hmmm... hindi ako mapakali...
nilalamig ako, hindi naman malamig..sa katunayan tirik na tirik pa nga ang naghahari-hariang araw...
makakapagsulat kaya ako ng matino ngayong araw?ewan ko nga ba...
wala akong naiisip isulat sa ngayon pero nagbabakasakali na rin na maya-maya ay may maiisip na matino-tino... yun nga lang, wala naman talaga akong katinuan sa sarili ko.. teka, bumibilis ang paggalaw ng mga kamay ko, parang sabik na sabik gawin ang parati niyang ginagawa dati...
hindi ko talaga alam ang isusulat...
matagal-tagal na rin akong huling sumulat sa blog ko, setyembre pa yata kung hindi ako nagkakamali... parang "maiksing walang hanggan" o "mini eternity" ang tagal na iyon para sa akin, matagal na rin kasi akong nagsusulat... yun nga lang, natigil dahil sa mga pagiiwas sa mga lathalaing maaaring mailathala... teka, mapaltan nga ng salita.... maaaring maisulat.
ako kasi yung taong mahilig magmabait at magbuhat ng bangko(yung upuan, hindi yung imabakan ng salapi ha)... ayaw ko kasing nakakasakit ng mga tao kung sakaling makakapagsulat ako na ikasisira ng pangalan ng iba... nila. lalo na't sa mga taong mahal ko.
martyr kasi..toinkz!
"magblog ka na kasi ulit" -fjordz
"kumusta? sana... sana... magsulat ka na ulit... ingat" - kuya mj
hindi lang sila ang nagsasabing magsulat ako ulit, sila lang talaga yung higit na naalala ko kasi sila yung mga taong naging parte ng buhay ko sa pamamagitan ng pagba-blog... hindi sa pinagbibigyan o pinakikinggan ko sila, gusto ko rin ang ginagawa ko ngayon... pinakikinggan at pinagbibigyan ko lang ang sarili ko gawa ng mga pagtulak at pagdiin nila na gawin ko ito...
kamakailan lamang ay gumawa ako ng bagong site sa wordpress, nasabi kasi ng isang kaibigan na mas madaling makapagiwan ng kumento dito kasi kahit sino ay maaaring makapagiwan ng kanilang mga reaksyon di gaya sa ibang site na dapat muna ay may account ka dito bago ka makapag-comment
noong oktubre 30 binalak kong magsulat... nakapagsulat naman talaga ako... sa katunayan natapos ko yung artikulo, yun nga lang nung ililipat ko na sa box, marami palang kumplikasyon kung litrato ang pag-uusapan. mahilig kasi ako sa litrato at hindi ako magaganahan kung hindi ko rin mailalagay ang mga ito kasama ng mga isinulat ko... tinamad nanaman tuloy ako...
maarte kasi..toinkz!!
isang gabi nagcheck ako ng friendster ko, nabasa ko yung comment ni fjordz(efjordz, joke...) na tagged daw ako blahblah para magsulat din ng 8 weird things about me, pero bago yun, binasa ko muna yung isinulat niya.. naaliw naman ako, tipong tumaas yung emosyon ko, nasabi ko na "gusto ko na ulit magsulat"...
ng biglang.... toink!!!
"kuya, ano ang reboot?"
"restart yun"
"ganun?"
YES....
ayun, nagreboot nga at hindi na bumalik sa tamang katinuan yung computer sa bahay... naisin ko mang buhusan ito ng tubig upang magising...wala na talaga... ano akon, tanga? hindi pa naman... slight!
hindi ko na mahihintay to, kailangan kong gumising ng maaga dahil pabalik na kami ng manila kinabukasan....
naliparan na ako ng pagkakataong makapagsulat...
pero may lambat akong panghuli dito...
haha..walang kwenta..akala mo lang!
Sunday, November 4, 2007
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 10:40 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 iba't-ibang reaksyon:
grabe kookoo nakakamiss ang mga blog posts mo hehehe.. pramis... aabangan ko na talaga yung mga susunod kahit na may pasok na tsk tsk!! at ayaw ko pang magkaklase!!! grr!!!
Post a Comment