Wednesday, December 26, 2007

palayong dako

Sa isang iglap
Isang tala ang nalaglag
Mata ko’y kumurap
At ibinalik sa pagmulat
-
Natuwa at nagalak
Matagal kasing nakaabang sa ulap
Humihiling na yung laging nakikitang kumislap
Ay kumalas sa matinding paghahawak
Ako’y pinakinggan!
Ako’y pinakinggan?
-
Sa tagal-tagal na ninais malapitan
Dahil sa layo kung saan dating tinititigan
Ay dumalaw sa kaisipan
Nalungkot at luha’y dumaloy sa kawalan
Nasaan ka na?
Saang banda, hindi ko Makita?
-
Bakit ng nalaglag ka
ay hindi sa lugar kung saan ako’y nag-aabang?
Bakit doon pa sa kalayuan
Kung saan ang paa ko’y hindi makahahakbang?
-

Sana’y hindi ko nalang ninais na ika’y mahulog
Siguro hanggang ngayon
ika’y sakop pa ng aking paningin
oo, aking bituin,
sa pagkawala mo
naging madilim buong kalangitan ko

eto, sa baul din galing... buti tapos... tapos nga ba?

0 iba't-ibang reaksyon: