Thursday, December 27, 2007

hindi pala basta araw

walang kakaiba sa araw na ito..

AKALA KO...

di ko alam kung anung nakain ko kanina at naisipan kong magbasa ng mga blog ng mga tao... maaaring dahil walang blog ngayon ang aking mga prens na sila fjordz, gerald at kung sino-sino pang kapitapitagang manunulat dyan...

ayun, comment-comment... namiss ko din magbasa ng mga lathalain ng iba.. blog ng mga taong ni sa panaginip, hindi ko talaga kilala... yung BUHAY NG IBA... yun hindi talaga sakop ng paningin at damdamin ko... toink! naisin ko mang ilink sila sa blog na ito, wala, naguguluhan ako.. oh well, alam na nila kung sino sila...

kahapon pa kami nagusap ni soti at ni tiyanak, este xianna na magkikita kami.. pupunta kami sa beach at magfu-foodtrip afterwards. okay na ang usapan.. pero kaninang matapos magkunganu-ano sa blog, ayun, hindi daw makakasama si tiyanak... asar.. nba-upset talaga ako.. paano, super taong bahay ako... kung may pagkakataon ngang mainlab ang isang bahay sa tao, malamang nagpakasal na kami ng bahay namin... nakakasawa... tulog kain.. at kun anu-anong blahblah lang sa computer ang nagagawa ko.. ni hindi na ako nakakakita ng ibang tao.. o kahit man lang aso... gusto ko talagang umalis..

dahil mukhang naramdaman ni sotee ang pagkadismaya ko, tinuloy parin namin ang hindi namin alam kung may kahahantungan na lakad namin.. ni hindi nga namin alam kung saan talaga kami pupunta... at kung kakain, saan?!

bago pa masabi ni sotee na hindi na sasama si tiyanak, bihis na ako nun.. syempre naexcite din akong makita ang araw na nakatitig sa akin... ayun, nun tuloy pag daan ni sotee para snduin ako
"nikko, andyan na yung hinihintay mo"
henep naman yung tumawag sa akin, iniisyuhan pa kami ni sotee.. tipong parang may something sa amin kung makapagreact yung ate.. oh well.. "dati" may something si sotee para sa akin..ahaha (sotee, wag ka ng magreact, ahaha)

pumaroon kami ni sotee sa garahe upang magpaalam na aalis na kami.. syempre hinoldap ko din ng bente pesos muna yun tatay ko para sa initial na pamasahe.. buo kasi yung pera ko,,ehem! malutong pa! ahaha.. baga-chicharon.. muntik ko na ngang isubo..toink!

habang kinukulit ko ang aking tatay, biglang may motor na tumigil sa tapat ng tahanan namin... kamukha ni bob marley... ulupong, si pidoy, nagpatshorba ng buhok.. kung anu pa man yung tawag dun.. masaya din akong makita siya.. ahem, may something din sa kanya tungkol sa akin "dati"...ahaha!

ayun.. naghiwalay muna kaming tatlo, pero kasama ko padin si sotee... ang usapan namin magkikita-kita nalang kami sa kainan..

dinalaw namin si ferica..kaso wala siya.. pumunta tuloy kami kela rea... ahehe.. ayun, at dun kami nakiupo at nagkwentuhan ni sotee.. ayos naman, namiss din namin ang isa'-isa.. bestfriends din kasi kami before...

at dun kami unang nakahuthot ng makakain... ansaya pa na nandun si rea at glenn.. hehe, wala, nanood lang din kami ng mga yearender news... pero iba din yung pakiramdam ng pagiging magkasama... libre chibog pa...

matapos nun, nagtext na si tiyanak, pinapapunta kami sa kanila..pumunta naman kami... basta ba may libre chibog daw... ayun, masaya din.. schoolmate ko din kasi si tukko pero dahil sa sobrang laki ng eskwelahan namin... laki ngpopulasyon hindi yung grounds ayun. di kami nagkikita... okay naman yung mga forum naming tatlo... madami-dami din kaming napag-usapan... nagpaisip sa bawat isa ng mga bagay-bagay.. nagusap tungkol sa paborito ng lahat "lablayp"... ayun, medyo nadaplisan ko ng kwento ang mga storyangtanga ko.. sabi ni sotee "medyo tanga ka talaga sa ganyan no?"... ugh! sapuuuul!! napaisip ako dun at sinabing "oo nga e" umamin na po si tanga...

