i gave my bigbro a goodbye kiss a while ago...
"pareho tayong gagradweyt na" -kookoo
my brother is currently a marine engineering student. we experienced not having him around for his training for almost a year. it was a bit hard for us, importante kasi samin ang buong pamilya. we all grew up having each other....
pero, to the career that he is taking now, it may take him away from us most of the time...
"feeling ko nga last christmas ko na tong kasama ko kayo" -kuya
wag naman....
hope this picture would stop having its blur... sana...
haha, i'm losing my "makulay" stand... grrrr... hehe
Saturday, December 29, 2007
wag naman
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:49 AM 24 iba't-ibang reaksyon
sequel
****: cge, nyt nyt. ingat. gb
kookoo: gb
****: still mad o badtip lang talaga?
kookoo: ewan
****: sige, wag nalang muna
sumuko nanaman? poreber ka nalang ganyan.. buhay mo!!
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:46 AM 0 iba't-ibang reaksyon
ewan. di ko alam
****: kumusta ka na?
kookoo: ewan
****: galit ka pa?
kookoo: di ko alam.
****: okay lang bang itext kita o hindi na muna?
kookoo: di ko alam
****: bakit di mo alam?
kookoo: bakit di ko alam? ewan.
****: niko....
kookoo: ****....
hindi ko alam kung t*nga lang talaga yung ibang tao kung bakit hindi nila maramdaman kung ano na talaga yung nararamdaman mo sa kanila...
putobumbong!! mahirap lang ba talaga akong intindihin?
kookoo: ewan, di ko alam
(sa mga oras na gusto ko ng isipin na nagmamahal na ulit ako, tsaka sasabihin ng sitwasyon...HINDI PA..wala kang rason para gawin yan)
-
-
-
nakakatakot naman yung sitwasyon, nagsasalita...
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:21 AM 0 iba't-ibang reaksyon
saan ba? ewan, puro ka ewan...
Friday, December 28, 2007
nalito si palito...
blog ba ito? hmmm...
dala ng lubhang pagkabato ngayong gabi naisipan ko(oo, nagi-isip ako) na magcheck ng mga blogs ng mga blogger friends ko na nasa "trip kong basahin"... at dahil maswerte pa ako sa nakatapak ng jebs ng tao, WALA LANG MAN AKONG NAKITANG NAG-UPDATE NGAYON. sinubukan ko ulit tuloy lumibot sa pakikiusyoso sa mga links na nakikita ko sa mga ka-link ko(uh, parang da buzz lang)... malamang may mababasa naman ako, dati lang, natuwa parin akong mangialam ng istorya ng iba..
masaya naman...
impormatibo...
kapupulutang aral...
pero mapag-iisip ka, tulad ng:
bakit nga mahal na ang gatas ngayon, kung tutuusin, gatas naman ng baka yun... at bakit nga naman hindi nagpakita ng dibdib ng ina sa patalastas na yun e kung tutuusin yun dapat ang buida dun..haaayz!
pero wala pa ring tatalo sa nabasa kong sinulat ng hindi ko kilalang si GASTI(kung pangalan nga ba niya iyon...) sa blog niyang THE INVISIBLE BLOG(sa wordpress). nabanggit niya dun ang mga pagbura niya sa mga dati niyang entries at pag-iwas sa patuloy na batikos ulat sa mga ito... pero sinabi din niya na nahihirapan na siyang magsulat sa pag-iisip sa maaaring pamatay(at bumubuga pa ng apoy) na mga reaksyon patungkol sa mga sulatin niya... BLOG DAW NIYA IYON. nakakapagod daw magkumporme,
(sana ganito nga ng gusto niyang ipabatid)...
kasusulat ko lang nung isang araw yata yun.. tungkol sa malayang pamamahayag. pinagtalunan pa namin ng tatay ko at feelingera ako na ako ang nagwagi sa argyumentong iyon. maraming mga blogger friends(oo, madami na yun para sa dying blog ko..meron kasing mababangis na madaming comments, hail! ahaha) ang nagkumento dun, 5 yata at umepal din. may mga punto sila kung tutuusin. lubos akong napaisip sa sabi ni kimpotent, na ginatungan pa ni fjordz hiraya. tinatanong nila kung totoo ba talaga ng press freedom o ginawa lang yun para ipaniwala ang mga hangal(ugh, ako'y nasapul) na malaya nga naman ang Pilipinas...
napaisip ako dun...
MALAYANG PAMAMAHAYAG
maaari ang maiisip ng iba ay tungkol ito sa mga balitang madalas na naririnig natin sa telebisyon... yun mga pahayag sa radyo o pahayagan(dyaryo)... peryodiko... o kaya'y sa bunganga ng mga bungangerang chismosa..tsharing lan.
liban dito, wag nating kalimutan ang mga sarili nating mga blahbitty blahs... mga walang katapusang reklamo sa buhay.. mga personal nating issues(huwaw, ingles yun).
