Wednesday, December 26, 2007

hayskul layp oh my hayskul layp...

“i don’t feel like eating”.. yan ang paborito kong linya lately. Pag may nagtanong kung bakit e ang isasagot ko e “because I don’t feel like eating” o diba... sino pa ba naman ang magaaksaya ng oras sayo sa pagkumbinsing kumain kung ganoon ang sagot mo. Anyway, trivia 2pm na at ang kinain ko palang ngayong araw e 3 hati ng toblerone, 1 ½ banana cue at 1 hotdog. Matapos kumain e nagsimba kami ng tanghali... bago kami magsimba, kumain muna sila. Syempre dahil hindi ako loser pumunta rin ako sa dining table. Tinignan sila at sinabing “can i just eat after the mass?”(hindi ako nag-iinarte pero mahilig talaga akong mag-ingles ngayon pag nakikipag-usap, Malabo nga na trip kong magsulat gamit ang tagalog)... at syempre sagot nila mommy “okay, mamaya nalang after the mass”.. wahaha.. sabi ko sa isip ko “siguro naman e gutom na ako after the mass”... nagmisa na, pero tsk... wala talaga akong ganang kumain.. argh..
Sa totoo walang kinalamang ang post na to sa mga binaggit ko patungkol sa pag-ayaw ko sa pagkain.. talaga. Ayun, depressed nga ata talaga ako, sa hindi ko masabing dahilan(pero pwede kang humula pero sa pananaw ko tama ang hula mo.... pero hindi ako buntis ha. Just for clarifications,hehe.. pero talagang madaling hulaan ang rason).. sa pagtakas sa pagkain pumunta ako sa aking silid(uh, ang lalim nun a).. katatapos ko lang basahin ULIT ang kwentong chalk ni Bob Ong na nabasa kong una noong 1st yr college palang ako, mga panahong tatanga-tanga pa ako sa unibersidad(take note, incoming 4th yr na ako, bwahaha, master na ako ng lower batch,wahaha!).. dahil natapos ko na yung unang libro, naisip kong hanapin yung pang-apat nya, yung Alamat ng Gubat. Wala kasi akong choice kasi yun mga humiram nung ibang libro ko e henep, hindi na sinoli ng mga lenghiya! Hinanap ko yung libro sa haystack.. i mean sa locker ko, sa pagkakaalala ko kasi e dun ku yun niligpit(what-a-term, parang killer).. pero todo na ako sa paghuhukay(uh, nilibing?) e hindi ko talaga Makita.. hanggang may bumulaga sa aking isang notebook na malaki.. pamilyar ito sa akin. Nalimutan ko ang hinahanap ko, humiga sa kama at nagbasa.
“confessions of a shoe addict **K*” yun yung cover ng notebook. Ah, yun yung slum book(kung slum book nga ang appropriate term para dun) na pinasulatan ko sa mga batch mates ko noong high school. Marami akong naalala, unang-una dun ang pagka-addict ko sa sapatos. Medyo kilala kasi ako sa school bilang isang taong mabangis pumorma at maraming sapatos.. rubber shoes.. swerte mo na kung makikita mo ang paa ko, lagi kasi itong balot ng magagarang sapatos. Natawa nalang ako, haha, e ni hindi na ako ngayon bumibili ng sapatos e, ang last na rubber shoes ko e nung pa-2nd year pa ako, unlike dati every 6-8 months e bibili ako ng bago(o kaya may magreregalo)..

IBA NA NGAYON, marami na akong mga bagay na pinagbago, sabihin na nating hindi na ako kasing lala ng dati... mas mabuting pagbabago ang nangyari. Binuklat ang notebook ng isa-isa... henep, e mas malala pa ang mga nakasulat sa libro ni bob ong e... mas katawa-tawa.. mas Masaya, mas nararamdaman ko..
Hmmm, para maprotektahan ang mga tao, marapatin niyo sana ang pagtago ko sa mga pangalan nila... pero hindi ang katauhan..hehe

1. Si aso-- sabi nya “love IS not always cause good”.. “huwag mo ko limot kasi ikaw di kita limot, remember lang ang best English speaker ng Abano.. (a, oo nga, best nga... teka, diba paninirang puri sa eskwelahan ang sabi nya?)

2. Skata girl— “ni***!” (pangalan ko yun,parang galit sakin diba?) “friend forever friend”(hmm, nakakalito) meron pang “friends 4evaH” (hindi ko makuha yung sense na kelangan may H yun forever... at bakit may 4?.. nako, tao nga naman, tama.. tsaka with regards to the H, ano yun, gusto nya akong hiningahan? wahhhhhh)

3. Tuna—“iyak..iyak..iyak.. nalulungkot nga kasi ako kasi mawawala ka na(san ba ako pupunta, sa north pole?) “dapat magsaya tayo kasi nga yun na yun” (o, anu yun? Anu ka ba, malungkot o Masaya? Sabing masamang mag-drugs..ayan kasi).. “your the best among the rest kulit” (o, eto naming linyang ito nakuha sa cheer? Haaay, cheerleaders nga naman.. parang mas okay pa ang sampaguita team is the best..uhh?)

