Friday, November 30, 2007

talaga naman..

1.Bakit kayo nagtataray minsan, kahit
gentleman naman kame?
~ kunwari lang kasi yun kadalasan...
mabi bilang ko nalang yung totoo...
minsan pa, may pakay kasi... mga hidden
agenda... mga lalaki talaga..tsk!
2 . Bakit kelangan pa talagang sa CR
mag kuhaan ng picture?
~ ahaha... i do that lalo na pag
sinauna looking yung restroom..trip ko
kasi yung mga ganun lugar pero i don't
see group of girls doing that.. teka,
naninilip ka ba? where did you get that
idea... mga lalaki talaga.tsk!

3 . Bakit babaero ang tingin nyong
lahat sa aming lahat?
~ babaero talaga! talaga! talaga!!!
kahit gaano niyo pa idefend ang side
niyo ay babaero talaga!! lalaki
talaga.tsk !

4 . Ganon ba?
~ oo! OO!

OO forever! lalaki talaga! tsk!

5. Ano kami pra sa inyo?
~ no comment

6. Bat kayo mahilig mag post?
~ wapakels! girl thing na yun! bakit.
guys post chuvas as well... kayo nga,
nagawa niyo pa ang bulletin na to...
lalaki talaga.tsk!

7 . Bat kayo namamalo ng balikat 'pg
natatawa?
~ physical contact yun, kilig naman
kayo... syempre dala ng emotions..
yeknow .. transparent lang... lalaki
talaga.tsk !

8. Ano ibig sabihin 'nun?
~ ang sarap niyong pisikalin kasi
nangeemosyon kayo! lalaki talaga.tsk!

9 . Bat namimili kayo ng ka text?
~ "boring class" kayo ba, hindi...o
c'mon!! hindi kasi kami basta basta
pumapatol.. .lalaki talaga.tsk!

1 0. Ano mas type niyo? ung makulit o
sweet?
~ napaisip..sikreto... lalaki
talaga.tsk ! nangungutak pa to ha!

11 . Bat may iba sa inyong tibo ang
boyfriend?
~ ay trip nila... well, hindi ko na
sila pakikialaman...
< BR>1 2 . Ano ba ang hanap niyo sa isang
guy?
~ nagungutak na tanong nanaman...
lalaki talaga.tsk!

1 3 . Talaga?
~ ewan ko sayo.. lalaki talaga.tsk!

1 4. Bat kyo mahinhin? Ok lng nman
samen kng hndi.

~ ako? siyempre shy type e...
isdabalenton g! toink! hindi ako
mahinhin... alam ko lang ang limitasyon
ko

15. Anong klase ba ng tao ang
minamahal niyo ng lubusan?
~ wotoink!

16. Baket may 2timer sa inyo?
~ woohoooo! nagsalita na po.. ganun ba
talaga kami... ayon sa istatistika,
napa kalaking bahagdan na ang lalaki an
mas madalas nagtu-two time... third
party, fourth party... party animal ang
walang hiya... lalaki talaga.tsk!

1 7. Ano pa kaya...?
~ manloloko! lalaki talaga.tsk!

1 8 . Bakit kayo naiilang ng walang
dahilan?~ makapagsalita nanaman... may dahilan
yun..may dahilan ang lahat.. lalaki
talaga.tsk !

19. Bakit may mga bansag kau sa kbigan
niyong lalake?
~ e bakit ba? wapakels!! lalaki
talaga.tsk !

20. Ano'ng mas gusto niyong itawag
s inyu? ate o miss?
~ wala! bininyagan ako... may pangalan
ako dod! lalaki talaga.tsk!

2 1. Kapag ka edad lang?
~ asos!

22. Baket?
~ bakit hindi?!

23. 'Bat naniniwala kau sa mga
bulletin threats (e.g. repost this or
else...)?
~ ahem... may basis ka..wag mong
lahatin! lalaki talaga.tsk!

2 4 . Ano'ng purpose ng pGsuSuLaT
nG mEi dEsiGn?
~ excuse me... hindi ako ganyan...
annoyin g! hello?
lalaki talaga.tsk!

2 5 . Bat wala lng?
~ decode!!

27. Bkt mhilig kayu sa gwapo?
~ kaw, ayaw mo sa maganda? tsk tsk...
lalaki talaga.tsk!

2 8. Bat mhileg kayu umiyak pg me
prob?
~ normal yun... pero ibahin mo ako... i
don't simply cry..

29. Bat mas mraming girl ang
nagpapaganda para sa mga lalaki?
~ ewan.. ahem. natural to no!! kaw,
trip mong magmeyk-ap? suportahan taka!
lalaki talaga.tsk!

3 0 . bkit ang hiLig niOng umiwaS pag
alam ng crush nio crush mo sya?
~ haller?! hindi niyo maiintindihan
yon !!alalaki talaga.tsk!

s a mga lalaki diyan, sige, kontrahin
niyo..s ige lang!!

"down to earth"

kung babasahin mo ito,a makikita mo ang galit ko sa mga lalaki... sa totoo lang sobrang mainit ang dugo ko sa uusaping ito ngayon ngayon..

BORDS- unang boypren ko nun bata pa ako..
<>

LEBOY- ikalawang boypren ko... kung tutuusin, bata pa rin ako nun...
<>

teka, hindi ko alam kung kelangan kong banggitin pero hindi ko maitatanggi na minahal ko ang isa pang ulupong na ito...