kung totoong nagbabasa ka ng blog ko, makikita mong sa likod ng masaya't makulay na
itsura nito ay isang pusong laging nagbabanggit ng lubos na pighati at hirap... ugh, hindi ako namatayan...at araw-araw may nakakain pa naman ako(koneksyon, basta!).. hirap na hirap akong magsulat... hindi ako bobo kung ideya lang ang tatanungin, at sa pagbubuhat ng bangko, isama mo pa ang kama at aparador ko, masasabi kong may talento talaga ako na bigyang kahulugan ang bawat pinagkakabit-kabit kong salita. namana ko yun sa tatay ko at dala na rin siguro ng kadaldalan,karanasan at siyempre habangbuhay na regalo ng mabangis na si Dakila sa akin...
hindi dun yung problema(though hindi rin naman ako ganun kagaling, mayabang lang na MASYADO..)
nahihirapan na akong magsulat, gaya ng gustong pagtatago ni gasti...kaya
kahit matagal ko nang ginawa ang blog kong ito, nanahimik siya.. hindi lang dahil walang nagbabasa ngunit dahil hindi din ako nagsusulat(pero salamat kay pyordan/fjordz/hiraya na laging nagchecheck ng blog ko at tinutulak ako palabas ng building, este magsulat ulit). hindi rin ako naglilibot upang makapagbasa ng blog ng iba... patay blog life nga, malayong-malayo sa dating buhay blog ko.
malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... pero hindi ba isang dahilan ng hindi ko pagsulat ay pag-iwas sa pagsalita tungkol sa bagay na nagresulta ng lubos na kalungkutan at gulo sa buhay ko? ayaw ko kasing ilathala kung anong pinagdaanan ko. meron kasi akong pangalan at reputasyon na pinangalagaan. hindi dahil nasaktan niya ako, rason na yun para magsalita laban sa kanya... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG
malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... hindi maganda ang nangyari sa amin, at kung magsasalita ako dito, gugulo pa ang lahat.. okay naman ang tapos ng mga kaganapan sa buhay namin, kung magsasalita ako sa mga kabiteran ko, malamang sa malamang, hindi okay yun... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG
malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng mga taong makakapagbasa nun.. malamang sa malamang magiging bias ako, pagmumukhain kong kawawa yung sarili ko at feeling api... ika nga sa drama, biktima... BIDA... at wahaha! payback time, ie-exagge ko ang pangyayari hangga't lahat na ng tao kamuhian siya(kahit mabait siya talaga...may rason siya)... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG...
malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... kaya hindi lahat ng mga nasa isip ko sinusulat ko, naghahanap ako nun mga tipong makakahakot ng mga mambabasa, kung saan magigng interesado ang mga tao... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG
malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... bakit ba wala na ngayong masyadong nagbabasa ng blog ko gaya dati... tsk, tinatamad na akong magsulat... wala namang nagbabasa... WAG NALANG magsulat... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG
malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... MARAMING MGA RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG...
MARAMI... at hindi ito matatapos ngayong gabi(ahem, umaga na po... tumitilaok na si bantay..arf!) kung lalahatin ko...
minsan parang ang sarap gamitin at pakinggan "MALAYANG PAMAMAHAYAG" huwawawee!! pero marami talaga ang pumipigil... ang dami mong pwedeng sisihin sa hindi pag-abot ng totoong kalayaan, pero AHEM AHEM... minsan, sarili mo rin ang hindi nagpapalaya sa iyo...
sa ngayon, sinusukat ko pa rin kung tama lang na hindi ko na ipaglaban ang kalayaan sa pagpapahayag...
kung MALI... uhmmm...
di ko alam.
wala akong kwenta!!
teka, saan ba gawa ang mik-mik? balita ko kasi yun yung pinainom na gatas sa akin ng nanay ko... kaya pa henyo ako..(sa paningin ng nanay ko)
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:00 AM 2 iba't-ibang reaksyon
saan ba? tanga parin.. i s*ck.. estupido
Thursday, December 27, 2007
hindi pala basta araw
walang kakaiba sa araw na ito..
AKALA KO...
di ko alam kung anung nakain ko kanina at naisipan kong magbasa ng mga blog ng mga tao... maaaring dahil walang blog ngayon ang aking mga prens na sila fjordz, gerald at kung sino-sino pang kapitapitagang manunulat dyan...
ayun, comment-comment... namiss ko din magbasa ng mga lathalain ng iba.. blog ng mga taong ni sa panaginip, hindi ko talaga kilala... yung BUHAY NG IBA... yun hindi talaga sakop ng paningin at damdamin ko... toink! naisin ko mang ilink sila sa blog na ito, wala, naguguluhan ako.. oh well, alam na nila kung sino sila...
kahapon pa kami nagusap ni soti at ni tiyanak, este xianna na magkikita kami.. pupunta kami sa beach at magfu-foodtrip afterwards. okay na ang usapan.. pero kaninang matapos magkunganu-ano sa blog, ayun, hindi daw makakasama si tiyanak... asar.. nba-upset talaga ako.. paano, super taong bahay ako... kung may pagkakataon ngang mainlab ang isang bahay sa tao, malamang nagpakasal na kami ng bahay namin... nakakasawa... tulog kain.. at kun anu-anong blahblah lang sa computer ang nagagawa ko.. ni hindi na ako nakakakita ng ibang tao.. o kahit man lang aso... gusto ko talagang umalis..
dahil mukhang naramdaman ni sotee ang pagkadismaya ko, tinuloy parin namin ang hindi namin alam kung may kahahantungan na lakad namin.. ni hindi nga namin alam kung saan talaga kami pupunta... at kung kakain, saan?!
