Monday, March 24, 2008

tikim sa tinapay ng buhay

ano ba ang totoong basehan na nabuhay ng magmuli ang panginoong si Kristo??

sa palagay ko, kadalasang masasabi ng nakararami na ang walang laman na himlayan o empty tomb ang pinaka prowebang masasabi na nabuhay nga siya ulit pagkatapos mamatay dahil sa malulubhang pasakit na natamo niya....

(o mas malupet na maisip mo na dahil sa mga easter eggs, o bunnies o jelly beans... bugbog, gusto mo? HMF!)

pero pwede ko bang sabihin na mayroon pang mas matindi kesa dito?

eto yung:

***habang may mga taong nahihirapan at nasasaktan ngunit nagmamahal pa rin...

***habang may mga handa pa ring magparaya sa gitna ng hindi pagkakapantay-pantay...

***habang may magbibigay kahit walang-wala na rin...

***habang may handa pa ring pumunas ng mga luha habang luhaan rin...

YUN...

DOON MO MALALAMANG BUHAY NGA ANG DIYOS, sa puso yun ng bawat tao...


para saan pa ang pagkabuhay niya kung patay din naman SIYA sa atin..

buhayin natin ang Diyos, ipalaganap ang pagmamahal niya...ΓΌ

maligayang pasko ng pagkabuhay!

(mga impluwensya sa mga bagay na natutunan ko sa mga sermon ni padre astig, yan yung mga sabjektib na patotoo ko sa pagkabuhay ni Kristo, walang plagiarism dyan, wahaha)

>>>

litrato namin kahapon matapos magsimba...



>>>

sabi ni padre astig

"nakakakuha ako ng lakas presensya nyo palang" (at naramdaman ko siya ng sinabi niya yun, sooobra)

oras ko naman para sabihin to sa mga mambabasa/friends ko:

"nakakauha ako ng lakas presensiya niyo palang" -kookoo/napundingalitaptap

Sunday, March 23, 2008

bumabalik sa dating tema ng literatura

you are never far away...

YOU ARE JUST TIME AWAY



>>>

illustration to follow, (gas where's my cam, hmf!)

Saturday, March 22, 2008

may bagong alam: panahon nanaman




>>>

mas natututo na akong makibagay sa mga brushes ngayon, masarap puminta.

salamat adobe photoshop, araw-araw nagugutom ako sa adobo at puto tuwing nababasa o naririnig kita..

>>>

may nakasulat sa litrato... iclick mo nalang para mabasa mo. totoo yan, mahilig talaga akong magdrama ngayon ngayon... kulang kasi ako sa tulog dahil puro kompyuter ako.. sabi na nga ba, malaki ang parte ng hindi pagtulog sa emosyon ng tao...

"panahon nanaman nga ng pag-ibig, pero di ko dapat ipagsiksikan ang sarili ko dito... hanggang ngayon, di mo naririnig ang bawat salita sa sigaw ko" -napundingalitaptap

Thursday, March 20, 2008

etiketa: random galing kay churvah-loo gerl

sige sige... hindi ko talaga feel magsulat pero baka sakali nalang na matino naman ang gagawin ko ngayon.

ni-tag ako ng batang babae ngunit bading na si churvah... at walang masamang paunlakan ko ito.

angal?
hmf!

8 random facts about me

1. mahilig akong magpapansin at sanay akong maging slightly high-profiled..

2. hindi naman talaga ako manunulat. sadya lang talaga akong feelingera..

3. mahilig ako sa mga hardcore na tugtog. pero poser lang ako..
"daig ko pa ang ahas, kaninong pwet kaya hahalikan ko bukas"

4. trip na trip kong magmayabang na may alam ako sa potograpiya, na sa totoo, tyamba lang

5. marunong akong kumanta at sumayaw, pero isinisisi ko ang hindi ko pagiging magaling dito sa mga magulang ko
"hindi niyo kasi ako pinilit nung mas bata pa ako"

6. hindi ako marunong magalit, at kung nagalit ako sa iyo, etching lang yun!

7. mukha akong walang pakialam sa mga tao sa paligid ko, pero sa totoo, hindi ako sigurado.
"ah, ayun, oo, basta"

mahilig akong mambitin, hindi dahil gusto ko pero nahihirapan akong magexpress..yata. di ako sigurado.

8. bago ko pa matapos ang mga sentimyento kong ito, alam ko na na tatawanan ko lang ang lahat ng ito, katunayan, bago pa dumating sa pang-walo e natatawa na ako sa mga sama ng loob na nararamdaman ko.

hmf hmf!

disclaimer: (hindi talaga ito disclaimer gaya ng mga nababasa mo sa libro, dahil nga feeling manunulat ako kaya ko ito gagamitin, pampam lang)
kung matino ang pagiisip ko ngayon, hmmm, malamang, lahat na ng bangko sa bahay e nabuhat ko na. bahala ka ng umunawa. mahal na araw naman e, pabonus mo na.

>>>


(trip na trip kong pakinggan.. lumang kanta na pero patok na patok parin sa mga kasalukuyang pangyayari)

>>>>



(bahala ka ng hanapin dyan kung nasaan yung totoong ako)

ay siyaks, pasensya na churvah, di talaga e.. salamat sa pag-tag, natats ako kung alam mo lang..salamat.

uror!

bulok na layout!



buseeet!!

yaaak, ano ito? basura?

hindi nga maganda ang pakiramdam ko, senyales, naguguluhan ako sa mga bagay-bagay!!

paano ko kaya ibabalik ang dati...



nakakapanginit ng ulo!


unrequited love... tsk tsk.

Tuesday, March 18, 2008

pagbabago, ang hirap tanggapin

excited talaga akong umuwi ngayon (medyo lang pala)...

gusto ko na kasing makita ang mga kapamilya ko, miss ko na din ang walang humapay na paginternet... pati ang masasarap na pagkain, at di mawawala ang mas mahabang tulog diyan!

pero maliban sa lahat ng ito, namimiss ko na rin makita ang buong bahay, kampante kasi ako pag andito ako... parang kumportable at alam na alam kong lahat ng mga kasiyahan nadama ko ay simula pa nun bata pa ako...

pero pag dating ko bigla kong naalala, pinaayos nga pala nila ito sabi ni mommy.

pag pasok ko ng bahay, oo nga, maganda ito...bagong pintura na, mas makulay gaya ng dati... pero hindi ako naging masaya... gusto ko pa rin yung dating itsura nito, luma man, pero yun yung kasabay ng paglaki ko.......

nakakaasar, ang arte ko. nakakalungkot ngang talaga.

pati kisame na tiningalaan ko bago matulog, iba na rin...

kanina, pag lingon ko, parang nasa kabilang dimensyon na ako, wala ako sa sarili kong bahay... parang nakikidalaw lang ako sa bahay ng kung sino man.

pero habang nanonood ng tv at nakikipagbandingan kay paris hilton, este sa lola ko, nabanggit niya na mayroon daw minsang lalaki na pumasok sa pamamahay namin habang umalis ang mga magulang ko at may pinuntahan din ang aming butihing katulong...

hindi naman daw kinakabahan si lola dear pero mukhang may masamang balak talaga yung lalaki.,.. hinihingian siya ng pera. gagamitin daw niya ito upang makauwi sa probinsya nila.

pinapasok siya ng bahay (nasa terrace kasi siya) at bigla siyang sinundan nun mamang walang hiya...

may dala itong brown envelope na mukhang may alambre sa loob

ika nga ng aking lola

"siguro alambre yun at balak akong i-strangle" (naaliw naman ako sa term ni lola, so konya! ahaha)

buti nalang daw, may dalawang pintor na nagpipinta sa bahay, umalis tuloy yung junga-jungang yun!!

siguro, isa ng malaking konsolasyon sa pagiging malungkot ko ang nakwentong iyon ng lola ko. total, maganda na rin naman yung bahay ngayon, buti walang masamang nangyari sa kanya...

nako, tropapips ko pa naman yun si lolaness... buti nalang talaga.

pero nun naisip ko yung marka namin sa pader kung gaano kalaki yun itinatangkad namin, nalulungkot pa rin ako, iba na ang bahay.. pati mga bandalismo at kung anu-ano namin....

pati yung mga matatandang art works, paintings, di ko na matanaw.

tsk, ang arte ko talaga!

ang sentimental ko nga pala talaga


p.s
ayaw kong mamaliitin niyo yung naramdaman ko sa pagbabago ng bahay namin, buong panahon, alam ko kung anong mga nasaksihan nito sa paglaki ko. okay?!

pagbabago, mahirap lang talagang tanggapin... haaay, paalam na sa pagiging nanay ko sa campus..(uh, onti lang makakarelate dito sa pahayag na ito)

Saturday, March 8, 2008

paalam ekwelahan

tama tama.... hindi na ito biro, last day ko na sa eskwelahan bilang estudyante ngayon....

wala ng exams...

di na kailangan maghabol sa mga propesor...

wala ng silbi ang uniporme pangeskwelahan, ID at nameplate...

di na magpupuyat at magrereklamo sa dami ng mga takdang-aralin...

wala ng matatawag na "klasmeyts"...

mga kwaderno, hindi na para sa lecture....


buong buhay ko, estudyante ako...


pero bukas, paggising ko?

IBA NA...

IBA NA...

nakakapanibago,

nakakasindak,

NAKAKALUNGKOT...



Tuesday, March 4, 2008

lablayp to. lablayp ko to...

PAG BINASA MO TO… WAG MO NG PAKAWALAN ANG BAWAT SALITA, BIHIRA LANG ITO… swear! MAIKSI LANG YAN, may mga dialogue kasi kaya mukhang mahaba…

Namulat ulit ang kamalayan…


Kung hindi ako nagkakamali, 3:51 ng umaga ng nagising ulit ako ngayon umaga (4:35am na, tagal kasi magbukas ng Jurassic pc ko, with all the dinosaurs..hekhek)… marami pa akong artikulong kailangang matapos dahil malapit na ang dealine nito—kahapon. KAHAPON? Paktay!

Upang matapos agad ang takdang aralin na ito, plinano ko kagabi na humiram ng pc ni jirah gerl(dormeyt na may mala-robot na pc, feeling ko nasa future na ako, at nasa kalawakan), makikigamit ako ng internet…uso kasi ang wifi sa dorm namin(trivia lang), kaya ayun, umepal muna ako sa pc niya… sumalubong sa akin ang yahoo messenger. Ewan ko nga pa kung bakit pinatos ko ito, oo, may ym acct ako pero hindi ko ito ginagamit… ewan ko nga ba kung anong uod ang pumasok sa utak ko at natulig tulig ako sa katotohanan na ang boring ng buhay ko at hindi ako nakikipagchat..

sige, baka sakaling onlayn sila kah, jez, rico o cheng…o mas hardcore kung si ponsyo pilato… toink!

Marami akong natanggap na imbitasyon, accept naman ako… pindot lang ng pindot, di ko na nga binabasa yun sinasabi nun dilaw na nakangiti, si kokey ata (yung smiley ng
ym..)

Ng biglang:

XD: kookoo??

At sumagot naman ako…


nikolaits: po?


Mabilis nga pala ang usapan sa mga ganitong sitema


XD: you forgot me already?
nikolaits: toink..ofcourse not
XD: hahaha


Marahil nagtataka ka, XD, sino si-ya?

Si XD ay isang batang singkit, siya ay kasalukuyang nasa lugar kasama ng mga baka..

Readers: sa Masbate sa bicol?
Koo: toink, tayugan mo naman ang pangarap mo, sa TEXAS siya…
Readers: ahhhh… cowboy.

-

Maliban sa taga texas siya, isa siyang blogger friend, isang taon at mahigit ko na rin kaming kaibigan, isang tao na rason ng pagtuloy ko sa pagsulat, isang tao na laman ng mga susulatin ko dati… isang rason kung bakit ko napagbalingan ng emosyon ang mga salitang nailalabas ko sa pamamagitan ng panulat.

Isang taong minahal ko.

Kung nagbabasa ka talaga ng mga posts ko dati-dati at nadadama mo ang kabiteran ko, oo, siya yun… yun sa year ender.

Ganito, naging magkaibigan kami sa prenster blog (kaya pa tinatakwil ko yun ng parang alibughang anak, uh? Ano?) basta yun..

Readers: o, bakit mo itinakwil?
Kookoo: nakakabitter kasi e, memories and all that.. yu nu, win yu am..yu nu, yu rimimbeir and rimimbir da panchis that mid you hert, yu nu (uh, pacquiao?)

Ayun, may mga bagay na hindi naging maganda sa aming pagsasamahan.
Nung nakilala ko siya, nasa Pinas pa siya dati nun, okay naman, hindi ko din alam kung bakit nun una ko palang mabasa ang blog niya(nowsblidan pa ito, ingglesero kasi si pogi, e ingglisera din ako dati…pwe!) E alam ko na na…. “hindi lang kami magiging prends nito”… ewan ko ng aba kung bakit nagfire ang neuron ko at naging futuristic ng ganun… ang labo.

Estranghero, oo, estranghero kami sa isa’t-isa… madami muna kaming series(o, parang palabas lang, serye nalang, mas dramatic, uh?) ng mga paguusap… minsan pang-matalinong usapan, minsan bobo, madalas Masaya, bihirang malungkot…pero kahit ano pa mang usapan yan, duguan pa rin ang ilong ko.,.. nowsblidan talaga,.

Gaya ng sabi ko, alam kong simula’t sapul e may kakaiba na sa amin (o ilusyon ko lang, lagi kasi akong high dati sa katol, malamok kasi…koneksyon?)… basta, kahit pa pinaguusapan naming prends kami, E IBA TALAGA.. may kakaiba.

Blahblahblah.. paglaon ng panahon (robot na ang naglalaba sa bahay namin, tgggsh!)

Naamin ko, AKO MUNA..(dalagang pinay ako e… sabi sayo!, oo nalang!)

Oo, may emosyonal na involvement na ako sa kanya… at dahil hindi feelingero si pogi, di naman daw niya nadama…O ayaw niyang mag-assume… pero sa oras na nalaman na niya kung ano ang side ko, umamin na din si pogi, may tears pa siya nun (kaso hindi ko nakita)

Readers: o, bakit hindi mo nakita?
Koo: bulag kasi ako… hindi…. blog nga diba..

blog, hindi ko pa talaga siya nakikita,

di ako sigurado kung tao nga ba siya o anime lang (wala na kasing mata sa kasingkitan)… ayun.

Ayun, ipinaliwanag ko lang…

BIRTWAL ETO MGA SHUFATID…

Ayun, okay naman ang pakyut-kyut namin… Masaya.

At dahil nga dalagang pinay ako, NAG-GO-THE-DISTANCE naman ako, hindi to jowk… ako talaga yung dumalaw sa kanila… taga-karatid lugar ng maynila lang naman sila… clue: south part

Pero maski na, ako pa rin yung dumalaw…. Parang desperada.
Hindi a,(disclaimer pa..), natulak lang talaga ako para gawin ko yun, nun nalaman ko na aalis na siya palabas ng bansa… (tsaka balak ko talagang icarnap yung suv nila), syempre, hindi naman ako matatahimik ng hindi ko siya nakikita o hindi lang man mageffort (ayun, pinagbayo ko siya ng bigas, pinadalhan ng aircon, pinagararo ng lupain, sinuplayan ng entertainment showcase….grrrrr).. kaya ayun.

Satisfying yun sa part ko.

