Friday, December 28, 2007

nalito si palito...

blog ba ito? hmmm...

dala ng lubhang pagkabato ngayong gabi naisipan ko(oo, nagi-isip ako) na magcheck ng mga blogs ng mga blogger friends ko na nasa "trip kong basahin"... at dahil maswerte pa ako sa nakatapak ng jebs ng tao, WALA LANG MAN AKONG NAKITANG NAG-UPDATE NGAYON. sinubukan ko ulit tuloy lumibot sa pakikiusyoso sa mga links na nakikita ko sa mga ka-link ko(uh, parang da buzz lang)... malamang may mababasa naman ako, dati lang, natuwa parin akong mangialam ng istorya ng iba..

masaya naman...

impormatibo...

kapupulutang aral...

pero mapag-iisip ka, tulad ng:

bakit nga mahal na ang gatas ngayon, kung tutuusin, gatas naman ng baka yun... at bakit nga naman hindi nagpakita ng dibdib ng ina sa patalastas na yun e kung tutuusin yun dapat ang buida dun..haaayz!

pero wala pa ring tatalo sa nabasa kong sinulat ng hindi ko kilalang si GASTI(kung pangalan nga ba niya iyon...) sa blog niyang THE INVISIBLE BLOG(sa wordpress). nabanggit niya dun ang mga pagbura niya sa mga dati niyang entries at pag-iwas sa patuloy na batikos ulat sa mga ito... pero sinabi din niya na nahihirapan na siyang magsulat sa pag-iisip sa maaaring pamatay(at bumubuga pa ng apoy) na mga reaksyon patungkol sa mga sulatin niya... BLOG DAW NIYA IYON. nakakapagod daw magkumporme,
(sana ganito nga ng gusto niyang ipabatid)...

kasusulat ko lang nung isang araw yata yun.. tungkol sa malayang pamamahayag. pinagtalunan pa namin ng tatay ko at feelingera ako na ako ang nagwagi sa argyumentong iyon. maraming mga blogger friends(oo, madami na yun para sa dying blog ko..meron kasing mababangis na madaming comments, hail! ahaha) ang nagkumento dun, 5 yata at umepal din. may mga punto sila kung tutuusin. lubos akong napaisip sa sabi ni kimpotent, na ginatungan pa ni fjordz hiraya. tinatanong nila kung totoo ba talaga ng press freedom o ginawa lang yun para ipaniwala ang mga hangal(ugh, ako'y nasapul) na malaya nga naman ang Pilipinas...

napaisip ako dun...

MALAYANG PAMAMAHAYAG

maaari ang maiisip ng iba ay tungkol ito sa mga balitang madalas na naririnig natin sa telebisyon... yun mga pahayag sa radyo o pahayagan(dyaryo)... peryodiko... o kaya'y sa bunganga ng mga bungangerang chismosa..tsharing lan.

liban dito, wag nating kalimutan ang mga sarili nating mga blahbitty blahs... mga walang katapusang reklamo sa buhay.. mga personal nating issues(huwaw, ingles yun).

kung totoong nagbabasa ka ng blog ko, makikita mong sa likod ng masaya't makulay na
itsura nito ay isang pusong laging nagbabanggit ng lubos na pighati at hirap... ugh, hindi ako namatayan...at araw-araw may nakakain pa naman ako(koneksyon, basta!).. hirap na hirap akong magsulat... hindi ako bobo kung ideya lang ang tatanungin, at sa pagbubuhat ng bangko, isama mo pa ang kama at aparador ko, masasabi kong may talento talaga ako na bigyang kahulugan ang bawat pinagkakabit-kabit kong salita. namana ko yun sa tatay ko at dala na rin siguro ng kadaldalan,karanasan at siyempre habangbuhay na regalo ng mabangis na si Dakila sa akin...

hindi dun yung problema(though hindi rin naman ako ganun kagaling, mayabang lang na MASYADO..)

nahihirapan na akong magsulat, gaya ng gustong pagtatago ni gasti...kaya
kahit matagal ko nang ginawa ang blog kong ito, nanahimik siya.. hindi lang dahil walang nagbabasa ngunit dahil hindi din ako nagsusulat(pero salamat kay pyordan/fjordz/hiraya na laging nagchecheck ng blog ko at tinutulak ako palabas ng building, este magsulat ulit). hindi rin ako naglilibot upang makapagbasa ng blog ng iba... patay blog life nga, malayong-malayo sa dating buhay blog ko.

malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... pero hindi ba isang dahilan ng hindi ko pagsulat ay pag-iwas sa pagsalita tungkol sa bagay na nagresulta ng lubos na kalungkutan at gulo sa buhay ko? ayaw ko kasing ilathala kung anong pinagdaanan ko. meron kasi akong pangalan at reputasyon na pinangalagaan. hindi dahil nasaktan niya ako, rason na yun para magsalita laban sa kanya... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG

malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... hindi maganda ang nangyari sa amin, at kung magsasalita ako dito, gugulo pa ang lahat.. okay naman ang tapos ng mga kaganapan sa buhay namin, kung magsasalita ako sa mga kabiteran ko, malamang sa malamang, hindi okay yun... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG

malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng mga taong makakapagbasa nun.. malamang sa malamang magiging bias ako, pagmumukhain kong kawawa yung sarili ko at feeling api... ika nga sa drama, biktima... BIDA... at wahaha! payback time, ie-exagge ko ang pangyayari hangga't lahat na ng tao kamuhian siya(kahit mabait siya talaga...may rason siya)... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG...

malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... kaya hindi lahat ng mga nasa isip ko sinusulat ko, naghahanap ako nun mga tipong makakahakot ng mga mambabasa, kung saan magigng interesado ang mga tao... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG

malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... bakit ba wala na ngayong masyadong nagbabasa ng blog ko gaya dati... tsk, tinatamad na akong magsulat... wala namang nagbabasa... WAG NALANG magsulat... ISANG RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG

malaya naman kasi akong magsulat, SABI KO... MARAMING MGA RASON KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG LAYANG MAMAHAYAG...

MARAMI... at hindi ito matatapos ngayong gabi(ahem, umaga na po... tumitilaok na si bantay..arf!) kung lalahatin ko...

minsan parang ang sarap gamitin at pakinggan "MALAYANG PAMAMAHAYAG" huwawawee!! pero marami talaga ang pumipigil... ang dami mong pwedeng sisihin sa hindi pag-abot ng totoong kalayaan, pero AHEM AHEM... minsan, sarili mo rin ang hindi nagpapalaya sa iyo...

sa ngayon, sinusukat ko pa rin kung tama lang na hindi ko na ipaglaban ang kalayaan sa pagpapahayag...

kung MALI... uhmmm...

di ko alam.

wala akong kwenta!!

teka, saan ba gawa ang mik-mik? balita ko kasi yun yung pinainom na gatas sa akin ng nanay ko... kaya pa henyo ako..(sa paningin ng nanay ko)

2 iba't-ibang reaksyon:

napunding alitaptap... said...

ayun... hindi nakayang kulayan ang sariling paligid... lilipas din to...

woohoo!

kaso, gustong gumupit ng buhok..tsktsk! lumayo ka gunting!

nelo said...

haha! hi nikolai! eto pala yung post na sinasabi mo..medyo iba lang interpretasyon mo kasi wala akong ibang pinagtataguan kundi ang misis ko na sya ring moderator ko :D


wala naman ako pakialam sa comments ng iba..open naman ako sa kahit anong reaksyon ng mambabasa ng blog ko.

.gasti