Wednesday, August 29, 2007

hindi ah...



emo? hindi ako emo...

bakit kamo?

abangan...

Tuesday, August 28, 2007

usapang badus

kookoo: xena, may favor ako, okay lang?

xena: sige, ano ba yun? tutulong ako kung kaya....

kookoo: teka, hmmmmmmmmmm, pwede bang makitulog sa inyo?

xena: a, yun lang pala, ayos lang, bakit? anong meron:

kookoo: xena, BUNTIS AKO....

xena: (ang sagot..... abangan)

=====

"BUNTIS AKO"

=====

pumintig ba ang mga mata, este tenga mo nung mabasa mo ang sinulat ko? ang sinabi ko na buntis ako??

kung oo, nakita mo ang sitwasyon na hindi pa oras para sa bagay na yan....

=====

sa panahon ngayon, dalawa lang ang iisipin mo pag narinig mo ang mga salitang iyan....

magugulat at matutuwa ka...

o magugulat at malulungkot ka(factor pa yung aatakihin ek-ek sa puso ikaw)...

dati pag narinig yan, malamang sa malamang masaya ang pagsalubong mo dito, kasi ang pagbubutis ay para sa taong responsable na sa pamumuhay... yung kasal na... yung may trabaho.... yung nakapag-tapos na(malamang may trabaho na nga diba)

pero ngayon, marami nang balikwas dito...

nabuntis kahit walang asawa,

nabuntis kahit hindi kasal(syempre nga kasi pag kasal ka na edi may asawa ka na)....

nabubuntis kahit hindi pa tapos ng pag-aaral,

nabubtis kahit wala pang trabaho....

at eto ang pinaklamalupet...

>>> yun iba pa nga, nabuntis kahit walang boyfriend(crush lang ang meron, miyaw oo)....

=====

iba-iba na talaga....

=====

meme: lai, uwi ka laguna, may kainan dito bukas, may balita ako... masha-shock ka sa balita....

==

pot: lai, uwi kami daet ni garry at kikay...

lalai: oo nga...

: te, ikakasal ka na, mamamanhikan kayo sa daet?

pot: oo... buntis ako...

lalai: a......

=====

pinag-usapan na minsan namin ng dating presidente ng yfc feu na si Gino kung anong klaseng tao ako....

"mataas ang moral pero hindi judgemental"

=====

pwede nga, ganoon nga siguro ako...

naiintindihan ko sila...

pero mali talaga yung ginawa nila.....

mali, pero naiintindihan ko...

meron silang mga rason...

meron silang mga bagay na nakalimutan....

meron mga hindi naisip....

may dahilan SILA.... labas AKO doon...

=====

pero......... kasama pa rin ako sa magiging istorya nila.... kapamilya ko KASI sila....

damay ako...

=====

tatlo lang kaming magpipinsan na babae.... 2 down.... haaaaaaaay.... nakakainis lang na pati ako damay sa mga issue na ganyan....

pag ako daw yun magkakasakit ang daddy ko, mamamatay siya......

e paano pala kung hindi apektado ang tatay ko? do they think that i will do the same thing?

oo.... parang ganun na nga....(ang sabi nila...)

======

hindi ko nagustuhan ang mga batikos nila tungkol sa bagay na yun.... ano pa nga bang magagawa? meron pa ba?

may magagawa pa ba ang mga sasabihin nila?

======

inaamin ko, mahilig akong mang-okray... pero hindi sa mga bagay na ganito... seryoso na to, hindi kailangan pagtawanan.... hindi biro....

======

(siyaks, nawala ako sa momentum.... kahapon pa kasi to, continuation lang... hindi ko na tuloy alam ang gagawin.... at bakit nagba-blog ako? dapat gumagawa ako ng assignment e....miyaw oo)

=====

sige.... hindi ko na talaga maituloy... pero ang huling narinig ko sa bahay...

"kahit ganyan pa ang nangyari... mahal ka pa rin namin... sana lang maayos niyo agad ang pagpapakasal"

=====

ayon, sayang... wala ako sa bicol sa pamamanhikan nila doon... gusto ko sanang maki-usyoso... gusto ko sanang malaman ang blahblahblah.... hehehe....

=====

grrrrrrrrrrrr... hindi na nga yata ako marunong magsulat ngayon, sad.... siyaaaks...

=====

eniwey---> (o, pilit na tinagalog) ano namang reaksyon mo ng sinabi kong buntis ako?

nagulat ka ba?

naniwala?

=====

xena: gunggong!!

=====

kuya nic: a, okay

=====

kookoo: joke lang!!

=====

xena: natawa naman ako sa sinabi mo....