Masaya

Masaya…

Ma-sa-yaaaaah (mala-bamboo yan pa-re)

-

nikolaits: ay siyaks, iba na talaga.... pero masaya na din ako na makausap ka... at para parin tayong tanga.
nikolaits: wahaha
XD: hehehe
XD: yeah
XD: mis ko na din ung mga nakaraan
XD: but i think we'd be good as friends

-

XD: MISS KO NA YUNG NAKARAAN

Tama tama, nakaraan nalang, nilisan na rin kami ng panahon… dumating kami sa punto na isinuko na naming ang lahat… hindi madali ang long distance na relasyon… at ang malupet, HINDI TALAGA NAMIN KILALA ANG ISA’T-ISA…

Masakit, sakit talaga… eto yung rason kung bakit hindi na ako nagkakain dati… eto rin ang rason kung bakit bigla akong ipinasok sa institusyon ng mga baliw…(exagge lang) kung bakit pala ako ipinakausap ng ina ko sa isang sikolohistang counselor…

SHUT DOWN talaga sistema ko dati… malala.

XD: i only know alot of girls..
XD: they're just friends
nikolaits: ****************************
XD: i dont want you to think that i foold around with alot of people.
XD: hehe
XD: yeah
XD: *****************
nikolaits: hindi.... okay lang, naramdaman kita dati... di nga ako nagalit sayo e...
nikolaits: pero aw
nikolaits: aw
nikolaits: aw
nikolaits: awts
nikolaits: aw
nikolaits: aw
nikolaits: ang sabi ng dog...
nikolaits: aw aw!


O, naging aso muna ako panandalian sa aming paguusap.
-

Isang rason ng pagkakalabuan naming e ang pakikipagprends niya sa madaming girls, awts talaga. Pero sige, sige… naniniwala ako na prends lang talaga, PERO. Nagsawa na si pogi na puro kookoo nalang….

Dun niya nahanap si *w*, si *e, si **na, si lorna, si fe, si protacia, si circacia, si mayumi, si dalandan, si Gloria, si Imelda… basta, madami.
At ayun na nga… hehe,

Pero pinagusapan naming ng matino an gaming paghihiwalay. Masakit pero kinaya ko naman.. nakakabuang talaga, impernes… pero matapos ng matinding pagkausap kay sikolohistang counselor, ayun, natanggap ko naman ng positibo ang lahat.

XD: and the things i said before
XD: im sorry
nikolaits:
XD: i guess it was just me
XD: hindi naman ikaw ung immature
XD: honestly
XD: ive had worse fights now
XD: but then its different
nikolaits: ganun ba?
XD: kasi alam ko AKO UN dati e
XD: yeah..


Isa sa pinagduduldulan niya na rason kung bakit na niya ako inaayawan ay dahil daw sa immaturity ko, sabi ko nalang “SIGE, kung yun yung tingin niya sa akin… gusto ko sanang ipamukha na hindi ako immature, pero…. Hindi maturity ang pagpilit na pagpamukha sa isang tao na hindi siya immature… hindi ko ipu-prove sa kanya na immature ako, dahil hindi (YATA, hehe, sa sitwasyon namin, hehe) kaya, OO NALANG. Kilala ko naman ang sarili ko.)
-
XD: i guess maybe
XD: i just really liked being friends with you
XD: and i didnt want it to be anything more kaya ganun
XD: i just wanted to tell you that
XD: and im sorry
XD: for like all the shitty things
nikolaits: okay lang, no ka ba...
XD: e kasi
XD: ung conscience ko
XD: kapag naalala kita
XD: parang di naresolve e
XD: haha
XD: its just lilke
XD: hey hellow
XD: hi
XD: tas aun


Asos, napadaan ko lang ito sa usapan NAMIN ng mabilis…. Nakonsenya si pogi, ako, wala lang… o well, I’ve been good…WOOHOOOO!
-
nikolaits: anu?
nikolaits: nadala ka lang din,
nikolaits: naenjoy tayo sa long distance commitment ek ek... sa estrangherong birtwal.... sa pakyut kyut...
nikolaits: iba na tayo nayun...
XD: yeah..
nikolaits:
XD: hehe
XD: all the things in life have a reason i guess
XD: i still have to admit i had alot of happy days with you
XD: times are just different now..
nikolaits: buti naman,,., oo naman, enjoy tayo..alam ko yun...DATI.


okay naman na alam ko na naging Masaya siya nun naging parte siya ng buhay ko…. Hindi kasi ako nangaaway talaga, siguro nakikita niya yun kaibahan ko sa gerlaloo niya nayun na lagi siyang inaaway… wekwekwek…
gaya ng sabi ko, lumipas na ang panahon, mabilis na mabilis… parang dilis(uh, isda?)

