Tuesday, March 18, 2008

pagbabago, ang hirap tanggapin

excited talaga akong umuwi ngayon (medyo lang pala)...

gusto ko na kasing makita ang mga kapamilya ko, miss ko na din ang walang humapay na paginternet... pati ang masasarap na pagkain, at di mawawala ang mas mahabang tulog diyan!

pero maliban sa lahat ng ito, namimiss ko na rin makita ang buong bahay, kampante kasi ako pag andito ako... parang kumportable at alam na alam kong lahat ng mga kasiyahan nadama ko ay simula pa nun bata pa ako...

pero pag dating ko bigla kong naalala, pinaayos nga pala nila ito sabi ni mommy.

pag pasok ko ng bahay, oo nga, maganda ito...bagong pintura na, mas makulay gaya ng dati... pero hindi ako naging masaya... gusto ko pa rin yung dating itsura nito, luma man, pero yun yung kasabay ng paglaki ko.......

nakakaasar, ang arte ko. nakakalungkot ngang talaga.

pati kisame na tiningalaan ko bago matulog, iba na rin...

kanina, pag lingon ko, parang nasa kabilang dimensyon na ako, wala ako sa sarili kong bahay... parang nakikidalaw lang ako sa bahay ng kung sino man.

pero habang nanonood ng tv at nakikipagbandingan kay paris hilton, este sa lola ko, nabanggit niya na mayroon daw minsang lalaki na pumasok sa pamamahay namin habang umalis ang mga magulang ko at may pinuntahan din ang aming butihing katulong...

hindi naman daw kinakabahan si lola dear pero mukhang may masamang balak talaga yung lalaki.,.. hinihingian siya ng pera. gagamitin daw niya ito upang makauwi sa probinsya nila.

pinapasok siya ng bahay (nasa terrace kasi siya) at bigla siyang sinundan nun mamang walang hiya...

may dala itong brown envelope na mukhang may alambre sa loob

ika nga ng aking lola

"siguro alambre yun at balak akong i-strangle" (naaliw naman ako sa term ni lola, so konya! ahaha)

buti nalang daw, may dalawang pintor na nagpipinta sa bahay, umalis tuloy yung junga-jungang yun!!

siguro, isa ng malaking konsolasyon sa pagiging malungkot ko ang nakwentong iyon ng lola ko. total, maganda na rin naman yung bahay ngayon, buti walang masamang nangyari sa kanya...

nako, tropapips ko pa naman yun si lolaness... buti nalang talaga.

pero nun naisip ko yung marka namin sa pader kung gaano kalaki yun itinatangkad namin, nalulungkot pa rin ako, iba na ang bahay.. pati mga bandalismo at kung anu-ano namin....

pati yung mga matatandang art works, paintings, di ko na matanaw.

tsk, ang arte ko talaga!

ang sentimental ko nga pala talaga


p.s
ayaw kong mamaliitin niyo yung naramdaman ko sa pagbabago ng bahay namin, buong panahon, alam ko kung anong mga nasaksihan nito sa paglaki ko. okay?!

pagbabago, mahirap lang talagang tanggapin... haaay, paalam na sa pagiging nanay ko sa campus..(uh, onti lang makakarelate dito sa pahayag na ito)

8 iba't-ibang reaksyon:

Dear Hiraya said...

so konya ng lolaness mo hahaha.. sarap siguro talkaga kausap niya no?? yheheh

kaw na rin nagsabi.. kailangan nating harapin ang mga paghbabago..

http://hiraya.co.nr

napunding alitaptap... said...

@ fjordz,

haha, malamang, ikaw pa lang naman ang nagcomment.. ulit, @ fjordz, haha... she's not that konya naman in person pare, she's just you know, basta! haha,

sabi ko nga, ako ang nagsabi nun... pero... [...] haha, may sulat kang ganun ang title diba..ü nabasa ko yun..ü

Rakz said...

"paalam sa pagiging nanay sa skul.." ..hehe..hirap i-let go no?lalo na pag nasanay k na..pero once a mother, she will be forever a mother.. kita mo, pag bumalik k s skul may tatawag p din sayo na nanay..=)

jez said...

kookoo!!!


take picytures of your bagong house... hehe.. ang kulit siguro ni lola dear.. miss yuou na kookoo!!! kelan aka uwi? hmm.. beach beach kami bukas nila mama... missing you girl.. have blessed week.. till we see again!! hugs!!!

jez said...

hmm.. makakamiss ang school.. :(

napunding alitaptap... said...

@ mama rakz

garabe, hirap talaga... huwaaaaaaaaah! parang ayaw ko ng matapos yung termino ko.. ahaha. basta, nakakabitter... ang malupet pa, yun mga lately ko lang nakaclose, nakakapanghinayang... ni bilang nga ang hawsold na naasikaso ko..huhu...

@ jez

haha, makulay yung bahay, basta, nakakatuwa yung mga kulay, parang bahay bata... toink! este parang bahay ng mga bata... kulit talaga yun si lolaness...

nakita niya yun grad pics ko, kamukha ko daw si angel locsin.soskopo! ni hindi nga ako nagagandahan dun e, binobola pa ako, ah, sa kanya pala ako nagmana sa pambobola...haha.. kulit talaga..

janelleregina said...

Aynakoo. Nakaka-asar nga kung bigla na lang mawala yun mga memories na iniwan mo sa bahay mo. Lalo kong naramdaman ang inis mo nung nalaman kong nag-iwan pa ikaw ng marka sa dingding kung gano kataas na ang iyong tinangkad..
Very sentimental din kasi ako. Hayy.

Pero lam mo, blessing in disguise din yun pagpapaayos ng bahay niyo ano? =) Biruin mo, kung walang nagpipintura sa bahay niyo nun at mag-isa lang lola mo, baka may ginawa nang masama yun gunggong na pumasok sa bahay niyo. Ay kaloka.

napunding alitaptap... said...

@ janelle regina

ay garabe, natutuwa talaga ako sayo..ahaha...ü

tama tama, baka nai-strangle na siya...wahaha! kaloka talaga na bonggang bongga!ü

fly fly!