=====

ikaw ba? ano?

anong reaksyon mo?

naniwala ka ba?

kung naniwala ka.... sorry nalang sa akin.... ang liit na tiwala mo... hindi mo ako kilala.... HINDI MO TALAGA AKO KILALA....

=====

kung ang reaksyon mo ay tulad ng kay xena at kuya nic... well salamat sa tiwala mo.... salamat dahil kilala mo ako....

=====

(ang labo nanaman ng ending) grrrrrrrrrrrrrrr

Friday, August 24, 2007

may bumubulong ba?

"a writer writes"

ganun nga ba? i am not sure if i am still considered being one... kapag ang isang writer ba tumigil sa pagsusulat hindi na siya manunulat?

oo?

hindi?

yata?

baka?

ewan, hindi ko alam... hindi ako sigurado...

naaalala ko pa ang mga panahon na minomotivate ko si karol magsulat ng tumigil siya... pati si john at kuya mj...at kung sinu-sino pa...

naaalala ko din ang mga panahon na sinabi ni karol na: "nagising ako sa sinabi mo, ikaw, buhay mo at buhay pagsusulat mo"...

sabi naman ni john: "im just making this post because i was motivated by my one and only d*****"

sabi naman ni kuya mj: "italian food...comment naman sa blog ko oh...pls..kaw bya may sabi na mag blog ako tas..."

tuwing makakabasa pa ako ng blog ng iba lalo na sa unang beses sasabihin ko pa "keep blogging blahblah" "write more blahblah" at iba't-ibang pangmotivate for blogging..

epektibo naman sila, kung tutuusin, feeling ko yun ay dahil sa nararamdaman nila ang pagkagusto kong malaman ang mga nangyayari sa kanila...

para saan ba ang pagba-blog?

anong sabi mo kookoo?
feeling ko yun ay dahil sa nararamdaman nila ang pagkagusto kong malaman ang mga nangyayari sa kanila,sa buhay nila...

ako ba, ano ng nagyayari sa buhay ko? alam mo ba?

ano ba ang nangyari kung bakit bigla akong tumalikod sa pagsusulat?

sa hindi ko mabanggit(pero alam ko) na dahilan.... hindi ko alam kung bakit nagpa-apekto ako...

marami akong dahilan... marami akong dinadahilan

"busy ako"

"busy ako"

"i have tons of things to do"

"i have to go somewhere"

"busy ako"

"busy ako"

e pare-pareho lang yon a?...

busy ka ba talaga?

teka....ano ngang pangalan ko?

"kookoo"

okay!! (nilibang lang kita, salamat sa pagbabasa parin....sana matagalan mo pa ang kalokohan kong ito)

====

hindi ko alam kung kumusta ako bilang manunulat....

nun mga panahon ng pagsusulat ko, marami na rin akong mambabasa.... palaging may comments na bago sa comment box ko.... palaging may pumupuri....

====

hindi ko alam kung may patutunguhan ang sinasabi ko...

====

kaylan lang, inaya ko ni kuya nic na magsulat para sa essay ni palanca

ang sagot ko:

"hindi na kasi ako nagsusulat e"

kahapon, inaya naman ako ni ghia sa magsulat para sa hands on manila

iba naman ang sinagot ko....sabi ko:

"a, pagsusulat, tumigil na kasi ako e"

magkaiba yun ayon sa syntax!!!

====

tumigil nga ba ako?

sa tingin mo ba?

sa tingin ko ang sagot mo ay "oo"

====

paano kung sabihin ko na hindi ako tumigil...

nagsusulat parin ako sa isip...

sa mga pangyayari sa buhay ko, ang mga pananaw ay naisususlat sa malikhaing pamamaraan, sa isip nga lang yun...

hindi sa papel....

hindi sa computer.....

====

basehan ba yun may nakikita kayong output?

====

sagot ko?

OO parin.... kung may mga natututunan ako sa mga araw-araw na pangyayari.... bakit hindi ko ibinabahagi?

ika nga ni idol lery "a short pencil is better than a long memory"

siguro malilimutan ko nga sila kung hindi literal na ilalahad... yung mababasa ko ulit....

====

anong bulong?

sumisigaw na!!!

====

hindi ko akalain na ako ismong nangmomotivate dati ang magiging isa din sa kanila....

marami na rin akong sinasayang na pagkakataon.. malaking bagay din ang makaopagpasa ng entry para sa palanca at hands on manila writing contest...

bakit ba ako inimbitahan dun?

meron ba talaga akong kakayanan? bakit may tiwala sakin ang mga taong iyon? kaya ko ba talaga?

kung oo, bakit sabi ko HINDI?

may bumubulong... nababaliw na ako


sabi na nga ba... walang patutunguhan ang pagsusulat na ito...