-
nikolaits: okay lang naman na magbye bye na ikaw nayun... para fulltime **** chatting mode....
XD: sorry
XD: inaaway niya kasi ako e
XD: pagsinabi kong nag-hi ka patay tau haha..
nikolaits: awww.. ganun, pwede pala akong maging cause ng ikamamatay mo?
nikolaits: gaya ng sabi ko, pwede na ikaw magbye bye... may paguusapan pa ba tayo?
XD: yeah\
nikolaits: teka, ang selosa naman... sabagay.
XD: but then we're fighting and i have to resolve it fast
XD: i have alot of stuff to ask you
XD: haha
nikolaits: o, ano? nayun?
XD: hows life?
XD: hows rico?
XD: and your other friends?
nikolaits: toink...
XD: been to any concerts lately?
XD: where do you live now?
XD: hows your family?
nikolaits: rico? nabadtrip ako dun lately...
XD: waw
XD: bago un ah
XD: bakit?
XD: oh yeah and who's the guy sa pic mo
XD: ayan hehe
nikolaits: concert..naman, oo naman... urbandub, dalawang bese sa isang week nun feb.... woohoo
nikolaits: bwisit kasi yun si rico, salita ng salita..**********************************
nikolaits: guy sa pic...wahaha
nikolaits: wahaha


ay nako, sabagay, hindi nga naman okay para sa gerlaloo niya na makipagusap si boylet niya sa akin, (parang patintero yun kasama ng mga halimaw sa banga…)
ang dami niyang tanong, ang dami talaga… o well, marami pa rin naman pala siyang gustong malaman tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko.. lets say(ohmy, inggles ba ito? AARGH) concerned pa rin pala… at Masaya pa rin siya sa mga bagay na ikinasisiya ko..

MADAMI NA RIN PALA SIYANG ALAM SA AKIN.
-
XD: kahit bulok si gloria id take a pic with her
nikolaits: ay teka, pero meron ako ngayong, hmmmm....
nikolaits: tsk, wag muna gma
XD: hehe
XD: bulok e
nikolaits: hehe
XD: well anyway
nikolaits: ?
XD: her term is almost done


Ayun, lumabas nanaman ang pagkaradikal ni pogi, (dito nga ako natutong mangialam sa pulitika) blahblah…ang daming sinasabi, meron pa naman akong mas gustong ishare sa kanya.

(ohmy, trivia: page 8 na sa word2007 ang sinusulat ko, mahaba nga ata..hekhek)

nikolaits: puro gma... di mo na napansin yung sinasabi ko..
nikolaits:
nikolaits:
XD: pero meron ako ngayong
XD: ano
XD: haha
XD: napansin ko naman un e
nikolaits: ayun... pero maghulo.
nikolaits: magulo yun
XD: love problems?
-
nikolaits: medyo..basta, ang ***************
XD: ahh
XD: and who's the lucky b*stard?
XD: i mean
XD: guy
XD: hehe
nikolaits: if you are bad at it, lalo na siya... ang blahblah...
XD: whaat
XD: di na ako ganyan no
XD: haha
nikolaits: siya, basta, ****** din….pero friend ko talaga....
XD: iba na ako ngayon
XD: ah
-


TAPOS YUN, lowbatt na yun pc….
DI NA AKO NAKAPAGKWENTO…
-

Kookoo: I just had a short chat with **** da singkit guy, and it feels good to know that he’s just part of my past now. Masaya naman, knowing that we are still friends

Pakoy: mabuti naman.

Jez: did he call you up? Is he back?
Koo: definitely not, friends nalang kami…

Kah: wala na talaga si blogger?
Koo: yup, blogger boy wil poreber be my prend, alam ko yun. Wala ng issue, matatanda na kami, I mean AKO, ..wekwekwek. He’s having struggles YATA sa lablayp niya ngayon, bata pa kasi sila. Okay naman, We are happy, APART.


WE ARE HAPPY, APART.



Sa mga bagay na nangyari sa amin, aminado ako, naging Masaya ako, lagi lang kaming nagtatawanan nun, may away pero parang away tigre lang, I mean, away bata lang…. mababaw.

Medyo nalulungkot ako para sa kanya, paano kasi, long distance pa rin sila ni gerlaloo niya nayun.. mahirap kasi talaga, hindi siya normal.. iba pa rin yun nagkikita kayo… matagal na rin sila, mga 2days na ata…. Boyngk!!! Mga 6 months siguro, ewan, di ko naman sila binabati kapag happy monthsary chorba blahblah nila e. wekwekwek...

Nakakausap ko na din si gerlaloo niya minsan na minsan… at alam ko sa sarili ko na okay ako.

Yan si XD, kakaiba yan, basta, hindi ko maexplain, dati sobrang siya na yun gusto kong makasama habang buhay, kakaiba kasi ang perspektibo niya sa buhay, napakapositibo… nasabi ko nga dati na nakakatakot na baka siya ang maging basehan ko ng ideal na kapareha sa buhay… pero gayun pa man, tao lang din pala siya (akala ko dati alien…engk)… nagkakamali din, at hindi perpekto. Dun ko napatunayan na hindi dahil blahblahblah, e okay na talaga.

Okay na ako nayun, talaga. Pag siya ang pinaguusapan, sus, humahagulhol ako… tgsh! Indi tinatawanan ko nalang yan. Wala nga akong pinagsisisishan e, siguro kaya kuntento na din ako kasi hindi ako nagkulang sa mga bagay na ginusto at kaya kong gawin.. sinabi ko at pinaramdam ko dati na mahal ko siya talaga. Kahit minsan, feeling niya nambobola lang ako(magaling kasi ako dun, pero may laman yun lagi, peksman..)

Masasabi ko na, napakawalan ko na ang ideya na siya ang por-e-ber ko. Okay din na naharap ako sa sitwasyon naming niyan ni XD, nagkaroon naman ako ng abrupt growth pag dating sa pagmamahal… TOTOO pa.

hmm, masaya rin na malaman na malamang, may natutunan siya sa akin... tulad ng pambobola, juk...

Sa ngayon, alam ko na hindi pa rin talaga ako handa para sa isang malupit na relasyon, may mga anik-anik man sa gilid-gilid… so far, hindi naman ako natutulig at nageenjoy sa ideya na nangunguliglig sila.(medyo rhyming… poetic, errrr)

Hindi pa, hindi pa… hindi muna talaga ako magsasalita, alam ko na ang pakiramdam ng hindi pagkulang sa paglahad ng totoong nararamdaman,MA-OKAY… at wala naman akong balak na magpalampas ng oras… naniniwala lang din ako na may oras para diyan…. Hindi ngayon, hindi muna.

(page 10 pag may spacing…page 6 pag wala / 2,402 words)

May mahal na ako ngayong iba, oo naman, ayun nga lang, madami na akong kino-consider, magsasalita ako, wag kang mag-alala… yun nga lang, sana, andiyan ka pa. =/
Lablayp to, lablayp ko to,--- DATI.

Trivia: 7:11 am na, kunbg anu-ano kasi muna ang binulatlat ko sa pc ko…

Readers: di ka naming pinageexplain.
Koo: FINE! That’s what I have said (o, inggles, ganyan kaming magusap dati…puro ganyan, minsan pa may tran-sley-shen[translation] pa)

Trivia ulit: meron akong isang folder ng mga litrato niya, at hindi ko matagpuan, meron kasi akong photo concept na gustong gawin… ahaha, dinelete ko ba? Bitter ko naman dati..asar! hekhekness...