4. Erpak— kapre kasi to si erpak sa batch, kaya tuloy ang laki din ng sulat, parang 1x1 ang isang letra sa kanya.. umubos tuloy ng apat na pages ang sulat niya.. ilang beses mo mababasa ang “ang haba ng sulat ko no?” na sa totoo e maikli lang, kasya nga sa isang ¼ intermediate sheet yung sulat nya. Sabi rin nya “niweys” at take note... meron talagang quotation mark ang niweys nya... emphasized, ewan ko din...

5. Pentagon—“hello! Hi! Hello!hi!hello!hi!take care always” sabi ko..huwaw! ang haba ng sinabi nya saken, at talagang nakakatouch..grrr.. pero nagulat akong meron pa sa likod “sana magkita pa tayo 10years from now”... (a, okay, parang sa ilang kanto lang ang pagitan ng bahay namin.. sana nga, magkita kami uli...haaaay) at may nakasulat pang “d cute, ____” pangalan nya yun.. (haaay, assuming.. pero pumayag na din ako, grad gift ko na kumbaga)

6. Tots—meron lettering “PINSAN” (huwaw.. sa pagkakaalam ko e dalawa lang ang pinsan ko sa school, yun e si erpak at si bolpz...o bakit naman nakikipinsan to... ah, oo nga pala, eks ko nga pala yung pinsan nyang astig) “tank u 4 leting me rite 2 ur cute notebook” (ano daw, medyo nalito ako kung sa cellphone ba ako nagbabasa o sa notebook, para kasing text.. tsaka ang notebook ko e yung mead, diba ang laki nun..anong cute dun?) “pag may problem ka lapit lang dito sa berks ok, and i’ll be ok” (uhh, teka, wala akong ka-berks, ka-tropa oo.. uhhh, ang korni lang talaga ng term na berks, i can’t stand it... at sa sabi niyang lapit ka lang sa berks, and I’LL be okay.... teka, diba ako yun in need? E bakit siya yung magiging okay? Grrr).. meron pa palang “no drugs ok!!!” at “patchi tau”.. (uhhh,akala ko ba NO drugs, tapos nag-aaya ka.. cmon dude... masama talaga sa katawan ang droga, tamo tuloy, tsk!)

7. Breshes—eto si classmate na may braces, matagal ko nang kilala at katropa pero ang kaikli ng sinabi “thank you for being kindness” daw... okay okay!! ang nagagawa nga naman ng “ness” sa tao... haaaay..

8. Prinsesa litik—“ur so great adviser even ur not a teacher!!” (ewan ko nga bas a batang to) sa likod pa nun page may pagkalaki-laking panagalan nya,,, o, e may pangalan din naman ako, naku talaga... meron pa.. ang lufet! “sana nga me na yung bagong kulit dito sa campus” (wtd? Wala nang susunod na kulit sakin kasi mag-isa lang ako.... identity ko nay un at create your own, wag kang papayag na shadow lang kita... to talaga, sakin pa mismo sinabi yun)

9. Sir litik—eto naman, ni hindi lang man nagpasalamat... kumopya lang ng kowt galing sa cellphone.. edi sana tinext nalang nya...

10. Kwino—kaklase ko na simula nung elementary.. ang haba ng sulat... kaso hindi ko na binasa.. sakit kasi sa mata e.. metallic pen... so pass. Soup? Uh?

11. Boy baldado—eto isa sa todong ka-close ko ng mga panahong yoon. Mahaba yun sabi niya pero hindi ko nanaman nabasa, maliban sa bicol e paikot pa, nakakahilo... pero sabi nya “sana magkita-kita tayo nila *****o after 10 years” (o, nagbasa pa ng sulat ng iba,,,huling-huli..hehe) kung sabi ni pentagon ay “hi! Hello!”... siya naman “so what, so what, so what.....” (ewan ko ba kung anong virus ang kumalat) meron din “cute” na nakalagay bago ang pangalan niya.. gaya ng mga nauna, pagraduation ko na sa kanila yun...

12. Si eks 2—“kanya-kanyang diskawte yan” with the wings of ***o* i seek them wide, with the winds of fortune i’m ready to glide” (pare, mahal mo talaga ako, henep ka sa message, nakakaiyak.. full of sense, full of love)

13. Si eks 1—sa hindi maintindihang dahilan nagkataon na magkasunod ang sulat ni eks1 at eks 2... anyway eto ang sabi nya “ang masasabi ko lang e bakit ang sungit mo sa akin” (uh, ikaw ba naman ang ibreak gamit pa ang sulat...lenghiya... magiging mabait kaya ako?

Ahaha..napulot ko sa baul sa pc ko... natawa naman ako, impeyrnes...hanep ako sa panlilibak... owell... o well.. o well, sadako is there! Toink.

grrrrr.. alam ko hindi din to tapos pero post nalang...

masaya kung naaalala ko ang mga batchmates kong ito... kahit parang ginagago ko sila sa post na ito, sa palagay ko hindi yun yun e... basta, parang nagkaroon ako ng rason para tumawa ule... basta... magaganda din ang content nyan...

ehem, at impeyrnes, tinago ko ang mga katauhan nila..ahaha.

umaga na ika ni tandang.. toktolaok na daw...

magandang umaga

1 iba't-ibang reaksyon:

Unknown said...

uy nabanggit ang toblerone! salamat! http://www.toblerone.com.ph