bago pa masabi ni sotee na hindi na sasama si tiyanak, bihis na ako nun.. syempre naexcite din akong makita ang araw na nakatitig sa akin... ayun, nun tuloy pag daan ni sotee para snduin ako
"nikko, andyan na yung hinihintay mo"
henep naman yung tumawag sa akin, iniisyuhan pa kami ni sotee.. tipong parang may something sa amin kung makapagreact yung ate.. oh well.. "dati" may something si sotee para sa akin..ahaha (sotee, wag ka ng magreact, ahaha)
pumaroon kami ni sotee sa garahe upang magpaalam na aalis na kami.. syempre hinoldap ko din ng bente pesos muna yun tatay ko para sa initial na pamasahe.. buo kasi yung pera ko,,ehem! malutong pa! ahaha.. baga-chicharon.. muntik ko na ngang isubo..toink!
habang kinukulit ko ang aking tatay, biglang may motor na tumigil sa tapat ng tahanan namin... kamukha ni bob marley... ulupong, si pidoy, nagpatshorba ng buhok.. kung anu pa man yung tawag dun.. masaya din akong makita siya.. ahem, may something din sa kanya tungkol sa akin "dati"...ahaha!
ayun.. naghiwalay muna kaming tatlo, pero kasama ko padin si sotee... ang usapan namin magkikita-kita nalang kami sa kainan..
dinalaw namin si ferica..kaso wala siya.. pumunta tuloy kami kela rea... ahehe.. ayun, at dun kami nakiupo at nagkwentuhan ni sotee.. ayos naman, namiss din namin ang isa'-isa.. bestfriends din kasi kami before...
at dun kami unang nakahuthot ng makakain... ansaya pa na nandun si rea at glenn.. hehe, wala, nanood lang din kami ng mga yearender news... pero iba din yung pakiramdam ng pagiging magkasama... libre chibog pa...
matapos nun, nagtext na si tiyanak, pinapapunta kami sa kanila..pumunta naman kami... basta ba may libre chibog daw... ayun, masaya din.. schoolmate ko din kasi si tukko pero dahil sa sobrang laki ng eskwelahan namin... laki ngpopulasyon hindi yung grounds ayun. di kami nagkikita... okay naman yung mga forum naming tatlo... madami-dami din kaming napag-usapan... nagpaisip sa bawat isa ng mga bagay-bagay.. nagusap tungkol sa paborito ng lahat "lablayp"... ayun, medyo nadaplisan ko ng kwento ang mga storyangtanga ko.. sabi ni sotee "medyo tanga ka talaga sa ganyan no?"... ugh! sapuuuul!! napaisip ako dun at sinabing "oo nga e" umamin na po si tanga...
ayun, tinext ko ang aking ama "nakela roxanne ako" at dahil mabilis ang mga daliri ko, tinext ko ito ng mabilis at sinend... hmmm.. ayos, di pa ako hinahanap sa bahay... ng bigla kong matuklasan ng mga 10:30 na na sa landline ko pala nasend.. at sa paanong paraan nila mababasa yun..WALA! tangaer!
ayun, wala.. wala lang..masaya lang ako kasi sobrang prinsesa ako... bawal tumagal sa labas ng bahay.. pero kanina nakapuslit ako ng oras para maging masaya sa piling ng mga taong matagal ko ng di nakakasama, ni makausap...bihira.. kasi ayon sa kanila, hindi daw ako marunong magtext... ahaha! medyo nga.. madami akong natutunan sa oras ng mga kulitan na yun.. tipong sa bawat usap tanga, may aral... tanag man sayong paningin. bat di mo subuking mahalin.. uh? what-the-duck...
anyway, kaht proud na proud na ako na nasa labas pa rin ako ng bahay ng ganung oras.. nauwi pa rin ako sa pagpapasundo..
"dad, pasundo"...
ayun din. bahagya pading loser.. nagpasundo parin... a, basta, level up atleast!
ahaha!
TUTOOOT!
kookoo: napasaya mo ako.salamat sa araw..oo, matatawag kong araw ang araw na to..salamat talaga.
sotee: no prob. anytime text ka lang. pakibati nalang ako kela tito, tita, j3 at inggol ng merry christmas nad happy new year. Gb
o diba, may greeting pa sa pamilya ko...totyal!
BANGS
ahaha, got bangs again... ginupit ko... wala, ang aliwalas kasing tignan ng mukha ko.. at narealize ko, mas trip ko talaga yung dugyot-looking na buhay...ahaha! masyado akong maganda pag maayos..toink! tsharing lan.. masyadong opisgerl looking...basta, di ko mafeel na bata pa ako(ahem) kung ganun... enjoy naman kahit papaano ako sa bangs...
NUNG ISANG ARAW
dinalaw ako ng mga bestbuddies ko nun high school.. whooops! wala pa akong bangs diba.. ahaha! at ummm.. badtrip, buong araw niyan tinamad akong maligo(no joke) ahaha.. dugyot nga diba... ahaha.. ayun tuloy, ang bahobaho ko nun humarap sa mga friends with matching beso and hug pa kami..such a disgrace.. ahaha!!