XD- nakilala ko ito sa mundo ng blog.. ng kinalaunan ay kinahulugan ng aking mahinang loob.. bata pa siya, ako hindi na..pero nag-asal tarantad*ng bata ako sa kanya

matagal din kaming naging magkaibigan... koment koment sa blog... msg msg... txt txt.. pasweet sweet... ayon, marami-rami din kaming napagsamahan,, marami-raming napagusapan... bobo at matatalinong pananaw.. "iba siya..iba talaga siya.. hindi diya kapareho ng mga ibang lalaki" sabi ko sa sarilai ko.. paniwalang-paniwala.. eto ang unag lalaki na nakatanggap ng sobrang kasweetan sa akin.. iginawa ko siya ng poems, song, pinagdrawing, ibinili ng kakambal ni kookak.. basta, iba yung inspirasyon na nakuha ko sa kanya... iba nga kasi siya.. naging kami din..pero hindi talaga..basta, parang ganun pero hindi talaga..malabo pero mahal daw namin ang isa't-isa, yun nga lang ay kinahaharap kaming malaking suliranin...magkahiwalay kami...pero kakayanin anami..ang sabe.. minsan isang araw, nagkaaway kami, parang naiibahan na ako sa mga galaw niya patungkol sa pageentertain niya sa mga "FRIENDS" niya na babae.. hanggang tinanong ko kung okay pa ba kami.. sagot niya hindi na... gusto daw niya ng freedom, parang mas maeenjoy niya ang buhay single... pumayag naman ako.. sige, freedom pala... ng mapag-alaman ko, may girlfriend na din siya, ilang buwan ang nakalipas... ah, sawa na siguro sa pagiging single.. bilis! parang hari ng padala!! LALAKI TALAGA..TSK!

eto, hindi ko naman boypren.. malabo nga pero isasama ko na din.. isa to sa nagtutulak sa akin para makonsidera talagang ang mga lalaki ay *tooot*

CHICCO- kaklase ko nun first year na lumipat ng school after ng fersem... paramdam blues lang poreber... di ko alam ang totoong pakay ng pang-apat na ulupong na ito
<>

minsan sa camp ng TIP nagkaroon kami ng argumento.. girls vs. boys yun..

kookoo/xena/shey vs. ace/mj

ayon, hindi syempre nagpapatalo yun mga lalaki... kahit obvious naman na gusto lang nilang baluktutin ang mga pangyayari... walang pag-asa... tsk! tsk...

LALAKI TALAGA..TSK!!

oh well, nabasa ko minsan na ang lalaking para sa isang babae ang makakapaapaniwala na HINDI PAREHO ANG LAHAT NG MGA LALAKI... yun makakapagising sayo na IBA SIYA SA MGA NAKILALA MO...

o siya siya... e sa hindi ko pa nakikilala... edi stick muna ako sa linyang

"LALAKI TALAGA *tooooooooooooooooooot* ..TSK!"

wag na kayong kumontra.. hindi ko din kayo titigilan...

pinasimulan yan ng advertisement ng globe... yun kay kc concepcion! blame her for this!!

*bitter*

MGA ULUPOOOOOOOOOOOOOOONG!


1.Bakit kayo nagtataray minsan, kahit
gentleman naman kame?
~ kunwari lang kasi yun kadalasan...
mabi bilang ko nalang yung totoo...
minsan pa, may pakay kasi... mga hidden
agenda... mga lalaki talaga..tsk!

2 . Bakit kelangan pa talagang sa CR
mag kuhaan ng picture?
~ ahaha... i do that lalo na pag
sinauna looking yung restroom..trip ko
kasi yung mga ganun lugar pero i don't
see group of girls doing that.. teka,
naninilip ka ba? where did you get that
idea... mga lalaki talaga.tsk!

3 . Bakit babaero ang tingin nyong
lahat sa aming lahat?
~ babaero talaga! talaga! talaga!!!
kahit gaano niyo pa idefend ang side
niyo ay babaero talaga!! lalaki
talaga.tsk !

4 . Ganon ba?
~ oo! OO!

OO forever! lalaki talaga! tsk!

5. Ano kami pra sa inyo?
~ no comment

6. Bat kayo mahilig mag post?
~ wapakels! girl thing na yun! bakit.
guys post chuvas as well... kayo nga,
nagawa niyo pa ang bulletin na to...
lalaki talaga.tsk!

7 . Bat kayo namamalo ng balikat 'pg
natatawa?
~ physical contact yun, kilig naman
kayo... syempre dala ng emotions..
yeknow .. transparent lang... lalaki
talaga.tsk !

8. Ano ibig sabihin 'nun?
~ ang sarap niyong pisikalin kasi
nangeemosyon kayo! lalaki talaga.tsk!

9 . Bat namimili kayo ng ka text?
~ "boring class" kayo ba, hindi...o
c'mon!! hindi kasi kami basta basta
pumapatol.. .lalaki talaga.tsk!

1 0. Ano mas type niyo? ung makulit o
sweet?
~ napaisip..sikreto... lalaki
talaga.tsk ! nangungutak pa to ha!

11 . Bat may iba sa inyong tibo ang
boyfriend?
~ ay trip nila... well, hindi ko na
sila pakikialaman...
< BR>1 2 . Ano ba ang hanap niyo sa isang
guy?
~ nagungutak na tanong nanaman...
lalaki talaga.tsk!

1 3 . Talaga?
~ ewan ko sayo.. lalaki talaga.tsk!

1 4. Bat kyo mahinhin? Ok lng nman
samen kng hndi.

~ ako? siyempre shy type e...
isdabalenton g! toink! hindi ako
mahinhin... alam ko lang ang limitasyon
ko

15. Anong klase ba ng tao ang
minamahal niyo ng lubusan?
~ wotoink!

16. Baket may 2timer sa inyo?
~ woohoooo! nagsalita na po.. ganun ba
talaga kami... ayon sa istatistika,
napa kalaking bahagdan na ang lalaki an
mas madalas nagtu-two time... third
party, fourth party... party animal ang
walang hiya... lalaki talaga.tsk!

1 7. Ano pa kaya...?
~ manloloko! lalaki talaga.tsk!

1 8 . Bakit kayo naiilang ng walang
dahilan?~ makapagsalita nanaman... may dahilan
yun..may dahilan ang lahat.. lalaki
talaga.tsk !

19. Bakit may mga bansag kau sa kbigan
niyong lalake?
~ e bakit ba? wapakels!! lalaki
talaga.tsk !

20. Ano'ng mas gusto niyong itawag
s inyu? ate o miss?
~ wala! bininyagan ako... may pangalan
ako dod! lalaki talaga.tsk!

2 1. Kapag ka edad lang?
~ asos!

22. Baket?
~ bakit hindi?!

23. 'Bat naniniwala kau sa mga
bulletin threats (e.g. repost this or
else...)?
~ ahem... may basis ka..wag mong
lahatin! lalaki talaga.tsk!

2 4 . Ano'ng purpose ng pGsuSuLaT
nG mEi dEsiGn?
~ excuse me... hindi ako ganyan...
annoyin g! hello?
lalaki talaga.tsk!

