nakakapressure, bilang na sa mga kamay ko ang araw ko bilang estudyante
o kaya naman madadagdagan pa ng ehem, extension...
wag naman sana...
thesis defense na bukas...
hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman...
GOD, tulong.
bukas na, bukas na... haaaaaay
intro--- should be presented in your own words ika ni propesor...
ginoo, ginawa ko po yan mag-isa ng buong dugo't pawis... at sariling salita ko po yan, hango siya sa mga pag-aaral ng iba ngunit ginawan ko yan ng mga citations... hindi ko po yan basta-bastang kinopya. salamat..
-batag nagmamaktol, edit ng edit ng edit... pwe!
Thursday, February 28, 2008
tulong...
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 10:30 PM 5 iba't-ibang reaksyon
$%^
hindi naman kailangang magmadali...
at sa bawat tanong, may tamang sagot...
pero may tamang panahon na kailangang isaalang-alang,
para sa ikatatama nito...
ms.wwp
---
kada isang hakbang, may katumbas yan para sa mga hiwaga kinabukasan.
---
gusto ko na ulit magsulat, at gusto ko ng makilala ang sarili ko dito...
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 12:46 AM 4 iba't-ibang reaksyon
Wednesday, February 27, 2008
pinakamalalang bisyo
"LULONG"
Isang gasera sa brownout na gabi
Tangi mong minimithi sa bawat sandali
Kayang kaya kang ilipad gaano man kabigat ang dala mo..
Limutin ang hirap Bumangon sa bawat pagdapa
Gawin ang mga bagay na sa mata ng iba ay masama
Papawi ng bawat luhang dulot ng pagkabigo
Hihilumin ang sugat sa kahit anong paraan
Katuwang sa gma pagsubok sa malupit mong buhay
Kasabay sa bawat higop at dighay...
At sa kabila nito.
Darating ang araw na ang kabayo ay aayaw na sa damo..
Magiisip..
Maghahanap ng mga sagot na alam mong sa sarili mo lang nakatago..
Mga bagay na ginawa mo nung hindi ka nagiisip..
Mga hugis at kulay sa iyong panaginip
Ngayon ika'y giyang at sabik na sabik na manumbalik.
Ang langit na minsan mong tinakasan.
Sabog mong pagkatao ay nais mong buuin
Mahirap maghintay ng pagasa.
Isang sulatin sa gitna ng takot at pangamba
Subalit kung may kasama bibitiw ka ba?
Ngiti, Tuwa, Sarap.
Lahat ng emosyon mararamdaman mo.
DAHIL PAGIBIG ANG PINAKAMALALANG BISYO..
-makulaynabudhi
==================================================
sige, sige... hindi ko sulat ito, pero ng isang batang
nakasama ko nun una pa... magaling na bata, magaling...
nais ko lang na maipatuloy niya ang pagsusulat sa
ilalim ng aking gabay...
hindi ako magaling, nanliliit ako, pero kung mapapasulat ko
siya, bakit hindi ko tatanggapin ang pakiusap niya na
suportahan ko siya...di niya alam, mas ikinasisiya ko.
sana, madalaw niyo din minsan..
si gboi a.k.a makulaynabudhi
uh, hindi naman niya gustong ilinya sa blog name ko ang pen
name niya diba... washeber!
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 11:02 PM 1 iba't-ibang reaksyon
unemployment fair
binebenta ko ang sarili ko... bibilhin mo?
nagka 2-day job fair sa eskwelahan namin last week, nun huwebes at biyernes yun...
gaya ng dati, gumising nanaman ako ng tanghali, 8am daw ang reporting time sa eskwelahan kasi mahaba ang proseso... at take note, hindi nga pala ako sa bahay natulog nung araw na yun...
"pakulay, gising na, papasok pa tayo sa school" - pakoy
"tsk, hindi ako papasok, ang korni naman ng job fair" -pakulay (ako yun)
"blahblahblah"
(habang nakikinig ng hari ng metal sa iPod *para tigilan ko ang pakikinig nilakasan ni pakoy ang volume nito...at hindi siya nagtagumpay na asarin ako, natuwa pa ako kasi mala-konsiyerto ang pakiramdam ng tenga ko, whoa! katabi ng malaking speaker*)
di ko nanaman naalala kung ano ang pinaguusapan namin ni pakoy basta bigla nalang niyang nasabi na
"alam mo, ang galing mo pag pangkaktibista ang pinaguusapan"
ako: (natahimik) talaga ba?
