hmmm. . .
ANG STORYA
girl: huhuhu
boy: huh?!
girl: huhuhuhuhuhu. . .huhu.
boy: o, bakit?
girl: (tumingin kay boy at sumagot) huhuhu. . .
boy: uh. . .?!
>>>
hindi ako sigurado kung paano ang magiging sulatin ko sa gabing ito, umaga na pala, linteksness, umaga na pala, nagpupuyat nanaman ako, anong eyebag este mukha nanaman ang maihaharap ko sa mga estudyante ko neto. sabagay, in a way, okay din makakakita sila ng totoong RACOON sa katauhan ni teacher nikolai nila, instant zoo nanaman ang room bukas, o mas masayang tawagin itong JUNGLE.
nililigaw ko nanaman ang ideya ng pagsusulat ko, taeness, tagal ko na kasing hindi nagsusulat.
may mga taong di mapakaling nakakakita ng mga taong umiiyak, yun tipong natataranta sila. Hindi nila kontrolado ang pangyayari pero mas nais nilang patigilin muna ang takbo ng oras. Masakit ito sa kalooban pero minsan mas ayos na lamang na ito’y tanggapin. Tao lang. mahina. Walang kontrol. MAY MAGAGAWA MAN, wala pa rin magagawa.
hindi ka makakapatahan ng tao kung hindi mo naman talaga alam ang dahilan ng kanilang pagluha, at malaman mo man ang dahilan, kailanman, hindi pa rin sapat na malaman mo. ALAM MO MAN, hindi mo pa rin alam. Hindi ikaw yun. Hindi mo rin pwedeng lakbayin ang isip nya, lalong lalo na ang puso niya. Anu yun, fieldtrip ng sineskwela?
Ang mga nararamdaman nya, NARARAMDAMAN MO MAN, hindi mo pa rin ramdam. Kulang. DI sapat. Kahit ilang beses mong pagbalibalitungin ang mundo hindi mo mababalintong ito. Feeling ka naman!
At letse, hanggang nayun, naliligaw pa din ang ideya ko.
Minsan, masakit man sa kalooban natin na hindi makapatahan, may mga oras na pakiramdam natin, gumuguho na ang bawat piraso ng mundo natin sa bawat patak ng luha na naihaharap sa atin, kahit pa kadalasa’y nakukubli ito ng mapagsimpatyang panyo o kahit kamay lang.
Nabasag ang katauhan ko ng malaman kong rason ako ng mga luha mo, pero kung yun talaga ang nakapagpagaan ng loob mo, kahit pa pirapiraso na ako, masaya ko na lamang pupulutin ang bawat piraso ng sarili ko.
Nabasa ko ang mga litanya mo, at bawat salita, isinapuso at iniukit ko sa puso ko, ayun, inatake ako! Seryoso na ulit, hmmmm. . . nasaktan ako, siguro kung inaakala kong itinataboy mo na akong palayo, mas tama ang ideya na nauna ako na itaboy ka, kahit sa anung paraan, PERO hindi ko sinadya.
Hindi ko sinasadya, at kailanman, hindi ko nanaising saktan ka. Kung aayain kita ulit ng suntukan, pinapangako ko, sa bawat suntok ko sayo, mas nasasaktan ako.
Pasensya na, napili mong mahalin ang isang taong tulad ko, na hindi nakikipagunahan sayong umiyak. Di ko sinasadya na ganito ako. Gusto ko din sanang umiyak, pero, ayaw ko naman na maging rason ka ng iniluluha ko, mas gugustuhin ko nalang na mas mabigatan ako, kaysa ikaw pa.
ANG TOTOONG STORYA
boy: huhuhu
girl: huh?!
boy: huhuhuhuhuhu. . .huhu.
girl: o, bakit?
boy: (tumingin kay boy at sumagot) huhuhu. . .
girl: uh. . .?!
_
MAS TOTOONG STORYA (director’s cut>> di pinalabas pampubliko)
Girl: huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu
boy: (lalaleelalah..busy)
Girl: huhuhuhuhu
boy: (hmmm, tsktsk. . .nagkocompute)
Girl: huhuhuhuhuhuhuuhuhu
Girl: huhuhu
-
SUMUSUKO KA NA BA? Sabihin mo na lang, di na ako magtatanong pa. Kahit gustuhin kong mangumbinsing "kaya po to, kaya pa, sige na kasi!"
-
2 Jul 08, 01:31
"bumibigat ang kalooban kapag walang kasagutan ang mga katanungan.... masakit oo kahit walang iba... mapaglaro ang panahon... akala ko pagsubok pero nauna kang sumuko" -pluma
-
"kookoo naman e, kaw ba si pluma? pls! "
07-03-2008 12:59AM
-
nalungkot naman ako, may PLS pa, parang hirap na hirap ka pa, pero wala akong magagawa, hindi ako si PLUMA. at kahit ako'y nagiisip kung sino ba siya, bakit niya sinabi yan sa iyo. . . (hindi ako galit, mahinahon mong basahin ha?!). alam mo kung gaano ako kawalanghiya, mapangasar at kung anuano pang mga tranpormasyon ng isang monster, pero hindi ako yan, hindi ako yan. ako ay si AKO, magandang AKO at napunding alitaptap.
sa lahat ng nasabi nya, parang gusto kong AKUIN nalan na sinabi ko nga yun, aku yun, dahil higit sa lahat, naniniwala ako na ako ang may karapatan upang magsalita ng ganyan. pero hindi ako mapagpanggap, hindi ako yan. at kung bakit niya sinabi sayu yan, hindi ko lalo alam.
eto lan ang gusto kong sabihin
"MAHAL KITA"
-AKO/magandangAKO/napundingalitaptap
-
motherf***er>>>mother father yan, alam mong hindi ako nagsasalita ng mga maaaring MAISIP ng mga karamihan tungkol dyan, kilala mo ako diba?
-
seryoso ako. seryoso ako. pero gusto ko nalang pagtawanan ang sarili ko.
-
3:40 AM na 7:30AM ang klase ko, maganda to, mas maganda ang petshow na maipapakita ko sa mga estudyante ko bukas. . . mas magandang RACOON na ako nayun kesa kaninang mga ala-una. ayos! masaya to! sana, mabigyan ako ng incentive ng boss ko, kahit isang linggong tulog lan.ahahahha! (parang nayun lan ako nakapag "ahahaha" sa buong sulat, na dati'y halos lahat meron nito)
-
Wednesday, July 2, 2008
motherf***er!
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:22 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
35 iba't-ibang reaksyon:
tumpak dun sa mga unang linya. ako ma'y nara-rattle at di mapakali kapag may umiiyak sa paligid. para kasing ako yung may kasalanan. ewan ko ba. hehe
hope naging ok ang araw mo ms. racoon! haha
hahaha..ang haba ng post mo at nakakabitin....ok lang yan!!=)
woooh...... go niko! go go go niko! hehehe praning ka nanaman..
@ utakmunggo
aba, at dumaan po kayo ulit, salamat. hhmmm, ahaha, paranoid? hehe, may mga tao ngang ganun, panic attack ba? ahahaha. . . hanaku po, hindi nakapasok si teacher racoon. . . pero di pa naman nawawala ang dark circles ko, kaya tuloy pa din ang petshow bukas. hehehe
@ dra. rio
anu ba talaga po, mahaba o nakakabitin? ahehehe, kaw din, dumaan ka ulit,yey!
@ dramachine
anung go, at anong praning> tshe! ahahaha!
Kookoo waaaaaa namiss ko magbasa dito.. SOBRAAAAA.
Teka. Hindi ko masundan yung storya.. pero sabi mo sasabihin mo sakin yung sinagot mo dito sa entry na to.. hmm.. go.
Para naman ma-enlighten ako.
Pero ang emo na naman hahaha na-miss ko ren ang pagka-emo ng mga entries mo hehe
Naku, gusto ko na malaman sino ba to? ahihi chismosa ko naman :P
Wait matutulog na ko.. bukas magoonline ako ulit.. hehe
AYoko yang word na sumusuko. nalulunkot ako... ang hirap ng sumuko ang isang taong mahal na mahal mo.. =( ewan.
mahal. masakit na sa tenga yang salitang yan sa panahon ngayon.. lalo na sa gasolina..
lintext na post to. napakahaba. hindi mo pa naisipan na itxt na lang? hehehe.
sabi sa goin bulilit, maging proud raw ang mga taong may eyebags dahil pinagpuyatin nila yun. pinagpuyatan mo yun kaya maging proud ka.
Balikan ko nga muli yung post bout kay pluma. hahaha. good timing, dito muna ako bumasa. Sinu nga yang si plumang yan, si sisa lang ang alam ko. minsan magkasama kasi kami. Baka marami na ang mag admit na siya si pluma. gaya nito.
sino si pluma
ako, ako, ako, ako (sa iba't ibang sulok ng mundo.
teka, ikaw ba ang titser ni drama king at ni tado? (joke lang yung tado(peace) palaging may connection.
lastly, hindi lahat ng umiiyak, kalungkutan ang rason. Sa sobrang kaligayahan, napapaiyak rin tayo. tandaan mo yan. At isa lang ang sigurado, may molds pagkatapos ng luha sa mata mo. lmao. hindi ako nakapag siesta. kasalanan mo yan. kala ko sa christmas ko pa matatapos ang post na to.
back to work na ako. kasalanan ko to. naging estudyante rin ata ako dito.
@ senora regina
ahehe, natatawa talaga ako sa HINTAYAN natin, o well, nagcomment na ako sa blog mo, ayako na umulit. intriga ka? ahahaa, namistalagakita!
@ tentay
aba aba aba, nakarelate ka... mahirap talaga, pero minsan mas mahirap yung ka "OTHERWISE" nito. salamat sa pagdaan.
@ dramachine
tange! mura lan ang pizza, ilibre mo ako bago pa gumuho ang isip ko dito.
@ kuya redlan
ahaha, pareho talaga tayong mahabang magcomment, at parang ito ang PINAKAMAHABA mo, so far.
hmmm, mukhang nagkakaideya ka yata. hmmmm. ahehehe.
hmmm, hindi ako titser ni tado at ni drama king, kasi kung sakali, nalampaso naman ako ng mga estudyante ko, libo libong MAS magaling sila sa akin.
ahaha, maiksi lan tong post na to hakshuli, madami lan ulit spaces. di ko nga mabuo yun PINAKAMATINONG thought dito e. nakakapanghinayang yung pagkakataon na masulat ko to, wala talaga akong kwentang magsulat. asar!
kamusta naman ang makabagbag damdaming post mo teacher racoon? haha. xet, ang emo emo, dinaig mo ang ka-emohan ko. ayheytchoo na. hahaha. :D
uy, may kwenta ang post mo na to kaya napahaba ang pag-comment ko. mahirap siya ihinto kasi mabibitin ka kapag di mo tinapos. hindi putol putol ang pagsalaysay mo. nagkainterest tuloy ako kay pluma. intriga. hahaha. nakakatawa yung taeness bla bla. hahaha. iba talaga kapag madaling araw mag post. hahaha.
haaay... nakakabitin post mo.
@ pedro
wag kang magalala, aheytmashelftoo, ayaw kong nasasabihan ng emo, yet i guess, that would be people's comment, kasi naman. nagdadramadramahan ako here. ahahaha!
o well, dahil emo ka din! ayheytchotoo. wahahaha!
@ kuya red
wala. ayaw ko lan talagang maisip ng iba na ako si pluma o kung sino mang disclaiming na sila si pluma. taeness, hindi ako yun. at liban sa blog ko, hindi ko na ulit babanggitin pa na hindi ako sya, dahil hindi talaga. tsk, nakakadismaya talaga.
ganun ba pag madalin araw? alam nyo po ba yung suicidal post ko, madaling araw din yun.ahhahahha. apir!
@ pensucks
nakakabitin din ang comment mo, ahhaha, jowk lan, salamat sa pagdaan. teka, bitin nga ba talaga? gusto nyo mas mahaba pa? hehe, bobo kasi akong magpaikli ng blog pero ANDUN na lahat.hehehe. pasensya na, shortcomings, yeknow. hahaha
hahaha. hindi ko binasa ang suicidal post mo. i mean hindi ko binasa ng buo baka mapag-isipan kong gawin pa ang magpakamatay. hehehehe
the firefly blinks.
Binasa ko na..
at binasa ko ren ulit to..
Ngayon..
Naiintindihan ko na... haaaay... maski ako nalungkot.. waaaaaa =(
Naintindihan ko na bakit sumikip ang dibdib mo.. Nakakalungkot.. sana okay paren kayo..
gandang araw! ngayon lang ako nadaan sa blog mo. ililink kita ha. :) gawi ka rin sa bahay ko. :)
naku. isang malungkot na entry.. hindi man ok ang lahat ngaun. sooner magiging ok yan. Kapit ka lang..
ang kulit..naloka ako...hehe...
but napawow aman aq, galing kc eh..
uhmmm
baket kaya kadalasan sa mga guro emo.. ngayon napapaisip ako nung nabubuhay kaya ang mama ko(teacher sya nung humihinga pa sya) eh emo din...
kookoo!!
omg ano.. sumusuko na nga ba?
teka teka.. kwento mo sakin sa ym.. hehe
an drama ng post ngayon.. hmmm..
sana maging ok ang lahat...
wow! blockbuster si pluma dito ah.. hahaha..
yun lang muna comment ko hehehe.. pang third time ko na tong binabasa rito..
may plano akong lumipat ng blog.. sasabihin ko rin sayo kung saan man ako mapapadpad o kung isasapubliko ko ang paglipat ko hehehe..
http://hiraya.co.nr
teacher ka pala. at tinawag mo pa akong sir jeck. aysus.
wala pala ako sa blogroll mo. wag ka nang babalik sa pamamahay ko a. :P
add po kita sa links ko, titser.
-jeck
isang paghanga sa iyong mga katha! i love you! este, i love your works pala! Pagpupuyatan ko din basahin mga panulat mo!
teacher, teacher,
anong reaksyon nung mga bata nung nakakita sila ng raccoon? :D
hehe.
di ko alam ang sasabihin ko. pwede bang hug na lang? *hug* (FC :D)
@ redlan
huhu, ayaw mo lan talaga basahin yun post ko. . .huhuu, darama!
@ I bulakeno
yup, it's their nature to blink, ako lan ang busted. . . hehe.salamat sa pagdaan
@ senora regina
hanaku, ang lupet nga ng mga pangyayari e, pero okay naman kami. hehe, buti naman at nakakarelate ka na. hehe
@ rimewire
tsk, how i wish i could call the doctor para sa situation na ito. it's killing me(drama lan) wahahaha!
@ winkii
gumawi na ako dun. hehe. basa ka lan if you like.=p
@ eyebags
salamat sa hopes. hmmmm, ewan ko, magulo. hehe, kapit lan? saan kaya...hmmmmmmm. . .
@ bunso
uy, namis kita. hehe, haaaaay, nakakaloka talaga. like, half craaaaazy *singing* wahaha
@ ferbert
ahaha, malay mo, emo din sya, paano naman kasi kami hindi mageemo, e ang sakit sa ulo ng mga heschudents...wahahahha!
@ jez
ayun, tagal ng reply ko dito sa bspot, ayan tuloy, nakausap na kita sa ym,...ahahaha! gay smile na! ahehe
@ fjordz
ayan, kasi naman, hardcore ka kung magplug ng blog mo, ayan tuloy, daming istokers...wahaha!
@ bshull
link mo mukha mo! kita mong namromroblema ako dito, bibigyan mo pa ako ng ka-link dyan....hindi ako salawahan... mainit ang ulo ko ha!!!
mga advertisers nga naman, nakakairita! tae mo! random click na nga, NA* blog pa ang naclick...asar!
@ sir jeck
okay po sir...wahahaha!
@ bienthoughts
i love you too, este i love my works too(ay conceited, jowk lan yun..wahaha). . .bakit mo naman pagpupuyatan, para mong sinabing mahaba ang mga sulatin ko. . .hallllleeeeeeer?! wahaha! iksi kaya. hmmm, a, siguro gusto mo rin maging racoon? wahahaha!
