kookoo: xena, may favor ako, okay lang?
xena: sige, ano ba yun? tutulong ako kung kaya....
kookoo: teka, hmmmmmmmmmm, pwede bang makitulog sa inyo?
xena: a, yun lang pala, ayos lang, bakit? anong meron:
kookoo: xena, BUNTIS AKO....
xena: (ang sagot..... abangan)
=====
"BUNTIS AKO"
=====
pumintig ba ang mga mata, este tenga mo nung mabasa mo ang sinulat ko? ang sinabi ko na buntis ako??
kung oo, nakita mo ang sitwasyon na hindi pa oras para sa bagay na yan....
=====
sa panahon ngayon, dalawa lang ang iisipin mo pag narinig mo ang mga salitang iyan....
magugulat at matutuwa ka...
o magugulat at malulungkot ka(factor pa yung aatakihin ek-ek sa puso ikaw)...
dati pag narinig yan, malamang sa malamang masaya ang pagsalubong mo dito, kasi ang pagbubutis ay para sa taong responsable na sa pamumuhay... yung kasal na... yung may trabaho.... yung nakapag-tapos na(malamang may trabaho na nga diba)
pero ngayon, marami nang balikwas dito...
nabuntis kahit walang asawa,
nabuntis kahit hindi kasal(syempre nga kasi pag kasal ka na edi may asawa ka na)....
nabubuntis kahit hindi pa tapos ng pag-aaral,
nabubtis kahit wala pang trabaho....
at eto ang pinaklamalupet...
>>> yun iba pa nga, nabuntis kahit walang boyfriend(crush lang ang meron, miyaw oo)....
=====
iba-iba na talaga....
=====
meme: lai, uwi ka laguna, may kainan dito bukas, may balita ako... masha-shock ka sa balita....
==
pot: lai, uwi kami daet ni garry at kikay...
lalai: oo nga...
: te, ikakasal ka na, mamamanhikan kayo sa daet?
pot: oo... buntis ako...
lalai: a......
=====
pinag-usapan na minsan namin ng dating presidente ng yfc feu na si Gino kung anong klaseng tao ako....
"mataas ang moral pero hindi judgemental"
=====
pwede nga, ganoon nga siguro ako...
naiintindihan ko sila...
pero mali talaga yung ginawa nila.....
mali, pero naiintindihan ko...
meron silang mga rason...
meron silang mga bagay na nakalimutan....
meron mga hindi naisip....
may dahilan SILA.... labas AKO doon...
=====
pero......... kasama pa rin ako sa magiging istorya nila.... kapamilya ko KASI sila....
damay ako...
=====
tatlo lang kaming magpipinsan na babae.... 2 down.... haaaaaaaay.... nakakainis lang na pati ako damay sa mga issue na ganyan....
pag ako daw yun magkakasakit ang daddy ko, mamamatay siya......
e paano pala kung hindi apektado ang tatay ko? do they think that i will do the same thing?
oo.... parang ganun na nga....(ang sabi nila...)
======
hindi ko nagustuhan ang mga batikos nila tungkol sa bagay na yun.... ano pa nga bang magagawa? meron pa ba?
may magagawa pa ba ang mga sasabihin nila?
======
inaamin ko, mahilig akong mang-okray... pero hindi sa mga bagay na ganito... seryoso na to, hindi kailangan pagtawanan.... hindi biro....
======
(siyaks, nawala ako sa momentum.... kahapon pa kasi to, continuation lang... hindi ko na tuloy alam ang gagawin.... at bakit nagba-blog ako? dapat gumagawa ako ng assignment e....miyaw oo)
=====
sige.... hindi ko na talaga maituloy... pero ang huling narinig ko sa bahay...
"kahit ganyan pa ang nangyari... mahal ka pa rin namin... sana lang maayos niyo agad ang pagpapakasal"
=====
ayon, sayang... wala ako sa bicol sa pamamanhikan nila doon... gusto ko sanang maki-usyoso... gusto ko sanang malaman ang blahblahblah.... hehehe....
=====
grrrrrrrrrrrr... hindi na nga yata ako marunong magsulat ngayon, sad.... siyaaaks...
=====
eniwey---> (o, pilit na tinagalog) ano namang reaksyon mo ng sinabi kong buntis ako?
nagulat ka ba?
naniwala?
=====
xena: gunggong!!
=====
kuya nic: a, okay
=====
kookoo: joke lang!!
=====
xena: natawa naman ako sa sinabi mo....
=====
ikaw ba? ano?
anong reaksyon mo?
naniwala ka ba?
kung naniwala ka.... sorry nalang sa akin.... ang liit na tiwala mo... hindi mo ako kilala.... HINDI MO TALAGA AKO KILALA....
=====
kung ang reaksyon mo ay tulad ng kay xena at kuya nic... well salamat sa tiwala mo.... salamat dahil kilala mo ako....
=====
(ang labo nanaman ng ending) grrrrrrrrrrrrrrr
Tuesday, August 28, 2007
usapang badus
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 2:41 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 iba't-ibang reaksyon:
Post a Comment