YOUR GUARDIAN ANGEL
leche yang tugtog na yan. ang gandang masyado,..naaliw ako dyan at gi-ni-em sa mga tao na "kelan kaya blahblah may kakanta sa akin niyan".. at biglang may nagreact..."kinanta ko yan sayo.. di ka lang nakikinig... ganyan ka naman e" uh, nadramahan pa ako ng di oras... nagi-emo pa naman ako, ayun, naunahan pa ako ng emo moment... ahaha.. o well, paano, we are so magkapatid naman kasi nu.. syempre ang gusto kong may akkanta sakin e yung may romantic tshuba.. pero the fact remains... HINDI KO NGA NARINIG NA KINANTA NIYA SAKIN YUN.. hahaha.. sa di na maulit na pagkakataon... napa-OO nanaman ako... grrr! ahaha! first time kong mapanood kanina... pero twice.. weird nga e.. pangitain.. uh? labo labo lllllaaaaaaaaaabbbbbboooooooooo!
PAGKAIN
"kumain ka na?"-mom
"di pa e"
at hinanda ko ang masarap na pagkain ko..
ampalayawidchabanana...
PERo balik sa pagko-comment... masaya ako na paguwi ko...may mga comments ang pinilit kong buhayin na blog... dying na kasi talaga dati.... parang nararamdaman ko na ulit ang pagiging blogger.. yun magbabasa ka ng mga blog ng iba.. at gagantihan ka nila ng pagbasa din ng blog mo... ahehe...
nabuhay ng magmuli? ewan...sana.
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:18 AM 0 iba't-ibang reaksyon
saan ba? nagkalabo labo na po..
Wednesday, December 26, 2007
go! depensa!
kagabi nagkaroon kami ng maiksing argyumento ng aking ama... bihirang sumaliwa ang mga ideya namin.. pero kagabi, pinagtanggol ko ang karapatan kong magsalita....
nabalita kasi kagabi na mayroon daw isang news reporter ang namatay... binaril kasi ang sasakyang kinasasakyan nila(toink).. dahil isa itong taga-press... malamang sa malamang meron syang nabanggaang isang bigtime na kung patuloy siyang bubuhayin, lalabas at lalabas ang baho nito...
tama?
kuya: paano naman kasi, ang sobra naman ang mga press kung magreport
dad: oo nga, basta-basta naman kung magsalita
kookoo: hindi ganun, kaya nga may freedom of the press e
kuya: patay ka lalai, magkaiba kayo ni dad ng side..
dad: ayun na nga, sumusobra naman ang mga sinasabi nila.. hindi na totoo, basta lang makapagreport...
kookoo: hindi ganun yun... sa tingin niyo ba hindi totoo yung nireport nung reporter na yun na aabot na papatayin siya? sa tingin niyo ba matinong tao ito na nagpapatay sa isang taong may sinabi ulat sa kanya?... kung hindi totoo ang mga panukala ng reporter, rason na ba iyon para kitilin ang buhay niya? sa tingin ko tama lang ang reporter... tama lang ang ginawa niya, sinabi niya ang totoo..ginawa niya ang dapat..
yun nga lang...namatay siya...
dad: (tahimik)
kuya: (tahimik)
mom: (tahimik)
gab: (tahimik)
kookoo: (feeling bida, woohoo...)
-
hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang naiisip ng dad ko..pero masaya din ako na nadepensahan ko ng maayos ang gusto kong iparating... at alam kong may punto ako dun..tama ako...
para naman akong tanga kung tatahimik lang ako at palilipasin ko na ganoon lamang ang naiisip nila ukol sa mga mamamahayag... ako, sa pagsusulat ko..meron din akong nasasagasaan.. pero hindi ko ito gagawin ng pagpapakyut lang...
FREEDOM OF THE PRESS NGA DIBA...
PARA SA TIP VOICE.. O ALAGAD NI FJORDZ (toink!)
bakit ba ganyan silang makapagreact? ang dami nilang tinanong at sinabi... at alam ko, pinag-isipan din nila yan... nila XXXX chuva dept. chuva... diba? para naman silang mamamatay... di din nila maintindihan na HINDI NIYO YAN ISINULAT PARA MAGPABIDA... hinaing nga yan ng mga estudyante...
dota, buti hindi ako parte ng school paper namin.. at lalong hindi kuta ng aktibista ang eskwelahan ko..kundi, masahol pa ako sa....malansang isda(joke...) kundi, mas marami akong isisisiwalat na mga kachuvahan ng mga chuva... asar!!
Kookoo: sa tingin mo kung mag-aaral ako sa *P magiging aktibista ako? (nagtanong na may kumpyansang hindi makakarinig ng sagot na OO)
Karol: OO
Kookoo: huh? Bakit mo naman nasabi?
Karol: ang dami-dami kasi ng nasa isip mo… tas napaka-radikal
Kookoo: huh, hindi naman e..
Karol: wala naman kasing nagtitrigger para gawin mo yun
Kookoo: sabagay
PARA SA PARAGON FEU IAS.. O ALAGAD NI JEZREEL (toink toink toink!)
