Wala rin akong masabi na wala akong mga kaibigan na manlilibre sa akin sa oras na gusto kong maging oportunista. Hehe, marami ako nun… LIBRE! Libre… libre kopya pa nga sa school kahit hindi ko naman gustong mangopya, may mag-aalok talaga. Hehe.

Pati boypren minsan, ibinenta sa akin, pero libre..oha! SAYA! Wahaha!
Higit sa lahat, hindi ko pwedeng sabihin na walang nagmamahal sa akin, kasi, may DIYOS na dakila na nagbigay ng buhay sa akin, at nagbibigay pa rin hanggang ngayon.

Yung hindi bumawi nito kasi malamang hindi pa niya napapadama sa akin ang lubos na pagmamahal niya.

Wala, tinatawanan ko nalang ang mga nangyari sa akin. Tawa talaga.

Maswerte, o hayaan niyong sabihin na blessed(hindi lucky) ako dahil yoon talaga e.

Hinding hindi ko talaga pinagsisisishan ang nangyari sa akin na ito (ulit ba ng ulit?) basta, marami akong natutunan ditto, turning point naman. Marami akong naalala. Kung iisipin, hindi ko dapat naranasan ang mga bagay na ito pero naranasan ko. Toink! Kasi, kasi, kasi, magagamit ko ito sa pagtulong sa mga tao na makakaranas ng mga ganito.

Wala kasi akong karapatan na magsalita na “okay lang yan blahblah” kung ako mismo, hindi ko naman talaga alam kung anong pakiramdam na maharap sa ganitong sitwasyon. At dahil naranasan ko na, WAHAHA…batas na din ako..toink! masasabi ko na sa iba na
“naramdaman ko na yan, at walang mangyayari kung magpapakain ka sa mga negatibong emosyon, ramdamin mo din yung pagmamahal sa iyo ng iba, masayang mabuhay, minsan pwedeng malungkot, pero mas masayang maging Masaya”


mamamatay na ako, malapit na. . . kung di ako mabubuhay ng matagal, sana di na ako mabuhay ngayon pa lang. . .

nakakawalang ganang mabuhay, di ko maramdaman ang kahalagahan ko sa mga tao sa paligid ko. . .


Ano bang nagyari kay kookoo?

Ah, hinanap lang yung sarili niya ng sandali, tsaka nagpapansin at nagpaimportante na rin. Ahaha!

MAGULO AKO, PERO TOTOO… hehe, an labo ko talaga!
Hmmm, maraming nagmamahal sa akin, marami… bulag lang ako minsan…

Monday, March 24, 2008

tikim sa tinapay ng buhay

ano ba ang totoong basehan na nabuhay ng magmuli ang panginoong si Kristo??

sa palagay ko, kadalasang masasabi ng nakararami na ang walang laman na himlayan o empty tomb ang pinaka prowebang masasabi na nabuhay nga siya ulit pagkatapos mamatay dahil sa malulubhang pasakit na natamo niya....

(o mas malupet na maisip mo na dahil sa mga easter eggs, o bunnies o jelly beans... bugbog, gusto mo? HMF!)

pero pwede ko bang sabihin na mayroon pang mas matindi kesa dito?

eto yung:

***habang may mga taong nahihirapan at nasasaktan ngunit nagmamahal pa rin...

***habang may mga handa pa ring magparaya sa gitna ng hindi pagkakapantay-pantay...

***habang may magbibigay kahit walang-wala na rin...

***habang may handa pa ring pumunas ng mga luha habang luhaan rin...

YUN...

DOON MO MALALAMANG BUHAY NGA ANG DIYOS, sa puso yun ng bawat tao...


para saan pa ang pagkabuhay niya kung patay din naman SIYA sa atin..

buhayin natin ang Diyos, ipalaganap ang pagmamahal niya...ΓΌ

maligayang pasko ng pagkabuhay!

(mga impluwensya sa mga bagay na natutunan ko sa mga sermon ni padre astig, yan yung mga sabjektib na patotoo ko sa pagkabuhay ni Kristo, walang plagiarism dyan, wahaha)

>>>

litrato namin kahapon matapos magsimba...



>>>

sabi ni padre astig

"nakakakuha ako ng lakas presensya nyo palang" (at naramdaman ko siya ng sinabi niya yun, sooobra)

oras ko naman para sabihin to sa mga mambabasa/friends ko:

"nakakauha ako ng lakas presensiya niyo palang" -kookoo/napundingalitaptap

Sunday, March 23, 2008

bumabalik sa dating tema ng literatura

you are never far away...

YOU ARE JUST TIME AWAY



>>>

illustration to follow, (gas where's my cam, hmf!)