Monday, June 4, 2007

doobie newbie doo sa blogger.. parang ngongo lang

"kahit ilaw ng alitaptap, napupundi din".. hanep sa blog name diba, nakanang.. ang lalim... ng balon, ang lalim ng balon. (uh?)

anyway, hindi ako bago sa mundo ng pagba-blog. sa totoo lang, ilang beses ko nang ipinangako sa sarili ko na hindi na magba-blog ulit pero gaya ng boypren mo na sabi mong hindi mo na babalikan e babalik at babalikan mo pa rin.. (o, ano nanaman to?).. o, wag kang umiyak!!

minsan sobrang nata-t*ngahan ako sa mga adik, paano kasi ang hina ng sense of control, how loser... pero on the second thought, narealize ko "wala din akong pinagkaiba sa kanila" adik din naman ako(ika nga ng tatay ko, "ang engrosement mo sa internet, ayaw kitang tawaging addict" pero parang tinawag na din niya akong adik, diba?) hindi nga lang sa shabu... sa cough syrup OO! ubo! uboubo!!

uh, oo, para sakin cough syrup ang pagba-blog.sabihin na natin na kapag inaatake tayo ng ubo, hahanap at hahanap tayo ng paraan para gumaling agad. parang sa pagba-blog, kung minumulto ka ng nakaraan mo na parang sila Sadako at Lotus Feet na halos sakalin ka na e mas okay na magsulat ka nalang, hindi ko sinasabing last will and testament, tamang magsulat ka lang sa blog mo kasi malaki ang natutulong nito... napaka-therapeutic, tinutulungan kasi nitong marelease yung mga feelings na nagpapabigat ng damdamin mo... lalo na ng damdamin ko..ugh!minsan din, umiinom tayo ng cough syrup(ako hindi).. revise: minsan din, umiinom kayo ng cough syrup kapag you badly wanted to sleep na(uh, parang konya,eeew!).. parang bago mo tapusin ang araw mo(o, hindi ko sinabing magsuicide ka) i mean, bago ka matulog e magblog ka muna.. kasi mas madaling makatulog pag nakapag-blog ka... bakit kamo?
a. narelease mo yung mga anik-anik na nararamdaman mo... mas peaceful ang tulog
b. masakit na ang mata mo sa radiation kaya pikit agad pagkatapos
c. sobrang mahaba ang blog mo at pagod ka na kaya tulog ka na agad bago ka pa humiga

basta, sa maraming dahilan e hindi ko talaga matalikurn ang pagba-blog. kahit pa ilang beses na akong natatalakan ng tatay ko na matulog na ako agad tuwing gabi...umm... tuwing madaling araw pala e... hehe, matigas ang ulo ko. mas matatagalan kasi ang pagtunganga ko sa kisame(minsan may mga butiki pa) sa paghihintay kay pareng antok habang nag-iisip ng mga matatalino at mga bobong pananaw...

kaya para sa akin, pipiliin ko ng mapuyat ng may ginagawa kesa wala... inom nalang ng cough syrup kumbaga kesa sapakin ko ang sarili ko para makatulog agad...

o, at ano naman ang kinalaman nito sa blog name ko? wala lang, minsan kasi akala natin na ang buhay ay mas masaya kapag nasa kabilang buhay na(anu daw?!) tipong iniisip natin na napupundi ang ilaw natin.. kahit gaano kaliwanag e matatawag mo parin ang ilaw mo na "pundido" minsan sa buhay mo o ng ilaw mo... pero kahit minsan siguro akala natin na ang ilaw na kumikidapkidap na(um, right term ba? washeber) e pa-walang silbi na e nagkakamali tayo... kalokohan na napupundi ang ilaw ng alitaptap... isang sarkastikong pananaw lang yan.

ang buhay akala natin minsan e wala ng patutunguhan, diyan tayo nagkakamali... laging meron kung iisip tayo ng paraan para may patunguhan ito... isipin mo kasing lumingon sa nilalang na gumawa sa alitaptap... o sayo(hindi ang nanay mo ha!)... at sa ilaw na bumabalot sa buhay mo..

ü.alitaptap.ü

2 iba't-ibang reaksyon:

Dear Hiraya said...

Ahoy! Congrats sa bago mong tahanan dito sa blogosphere!!

Alam mo, may pagkakapareho pala tayo. Hindi ko alam kung tamang iconsider kong may insomnia ako or what pero dapat, bago ako matulog e makapagblog ako or atleast makapagbasa ng blog at magcommment. Gaya mo, madalas din akong kagalitan ng aking mahal na ina dahil tumtaas na raw ang bayarin naman sa elektrisidad, bagay na hindi ko pa rin sinusunod dahil nanghihinayang ako sa oras na inilalagi ko sa aking kanlungan na "naghihintay kay pareng antok na dalawin ako". Nanghihinayang din ako sa mga ideyang nabubuo sa mga oras na iyon. Kaya, kahit maihahalintulad na ako sa bulldog dahil sa kapal ng eyebag ko, tuloy pa rin ako sa paglikha ng mga bago kong Hiraya! (sapilitan kong pinasok ang blog name ko e no?? wahehehe)...

pizza said...

bespren kolai!!
galing nan blog mo.:)