2 5 . Bat wala lng?
~ decode!!

27. Bkt mhilig kayu sa gwapo?
~ kaw, ayaw mo sa maganda? tsk tsk...
lalaki talaga.tsk!

2 8. Bat mhileg kayu umiyak pg me
prob?
~ normal yun... pero ibahin mo ako... i
don't simply cry..

29. Bat mas mraming girl ang
nagpapaganda para sa mga lalaki?
~ ewan.. ahem. natural to no!! kaw,
trip mong magmeyk-ap? suportahan taka!
lalaki talaga.tsk!

3 0 . bkit ang hiLig niOng umiwaS pag
alam ng crush nio crush mo sya?
~ haller?! hindi niyo maiintindihan
yon !!alalaki talaga.tsk!

s a mga lalaki diyan, sige, kontrahin
niyo..s ige lang!!

"down to earth"

kung babasahin mo ito,a makikita mo ang galit ko sa mga lalaki... sa totoo lang sobrang mainit ang dugo ko sa uusaping ito ngayon ngayon..

bords- unang boypren ko nun bata pa ako..
<>

leboy- ikalawang boypren ko... kung tutuusin, bata pa rin ako nun...
<>

teka, hindi ko alam kung kelangan kong banggitin pero hindi ko maitatanggi na minahal ko ang isa pang ulupong na ito...

nakilala ko ito sa mundo ng blog.. ng kinalaunan ay kinahulugan ng aking mahinang loob.. bata pa siya, ako hindi na..pero nag-asal tarantad*ng bata ako sa kanya
<>

eto, hindi ko naman boypren.. malabo nga pero isasama ko na din.. isa to sa nagtutulak sa akin para makonsidera talagang ang mga lalaki ay *tooot*

chicco- kaklase ko nun first year na lumipat ng school after ng fersem... paramdam blues lang poreber... di ko alam ang totoong pakay ng pang-apat na ulupong na ito
<>

minsan sa camp ng TIP nagkaroon kami ng argumento.. girls vs. boys yun..

kookoo/xena/shey vs. ace/mj

ayon, hindi syempre nagpapatalo yun mga lalaki... kahit obvious naman na gusto lang nilang baluktutin ang mga pangyayari... walang pag-asa... tsk! tsk...

LALAKI TALAGA..TSK!!

oh well, nabasa ko minsan na ang lalaking para sa isang babae ang makakapaapaniwala na HINDI PAREHO ANG LAHAT NG MGA LALAKI... yun makakapagising sayo na IBA SIYA SA MGA NAKILALA MO...

o siya siya... e sa hindi ko pa nakikilala... edi stick muna ako sa linyang

"LALAKI TALAGA *tooooooooooooooooooot* ..TSK!"

wag na kayong kumontra.. hindi ko din kayo titigilan...

pinasimulan yan ng advertisement ng globe... yun kay kc concepcion! blame her for this!!

*bitter*

MGA ULUPOOOOOOOOOOOOOOONG!

swerte ebridey!


Last day, no one would know how sucky my day was. I woke up really early (needless to mention that the rain was pouring so hard and the bed was embracing me tightly), as much as I would like to embrace my bed back I just couldn’t “it’s the first day of your work Ytalia, no time for laziness now...your DTR is waiting for you”

So I went off my bed and held my shower basket and towel, whew! It was really cold but I have no choice, I took a bath and wore my corporate suit on, went to the dining area and ate my breakfast. I was just in time... I THOUGHT.

It was still raining badly; I went to the other street and watched for a jitney that would bring me to my working place... hmmm, it was so traffic, cars were not even moving, or if they were, its just an inch away from their last location, snails are even faster.

I was already standing at the same point for half an hour; I still couldn’t see a jeep going to Malate... malelate nalang ako, wala pa rin sasakyang pa-malate... whoa, sounds alike.

I was so losing hope, “I’m not gonna make it on my first day”

Felt very bad and on the road of losing all hopes... I am such a loser. I can’t afford to be late on the first day, I’d rather be absent and give all the damn reason of not coming “I am from Espana de Bay ma’am... the water was already overflowing, as much as I would like to swim on my way here, I can’t... I am a frog; it’s different from a tadpole, yeknow the swimming skills...”

As I was on the process of giving up, tada! A full jeep to Malate stopped in front of me; I went inside as the passengers moved giving me a seat. Whoa! I would be really late, but I still tried though. If I came to my office late, I wouldn’t go inside...

Hmmm... Any guess if I made it?

Oh well, yes.. Four minutes late, this is equal to two hours... I was two hours late.
Came to get and sign my DTR.

“Moreno” asked Miss Lhanie, our HR boss.. She gave my LBP ID “Go to the payroll section and see Miss Lolit”

Whew! Still not excited... no emotions actually. “BORING CLASS” as I would always say. Miss Lolit is nice, she introduced me to my other bosses-kuno.. Miss Jet, Miss Lin and Sir Anton. Hmmm, really nice people.

They gave me a corner.. whoa! Feeling office girl ang lola. I’ve waited until they gave me a job..

“Count the list and staple it, after that, write the branch where they are supposed to be in” –Miss Lin

Tsak! Tsak! Tsak... Call me stapler girl... F*ck, my first job s*cks!!
-
I was so enthusiastic though I really hated what I was doing. “I have to give them the impression that aside from being obedient (ahem), I am also dedicated to the job( ahem, ahem, aheeem... Choking and dying!!)

I finished it earlier as I thought. Miss Lin gave me another pile of papers.. tsak tsak,... yeah, I counted the list and stapled and stapled and stapled to death.
Lunch time... Ate with my pretty co-trainees (I’m the prettiest still, toink! This is my blog, remember?)

Resume of my “OFFICE WORK”... If that thing is really an “office work.” Still, at this very moment, I am in a hemorrhagic puzzlement.

Miss Jet taught me how to use the eeng...eeng, photocopy machine. I wasn’t really able to get her directions at the first time. Even in the photocopy thing, I have no sense of direction. Time for a self-pity.. tsk tsk... I s*ck as my work. Hmmm.. F*ck, my second job s*cks again!!

Miss Lin taught me again...

And on the third time, my co-trainee assisted me...

Tsak tsak.. busy stapling again...

