matagal-tagal din akong nawala. isang rason na marahil dito ang lubos napaging abala o dahil na rin kagagaling ko lang sa isang malubhang sakit--singaw...
hindi, hindi singaw... nagkatrangkaso kasi ako.
pero hindi ako nagsusulat para isalaysay ang mga araw na baldado ako sa kama habang nagbibilang ng mga fireworks na galing sa bibig ko.. ubo yun!
kaninang umaga, matino kong sinalubong ang isang araw na puno ng pag-asa. pagkagising ko, natulog ulit ako, pagkagising ulit, natulog ulit... at nagising na ng tuluyan. bahagyang hirap pa rin akong labanan ang lamig ng tubig, pero hindi naman pwedeng hindi ako maligo. sa araw-araw, may taktika akong ginagawa para hindi ginawin. sikreto ku na kung paano yun(o, wag mo na akong pagisipan na wisik-wisik lang...ligo talaga ang ginagawa ko)..
okay, gising na talaga ako gawa ng malamig na tubig, maaga palang pero nagbihis na ako ng uniporme. pupunta na kasi ako malapit sa eskwelehan upang maginternet. planado ko na na ang unang oras ay aasikasuhin ko yung resume ko na ipapasa sa pamamagitan ng email, pagkatapos nun, pwede na akong magblog...
pag baba ko, sinilip ko kung nasa baba na yung mga pinalaba kong damit.. wala pa. pero may inabot sa akin yung ate sa baba. huwaw! isang balot ng tsokolate... akala ko. galing pala sa air21.. cellphone yun, cellphone! lumang unit yun ng tatay ko, natuwa na rin ako kung tutuusin, maayos pa naman kasi talaga yun cellphone, maarte lang ako kung hihingi ako ng bago e kasisisra palang nun akala mo magandang fliptop ko simula nun june..pssss! namatay na rin ako ng ilang beses dahil sa akala... pusa nga lang ako minsan. sakto yun yung pag nalulunod ako sa akala...
"sasama ka ba sa amin sa Ortigas ngayon, mag-a-apply kasi kami ngayon" isa yun sa mga unang mensaheng natanggap ko gamit ang bago sa akin pero luma na in reality na selepono ko..
--
alam niyo ba kung anong klaseng kaibigan ako?
a. oo
b. hindi
c. wapakels
-
fourth year na ako sa kolehiyo ngayon. hindi ko man gustuhing magka-ojt at maging alipin bilang intern ngayon sem e hindi pwede.. no ojt, no grad march... a! no grad march nalang! tsaring! syempre, hindi ko pwedeng beybehin ang katamaran ko ngayon.. kahit saang anggulo, hindi pwede.
"kookoo, pwede kang mag-OJT sa company namin" sabi ng isang ate friend...
tinanong ko ang isang kaibigan kung gusto ba niyang sumama sa kumapanyang maaari naming pag-applyAn, um-oo siya.. sabi niya "promise niko ha, isasama mo ako, walang iwanan"
"oo naman" sagot ko...
"OO NAMAN" SAGOT KO...
kasama ng sagot na iyon ang pangakong hindi ko nga siya iiwan.
nakausap ko minsan si Miss Katie, siya yung nag-aya sa akin na magtrabaho sa kumpanya nila
"kookoo, dun ka na, tamang-tama ka dun, nagbackout yung isang mag-o-ojt dapat"
"ahhh...isa nalang pala ang vacant position?"
"sa HR, oo"
isa nalang pala ang pwede sa kumpanyang iyon na mapapasok sa HR. yun ang dahilan kung bakit hindi ko na din inasam na doon mag-apply, kahit balita ko maganda talaga sa kumpanyang iyon...
GUSTUHIN KO MAN, HINDI AKO MAKAPAGDESISYON NA ITUTULOY KO ANG PAGAAPPLY DUN...
pinangako ko kasing hindi ko siya iiwan. pinangako ko na magkasama kami sa pago-ojt.
--
kaninang umaga habang naghahanda na papunta sa eskwelahan, nakareceive nga ako ng isang mensaheng nagtatanong kung sasama daw ako sa Ortigas. eto agad ang naitanong ko..
"kasama niyo si *****?"
"hindi"
"bakit hindi niyo siya isasama"
"nagfirst day na siya kanina sa ojt niya"
hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa narinig ko...
akala ko ba sabay kaming mag-a-apply at hindi kami mag-iiwanan?
hindi pala lubos na sukatan para masigurado na ang pinangakuan mo na hindi mo iiwan ay hindi ka iiwan...
yun yung masakit dun..
--
1 iba't-ibang reaksyon:
... lam mo kung sa akin mangyayari yan, nakakadisappoint.. sobra.. lalo na sa aking sobrang magpahalaga ng tao... lalo na sa aking sobrang mahalaga ang linyang "WALANG IWANAN!" Ewan ko.. sa nalungkot tuloy ako.. pramis! nakakalungkot.. tumatakbo na ulit ang utak ko at nag-iisip ng kung anu-ano.. matagal-tagal ding huminto ito sa pag-iisip ng negatibo sa mga kaibigan (mga ilang oras lang naman) dahil masaya ako ngayon.. pero nakakalungkot talaga...
http://hiraya.co.nr
Post a Comment