"OO, tara na, punta na tayo sa school"
"oo nalang" (pero hindi pumasok pero umuwi't natulog)
--
nagising, pumasok sa eskwelahan... nakacivilian..
MAGCORPORATE ATTIRE daw kasi.... at dahil alibugha ako, eto....
--
gumising ako ng biyernes, kailangan ko na talagang sumubok sa job fair, requirement kasi ito sa practicum.. sige nalang...
hindi talaga ako interesado, parang wala na akong plano sa buhay ko...
pero gayunpaman, nagpasa pa rin ako ng resume...
pero sa isang pinasahan ko ng papel
kookoo: is HR management enjoying?
miss: oo naman, you'll get to meet all kinds of people
kookoo: a, i really don't feel like working there
miss: bakit naman?
kookoo: e naisip ko kasi paano nalang kung may empleyado akong tulad ko, hindi ko alam kung paano ihahandle, ang hirap nun...
TSAKA PAG TINANGGAP NIYO AKO SA KUMPANYA NIYO, BAKA MAGING LEADER PA AKO NG UNYON
miss: kakaiba tong batang to..
ang alam ko kasi, pumupunta ang isang tao sa jobfair upang ibenta ang sarili para matanggap sa trabaho, pero sa ginawa ko.... EWAN KO NALANG...
ang labo, at sigurado ako na sa lahat ng taong nagjobfair at magjajobfair, ako lang ang gumawa nun....
o well, eto ako...
BANG!
at dahil wala akong naisusulat ng matino, hayaan niyo akong magbigay ng susulatin ko nun mas bata pa ako, at lalo na sa blogging...
nakakatawa, nakakahiya...ang bobo kong magsulat, parang ang konya, ampangit.... o well, iba naman na ngayon... ramdamin niyo nalang....
basura inc. --medyo seryoso to..medyo lang
fumigation --eto, paborito ko, totoong-totoo..makulit.
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:39 PM 2 iba't-ibang reaksyon
Sunday, February 17, 2008
üü
(badtrip, ang haggard ko..pero masaya.ü)
ANG BOYPREN KONG HARDCORE...ü
teka, sinong naka-puting uniporme, SA GIG... tsk tsk... kakaiba.
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 7:35 PM 3 iba't-ibang reaksyon
Thursday, February 14, 2008
pagulong!
yun tipo bang kinalimutan mo na ang mga nakaraan...
nakalimutan mo na yung tao mismo na sobrang nagpasaya sayo...
na sobrang nagpalungkot din paglaon ng panahon...
nakalimutan mo na, pero may taong pilit na ipinamumukha sayo na nararapat ka lang para maging malungkot at bigo...
iba ang sitwasyon,
kung dati, ako ang biktima...
ngayon, ako na ang kalabang mapangahas at malupit...
yun yung pinaparamdam niya sa akin, na sa totoo lang...HINDI KO MAKONSIDERA...
ako pa rin ang biktima, na sa paningin na ng halos lahat---MASAMA.
Ayos, ayos to!!
salamat sa pagpapaalala sa akin ng mga malulupit na kahapon...
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 11:28 PM 6 iba't-ibang reaksyon
Wednesday, February 13, 2008
HJWAN
TINATAMAD NA AKO...
BABAGSAK NA RIN YATA AKO SA SCHOOL...
TINATAMAD NA AKO...
(NAKIRAMDAM)
"NAKAKASAKIT KA NA AH!"
TINATAMAD NA AKO...
NAKAKATAMAD NA, PERO TINATAMAD NA AKONG TAMARIN...
PERO MAS "SINIPAG AKONG TAMARIN"..atleast "SINIPAG!"
...
sige, sige..sabi nila "CHOOSE LIFE"
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 12:07 AM 7 iba't-ibang reaksyon