Sunday, November 4, 2007

isang araw


wala.. nakukuha ko nanaman YATA ang kasiyahan sa pagsusulat...

nakakasawa na rin kasing magreklamo... reklamador to dor to dor!!!

sabado ng umaga, umaga ng sabado..maaga akong nagising,nagising ako ng maaga(minsan, may himala talaga..may himala talaga minsan)... naligo agad ako, malamig ang tubig, ang tubig ay malamig... tama na ang kalokohan ng paguulit...ang paguulit na kalokohan ay tama na...

matapos maligo, kumain na kami ng umagahan, okay naman, masaya naman kumain ng umaga kahit hindi na talaga ako sanay... ngayon ko nga lang uli naalala na ang mga normal na tao ay kumakain ng umaga.. toink!

ang tagal naman ng sundo namin... ang aga-aga ko pa namang nagising... naisip ko munang mag last sneak sa friendster ko at magbasa ng blog ni kapita-pitagang fjordz... habang bitter dahil ang galing-galing niyang magsulat habang ako nangangalawang na ang isip dahil sa hindi pagsusulat(fjordz, di to libre, may bayad to..hekhek)..

nagsimula na kaming bumyahe...okay naman... pero tinatamad akong magkwento... anyway, mabait yun kasabay namin..yung nag[pasabay samin sa kanyang XUVi... pwerte nga ang tulog ko e...kahit sa mga malabituka ng manok na daan hindi umiikot ang sikmura ko... basta, isa yun sa best na byahe ever... jackpot pa na may baby kaming kasabay... ang gwapo... hehe,parang nakita ko na nga yun batang gusto kong pakasalan... paglaki niya...at pagtanda ko..toinkz! basta ang gwapo... hehe...

pag dating ko sa dorm, ayos naman, dorm pa rin siya... umakyat muna ako upang iakyat yung mga gamit ko...

bumaba... kumain... nanood ng tv...

parang gusto kong magtext..

makapag-unli nga..

unlitxt20 - ung globe plan ko.. hindi nagreply na natanggap na yung request ko...

magamit nga yung isang sim... nagtitipid kasi talaga ako e... kelangan magunli...

nagreply na si 2870..good good! hehe...

pero ang tagal... jurassic years bago magtext na "you can now use blahblah potpot ekek" ng globe...

orayt... matext nga mga tao...

maonti lang ang nagreply..fine fine...

potpot...may nagtext sa globe plan ko... huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! 2870 din... huhu, nagtitipd nga ako tapos nadoblehan pa ako...

at habang nagdadrama ako, nakatulugan ko din...

umaga na! yey! nakakatamad bumangon, sige..wala naman akong pupuntahan..

12 ng tanghali..glogglog... abay nakikipagusap na si tiyan.."lamanan mo na ako, puro ka tulog!!, kaya malaki ang dobol chin mo e"

naisipan kong pumunta muna sa jobee para kumain... ang loner..mag-isa ako... ang clumsy ko pa naman lalo na pag mag-isa... o well, tiext ko nalang si fjordz... at nagdadrama nanaman si lolo... di ko naman maiwasang maalala yung "hindi ako hampaslupa incident" natawa tuloy ako... ng mag-isa... naibaba ko pa naman yun phone ko... may mga nagtinginan sa akin.. tanong ng mga mata nila "bakit ngumingiti ang batang ito, may tililing?" kaya bigla kong hinawakan uli ang cellphone ko kahit wala pa naman talagang reply... mapagkamalan pa akong may saltik...

eto na ang tugtog...

"kili on the floor, kili-kili on the floor"

nako, napapapitik ako.. napapasayaw ako ng mala-edz!!

"fjordz, pigilan mo naman ako"

"hindi kita pipigilan, malay natin, madiscover ka"

ay langya... nasa gitna na nga ako ng kahihiyan... ahaha! buti napigilan ko...

pumunta na ako sa quiapo... sinusukat ko kasi ang convincing powers ko sa mga "tawad manang thingie" pero nauwi lang ako ng malungkot... 10% lang yung tawad.. ang loser... yun dati ko kasing room mate nakukuha niya ng 50% sa tawad lang... nakakasad

"kookoo, asan ka? pwede mo ba akong samahan maghanap ng bahay?"

"sige, san ka ba?"

blahblahblah...

sumakay na kami sa jeep...

nakarating na kami kla champ....

aba't tahimik nanaman...

o well...

punta tayo sa bustillos, dun tayo hanap...

3:30 naglalakad-lakad na kami at naghahanap...

may mga poster... tawagan natin.... tinawagan namin yung isa... pinuntahan namin... ang creepy... pero pwede namang pagtiyagaan.. kasi ang mahal.. hindi naman pensionado yung mga titira...

hanap nalang tayo ng iba...

lakad uli...

ang malupit dito, ako lang yung makulit saming tatlo... paano kasi..

away nalang ng away... hindi ko naman maiasang hindi mangulit... normal na talaga sa akin ang maging masayahin kahit malungkot ang setting ng mga mangyayari...



medyo nahirapan nga lang akong hatiin yung sarili ko, ano ako, manananggal at nahahati yung katawan? hallerrr?


magjojoke ako kay fjordz, maya-maya kay champ...


pero never akong nakapagjoke para sa kanilang dalawa... nauubusan tuloy ako...

minsan si fjordz ang kasabay ko maglakad...

minsan si champ...

kelan kaya yung si champ at fjordz... yun dalawa talaga na yoon oh, pahirap...

napapagod na akong maglakad, napapagod na din akong pakisamahan sila na magkahiwalay...


kaya pa...

bandang magaalas-seven na ng nakarating na kami sa kabilang banda ng recto..
"malayo na ito, tawagan na natin yung iba pang number na nakita natin sa poster... "

pumunta kami sa may 711 store... may phone booth kasi...