Anong “throw away your PARAGON” sabi nitong si president ng isang org na nasabihan ng hindi magaganda sa unang isyu ng kapita-pitagang papel ng ias.. hindi sila makakabasa ng ganung mga pahayag kung hindi nanggaling sa estudyante yun, at higit sa lahat hinding-hindi mailalathala yun kung walang estudyanteng nakaramdam ng mga kachuvahan nila. At bakit naman ibabasura yung mga isinulat, guilty? Sobrang makapagreact ah. Sa totoo lang, ganun din ang nararamdaman ko sa inyo!!
(yun ang pinagkaiba ko sa mga manunulat ng voice at paragon... wala naman talaga akong gaanong rason na magsulat kasi wala naman tatakbo sa akin para sa mga hinaing nila, di gaya sa mga ito....)
PARA KAY DEPT CHUVA AT ORG PRESIDENT, WALA KAYONG PINAGKAIBA DUN SA KILLER NUNG REPORTER!!
Lahat yan may basehan… ano naming mapupulot nung mga nagsulat kung hindi totoo yun? Meron ba? Kasi, parang end of the world kung makapagreact…
ALAM NYO BA KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG KALAYAAN? GINAWA NIYO LANG DIBA? Kayo din. Nagsalita din kayo para sa side niyo..pero hindi niyo ba magagawang mas mahinahon at mas may talino? Sabagay… hindi na ako magtatanong pa.
-napunding alitaptap
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:53 AM 42 iba't-ibang reaksyon
saan ba? palaman..este palaban
hayskul layp oh my hayskul layp...
“i don’t feel like eating”.. yan ang paborito kong linya lately. Pag may nagtanong kung bakit e ang isasagot ko e “because I don’t feel like eating” o diba... sino pa ba naman ang magaaksaya ng oras sayo sa pagkumbinsing kumain kung ganoon ang sagot mo. Anyway, trivia 2pm na at ang kinain ko palang ngayong araw e 3 hati ng toblerone, 1 ½ banana cue at 1 hotdog. Matapos kumain e nagsimba kami ng tanghali... bago kami magsimba, kumain muna sila. Syempre dahil hindi ako loser pumunta rin ako sa dining table. Tinignan sila at sinabing “can i just eat after the mass?”(hindi ako nag-iinarte pero mahilig talaga akong mag-ingles ngayon pag nakikipag-usap, Malabo nga na trip kong magsulat gamit ang tagalog)... at syempre sagot nila mommy “okay, mamaya nalang after the mass”.. wahaha.. sabi ko sa isip ko “siguro naman e gutom na ako after the mass”... nagmisa na, pero tsk... wala talaga akong ganang kumain.. argh..
Sa totoo walang kinalamang ang post na to sa mga binaggit ko patungkol sa pag-ayaw ko sa pagkain.. talaga. Ayun, depressed nga ata talaga ako, sa hindi ko masabing dahilan(pero pwede kang humula pero sa pananaw ko tama ang hula mo.... pero hindi ako buntis ha. Just for clarifications,hehe.. pero talagang madaling hulaan ang rason).. sa pagtakas sa pagkain pumunta ako sa aking silid(uh, ang lalim nun a).. katatapos ko lang basahin ULIT ang kwentong chalk ni Bob Ong na nabasa kong una noong 1st yr college palang ako, mga panahong tatanga-tanga pa ako sa unibersidad(take note, incoming 4th yr na ako, bwahaha, master na ako ng lower batch,wahaha!).. dahil natapos ko na yung unang libro, naisip kong hanapin yung pang-apat nya, yung Alamat ng Gubat. Wala kasi akong choice kasi yun mga humiram nung ibang libro ko e henep, hindi na sinoli ng mga lenghiya! Hinanap ko yung libro sa haystack.. i mean sa locker ko, sa pagkakaalala ko kasi e dun ku yun niligpit(what-a-term, parang killer).. pero todo na ako sa paghuhukay(uh, nilibing?) e hindi ko talaga Makita.. hanggang may bumulaga sa aking isang notebook na malaki.. pamilyar ito sa akin. Nalimutan ko ang hinahanap ko, humiga sa kama at nagbasa.
“confessions of a shoe addict **K*” yun yung cover ng notebook. Ah, yun yung slum book(kung slum book nga ang appropriate term para dun) na pinasulatan ko sa mga batch mates ko noong high school. Marami akong naalala, unang-una dun ang pagka-addict ko sa sapatos. Medyo kilala kasi ako sa school bilang isang taong mabangis pumorma at maraming sapatos.. rubber shoes.. swerte mo na kung makikita mo ang paa ko, lagi kasi itong balot ng magagarang sapatos. Natawa nalang ako, haha, e ni hindi na ako ngayon bumibili ng sapatos e, ang last na rubber shoes ko e nung pa-2nd year pa ako, unlike dati every 6-8 months e bibili ako ng bago(o kaya may magreregalo)..
IBA NA NGAYON, marami na akong mga bagay na pinagbago, sabihin na nating hindi na ako kasing lala ng dati... mas mabuting pagbabago ang nangyari. Binuklat ang notebook ng isa-isa... henep, e mas malala pa ang mga nakasulat sa libro ni bob ong e... mas katawa-tawa.. mas Masaya, mas nararamdaman ko..