ayun, tinext ko ang aking ama "nakela roxanne ako" at dahil mabilis ang mga daliri ko, tinext ko ito ng mabilis at sinend... hmmm.. ayos, di pa ako hinahanap sa bahay... ng bigla kong matuklasan ng mga 10:30 na na sa landline ko pala nasend.. at sa paanong paraan nila mababasa yun..WALA! tangaer!

ayun, wala.. wala lang..masaya lang ako kasi sobrang prinsesa ako... bawal tumagal sa labas ng bahay.. pero kanina nakapuslit ako ng oras para maging masaya sa piling ng mga taong matagal ko ng di nakakasama, ni makausap...bihira.. kasi ayon sa kanila, hindi daw ako marunong magtext... ahaha! medyo nga.. madami akong natutunan sa oras ng mga kulitan na yun.. tipong sa bawat usap tanga, may aral... tanag man sayong paningin. bat di mo subuking mahalin.. uh? what-the-duck...

anyway, kaht proud na proud na ako na nasa labas pa rin ako ng bahay ng ganung oras.. nauwi pa rin ako sa pagpapasundo..
"dad, pasundo"...

ayun din. bahagya pading loser.. nagpasundo parin... a, basta, level up atleast!

ahaha!

TUTOOOT!
kookoo: napasaya mo ako.salamat sa araw..oo, matatawag kong araw ang araw na to..salamat talaga.

sotee: no prob. anytime text ka lang. pakibati nalang ako kela tito, tita, j3 at inggol ng merry christmas nad happy new year. Gb

o diba, may greeting pa sa pamilya ko...totyal!


BANGS
ahaha, got bangs again... ginupit ko... wala, ang aliwalas kasing tignan ng mukha ko.. at narealize ko, mas trip ko talaga yung dugyot-looking na buhay...ahaha! masyado akong maganda pag maayos..toink! tsharing lan.. masyadong opisgerl looking...basta, di ko mafeel na bata pa ako(ahem) kung ganun... enjoy naman kahit papaano ako sa bangs...

NUNG ISANG ARAW
dinalaw ako ng mga bestbuddies ko nun high school.. whooops! wala pa akong bangs diba.. ahaha! at ummm.. badtrip, buong araw niyan tinamad akong maligo(no joke) ahaha.. dugyot nga diba... ahaha.. ayun tuloy, ang bahobaho ko nun humarap sa mga friends with matching beso and hug pa kami..such a disgrace.. ahaha!!

YOUR GUARDIAN ANGEL
leche yang tugtog na yan. ang gandang masyado,..naaliw ako dyan at gi-ni-em sa mga tao na "kelan kaya blahblah may kakanta sa akin niyan".. at biglang may nagreact..."kinanta ko yan sayo.. di ka lang nakikinig... ganyan ka naman e" uh, nadramahan pa ako ng di oras... nagi-emo pa naman ako, ayun, naunahan pa ako ng emo moment... ahaha.. o well, paano, we are so magkapatid naman kasi nu.. syempre ang gusto kong may akkanta sakin e yung may romantic tshuba.. pero the fact remains... HINDI KO NGA NARINIG NA KINANTA NIYA SAKIN YUN.. hahaha.. sa di na maulit na pagkakataon... napa-OO nanaman ako... grrr! ahaha! first time kong mapanood kanina... pero twice.. weird nga e.. pangitain.. uh? labo labo lllllaaaaaaaaaabbbbbboooooooooo!

PAGKAIN
"kumain ka na?"-mom
"di pa e"

at hinanda ko ang masarap na pagkain ko..

ampalayawidchabanana...

PERo balik sa pagko-comment... masaya ako na paguwi ko...may mga comments ang pinilit kong buhayin na blog... dying na kasi talaga dati.... parang nararamdaman ko na ulit ang pagiging blogger.. yun magbabasa ka ng mga blog ng iba.. at gagantihan ka nila ng pagbasa din ng blog mo... ahehe...

nabuhay ng magmuli? ewan...sana.

0 iba't-ibang reaksyon: