Wednesday, February 27, 2008

unemployment fair

binebenta ko ang sarili ko... bibilhin mo?

nagka 2-day job fair sa eskwelahan namin last week, nun huwebes at biyernes yun...

gaya ng dati, gumising nanaman ako ng tanghali, 8am daw ang reporting time sa eskwelahan kasi mahaba ang proseso... at take note, hindi nga pala ako sa bahay natulog nung araw na yun...

"pakulay, gising na, papasok pa tayo sa school" - pakoy

"tsk, hindi ako papasok, ang korni naman ng job fair" -pakulay (ako yun)

"blahblahblah"

(habang nakikinig ng hari ng metal sa iPod *para tigilan ko ang pakikinig nilakasan ni pakoy ang volume nito...at hindi siya nagtagumpay na asarin ako, natuwa pa ako kasi mala-konsiyerto ang pakiramdam ng tenga ko, whoa! katabi ng malaking speaker*)

di ko nanaman naalala kung ano ang pinaguusapan namin ni pakoy basta bigla nalang niyang nasabi na

"alam mo, ang galing mo pag pangkaktibista ang pinaguusapan"

ako: (natahimik) talaga ba?

"OO, tara na, punta na tayo sa school"

"oo nalang" (pero hindi pumasok pero umuwi't natulog)

--

nagising, pumasok sa eskwelahan... nakacivilian..
MAGCORPORATE ATTIRE daw kasi.... at dahil alibugha ako, eto....

--

gumising ako ng biyernes, kailangan ko na talagang sumubok sa job fair, requirement kasi ito sa practicum.. sige nalang...

hindi talaga ako interesado, parang wala na akong plano sa buhay ko...

pero gayunpaman, nagpasa pa rin ako ng resume...

pero sa isang pinasahan ko ng papel

kookoo: is HR management enjoying?

miss: oo naman, you'll get to meet all kinds of people

kookoo: a, i really don't feel like working there

miss: bakit naman?

kookoo: e naisip ko kasi paano nalang kung may empleyado akong tulad ko, hindi ko alam kung paano ihahandle, ang hirap nun...

TSAKA PAG TINANGGAP NIYO AKO SA KUMPANYA NIYO, BAKA MAGING LEADER PA AKO NG UNYON

miss: kakaiba tong batang to..


ang alam ko kasi, pumupunta ang isang tao sa jobfair upang ibenta ang sarili para matanggap sa trabaho, pero sa ginawa ko.... EWAN KO NALANG...

ang labo, at sigurado ako na sa lahat ng taong nagjobfair at magjajobfair, ako lang ang gumawa nun....

o well, eto ako...

BANG!

at dahil wala akong naisusulat ng matino, hayaan niyo akong magbigay ng susulatin ko nun mas bata pa ako, at lalo na sa blogging...

nakakatawa, nakakahiya...ang bobo kong magsulat, parang ang konya, ampangit.... o well, iba naman na ngayon... ramdamin niyo nalang....

basura inc. --medyo seryoso to..medyo lang

fumigation --eto, paborito ko, totoong-totoo..makulit.

2 iba't-ibang reaksyon:

RedLan said...

uy, pakulay! pakulay ng hair ko. hehehe.

iba ang istyle mo sa job fair ha. hindi ka kasi interesado.

pakulay, by-bye

napunding alitaptap... said...

@ redlan

haaaaaaaay, hindi talaga ako interesado..nabasa mo po ba yung 8weird things ko, medyo dati pa yun, basta, kakaiba talaga ako... may katarantaduhan nanaman po akong ginawa sa room kanina, bihira na nga lang akong pumasok, ganun pa... pero masaya.

hehe, sana makwento ko din..kung kayanin. hehe...