Hmmm, para maprotektahan ang mga tao, marapatin niyo sana ang pagtago ko sa mga pangalan nila... pero hindi ang katauhan..hehe
1. Si aso-- sabi nya “love IS not always cause good”.. “huwag mo ko limot kasi ikaw di kita limot, remember lang ang best English speaker ng Abano.. (a, oo nga, best nga... teka, diba paninirang puri sa eskwelahan ang sabi nya?)
2. Skata girl— “ni***!” (pangalan ko yun,parang galit sakin diba?) “friend forever friend”(hmm, nakakalito) meron pang “friends 4evaH” (hindi ko makuha yung sense na kelangan may H yun forever... at bakit may 4?.. nako, tao nga naman, tama.. tsaka with regards to the H, ano yun, gusto nya akong hiningahan? wahhhhhh)
3. Tuna—“iyak..iyak..iyak.. nalulungkot nga kasi ako kasi mawawala ka na(san ba ako pupunta, sa north pole?) “dapat magsaya tayo kasi nga yun na yun” (o, anu yun? Anu ka ba, malungkot o Masaya? Sabing masamang mag-drugs..ayan kasi).. “your the best among the rest kulit” (o, eto naming linyang ito nakuha sa cheer? Haaay, cheerleaders nga naman.. parang mas okay pa ang sampaguita team is the best..uhh?)
4. Erpak— kapre kasi to si erpak sa batch, kaya tuloy ang laki din ng sulat, parang 1x1 ang isang letra sa kanya.. umubos tuloy ng apat na pages ang sulat niya.. ilang beses mo mababasa ang “ang haba ng sulat ko no?” na sa totoo e maikli lang, kasya nga sa isang ¼ intermediate sheet yung sulat nya. Sabi rin nya “niweys” at take note... meron talagang quotation mark ang niweys nya... emphasized, ewan ko din...
5. Pentagon—“hello! Hi! Hello!hi!hello!hi!take care always” sabi ko..huwaw! ang haba ng sinabi nya saken, at talagang nakakatouch..grrr.. pero nagulat akong meron pa sa likod “sana magkita pa tayo 10years from now”... (a, okay, parang sa ilang kanto lang ang pagitan ng bahay namin.. sana nga, magkita kami uli...haaaay) at may nakasulat pang “d cute, ____” pangalan nya yun.. (haaay, assuming.. pero pumayag na din ako, grad gift ko na kumbaga)
6. Tots—meron lettering “PINSAN” (huwaw.. sa pagkakaalam ko e dalawa lang ang pinsan ko sa school, yun e si erpak at si bolpz...o bakit naman nakikipinsan to... ah, oo nga pala, eks ko nga pala yung pinsan nyang astig) “tank u 4 leting me rite 2 ur cute notebook” (ano daw, medyo nalito ako kung sa cellphone ba ako nagbabasa o sa notebook, para kasing text.. tsaka ang notebook ko e yung mead, diba ang laki nun..anong cute dun?) “pag may problem ka lapit lang dito sa berks ok, and i’ll be ok” (uhh, teka, wala akong ka-berks, ka-tropa oo.. uhhh, ang korni lang talaga ng term na berks, i can’t stand it... at sa sabi niyang lapit ka lang sa berks, and I’LL be okay.... teka, diba ako yun in need? E bakit siya yung magiging okay? Grrr).. meron pa palang “no drugs ok!!!” at “patchi tau”.. (uhhh,akala ko ba NO drugs, tapos nag-aaya ka.. cmon dude... masama talaga sa katawan ang droga, tamo tuloy, tsk!)
7. Breshes—eto si classmate na may braces, matagal ko nang kilala at katropa pero ang kaikli ng sinabi “thank you for being kindness” daw... okay okay!! ang nagagawa nga naman ng “ness” sa tao... haaaay..
8. Prinsesa litik—“ur so great adviser even ur not a teacher!!” (ewan ko nga bas a batang to) sa likod pa nun page may pagkalaki-laking panagalan nya,,, o, e may pangalan din naman ako, naku talaga... meron pa.. ang lufet! “sana nga me na yung bagong kulit dito sa campus” (wtd? Wala nang susunod na kulit sakin kasi mag-isa lang ako.... identity ko nay un at create your own, wag kang papayag na shadow lang kita... to talaga, sakin pa mismo sinabi yun)
9. Sir litik—eto naman, ni hindi lang man nagpasalamat... kumopya lang ng kowt galing sa cellphone.. edi sana tinext nalang nya...
10. Kwino—kaklase ko na simula nung elementary.. ang haba ng sulat... kaso hindi ko na binasa.. sakit kasi sa mata e.. metallic pen... so pass. Soup? Uh?
11. Boy baldado—eto isa sa todong ka-close ko ng mga panahong yoon. Mahaba yun sabi niya pero hindi ko nanaman nabasa, maliban sa bicol e paikot pa, nakakahilo... pero sabi nya “sana magkita-kita tayo nila *****o after 10 years” (o, nagbasa pa ng sulat ng iba,,,huling-huli..hehe) kung sabi ni pentagon ay “hi! Hello!”... siya naman “so what, so what, so what.....” (ewan ko ba kung anong virus ang kumalat) meron din “cute” na nakalagay bago ang pangalan niya.. gaya ng mga nauna, pagraduation ko na sa kanila yun...