Finished again, Miss Lin asked me to photocopy again... “Aye aye miss”

Tsak tsak... Finished for the nth time... still unfinished in reality...

Miss Jet asked me to answer the phone whenever they are out. “Just pick up the phone and say... PERSONNEL, GOOD AFTERNOON... I’LL JUST TRANSFER THE CALL.. Press t R and dial the local”

Afraid to answer the phone and commit errors, I acted as if I don’t notice that the phone is ringing. Toink.. I hear nothing except the stapler’s tick... “tsak tsak tsak tsak tsak”

Blahblah...

One time, I answered the phone, Miss Jet asked me to do it while she was acting busy as well. Obey! F*ck, my third job s*cks still!!

After that, I just sat down as I rest myself after the unending tsak tsak and eeng eeng... Miss Lhanie saw me “doing nothing..”

She asked me to photocopy... I know that on the back of her mind, she thought that I was just sitting there the whole day not knowing that I almost master how to count, staple and photocopy... How lucky.. I AM SO LUCKY, as lucky as a LOST PENNY.. asar!
First day.. first day first day... Everything s*cks... I s*ck as well... Happenings manifest!

I never imagined I would experience those degrading OFFICE works, I am supposedly doing an HR stuff, and not doing the Gawain-ni-ate-taga-NITZ-or-copytrade thing... tsk! Doomed!! My parents are paying high for me to learn.. tsk tsk...

I never mentioned that my parents are racketeers and own an enterprise. They also do the photocopy thing. Riso.. and I never did a damn thing with it. If that would be my work as a trainee, I’d rather work at our enterprise. I’ll get paid for doing it pa.. tsk!

Gosh, Lord, save me from this nightmare.

I never liked HR... and to what is happening right now, seems like I won’t even learn to love it in any way. I feel I did nothing, while in reality I did many things, not counted as a REAL ONE though. Argh!

Nice people don’t compensate inhumane jobs they give (yeah, I consider it inhumane!! I’d rather appreciate if they would push me out of the depth whoa I mean out of the building...asar talaga!)

Forgot to mention, we do not have allowance there. The food inside the office are a bit costly... I only have 200 in my pocket by lunchtime... and before going home I’ve realized that I lost my visitor’s ID. I paid 100 pesos for the loss I made. I almost walked along the rain on my way back home. Poor girl! Better told in thigalog KAWAWANG INENG!!

Adiksyonaryong kookoo:
Thigalog- tagalong (slang kasi, yeknow) toinkz!!

oryenteyshen..


Whoa! After long years, I’ve been able to write again. Oh well, this is the first time I will use my computer to my new dorm, yeah, after a mini eternity I’ve got to transfer a new dormitory. Whoa whoa whoa!!

I just came from Landbank of the Philippines in Malate a while ago to attend the OJT Orientation. The one who was in charged on the orientation was nice. Everyone there is nice, actually. One of the reasons why I love the company is the people I see there to those times I visited.

“OJT po ma’am? God bless po” says the guard the first time I have paid a visit for the application day.

All of the receptionists that I came to meet were all nice as well. They would even give you sweet smiles (that’s when you act nicely..ahem!) trust me.

Yeah yeah, the place and the people are pleasant, but.. but BUT..

I still couldn’t see a reason why I would love the work. It’s in industrial setting, papers, papers... papers. I badly hate that stuff. Yeah, I consider myself as a writer, of course I love papers, there I put all the things I write but files of a big company (the branch I’ll work in is the main branch, it’s a really big office), I SO HATE IT...

Yooohooo, anyone who can put me on the counseling world... or clinical setting?
Bored like BradypusCholoepus

Tuesday, November 20, 2007

lubdub

"good night"

nothing. just heard it from my friend's cousin..

"good night"

says my friend back to her...

how sweet...my heart pumped blood a bit slower than the usual.... i felt them there...


THEM- third person..


tsk!


==


when was the last time i heard that line from someone who cares for me....

ilang milyong taon na?

i can't even remember...

sad =/ really..

Sunday, November 18, 2007

iba yun

matagal-tagal din akong nawala. isang rason na marahil dito ang lubos napaging abala o dahil na rin kagagaling ko lang sa isang malubhang sakit--singaw...


hindi, hindi singaw... nagkatrangkaso kasi ako.

pero hindi ako nagsusulat para isalaysay ang mga araw na baldado ako sa kama habang nagbibilang ng mga fireworks na galing sa bibig ko.. ubo yun!

kaninang umaga, matino kong sinalubong ang isang araw na puno ng pag-asa. pagkagising ko, natulog ulit ako, pagkagising ulit, natulog ulit... at nagising na ng tuluyan. bahagyang hirap pa rin akong labanan ang lamig ng tubig, pero hindi naman pwedeng hindi ako maligo. sa araw-araw, may taktika akong ginagawa para hindi ginawin. sikreto ku na kung paano yun(o, wag mo na akong pagisipan na wisik-wisik lang...ligo talaga ang ginagawa ko)..

okay, gising na talaga ako gawa ng malamig na tubig, maaga palang pero nagbihis na ako ng uniporme. pupunta na kasi ako malapit sa eskwelehan upang maginternet. planado ko na na ang unang oras ay aasikasuhin ko yung resume ko na ipapasa sa pamamagitan ng email, pagkatapos nun, pwede na akong magblog...


pag baba ko, sinilip ko kung nasa baba na yung mga pinalaba kong damit.. wala pa. pero may inabot sa akin yung ate sa baba. huwaw! isang balot ng tsokolate... akala ko. galing pala sa air21.. cellphone yun, cellphone! lumang unit yun ng tatay ko, natuwa na rin ako kung tutuusin, maayos pa naman kasi talaga yun cellphone, maarte lang ako kung hihingi ako ng bago e kasisisra palang nun akala mo magandang fliptop ko simula nun june..pssss! namatay na rin ako ng ilang beses dahil sa akala... pusa nga lang ako minsan. sakto yun yung pag nalulunod ako sa akala...
"sasama ka ba sa amin sa Ortigas ngayon, mag-a-apply kasi kami ngayon" isa yun sa mga unang mensaheng natanggap ko gamit ang bago sa akin pero luma na in reality na selepono ko..
--
alam niyo ba kung anong klaseng kaibigan ako?
a. oo
b. hindi
c. wapakels
-

fourth year na ako sa kolehiyo ngayon. hindi ko man gustuhing magka-ojt at maging alipin bilang intern ngayon sem e hindi pwede.. no ojt, no grad march... a! no grad march nalang! tsaring! syempre, hindi ko pwedeng beybehin ang katamaran ko ngayon.. kahit saang anggulo, hindi pwede.

