Wednesday, December 26, 2007

pagdampi

Mga mata’y nakatingin sa harap
Nakatitig at hindi gumagalaw
Kumurap at yumuko
Nalungkot
-
Nang huling pagtingin dito
Ngiti ang nasulyapan
Anong nangyari,
Sa sunod, lumbay sa mga mata ang nasilayan
-
Humarap uli
Ngunit hindi natagalan
Nanahimik at lumingon
Hangin ay humalik
Hinintay umawit
Pero ito lang ay walang ibang ginawa kundi umihip
-
Sa huling pagkakataon
Muka’y iniharap
Nakita ang dati
Ngunit nanaig ang kasalukuyan
-
Lumayo siya
Palayo
Sa siyang hindi nagsisinungaling
Lumayo siya.....
sa salamin

“hindi kita bibitawan”
Mga salitang ako’y di tinitigilan
Mga salitang pinaniwalaan
Isinapuso
-
Bakit pa nung sinabi
Ay siyang pinakinggan
Sa lahat ng...........

PUTOL

ayon, nakalkal sa baul.. di tapos..at hindi ko matatapos.. hindi ko naman na maramdaman kung ano yung nararamdaman ko ng panahong isinulat ko... nanghinayang nalang din ako... ayon.. PUTOL TALAGA!

1 iba't-ibang reaksyon:

Mariano said...

Maganda po ang tula. Uhm, parang nakakarelate ako dito... kasi kadalasan madami akong putol na tula! Ahaha, kala naman sa experience nakaka-relate! :)