12. Si eks 2—“kanya-kanyang diskawte yan” with the wings of ***o* i seek them wide, with the winds of fortune i’m ready to glide” (pare, mahal mo talaga ako, henep ka sa message, nakakaiyak.. full of sense, full of love)
13. Si eks 1—sa hindi maintindihang dahilan nagkataon na magkasunod ang sulat ni eks1 at eks 2... anyway eto ang sabi nya “ang masasabi ko lang e bakit ang sungit mo sa akin” (uh, ikaw ba naman ang ibreak gamit pa ang sulat...lenghiya... magiging mabait kaya ako?
Ahaha..napulot ko sa baul sa pc ko... natawa naman ako, impeyrnes...hanep ako sa panlilibak... owell... o well.. o well, sadako is there! Toink.
grrrrr.. alam ko hindi din to tapos pero post nalang...
masaya kung naaalala ko ang mga batchmates kong ito... kahit parang ginagago ko sila sa post na ito, sa palagay ko hindi yun yun e... basta, parang nagkaroon ako ng rason para tumawa ule... basta... magaganda din ang content nyan...
ehem, at impeyrnes, tinago ko ang mga katauhan nila..ahaha.
umaga na ika ni tandang.. toktolaok na daw...
magandang umaga
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:30 AM 1 iba't-ibang reaksyon
saan ba? hs bgsh.
palayong dako
Sa isang iglap
Isang tala ang nalaglag
Mata ko’y kumurap
At ibinalik sa pagmulat
-
Natuwa at nagalak
Matagal kasing nakaabang sa ulap
Humihiling na yung laging nakikitang kumislap
Ay kumalas sa matinding paghahawak
Ako’y pinakinggan!
Ako’y pinakinggan?
-
Sa tagal-tagal na ninais malapitan
Dahil sa layo kung saan dating tinititigan
Ay dumalaw sa kaisipan
Nalungkot at luha’y dumaloy sa kawalan
Nasaan ka na?
Saang banda, hindi ko Makita?
-
Bakit ng nalaglag ka
ay hindi sa lugar kung saan ako’y nag-aabang?
Bakit doon pa sa kalayuan
Kung saan ang paa ko’y hindi makahahakbang?
-
Sana’y hindi ko nalang ninais na ika’y mahulog
Siguro hanggang ngayon
ika’y sakop pa ng aking paningin
oo, aking bituin,
sa pagkawala mo
naging madilim buong kalangitan ko
eto, sa baul din galing... buti tapos... tapos nga ba?
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:28 AM 0 iba't-ibang reaksyon
pagdampi
Mga mata’y nakatingin sa harap
Nakatitig at hindi gumagalaw
Kumurap at yumuko
Nalungkot
-
Nang huling pagtingin dito
Ngiti ang nasulyapan
Anong nangyari,
Sa sunod, lumbay sa mga mata ang nasilayan
-
Humarap uli
Ngunit hindi natagalan
Nanahimik at lumingon
Hangin ay humalik
Hinintay umawit
Pero ito lang ay walang ibang ginawa kundi umihip
-
Sa huling pagkakataon
Muka’y iniharap
Nakita ang dati
Ngunit nanaig ang kasalukuyan
-
Lumayo siya
Palayo
Sa siyang hindi nagsisinungaling
Lumayo siya.....
sa salamin
“hindi kita bibitawan”
Mga salitang ako’y di tinitigilan
Mga salitang pinaniwalaan
Isinapuso
-
Bakit pa nung sinabi
Ay siyang pinakinggan
Sa lahat ng...........
PUTOL
ayon, nakalkal sa baul.. di tapos..at hindi ko matatapos.. hindi ko naman na maramdaman kung ano yung nararamdaman ko ng panahong isinulat ko... nanghinayang nalang din ako... ayon.. PUTOL TALAGA!
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 9:24 AM 1 iba't-ibang reaksyon
saan ba? puwetik
not just his day
I can’t explain how I appreciate this day. I woke up a bit early this morning, It’s my second day of work.. whoa! Excited? Naaah... still not enjoying it even just for a kunwari setting.
As I woke up, I already sent a good morning text message to my dad and mom.
“maganda ang gising mo anak ah” –mom
I actually didn’t even notice that indeed, my day started okay, oh well, thanks mom for making me realize that I woke up at the best side of my small bed(huh, miss my uber-princessy soft bed in Bicol). Hey I still woke up at the best side of my small bed, I SAID!! Isn’t that great? O_o
Readers: yeah it’s great... (Giving me all the benefit of the doubt...) toink!
Kookoo: I MISS MY REAL BED THOUGH!!!
I’ve decided to go to my office by 7:20 in the morning and got there by 7:46, not bad at all. I still had the old bobo-ish route: Dapitan to Pedro Gil (jeep, so sosyal). Pedro Gil to Malate (padyak, most sosyal poreber).
DTR: getting better so far.
Since Jez and I got at our office earlier than the working time, we’ve decided to go to the restroom first and there we saw how the sun was shining beautifully surrounded by altocumulus clouds which made a rainbow below it.
That made me raise my hand up and was reminded how profound God is. “This day is really nice..”