"kookoo, pwede kang mag-OJT sa company namin" sabi ng isang ate friend...

tinanong ko ang isang kaibigan kung gusto ba niyang sumama sa kumapanyang maaari naming pag-applyAn, um-oo siya.. sabi niya "promise niko ha, isasama mo ako, walang iwanan"

"oo naman" sagot ko...
"OO NAMAN" SAGOT KO...
kasama ng sagot na iyon ang pangakong hindi ko nga siya iiwan.

nakausap ko minsan si Miss Katie, siya yung nag-aya sa akin na magtrabaho sa kumpanya nila
"kookoo, dun ka na, tamang-tama ka dun, nagbackout yung isang mag-o-ojt dapat"
"ahhh...isa nalang pala ang vacant position?"
"sa HR, oo"

isa nalang pala ang pwede sa kumpanyang iyon na mapapasok sa HR. yun ang dahilan kung bakit hindi ko na din inasam na doon mag-apply, kahit balita ko maganda talaga sa kumpanyang iyon...
GUSTUHIN KO MAN, HINDI AKO MAKAPAGDESISYON NA ITUTULOY KO ANG PAGAAPPLY DUN...
pinangako ko kasing hindi ko siya iiwan. pinangako ko na magkasama kami sa pago-ojt.
--
kaninang umaga habang naghahanda na papunta sa eskwelahan, nakareceive nga ako ng isang mensaheng nagtatanong kung sasama daw ako sa Ortigas. eto agad ang naitanong ko..

"kasama niyo si *****?"

"hindi"
"bakit hindi niyo siya isasama"

"nagfirst day na siya kanina sa ojt niya"
hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa narinig ko...
akala ko ba sabay kaming mag-a-apply at hindi kami mag-iiwanan?

iba pala yun "wag mo akong iiwan" sa "hindi kita iiwan"...

hindi pala lubos na sukatan para masigurado na ang pinangakuan mo na hindi mo iiwan ay hindi ka iiwan...

yun yung masakit dun..

--

Wednesday, November 7, 2007

basta!

hindi naman pala 4:30 ang pasok ko araw-araw e...monday at thursday lang pala yun, kapag tuesday and friday, 12:00 ng tanghali.

"hindi pa napiprint yun COR ko, kelan ko pwedeng kunin?"

"punta ka sa psych department before 12 noon"

gumising ako ng maaga-aga, mga 10:30... oo! maaga na yun sa akin, sinasabi ko. tinatak ko sa isip ko na kailangan ko ng makuha yung COR ko, para saan pa't pumasok ako ng maaga para sa pangalawang simestre kung hindi ko rin naman mapapapirmahan ang mga ito sa mga propesor ko. at higit sa lahat, para masigurado ko na na tamang klase yun pinapasukan ko. maya-maya hindi naman pala ako sa section na iyon.. huwaw ako diba!! hindi naman ako sikat para ma-victim..

nagugutom ako, hindi ko rin pwedeng palipasin yung gutom ko kasi liban sa hindi pa ako nakakain ng umagahan, hindi rin ako nakapagtanghalian, hindi ko din nga maalala kung nakapaghapunan ba ako gabi bago ang araw na iyon... tsk, wala na kasing nutrisyon ang nakukuha, lahat napupunta sa dobol chin... asar!

kumain muna ako sa kabilang bahay, nakikain... o, wag mong isipin na nangburaot ako, kainan talaga yun kabila namin... nung nakita ko yung adobo, nagutom ako ng todo, edi feel na feel ko naman ang pagkain nito, sa unang subo, hindi ko maiwasang hindi umasa na maalat ito, adobo yun e, hindi naman ako adik... pero ano to bakit ganito? ang tamis naman nun adobo, parang mas okay pa na nag-isip adik nalang ako.

dahil natutunan ko ang mabuting asal, kinain ko pa rin ito kahit bahagyang labag na sa kagustuhan ko na nguyain at lunukin ang minatamis na baboy na ito.

sa panahong babayad na ako, dalawa lang ang maaari kong iabot na bayad, eksaktong ekstakto o limang daang piso... kung iiabot ku yun eksakto, wala akong pamasahe niyan, kaya pinili kong yung limang daan na lang(para maipakita din na ehem, mayaman ako, juklan!!)

paktay na po..wala daw silang panukli. hindi ko naman maiasa sa sarili kong sabihin na "babayaran ko nalang poi sa susunod" abay medyo dispalinghado ang memorya ko sa mga bayaran na ganyan, baka magulat nalang ako isang araw na may nakaabang ng mga patola, este polisya sa labas ng dorm ko at sinasabing "hinuhuli ka po namin sa sa;lang hindi pagbayad sa minatamis na baboy na kinain niyo isang tanghali ang nakaraan" aba, nakakatakot yun no...

at dahil ayaw ko silang mahirapang maghanap ng panukli(na mukhang wala talagang choice dahil sa katamaran moves nila na hindi maghanap) bumalik ako sa aking dormitoryo at naghagilap ng maaaring maipambayad..

naku, sayang yun oras kong bumalik sa dorm(kahit sa katabing bahay pa lang yun)...

tatawid na ako ng daan... nakopo. muntik nanaman akong mabanggaan, as usual, palagi nalang akong nalalapit kay kamatayan tuwing tatawid..tsk! sayang yung tuition at hirap ko sa physics kung machuchugi lang ako, mga panahong panay dugo na ang lamesa, papel at calcu ko habang nagsosolb ng mga kung ano-anong chorva.

nakatawid naman akong buhay... pumara ng jeep. hirap na hirap pa naman ako kasi nakapsych white uniform ako at naka-heels pa.. ang baba pa naman nung bubong nun jeep... at dahil hindi ako parasitiko, ako mismo ang nagabot ng bayad ko kay mamang tsuper kahit hirap na ako sa sitwasyon ko..

"hija, san ka?"

