ilang beses ko ba sasabihing hindi ako hiatus?
nagsusulat ako, pero di ko maiwasang sa hangin ko ito malathala
tama na, tama na. . .
minsan, bilang tao, hindi natin maiwasang lumisan
lumayo
pumunta sa kung saan
AALIS NA AKO, iiwan ko na ito.
pero sana, sa susunod na paglipad ko, SAMAHAN MO MULI AKO.
magdala ka na din ng emergency light, pakiusap!
flyfly!
Wednesday, July 23, 2008
flyfly? samahan mo na ako
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 1:26 AM 29 iba't-ibang reaksyon
Wednesday, July 2, 2008
motherf***er!
hmmm. . .
ANG STORYA
girl: huhuhu
boy: huh?!
girl: huhuhuhuhuhu. . .huhu.
boy: o, bakit?
girl: (tumingin kay boy at sumagot) huhuhu. . .
boy: uh. . .?!
>>>
hindi ako sigurado kung paano ang magiging sulatin ko sa gabing ito, umaga na pala, linteksness, umaga na pala, nagpupuyat nanaman ako, anong eyebag este mukha nanaman ang maihaharap ko sa mga estudyante ko neto. sabagay, in a way, okay din makakakita sila ng totoong RACOON sa katauhan ni teacher nikolai nila, instant zoo nanaman ang room bukas, o mas masayang tawagin itong JUNGLE.
nililigaw ko nanaman ang ideya ng pagsusulat ko, taeness, tagal ko na kasing hindi nagsusulat.
may mga taong di mapakaling nakakakita ng mga taong umiiyak, yun tipong natataranta sila. Hindi nila kontrolado ang pangyayari pero mas nais nilang patigilin muna ang takbo ng oras. Masakit ito sa kalooban pero minsan mas ayos na lamang na ito’y tanggapin. Tao lang. mahina. Walang kontrol. MAY MAGAGAWA MAN, wala pa rin magagawa.
hindi ka makakapatahan ng tao kung hindi mo naman talaga alam ang dahilan ng kanilang pagluha, at malaman mo man ang dahilan, kailanman, hindi pa rin sapat na malaman mo. ALAM MO MAN, hindi mo pa rin alam. Hindi ikaw yun. Hindi mo rin pwedeng lakbayin ang isip nya, lalong lalo na ang puso niya. Anu yun, fieldtrip ng sineskwela?
Ang mga nararamdaman nya, NARARAMDAMAN MO MAN, hindi mo pa rin ramdam. Kulang. DI sapat. Kahit ilang beses mong pagbalibalitungin ang mundo hindi mo mababalintong ito. Feeling ka naman!
At letse, hanggang nayun, naliligaw pa din ang ideya ko.
Minsan, masakit man sa kalooban natin na hindi makapatahan, may mga oras na pakiramdam natin, gumuguho na ang bawat piraso ng mundo natin sa bawat patak ng luha na naihaharap sa atin, kahit pa kadalasa’y nakukubli ito ng mapagsimpatyang panyo o kahit kamay lang.
Nabasag ang katauhan ko ng malaman kong rason ako ng mga luha mo, pero kung yun talaga ang nakapagpagaan ng loob mo, kahit pa pirapiraso na ako, masaya ko na lamang pupulutin ang bawat piraso ng sarili ko.
Nabasa ko ang mga litanya mo, at bawat salita, isinapuso at iniukit ko sa puso ko, ayun, inatake ako! Seryoso na ulit, hmmmm. . . nasaktan ako, siguro kung inaakala kong itinataboy mo na akong palayo, mas tama ang ideya na nauna ako na itaboy ka, kahit sa anung paraan, PERO hindi ko sinadya.
Hindi ko sinasadya, at kailanman, hindi ko nanaising saktan ka. Kung aayain kita ulit ng suntukan, pinapangako ko, sa bawat suntok ko sayo, mas nasasaktan ako.
Pasensya na, napili mong mahalin ang isang taong tulad ko, na hindi nakikipagunahan sayong umiyak. Di ko sinasadya na ganito ako. Gusto ko din sanang umiyak, pero, ayaw ko naman na maging rason ka ng iniluluha ko, mas gugustuhin ko nalang na mas mabigatan ako, kaysa ikaw pa.
ANG TOTOONG STORYA
boy: huhuhu
girl: huh?!
boy: huhuhuhuhuhu. . .huhu.
girl: o, bakit?
boy: (tumingin kay boy at sumagot) huhuhu. . .
girl: uh. . .?!
_
MAS TOTOONG STORYA (director’s cut>> di pinalabas pampubliko)
Girl: huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu
boy: (lalaleelalah..busy)
Girl: huhuhuhuhu
boy: (hmmm, tsktsk. . .nagkocompute)
Girl: huhuhuhuhuhuhuuhuhu
Girl: huhuhu
-
SUMUSUKO KA NA BA? Sabihin mo na lang, di na ako magtatanong pa. Kahit gustuhin kong mangumbinsing "kaya po to, kaya pa, sige na kasi!"
-
2 Jul 08, 01:31
"bumibigat ang kalooban kapag walang kasagutan ang mga katanungan.... masakit oo kahit walang iba... mapaglaro ang panahon... akala ko pagsubok pero nauna kang sumuko" -pluma
-
"kookoo naman e, kaw ba si pluma? pls! "
07-03-2008 12:59AM
-
nalungkot naman ako, may PLS pa, parang hirap na hirap ka pa, pero wala akong magagawa, hindi ako si PLUMA. at kahit ako'y nagiisip kung sino ba siya, bakit niya sinabi yan sa iyo. . . (hindi ako galit, mahinahon mong basahin ha?!). alam mo kung gaano ako kawalanghiya, mapangasar at kung anuano pang mga tranpormasyon ng isang monster, pero hindi ako yan, hindi ako yan. ako ay si AKO, magandang AKO at napunding alitaptap.
sa lahat ng nasabi nya, parang gusto kong AKUIN nalan na sinabi ko nga yun, aku yun, dahil higit sa lahat, naniniwala ako na ako ang may karapatan upang magsalita ng ganyan. pero hindi ako mapagpanggap, hindi ako yan. at kung bakit niya sinabi sayu yan, hindi ko lalo alam.
eto lan ang gusto kong sabihin
"MAHAL KITA"
-AKO/magandangAKO/napundingalitaptap
-
motherf***er>>>mother father yan, alam mong hindi ako nagsasalita ng mga maaaring MAISIP ng mga karamihan tungkol dyan, kilala mo ako diba?
-
seryoso ako. seryoso ako. pero gusto ko nalang pagtawanan ang sarili ko.
-
3:40 AM na 7:30AM ang klase ko, maganda to, mas maganda ang petshow na maipapakita ko sa mga estudyante ko bukas. . . mas magandang RACOON na ako nayun kesa kaninang mga ala-una. ayos! masaya to! sana, mabigyan ako ng incentive ng boss ko, kahit isang linggong tulog lan.ahahahha! (parang nayun lan ako nakapag "ahahaha" sa buong sulat, na dati'y halos lahat meron nito)
-
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:22 AM 35 iba't-ibang reaksyon