-
Trainee status: not alone (anymore)
I’ve got to meet my co-trainee at our division. This ACLC sophie girl is really nice. At first we were just sitting at our corner and were doing nothing. We were both shy girls (ahem, ahem) and silence was eating the both of us but praise God, our bosses started giving us something to do: to photocopy (so HR! SOOOO HR!).
Infinite ARghs... argh argh argh!! This time,. Whew! Effort.. HR stuff are really back breaking.
Ehem, I did new today, I went to the other floors to do the “ma’am pa-receive naman po” with Janice and got to have a field trip... up and down to the office, using not the elevator but the fire exit this time.
A-la amazing race. Toink!
And I also did the highlighting stuff (using highlighters, yeknow), and of course the hello telephone “PERSONNEL GOOD AFTERNOON” job, photocopy a’la copytrade skills were shown again and no one would beat my first and forever job (hope not...may gas) tada! Staple staple...
The tasks were really boring and so my good mood turned a bit dark. Hmmmm.. Stagnated!
Doing nothing, I accidentally looked at a sir standing at the aisle near my corner, his pants were covered by an orange light, and so I tried finding where it came from
In great astonishment, the sun was saying hello while saying goodbye at the same time, its light is covering the sea while a white ship is floating into it. One of the nicest view. For the second time, my hand goes up and couldn’t say anything aside “Ang galing talaga(ni God)”
-`
After my office, I was on my way to KFC Rotonda for a meeting but I was informed that it would be rescheduled this Saturday. I’ve decided to attend GJ’s “SUPPOSED TO BE A SURPRISE PARTY” instead. I was really happy to see friends I haven’t seen lately.
We were eating there until someone opened the door quietly. It was GJ, hindi siya nasurprise, kami pa kamo ang nasurprise. SUPRAAAAAAAAAYS!
“kookoo, ang pretty mo naman” -GJ
We sang a song for him and after that we have planned to give him an icing attack, but surprisingly (for the second time) he did it first to Carla and so our plan was sabotaged again. ahaha!
Kookoo’s status: tahimik sa isang tabi..
“at dahil pretty ngayon si kookoo..........” he ran going to where I was sitting and whipped icing all over my face, it was really done too quick and I never had the chance to stand to avoid it, all I did was to scream,,, “waaaaaaaaaaaaaaah” (matinis yan ha...hehe)
And all of us were putting icing all over each other’s faces [only the icing, not the cake itself, gets? We still know how to value food.. (= ]
Ahaha, we were all happy playing that moment (though I was really quiet, dinakma kasi ni gj yun mata ko, napuruhan ng icing..haha, I was teary yet happy)
After all those kaguluhan.. picture taking and all we’ve decided to have a worship. I almost cried.
I am lucky for having these yfc friends; these are the people that could make me feel alright without saying anything regarding my struggles, without knowing them all actually. With just their presence, I feel relieved.
-
I never really planned to go to gj’s surprise eke k but I am glad that God brought me along with them. I felt how great God is... greater to the one who made the sky and sun... but the one who gave me friends who shines brighter than those.
To GJ, I am really blessed for having you around, the way you said that I am pretty made me happy... Thanks, I feel God in you, especially this day. Haberdey
Xena, thanks for giving me the opportunity to be there. Friends! Haaay!
Fjordz, I know you’ll get to read this. Salamat, sobra. Thanks for listening to my unending ojt complaints (the task are just inhumane).. miss ko na ikaw katext
Ge and Champ, just seeing you two makes me happy. Ang vain niyo sa pics. Asar!
Anne and Ding, idol poreber.. anne, wala akong make-up, maganda lang talaga, natural..toink!
Carla, haaaaaaay, di na kita nakabonding..
Tay Lee, got so inspired. Galing din ng Diyos sayo. Yup, next time, I won’t fall asleep while talking to you...ahaha!
Carl, hehe. God bless. DI tayo close e..
“gj, wala lan, blessing lang din yung pagpunta ko sa surprise “supposedly” ekek mo. I really felt God there... ang pretty ni kookoo.. nasa pjt ako kanina, at hindi talaga ako nageenjoy.. ang ganda ng gising ko kanina, kita ku pa yun sky nun kararating ko sa ofis, super ganda, kita ko din yung sunset pauwi... ang ganda talag! Ang galing ng Diyos na nagagawa niya ang sarili niyang kapuri-puri dahil sa mga magandang sky at sun.. pero mas malupit na kapuri-puri siya dahil sa mga taong katulad mo! Ang galing ng Diyos sayo... nga pala, napasaya mo me nun sabihan mo me na an preti ko, seryoso...
[teka, at dahil pretty ngayon si kookoo....(haha, naramihan ako icing dun ah)] –gj
Aykanu, labyu gj... sori natapos agad dahil sa curfew ko...haaaaay, gb! Payakap!” –kookoo 11:08pm
“Phil 1:8” –gj 11:15pm
Sa mga kasama ko sa bertdeyan, pasensya na, may curfew ang lahat dahil sa curfew ko... boring no... argh,,Kj and all... ahaha!
at dahil sa cufrew na yan, nasubukan ko nanaman kung paano tumakbo..as in takbo ever ako.. pero ganun din, nasaraduhan ako ng gate.. todo-doorbell tuloy.. grrr..ahaha!
credits to tomasa, i posted some pics.ΓΌ
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 7:54 AM 3 iba't-ibang reaksyon