"sa lepanto po"

"naku, sa kabila ka nalang na jeep"

abay watdadak, pinababa ako nun manong, sa kabilang jeep nalang daw ako, sa bustillos daw kasi ang daan niya pa b.balic at hindi sa lepanto...

lingid man sa kagustuhan ko, kelangan kong bumaba...

nakasakay naman ako ng panibagong jeep agad, kaso effort nanaman, hirap na hirap talaga ako sa postura ko...

umaandar na yung jeep.... teka, teka, mukhang hindi rin paliko sa lepanto oh...

"manong, saan po ba ang daan niyo?" (nagdarasal na wag makarinig ng salitang BUSTILLOS)

" sa BUSTILLOS" huwaaaaaaaaaaat? halos nahimatay yung diwa ko...

"sige po, pakibaba nalang po ako sa may tropical hut"
-
"para po!"

"naku, baka mahuli ako ng pulis kung dito kita ibababa"

at ayon na po.....

NAKARATING AKO SA BUSTILLOS...


charan!! nauwi din ako sa bustillos... bustillos bustillos bustillos...

waaaaaaaaaaah! wala na akong balak sumakay ulit ng jeep...

naglakad nalang ako kasama si ting(bag yun, wag kayong issue), ang puting uniporme at itim na heels!!

pag dating ko ng school... "parang nilakad ko ang buong kamaynilaan at talo ko pa ang lahas ng pawisan sa pawis ko...

tsk, COR ko? di ko pa din nakukuha....
---
prof 1

may bagong prof

prof ko na dati

"magaling bang magturo yan?"

"hindi"

ang malas naman ng mga kaklase ko sa akin..
---
prof 2

kookoo: teacher niyo dati?
klasmeyt: oo
kookoo: magaling ba yan magturo?
klasmeyt: oo naman!!

huwaw! buti pa sila, hindi ako malas sa kanila...grrr!

---

maonti lan to

gabi na

"kookoo, manonood pa ba tayo nila xena?"

"oo, kauuwi ko lang sa dorm e... mya mya..."

nagmamadaling umalis ng dorm, naligo at kumuha ng mga gamit..

"paalis na ako? kayo ba?"

msg status: walang reply

naglakad ako sa kahabaan ng isang street sa quiapo, madilim, mabaho, madumi... pati mga tao dun madudumi, mababaho at madidilim(buhay siguro, tsaka medyo maiitim din, kaya di talaga maiiwasang mapagkamalang isa din ako sa kanila, toink!)

hindi ko piniling maglakad sa daan kung saan doon dumadaan ang mga sasakyan(napansin niyo, may rhyming!! poetic talaga ako..toink!)

abay nakakita ako ng matandang lalaki, nagwiwiwi! watdadak nanaman! sana dun nalang ako sa daan, iwas gulo pa.. owell, patay malsiya nalang.. kunwari wala akong nakita... garabe, nakakatakot! nakakaasar!! napakaswerteng nilalang talaga... huwaaaaaaaaaaaaaaaah!

---

msg status: 2 messages received

mgs 1: "nasaan ka na?"

msg 2: "kookooness, nasaan ka na?"

"nasa jeep, malapit na ako sa mercury"

bumaba sa mercury, tatawid... wahaha! buti naka-stop, di tuloy ako natakot tumawid

sumakay..

msg status: 2 messages received

msg 1: asan ka na?

msg 2: uy, lapit na kami

"hinihintay ko lang mag-GO"

sa oras na ito, kampante na ako, hehe, dinadaan mismo sa main entance yung mga pasahero galing sa jeep..EHEM! wekwek...

pero ng malapit na.... ahuhu... hindi nanaman dun dumaan.... asar!!

"nasaan ka na?"

"nasa department store"

toink, anlaki ng dept store...

---
kasama ko na sila

anong papanoorin...

"kayo, kung anong gusto niyo" as usual, nagturuan nanaman kaming apat.. buti hindi kami nanununo.. (uh, haller?)

champ: o, yung hindi nalang nagdedesisyon, yun naman ngayon

oops, may nagprotesta... hehe..

champ: o sige, sinong may coin, bunutan..kung sinong makakakuha nung may tape, yun yung pipili(parang sigurado na hindi siya yung makakabunot)

bunutan portion

kookoo: hehe

xena: hehe

fjordz: hehe

champ: no comment, ahaha!
-
sa movie house

badtrip, gulat na gulat si xena at champ... si fjordz nahaharangan ni champ kaya hindi ko alam...

kookoo: wala lang...

eto na eto na! sa isang part.. exciting..woohoo! naexcite ang lola kookoo, nagcheer!

"go coheed, woooohooooooo!"

tumingin yun isang kuya(na may girlfriend na kayakap, horror man ngaya yun palabas, ek ek!)... ang sama ng tingin...

kookoo: tshe!!

maya-maya umalis na yun magsyota, naasar ata, di kasi makapagmoment... haller?! horror yung movie...

asar!!

ano nga yun movie na pinanood namin? 30 chuva...basta yun horror na hindi naman nakakatakot at nakakagulat... nakakadiri? di din naman.. basta si josh hartnett yung bida... ampogi! buti nalang.. hehe...

ayun, nagmoment pa nga si josh(yeah, we're close) at yun girl niya...

lab story pala yun, hindi naman horror!

"ayt*nga! pag-ibig nga naman"... ika namin.. bitter pa yun ha! ahaha!

at diyan nagtatapos ang araw kong samut-sari...

