nasubukan mo na ba yun inaanod ka na ng tubig palayo, paroon sa palayong direksyon. . .
pero nagawa mo pa ding magpatangay sa hangin, pabalik?
madalas talaga, TANGA.
TANGA. TANGA. TANGA.
bow!
Thursday, June 19, 2008
saang direksyon na?
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 11:01 AM 21 iba't-ibang reaksyon
Sunday, June 8, 2008
nadarama ng manhid
matagal siyang naitago sa baul ngunit naungkat muli ng nagtanong ang isang kaibigan para sa maaaring mailagay sa prestihiyosong papel ng aming institute(siyeeeet, ano bang tagalog ng istitute..tsktsk)upang maidagdag sa pahina ng literari (pilit na salin in da hawwwws)
buong puso ko namang ibinahagi ang tula kong ito, masaya akong nang nakita ito ng mga manunulat ng papel na ito, hindi na sila nagdalawang isip pa na isama ito. . .
isang tula na naisulat ko sa gitna ng pagkasuklam, pighati at pagmamahal. . .
Nadarama
Nakatatak sa isip
Nakabaon sa puso
Nabuhay ako para magmahal
Nakapapagal
Nadama
Natatak sa isip
Nabaon sa puso
Namamatay dahil sa pagmamahal
Nakasusuklam
Wala na,
Ayaw ko na
Naghihingalong masokista
Iba na….
Iba na,
Pero gaya ng dati
Nakadarama pa rin
Di nabura..
Di mabubura
Panghabang panahon na
Sa isip ko
Sa puso ko
Nabuhay ako para magmahal
Kahit pinipilit akong tinataboy
...pinapatay
Ng mga taong wala akong alam gawin
Kundi mahalin
-taong walang kwenta,
Batong nakangiti,…
P&T$#G_$N%
NADARAMA NG MANHID
ytalia nikolai s. moreno
naisulat ko ito sa bahay ng mga kaibigan, sa kompyuter ni pakoy para maging partikular. . . nag-iwan ako ng kopya nito sa pc niya
minsan habang naguusapa kami-kami
pakoy: meron gumawa ng tula sa pc ko
koo: (nangiti) baka si champ, gumagawa ng tula si champ
pakoy: (hindi kumbinsido, malamang alam nya na ako yun) a.... si chaaamp.
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 3:44 AM 5 iba't-ibang reaksyon
Wednesday, June 4, 2008
ano?!?!
"dapat mamayang ala-sais nasa bahay ka na ha"
nakakaaliw. . . anong edad ko na ba ngayon? wahaha! nakakaaliw nga naman. parang simula pa noon hanggang ngayon hardcore pa din sa curfew.
ang tanda ko na, pero ang curfew, malupet pa sa highchool...
ahahahahhahaha! funny!
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:54 PM 8 iba't-ibang reaksyon
sa ika-2 buwang anibersaryo
“wala ba kayong teaching sa group niyo na tumtulong man lan sa bahay? Maghugas ng pingan, o magwalis walis sa bahay, o kahit magayos lang man ng pinaghigaan?”
May mga naimbitahan akong mga kaibigan kagabi, mayroon kasing maliit na selebrasyon para sa kaarawan ng nakakbabata kong kapatid. Lumapit ang aking ina sa lamesa kung saan kami nakikipagdigmaan ng parang mga patay-gutom (actually OO TALAGA). Masaya ako na may nakapunta ulit sa bahay na mga kaedad ko, bihira lan kasi ang mga pagkakataong ganun.
Pero muli, ng marinig ko ang linya ng aking ina tungkol sa pagtulong sa bahay, nalungkot ako pero di ko inalis ang disposisyong masaya. Sayang ang oras kung magmamalungkot ako, may mga bisita pa naman.
Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na yun, lagpas sa literal na pakakangahulugan ng “pagtulong” ang naintindihan ko.
