Wednesday, November 7, 2007

basta!

hindi naman pala 4:30 ang pasok ko araw-araw e...monday at thursday lang pala yun, kapag tuesday and friday, 12:00 ng tanghali.

"hindi pa napiprint yun COR ko, kelan ko pwedeng kunin?"

"punta ka sa psych department before 12 noon"

gumising ako ng maaga-aga, mga 10:30... oo! maaga na yun sa akin, sinasabi ko. tinatak ko sa isip ko na kailangan ko ng makuha yung COR ko, para saan pa't pumasok ako ng maaga para sa pangalawang simestre kung hindi ko rin naman mapapapirmahan ang mga ito sa mga propesor ko. at higit sa lahat, para masigurado ko na na tamang klase yun pinapasukan ko. maya-maya hindi naman pala ako sa section na iyon.. huwaw ako diba!! hindi naman ako sikat para ma-victim..

nagugutom ako, hindi ko rin pwedeng palipasin yung gutom ko kasi liban sa hindi pa ako nakakain ng umagahan, hindi rin ako nakapagtanghalian, hindi ko din nga maalala kung nakapaghapunan ba ako gabi bago ang araw na iyon... tsk, wala na kasing nutrisyon ang nakukuha, lahat napupunta sa dobol chin... asar!

kumain muna ako sa kabilang bahay, nakikain... o, wag mong isipin na nangburaot ako, kainan talaga yun kabila namin... nung nakita ko yung adobo, nagutom ako ng todo, edi feel na feel ko naman ang pagkain nito, sa unang subo, hindi ko maiwasang hindi umasa na maalat ito, adobo yun e, hindi naman ako adik... pero ano to bakit ganito? ang tamis naman nun adobo, parang mas okay pa na nag-isip adik nalang ako.

dahil natutunan ko ang mabuting asal, kinain ko pa rin ito kahit bahagyang labag na sa kagustuhan ko na nguyain at lunukin ang minatamis na baboy na ito.

sa panahong babayad na ako, dalawa lang ang maaari kong iabot na bayad, eksaktong ekstakto o limang daang piso... kung iiabot ku yun eksakto, wala akong pamasahe niyan, kaya pinili kong yung limang daan na lang(para maipakita din na ehem, mayaman ako, juklan!!)

paktay na po..wala daw silang panukli. hindi ko naman maiasa sa sarili kong sabihin na "babayaran ko nalang poi sa susunod" abay medyo dispalinghado ang memorya ko sa mga bayaran na ganyan, baka magulat nalang ako isang araw na may nakaabang ng mga patola, este polisya sa labas ng dorm ko at sinasabing "hinuhuli ka po namin sa sa;lang hindi pagbayad sa minatamis na baboy na kinain niyo isang tanghali ang nakaraan" aba, nakakatakot yun no...

at dahil ayaw ko silang mahirapang maghanap ng panukli(na mukhang wala talagang choice dahil sa katamaran moves nila na hindi maghanap) bumalik ako sa aking dormitoryo at naghagilap ng maaaring maipambayad..

naku, sayang yun oras kong bumalik sa dorm(kahit sa katabing bahay pa lang yun)...

tatawid na ako ng daan... nakopo. muntik nanaman akong mabanggaan, as usual, palagi nalang akong nalalapit kay kamatayan tuwing tatawid..tsk! sayang yung tuition at hirap ko sa physics kung machuchugi lang ako, mga panahong panay dugo na ang lamesa, papel at calcu ko habang nagsosolb ng mga kung ano-anong chorva.

nakatawid naman akong buhay... pumara ng jeep. hirap na hirap pa naman ako kasi nakapsych white uniform ako at naka-heels pa.. ang baba pa naman nung bubong nun jeep... at dahil hindi ako parasitiko, ako mismo ang nagabot ng bayad ko kay mamang tsuper kahit hirap na ako sa sitwasyon ko..

"hija, san ka?"

"sa lepanto po"

"naku, sa kabila ka nalang na jeep"

abay watdadak, pinababa ako nun manong, sa kabilang jeep nalang daw ako, sa bustillos daw kasi ang daan niya pa b.balic at hindi sa lepanto...

lingid man sa kagustuhan ko, kelangan kong bumaba...

nakasakay naman ako ng panibagong jeep agad, kaso effort nanaman, hirap na hirap talaga ako sa postura ko...

umaandar na yung jeep.... teka, teka, mukhang hindi rin paliko sa lepanto oh...

"manong, saan po ba ang daan niyo?" (nagdarasal na wag makarinig ng salitang BUSTILLOS)

" sa BUSTILLOS" huwaaaaaaaaaaat? halos nahimatay yung diwa ko...

"sige po, pakibaba nalang po ako sa may tropical hut"
-
"para po!"

"naku, baka mahuli ako ng pulis kung dito kita ibababa"

at ayon na po.....