"papasok muna ako sa loob"


bumili ako ng malaking c2..


"penge pong tatlong straw"

"naku, hanggang dalawa lang ang pwede e"

"pwedeng bilhin nalang?"

inabutan ako nun kuya ng TATLONG STRAW...

sa loob loob ko, woohoooo! gumana ang convincing powers ko...bwahaha!

ako yung unang uminom ng c2...

sunod si fjordz, umaarte pa nun una... emo yata... hekhek..

pinuntahan ko si champ... aba'y excited... makukuha daw niya yun unit ng 6k-7,500.. excited talaga siya..


"sa jobee bustillos daw tayo susunduin"


"o, inom ka muna"


nilalaro ku yun straw ko ng biglang..


"waaaaaaaaaah, nahulog yung straw ko, paano pa ako iinom?"


"naku, wala na, nahulog na....." ---aba'y inasar pa ako....

nang sinundo na kami nun kuya...

"teka, parehong daan to a, nandito din tayo kanina"

"kuya, saan po ba dito?"

tinuro yung mataas na bldg....

"nanlamig kaming tatlo....yun din yung bahay kanina...."

"sa mga mata namin, itutuloy pa ba natin? jan din yung creepy house kanina e"

"sige nalang"


okay naman kami... mas okay yun unit na pinakita kesa sa nauna..magkaiba kasi yung nagmamay-ari.. pero magkaiba man ang mayari...PAREHO PARING CREEPY...


okay naman yun bentilasyon nung lugar....maluwag..yun nga lang madilim at walang sapin yung sahig(gusto ko kasi tiles, toink)


ayun, bati-bati na kami dun..haaaaaaaaay, nakahinga na ako ng maluwag...


parang magdi-deal na sila...
deal na nga... hihirit pa sana si champoy na 7k ang rent... pero, tsk tsk... haha...

nun uwian portion... teka, may gap nanaman... haaaaaaaaay, nakakapagod na...


kumain kami tas umuwi kami...


dahil gentleman si fjordz, ehem, inihatid niya ako... nag-usap habang naglalakad hanggang sa labas ng gate.. naku, bawal pa naman yun... hekhek... bago man lang ako lumipat ng dorm muntik pang magka-kaso...


umuwi na siya...


naku, may gap pa rin...


kelangan ko ng mangialam...

ayun, nangialam na nga ako...


epektibo naman...

ayun, nawala lahat ng pagod ko...


sa totoo lang, naenjoy ko yung paghahanap ng bahay para sa kanila... kahit pagod, kahit ipit ako...



basta, mahal ko lang talaga yun si champoy at fjordz... parang kaya kong tagalan.. kaya kong intindihin... kaibigan ko kasi sila...


(kahit pa may mga saltik yan..ako din naman..hehe)





ang sarap lang masabihan ng:

"sobrang salamat sa patience"

"salamat sa pagkakaibigang binibigay mo"

basta, napakalaking achievement na para sa akin na masabihan na salamat sa pasensya(yun sa bakery,,grrrr) at sa friendship... hindi naman kasi talaga ako dating ganito...


mareklamo din ako, pero sa palagay ko hindi naman ako nagreklamo kahapon...hindi nga ba?

tsaka, hehe, umepekto yung mga pangungumbinsi... sa hindi man planadong paraan.. pero oo padin...wahaha...

masayaaaaaaaaaaaaaaa... toink! ang labo ko!!
--

next time, isusulat ko din yung 8weird things about me... sana sooner...

xena, paramdam ka na ule.. hehe... awooooh!

champ at fjordz, dahil housemates na kayo..bawasan na ang hidwaan... excited na kayo no? awoooooh! haha!

7 iba't-ibang reaksyon:

Dear Hiraya said...

wahaahh... natatawa ako.. bakit ganun... hahahaha... dapat nga maasasr ako eh hahahaha... salamat kookooness!!! yahooo!!! nakapagblog na siya!!!! yahoong yahooo!!! ui salamat talaga kookoo ah!!!! super slamat talaga!! as in!!! super duper!!! nakakamiss si xenady!!!

napunding alitaptap... said...

toink toink!! bakit ka maaasar? kasi inilabas ko ang mga kung anu-ano niyo ni champoy.... wekwekwek!!

Dear Hiraya said...

uhmmm.... no comment hehehehe

iamchampoy said...

wahaha di ko din mapigilang tumawa habang binabasa ko tong blog mo. wahaha baka sabihin ng mga katabi ko dito sa comlab ay may saltik din ako. wahah. salamat kookoo you deserved that word that appreciation. basta salamt. and about kay fjordz di ko maiwasang asarin talaga si fjordz wahaha sarap kasi asarin pero pag naasar na wahaha asar na din ako kaya kami away. ahehehe peo bati ulit den away uilt. 400000 to infinity. wahaha sana di na maulit aheheh. itry naman eh.
salamt kookoo.

iamchampoy said...

hep hep anu yung 8 wierds things about me??? aheheh

napunding alitaptap... said...

a basta.. ang labo niyo..sa sususnod paguuntugin ko na talaga kayo...


saltik! wekwek!

yun 8weird things na request ni fjordz for you to write...

Dear Hiraya said...

kookoo kasi ikaw muna gumawa sayo hehehe para makita nila kung panu.. hehehe