Thursday, March 20, 2008

etiketa: random galing kay churvah-loo gerl

sige sige... hindi ko talaga feel magsulat pero baka sakali nalang na matino naman ang gagawin ko ngayon.

ni-tag ako ng batang babae ngunit bading na si churvah... at walang masamang paunlakan ko ito.

angal?
hmf!

8 random facts about me

1. mahilig akong magpapansin at sanay akong maging slightly high-profiled..

2. hindi naman talaga ako manunulat. sadya lang talaga akong feelingera..

3. mahilig ako sa mga hardcore na tugtog. pero poser lang ako..
"daig ko pa ang ahas, kaninong pwet kaya hahalikan ko bukas"

4. trip na trip kong magmayabang na may alam ako sa potograpiya, na sa totoo, tyamba lang

5. marunong akong kumanta at sumayaw, pero isinisisi ko ang hindi ko pagiging magaling dito sa mga magulang ko
"hindi niyo kasi ako pinilit nung mas bata pa ako"

6. hindi ako marunong magalit, at kung nagalit ako sa iyo, etching lang yun!

7. mukha akong walang pakialam sa mga tao sa paligid ko, pero sa totoo, hindi ako sigurado.
"ah, ayun, oo, basta"

mahilig akong mambitin, hindi dahil gusto ko pero nahihirapan akong magexpress..yata. di ako sigurado.

8. bago ko pa matapos ang mga sentimyento kong ito, alam ko na na tatawanan ko lang ang lahat ng ito, katunayan, bago pa dumating sa pang-walo e natatawa na ako sa mga sama ng loob na nararamdaman ko.

hmf hmf!

disclaimer: (hindi talaga ito disclaimer gaya ng mga nababasa mo sa libro, dahil nga feeling manunulat ako kaya ko ito gagamitin, pampam lang)
kung matino ang pagiisip ko ngayon, hmmm, malamang, lahat na ng bangko sa bahay e nabuhat ko na. bahala ka ng umunawa. mahal na araw naman e, pabonus mo na.

>>>


(trip na trip kong pakinggan.. lumang kanta na pero patok na patok parin sa mga kasalukuyang pangyayari)

>>>>



(bahala ka ng hanapin dyan kung nasaan yung totoong ako)

ay siyaks, pasensya na churvah, di talaga e.. salamat sa pag-tag, natats ako kung alam mo lang..salamat.

5 iba't-ibang reaksyon:

janelleregina said...

Hindi ba ikaw lang naman yun nasa picture? hahaha
Galing mag-edit ah. haha

Wow. Nag-iba na layout. Kaso parang ayaw mo.. kasi hindi mo na mabalik yun dati.. hmm.. Hanap ka na lang ng bagong layout =) Dami pa naman jan sa tabi tabi.. hahahaha

Chill ka lang po. Nakuu.
hehe

Pepe said...

Happy easter Kulay....! Daming alitaptap a, pano mo ginawa yan....? Tagal kong nawala dito a, busy kasi sa mga raket ko.... Anong gimik for bakasyon....? =D

napunding alitaptap... said...

@ janelle regina

wahaha, yup, that's all me. hindi naman sa gusto ko nun dating layout... parang di lang ako satisfid, gusto kong makahanap ng bagong konsepto sa blog kong parang tanga. tas mainit talaga ang ulo ku nun araw na yun.

hahha, wala ka lan man comment sa content nun sinulat ko, wahaha... anyway, ayos lan..ΓΌ

basta,best layout, asan ka na ba? ahuhu..

@ pepe

huwaw, naluha naman ako, you're back.. ahuhu. hindi pa naman easter dito e. ahaha. ano bang raket mo? baka makarating ka na sa ibang planeta niyan, toink! ahaha.

gimik for bakasyon? wala, boring ako e..ahaha!

fly fly!

caca said...

hehehe, emotera ka pala. :P

napunding alitaptap... said...

@ caca

nageemote ba ako, sige na nga...haha, palagi nalag akong nasasabihang emotera lately... hehe