---

learn to enjoy bitterness, find pleasure in pain, love it when you get hurt,
BE HAPPY WHEN YOU ARE TERRIBLY UNLUCKY..

that's the secret of a happy life...ü



Sunday, November 4, 2007

isang araw


wala.. nakukuha ko nanaman YATA ang kasiyahan sa pagsusulat...

nakakasawa na rin kasing magreklamo... reklamador to dor to dor!!!

sabado ng umaga, umaga ng sabado..maaga akong nagising,nagising ako ng maaga(minsan, may himala talaga..may himala talaga minsan)... naligo agad ako, malamig ang tubig, ang tubig ay malamig... tama na ang kalokohan ng paguulit...ang paguulit na kalokohan ay tama na...

matapos maligo, kumain na kami ng umagahan, okay naman, masaya naman kumain ng umaga kahit hindi na talaga ako sanay... ngayon ko nga lang uli naalala na ang mga normal na tao ay kumakain ng umaga.. toink!

ang tagal naman ng sundo namin... ang aga-aga ko pa namang nagising... naisip ko munang mag last sneak sa friendster ko at magbasa ng blog ni kapita-pitagang fjordz... habang bitter dahil ang galing-galing niyang magsulat habang ako nangangalawang na ang isip dahil sa hindi pagsusulat(fjordz, di to libre, may bayad to..hekhek)..

nagsimula na kaming bumyahe...okay naman... pero tinatamad akong magkwento... anyway, mabait yun kasabay namin..yung nag[pasabay samin sa kanyang XUVi... pwerte nga ang tulog ko e...kahit sa mga malabituka ng manok na daan hindi umiikot ang sikmura ko... basta, isa yun sa best na byahe ever... jackpot pa na may baby kaming kasabay... ang gwapo... hehe,parang nakita ko na nga yun batang gusto kong pakasalan... paglaki niya...at pagtanda ko..toinkz! basta ang gwapo... hehe...

pag dating ko sa dorm, ayos naman, dorm pa rin siya... umakyat muna ako upang iakyat yung mga gamit ko...

bumaba... kumain... nanood ng tv...

parang gusto kong magtext..

makapag-unli nga..

unlitxt20 - ung globe plan ko.. hindi nagreply na natanggap na yung request ko...

magamit nga yung isang sim... nagtitipid kasi talaga ako e... kelangan magunli...

nagreply na si 2870..good good! hehe...

pero ang tagal... jurassic years bago magtext na "you can now use blahblah potpot ekek" ng globe...

orayt... matext nga mga tao...

maonti lang ang nagreply..fine fine...

potpot...may nagtext sa globe plan ko... huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! 2870 din... huhu, nagtitipd nga ako tapos nadoblehan pa ako...

at habang nagdadrama ako, nakatulugan ko din...

umaga na! yey! nakakatamad bumangon, sige..wala naman akong pupuntahan..

12 ng tanghali..glogglog... abay nakikipagusap na si tiyan.."lamanan mo na ako, puro ka tulog!!, kaya malaki ang dobol chin mo e"

naisipan kong pumunta muna sa jobee para kumain... ang loner..mag-isa ako... ang clumsy ko pa naman lalo na pag mag-isa... o well, tiext ko nalang si fjordz... at nagdadrama nanaman si lolo... di ko naman maiwasang maalala yung "hindi ako hampaslupa incident" natawa tuloy ako... ng mag-isa... naibaba ko pa naman yun phone ko... may mga nagtinginan sa akin.. tanong ng mga mata nila "bakit ngumingiti ang batang ito, may tililing?" kaya bigla kong hinawakan uli ang cellphone ko kahit wala pa naman talagang reply... mapagkamalan pa akong may saltik...

eto na ang tugtog...

"kili on the floor, kili-kili on the floor"

nako, napapapitik ako.. napapasayaw ako ng mala-edz!!

"fjordz, pigilan mo naman ako"

"hindi kita pipigilan, malay natin, madiscover ka"

ay langya... nasa gitna na nga ako ng kahihiyan... ahaha! buti napigilan ko...

pumunta na ako sa quiapo... sinusukat ko kasi ang convincing powers ko sa mga "tawad manang thingie" pero nauwi lang ako ng malungkot... 10% lang yung tawad.. ang loser... yun dati ko kasing room mate nakukuha niya ng 50% sa tawad lang... nakakasad

"kookoo, asan ka? pwede mo ba akong samahan maghanap ng bahay?"

"sige, san ka ba?"

blahblahblah...

sumakay na kami sa jeep...

nakarating na kami kla champ....

aba't tahimik nanaman...

o well...

punta tayo sa bustillos, dun tayo hanap...

3:30 naglalakad-lakad na kami at naghahanap...

may mga poster... tawagan natin.... tinawagan namin yung isa... pinuntahan namin... ang creepy... pero pwede namang pagtiyagaan.. kasi ang mahal.. hindi naman pensionado yung mga titira...

hanap nalang tayo ng iba...

lakad uli...

ang malupit dito, ako lang yung makulit saming tatlo... paano kasi..

away nalang ng away... hindi ko naman maiasang hindi mangulit... normal na talaga sa akin ang maging masayahin kahit malungkot ang setting ng mga mangyayari...



medyo nahirapan nga lang akong hatiin yung sarili ko, ano ako, manananggal at nahahati yung katawan? hallerrr?


magjojoke ako kay fjordz, maya-maya kay champ...


pero never akong nakapagjoke para sa kanilang dalawa... nauubusan tuloy ako...

minsan si fjordz ang kasabay ko maglakad...

minsan si champ...

kelan kaya yung si champ at fjordz... yun dalawa talaga na yoon oh, pahirap...

napapagod na akong maglakad, napapagod na din akong pakisamahan sila na magkahiwalay...


kaya pa...

bandang magaalas-seven na ng nakarating na kami sa kabilang banda ng recto..
"malayo na ito, tawagan na natin yung iba pang number na nakita natin sa poster... "

pumunta kami sa may 711 store... may phone booth kasi...

"papasok muna ako sa loob"


bumili ako ng malaking c2..


"penge pong tatlong straw"

"naku, hanggang dalawa lang ang pwede e"

"pwedeng bilhin nalang?"

inabutan ako nun kuya ng TATLONG STRAW...

sa loob loob ko, woohoooo! gumana ang convincing powers ko...bwahaha!

ako yung unang uminom ng c2...

sunod si fjordz, umaarte pa nun una... emo yata... hekhek..

pinuntahan ko si champ... aba'y excited... makukuha daw niya yun unit ng 6k-7,500.. excited talaga siya..


"sa jobee bustillos daw tayo susunduin"


"o, inom ka muna"


nilalaro ku yun straw ko ng biglang..


"waaaaaaaaaah, nahulog yung straw ko, paano pa ako iinom?"


"naku, wala na, nahulog na....." ---aba'y inasar pa ako....

nang sinundo na kami nun kuya...

"teka, parehong daan to a, nandito din tayo kanina"

"kuya, saan po ba dito?"

tinuro yung mataas na bldg....

"nanlamig kaming tatlo....yun din yung bahay kanina...."

"sa mga mata namin, itutuloy pa ba natin? jan din yung creepy house kanina e"

"sige nalang"


okay naman kami... mas okay yun unit na pinakita kesa sa nauna..magkaiba kasi yung nagmamay-ari.. pero magkaiba man ang mayari...PAREHO PARING CREEPY...


okay naman yun bentilasyon nung lugar....maluwag..yun nga lang madilim at walang sapin yung sahig(gusto ko kasi tiles, toink)


ayun, bati-bati na kami dun..haaaaaaaaay, nakahinga na ako ng maluwag...


parang magdi-deal na sila...
deal na nga... hihirit pa sana si champoy na 7k ang rent... pero, tsk tsk... haha...

nun uwian portion... teka, may gap nanaman... haaaaaaaaay, nakakapagod na...


kumain kami tas umuwi kami...


dahil gentleman si fjordz, ehem, inihatid niya ako... nag-usap habang naglalakad hanggang sa labas ng gate.. naku, bawal pa naman yun... hekhek... bago man lang ako lumipat ng dorm muntik pang magka-kaso...


umuwi na siya...


naku, may gap pa rin...


kelangan ko ng mangialam...

ayun, nangialam na nga ako...


epektibo naman...

ayun, nawala lahat ng pagod ko...


sa totoo lang, naenjoy ko yung paghahanap ng bahay para sa kanila... kahit pagod, kahit ipit ako...



basta, mahal ko lang talaga yun si champoy at fjordz... parang kaya kong tagalan.. kaya kong intindihin... kaibigan ko kasi sila...


(kahit pa may mga saltik yan..ako din naman..hehe)





ang sarap lang masabihan ng:

"sobrang salamat sa patience"

"salamat sa pagkakaibigang binibigay mo"

basta, napakalaking achievement na para sa akin na masabihan na salamat sa pasensya(yun sa bakery,,grrrr) at sa friendship... hindi naman kasi talaga ako dating ganito...


mareklamo din ako, pero sa palagay ko hindi naman ako nagreklamo kahapon...hindi nga ba?

tsaka, hehe, umepekto yung mga pangungumbinsi... sa hindi man planadong paraan.. pero oo padin...wahaha...

masayaaaaaaaaaaaaaaa... toink! ang labo ko!!
--

next time, isusulat ko din yung 8weird things about me... sana sooner...

xena, paramdam ka na ule.. hehe... awooooh!

champ at fjordz, dahil housemates na kayo..bawasan na ang hidwaan... excited na kayo no? awoooooh! haha!

hmmm... hindi ako mapakali...

nilalamig ako, hindi naman malamig..sa katunayan tirik na tirik pa nga ang naghahari-hariang araw...

makakapagsulat kaya ako ng matino ngayong araw?ewan ko nga ba...

wala akong naiisip isulat sa ngayon pero nagbabakasakali na rin na maya-maya ay may maiisip na matino-tino... yun nga lang, wala naman talaga akong katinuan sa sarili ko.. teka, bumibilis ang paggalaw ng mga kamay ko, parang sabik na sabik gawin ang parati niyang ginagawa dati...

hindi ko talaga alam ang isusulat...

matagal-tagal na rin akong huling sumulat sa blog ko, setyembre pa yata kung hindi ako nagkakamali... parang "maiksing walang hanggan" o "mini eternity" ang tagal na iyon para sa akin, matagal na rin kasi akong nagsusulat... yun nga lang, natigil dahil sa mga pagiiwas sa mga lathalaing maaaring mailathala... teka, mapaltan nga ng salita.... maaaring maisulat.

ako kasi yung taong mahilig magmabait at magbuhat ng bangko(yung upuan, hindi yung imabakan ng salapi ha)... ayaw ko kasing nakakasakit ng mga tao kung sakaling makakapagsulat ako na ikasisira ng pangalan ng iba... nila. lalo na't sa mga taong mahal ko.

martyr kasi..toinkz!

"magblog ka na kasi ulit" -fjordz

"kumusta? sana... sana... magsulat ka na ulit... ingat" - kuya mj

hindi lang sila ang nagsasabing magsulat ako ulit, sila lang talaga yung higit na naalala ko kasi sila yung mga taong naging parte ng buhay ko sa pamamagitan ng pagba-blog... hindi sa pinagbibigyan o pinakikinggan ko sila, gusto ko rin ang ginagawa ko ngayon... pinakikinggan at pinagbibigyan ko lang ang sarili ko gawa ng mga pagtulak at pagdiin nila na gawin ko ito...

kamakailan lamang ay gumawa ako ng bagong site sa wordpress, nasabi kasi ng isang kaibigan na mas madaling makapagiwan ng kumento dito kasi kahit sino ay maaaring makapagiwan ng kanilang mga reaksyon di gaya sa ibang site na dapat muna ay may account ka dito bago ka makapag-comment

noong oktubre 30 binalak kong magsulat... nakapagsulat naman talaga ako... sa katunayan natapos ko yung artikulo, yun nga lang nung ililipat ko na sa box, marami palang kumplikasyon kung litrato ang pag-uusapan. mahilig kasi ako sa litrato at hindi ako magaganahan kung hindi ko rin mailalagay ang mga ito kasama ng mga isinulat ko... tinamad nanaman tuloy ako...

maarte kasi..toinkz!!

isang gabi nagcheck ako ng friendster ko, nabasa ko yung comment ni fjordz(efjordz, joke...) na tagged daw ako blahblah para magsulat din ng 8 weird things about me, pero bago yun, binasa ko muna yung isinulat niya.. naaliw naman ako, tipong tumaas yung emosyon ko, nasabi ko na "gusto ko na ulit magsulat"...

ng biglang.... toink!!!

"kuya, ano ang reboot?"

"restart yun"

"ganun?"

YES....

ayun, nagreboot nga at hindi na bumalik sa tamang katinuan yung computer sa bahay... naisin ko mang buhusan ito ng tubig upang magising...wala na talaga... ano akon, tanga? hindi pa naman... slight!

hindi ko na mahihintay to, kailangan kong gumising ng maaga dahil pabalik na kami ng manila kinabukasan....

naliparan na ako ng pagkakataong makapagsulat...

pero may lambat akong panghuli dito...

haha..walang kwenta..akala mo lang!