@ doc mnel
awwwwwwww. . . yun ang isa sa pinakatouching na nabasa ko sa comment sa blog ko simula pa nun una...salamat! simple joy ko pa naman ma-hug. . . ow well, sikreto lang natin to, UMABSENT ako nun araw na yun.ahaha! masama DAW ang pakiramdam ko kasi.wahahahaha! *yakapback*
racoon ka? ako panda eh.
ang pag iyak, paminsan minsan ay therapeutic din. minsan o dalawang beses sa isang buwan, parang kailangan kong umiyak. sa sobrang dami ng pressure na nabibuild up. sa kakulangan ng tao na makakausap.
mga dalawang deses sa isang buwan akong nagkukulong sa banyo pag madaling araw. para paganahin ang tear ducts ko.
kung ang ulan ay nakakapagpalinis ng mundo.. ganun din ang epekto ng pag iyak sa kalooban ng isang tao.
lagi namang may bukas. tara iyak tayo, samahan kita. hehe.
tangenang trip yan.
syet andami ko din gustong ishare. ahahaha. andame dame dame talaga.
gusto ko dito sa blog mo. bakit kaya ngayon lang kita nadalaw? lagi ka naman nagcocomment kay mariano diba? hehe
@ trinalabandera
huwaw. . . hehe, ANG HABA ng comment, garabe! M na M..wahahahha! hmmmm
opo, dumadaan ako ke ginoong M, pero ako yun nagkocomment na di gaanong makarelate. ahahaha! kumusta naman ang tattoo print na gusto nya, hanaku...sos him! wahahah!
hala, mas malupet ang panda, wahaha! ang laking eyebags nun, maleta to the nth power! wahaha!anu daw?!
teka, teach me naman kung paano umiyak ng twice a month, effective ba ang biks beypor rab? wahaha!
hala, sige, gusto kong makisabay sa pagngungoy mo. ahaha! ahuhuhuhu. asos!
masaya akong dumalaw ka, totoo, naiyak pa nga ako e..*tears* ahiihi =p
flyfly!
(kanino kaya ang mas may mahabang comment sa atin?wahahaha)
ayun,
nakadalaw din.
haha..
la na time mag blog hop eh.
matagal na ang post mo na ito,
kaya im sure eh OKAY ka na ngaun,
hehe.
salamat sa laging pagbisita.
tc.
en-ey!!
antagal naman ng new post!!!!!!!!!
baka makulta na ang utak mo nyan, sayang ang talento!!!!!!!!!!
@ churvah
ahaha, namis din kitang magkumento dito.hehe.. . . ganyun ba yun, pag matagal na, nagiging okay na? pidi pidi... pidi piru dipindi...hehe
@ lethalverses
huwaw, dinadalaw na ako ng sikat nayun...wahaha. eto nga, ampurol purol ko ng magsulat. . . kalawangin ng ang aking jutaks. may update ako, IMBISIBOL nga lan!
flyfly!
uuuuuuu
wala lang kapampangan ako e
kaya walang h
biro lang po.
:)
ngayon ko lang nalaman
na isa ka palang guro
mabuhay ang mga guro
wow
swearyoso
i love teachers
i love to be one
:)
kung kailangan mo ng kausap
tungkol sa love na yan
pwede ako
palagi ako nandito
:)
@ xienahgirl
howmaygas!!! talagang dinadalaw na ako ng mga sikat...
um salamat sa alok, iaavail ko ang alok na yan. oo, minsan, magdadrama ako sayo, baka tawanaan mo din ako...wahaha!
handa ka naman sigurong makinig sa mga parang shongaers na mga kwento ko diba? hehe.
ayun, salamat, salamat, nakakatuwa naman. naappreciate ko. weeee!
flyfly!
How are you? your website is nice
Check at that cool emo video clip:
http://tinyurl.com/8w2esc
聊天室 , 真爱旅舍 , 低调视频库网址 , 视频网址解析 , 真人女裸体视频 , 真人裸体网站 , 真人秀多人视频 , 真人裸体电影 , 视频网站排行 , 视频下载网站
Post a Comment