NAKARATING AKO SA BUSTILLOS...


charan!! nauwi din ako sa bustillos... bustillos bustillos bustillos...

waaaaaaaaaaah! wala na akong balak sumakay ulit ng jeep...

naglakad nalang ako kasama si ting(bag yun, wag kayong issue), ang puting uniporme at itim na heels!!

pag dating ko ng school... "parang nilakad ko ang buong kamaynilaan at talo ko pa ang lahas ng pawisan sa pawis ko...

tsk, COR ko? di ko pa din nakukuha....
---
prof 1

may bagong prof

prof ko na dati

"magaling bang magturo yan?"

"hindi"

ang malas naman ng mga kaklase ko sa akin..
---
prof 2

kookoo: teacher niyo dati?
klasmeyt: oo
kookoo: magaling ba yan magturo?
klasmeyt: oo naman!!

huwaw! buti pa sila, hindi ako malas sa kanila...grrr!

---

maonti lan to

gabi na

"kookoo, manonood pa ba tayo nila xena?"

"oo, kauuwi ko lang sa dorm e... mya mya..."

nagmamadaling umalis ng dorm, naligo at kumuha ng mga gamit..

"paalis na ako? kayo ba?"

msg status: walang reply

naglakad ako sa kahabaan ng isang street sa quiapo, madilim, mabaho, madumi... pati mga tao dun madudumi, mababaho at madidilim(buhay siguro, tsaka medyo maiitim din, kaya di talaga maiiwasang mapagkamalang isa din ako sa kanila, toink!)

hindi ko piniling maglakad sa daan kung saan doon dumadaan ang mga sasakyan(napansin niyo, may rhyming!! poetic talaga ako..toink!)

abay nakakita ako ng matandang lalaki, nagwiwiwi! watdadak nanaman! sana dun nalang ako sa daan, iwas gulo pa.. owell, patay malsiya nalang.. kunwari wala akong nakita... garabe, nakakatakot! nakakaasar!! napakaswerteng nilalang talaga... huwaaaaaaaaaaaaaaaah!

---

msg status: 2 messages received

mgs 1: "nasaan ka na?"

msg 2: "kookooness, nasaan ka na?"

"nasa jeep, malapit na ako sa mercury"

bumaba sa mercury, tatawid... wahaha! buti naka-stop, di tuloy ako natakot tumawid

sumakay..

msg status: 2 messages received

msg 1: asan ka na?

msg 2: uy, lapit na kami

"hinihintay ko lang mag-GO"

sa oras na ito, kampante na ako, hehe, dinadaan mismo sa main entance yung mga pasahero galing sa jeep..EHEM! wekwek...

pero ng malapit na.... ahuhu... hindi nanaman dun dumaan.... asar!!

"nasaan ka na?"

"nasa department store"

toink, anlaki ng dept store...

---
kasama ko na sila

anong papanoorin...

"kayo, kung anong gusto niyo" as usual, nagturuan nanaman kaming apat.. buti hindi kami nanununo.. (uh, haller?)

champ: o, yung hindi nalang nagdedesisyon, yun naman ngayon

oops, may nagprotesta... hehe..

champ: o sige, sinong may coin, bunutan..kung sinong makakakuha nung may tape, yun yung pipili(parang sigurado na hindi siya yung makakabunot)

bunutan portion

kookoo: hehe

xena: hehe

fjordz: hehe

champ: no comment, ahaha!
-
sa movie house

badtrip, gulat na gulat si xena at champ... si fjordz nahaharangan ni champ kaya hindi ko alam...

kookoo: wala lang...

eto na eto na! sa isang part.. exciting..woohoo! naexcite ang lola kookoo, nagcheer!

"go coheed, woooohooooooo!"

tumingin yun isang kuya(na may girlfriend na kayakap, horror man ngaya yun palabas, ek ek!)... ang sama ng tingin...

kookoo: tshe!!

maya-maya umalis na yun magsyota, naasar ata, di kasi makapagmoment... haller?! horror yung movie...

asar!!

ano nga yun movie na pinanood namin? 30 chuva...basta yun horror na hindi naman nakakatakot at nakakagulat... nakakadiri? di din naman.. basta si josh hartnett yung bida... ampogi! buti nalang.. hehe...

ayun, nagmoment pa nga si josh(yeah, we're close) at yun girl niya...

lab story pala yun, hindi naman horror!

"ayt*nga! pag-ibig nga naman"... ika namin.. bitter pa yun ha! ahaha!

at diyan nagtatapos ang araw kong samut-sari...

---

learn to enjoy bitterness, find pleasure in pain, love it when you get hurt,
BE HAPPY WHEN YOU ARE TERRIBLY UNLUCKY..

that's the secret of a happy life...ΓΌ



3 iba't-ibang reaksyon:

Gerald Tipones said...

wahahah anong 8 weird things? haha wala ka pa namang post na ganun ah.. hahaha uy kuha ka ding chatter box tapos lagay mo sa gilid ng blog mo, para masaya.. hahaha

www.cbox.ws

napunding alitaptap... said...

yun sabi ni fjordz na 8 weird things..naku, di ako marunong maglagay ng cbox chuva e..next time.. hmmm... nagbasa ka ba ng blog ko? hula ko... umm... teka, machek nga acct mo...

Dear Hiraya said...

ang hirap naman ng secret for a happy life.. tsk tsk tsk!! hehehe