“lalai, tapos na ba kayong kumain? Huhugasan na kasi naming yung mga pinggan” –ate helper sa bahay
“a, sige, a. . .e. . . anong kailangang gawin?” –kookoo(na tinatawag na lalai sa bahay)
“hindi, ako nalang” –ate helper
Ninais ko siyang tulungan, alam ko sa sarili ko na may kasamang pagkukusa ang nais kong pagtulong. Pero natanggihan. Sige nalang kako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung ano ang pagtulong na kailangan kong gawin. Naalala ko pa ang ultimong reaksyon ko sa pangyayari, nataranta ako kung paanong pagliligpit ang kailangang gawin sa mga platong pinagkainan, bahagya.
“halata ka talaga ate kookoo” –arjan
Naintindihan ko ang nais ipahatid ni arjan, na hindi talaga ako sanay sa gawaing bahay, na may mga nagsisilbi para sa akin.
“eto, para mo namang pinararamdam sa akin na wala akong kwenta” –kookoo
“hindi sa ganun” arjan
“oo, naintindihan ko talaga ang ibig sabihin mo, pero dahil ganun blahblah, ayun na din ang patutunguhan nun” –kookoo (hindi ako galit nyan ha, hehe)
Nahiya ako bigla, ayaw kong iniisip ng mga taong mayaman kami. Hindi talaga kami mayaman, siguro, hmmm, sadya lang kaming asa sa mga magulang at sa mga tao sa paligid namin. (o sige, di ko na idadamay ang mga kapatid ko, si kuya may pera na. . . si bunso, madaming alam sa bahay, siyeeeet, nakakahiya nga pala talaga ako. hayaan nyo akong baguhin ang mga sinabi ko). Siguro sadya lang AKONG asa sa mga magulang at sa mga tao sa paligid KO. (okay na?)
Hindi ko alam kung anong pinagsusulat ko ngayon,parang napakapointless, basta naramdaman ko lang na, kelangan ko ng wakasan ang mga pananaw ng tao na mayaman ako (siyeeeeeet, naglalakad na ako pauwi dahil wa akong pera), na oras na para kalimutan ko na na may mga taong nagsisilbi para sa akin. Na may sarili akong paraan para masabi ko na may silbi din ako.
Habang nabagot habang nagsusulat, binuksan ko ang player ng pc ko, at isa lang ang tugtog na napili ng mga mata ko, ANNIVERSARY SONG ng KIKOMACHINE.
Letse hoho. . . nayun ko lang naalala dahil sa kanta, ika-2 buwang anibersaryo na ng ganap kong pagiging tambay. Tapos na ang binigay na palugit ng sikolohista ko para masabi kong “ready na akong magtrabaho”
Wala na akong kakampi ngayon para sabihing “hindi pa ako handa”
OO na, maghuhugas na ng pinggan, magwawalis walis na. . . magaayos na ng pinaghigaan.
OO, AAYUSIN KO NA ANG RESUME KO. OO NA!!!
Gaya ng dating plano, magtuturo ako bilang volunteer sa isang SPED class dito. Hindi man ako kikita ni singko sa trabahong papasukin ko, at least, makikita dito ang totoong pangangahulugan ng paglingkod ng walang kapalit.
Uh, natatamad ako. . . OO NA NGA, GAGAWA NG RESUME, eto hindi ma-jowk!!
Isang taon nalang, ako na ang may responsibilidad magbayad ng bill ko sa selepono. . .nakoooooo. . .
-
Tsk, tapos may kj pa kagabi, di man lan sinagot yun tawag ko, ipapagreet ko pa naman sa lahat ng mga kaprends ko. di bale na, lablablab padin.
“pag naging boldstar ako, hindi ka na papansinin, wala ng hahabol sayo. . . pag naging boldstar ako” -kikomachine
boldstar?!? anu daw?! kung anuano nanamang pinakikinggan kasi.ahaha
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 8:39 PM 0 iba't-ibang reaksyon