ano ba ang totoong basehan na nabuhay ng magmuli ang panginoong si Kristo??
sa palagay ko, kadalasang masasabi ng nakararami na ang walang laman na himlayan o empty tomb ang pinaka prowebang masasabi na nabuhay nga siya ulit pagkatapos mamatay dahil sa malulubhang pasakit na natamo niya....
(o mas malupet na maisip mo na dahil sa mga easter eggs, o bunnies o jelly beans... bugbog, gusto mo? HMF!)
pero pwede ko bang sabihin na mayroon pang mas matindi kesa dito?
eto yung:
***habang may mga taong nahihirapan at nasasaktan ngunit nagmamahal pa rin...
***habang may mga handa pa ring magparaya sa gitna ng hindi pagkakapantay-pantay...
***habang may magbibigay kahit walang-wala na rin...
***habang may handa pa ring pumunas ng mga luha habang luhaan rin...
YUN...
DOON MO MALALAMANG BUHAY NGA ANG DIYOS, sa puso yun ng bawat tao...
para saan pa ang pagkabuhay niya kung patay din naman SIYA sa atin..
buhayin natin ang Diyos, ipalaganap ang pagmamahal niya...ΓΌ
maligayang pasko ng pagkabuhay!
(mga impluwensya sa mga bagay na natutunan ko sa mga sermon ni padre astig, yan yung mga sabjektib na patotoo ko sa pagkabuhay ni Kristo, walang plagiarism dyan, wahaha)
>>>
litrato namin kahapon matapos magsimba...
>>>
sabi ni padre astig
"nakakakuha ako ng lakas presensya nyo palang" (at naramdaman ko siya ng sinabi niya yun, sooobra)
oras ko naman para sabihin to sa mga mambabasa/friends ko:
"nakakauha ako ng lakas presensiya niyo palang" -kookoo/napundingalitaptap
Monday, March 24, 2008
tikim sa tinapay ng buhay
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 3:49 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 iba't-ibang reaksyon:
sinaniban ka ni Fjordz? joke lang. emo natin ngayon ha. pero tama ka, lalim ng interpretasyon mo ng pagkabuhay ni Jesus.
God bless!
ahaha, emo ba talaga? dami nagsasabi..hmmm... nako, magpapasanib na ako sa lahat, wag lan kaw fjordz, wahaha (peace pyordaaan)
24 Mar 08, 22:40
gnda naman ng blog for easter..
-karol anne
ang sweet naman..may picture taking after magsimba..=D
mukang asteehg nga nung sermon nung pari..panalo..hehe..
trulaloo at walang halong eklabu din ung pananaw mo tungkol sa pagkabuhay..=)
hi! jst droppin! ;)
belated easter! God bless.
tama ka dun.
buhayin natin Siya sa ating mag puso.
super..belated..happy easter.
wow, happy easter kahit late na! :)
Post a Comment