matagal siyang naitago sa baul ngunit naungkat muli ng nagtanong ang isang kaibigan para sa maaaring mailagay sa prestihiyosong papel ng aming institute(siyeeeet, ano bang tagalog ng istitute..tsktsk)upang maidagdag sa pahina ng literari (pilit na salin in da hawwwws)
buong puso ko namang ibinahagi ang tula kong ito, masaya akong nang nakita ito ng mga manunulat ng papel na ito, hindi na sila nagdalawang isip pa na isama ito. . .
isang tula na naisulat ko sa gitna ng pagkasuklam, pighati at pagmamahal. . .
Nadarama
Nakatatak sa isip
Nakabaon sa puso
Nabuhay ako para magmahal
Nakapapagal
Nadama
Natatak sa isip
Nabaon sa puso
Namamatay dahil sa pagmamahal
Nakasusuklam
Wala na,
Ayaw ko na
Naghihingalong masokista
Iba na….
Iba na,
Pero gaya ng dati
Nakadarama pa rin
Di nabura..
Di mabubura
Panghabang panahon na
Sa isip ko
Sa puso ko
Nabuhay ako para magmahal
Kahit pinipilit akong tinataboy
...pinapatay
Ng mga taong wala akong alam gawin
Kundi mahalin
-taong walang kwenta,
Batong nakangiti,…
P&T$#G_$N%
NADARAMA NG MANHID
ytalia nikolai s. moreno
naisulat ko ito sa bahay ng mga kaibigan, sa kompyuter ni pakoy para maging partikular. . . nag-iwan ako ng kopya nito sa pc niya
minsan habang naguusapa kami-kami
pakoy: meron gumawa ng tula sa pc ko
koo: (nangiti) baka si champ, gumagawa ng tula si champ
pakoy: (hindi kumbinsido, malamang alam nya na ako yun) a.... si chaaamp.
Sunday, June 8, 2008
nadarama ng manhid
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 3:44 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 iba't-ibang reaksyon:
wow tula ay kay lalim.
napakareyoso na may taimtim
galing mong mag-edit kookoo.
parang si kim chui ang dating ng pose mo.
@ kuya redlan
huh? malalim ba yun?
at, kim chui? anuuuuuuuu? saket sa ulo..wahaha...
wow. ang ganda ng tula.:)
@ dakilang tambay
wahaha, napapaisip ako, gaano ka ba katambay? wahaha, tambay din ako e. . .
hmmmmmmm, salamat. ako din, dumadaan ako sa blog mo.
huwaw.. ang deep naman nun..
ang ganda. ang sarap basahin at ang unique.. good work! godbless..
Post a Comment