Ang umaga, ayon, ayos naman... kumain ako ng agahan, gaya ng nangyayari sa akin tuwing kumakain ako ng breakfast, ayun, sumasakit ang tiyan ko... consistent yan mga kapatid... grrr... matapos kumain, natulog ULIT ako...
Nagising upang maligo...nagbihis..badtrip, wala akong uniporme, hindi ko pa napalalaba...nais man akong pahiramin ng aking kasamahan sa kwarto e,wala, butas yung blusa na maaari kong hiramin... nauwi ako sa sibilyan na get up.badtrip!!
Nagaral-aralan sa polsay, nako, exam nanaman..eto yung asignatura na hirap na hirap akong pumasa sa mga pagsusulit... badtrip, kelangan ko mag-aral...
Nag-basa-basa ng 10 minutes, tapos natulog ulit...
Nagising, natulog ulit....at natulog ulit...at natulog ulit..
Gumising, nagbasa-basa... aalis na ako.
Hindi ako nahirapan sumakay sa jeep ngayong araw, impeyrnes, bihira lang ito..bwahaha... kaso ng makaabot ng Espana ang jeep, uhh? Kelangan na naming bumaba.. may rally. Badtrip
Hindi ko maiwasang hindi makitingin-tingin sa mga ralyista... sila yung mga magsasaka na hindi ko maintidihan kung anong pinagpuputok ng butsi nila. Ah, naghahanap ata ng CR.uh?! toink!
Naglakad ako, halos katabi ko na sila. Di ko rin maiwasan na may makasalubong na mga...hmmmm.. mukhang mga nag-aaklas... at hindi malayo ang hitsura nila sa akin. Mga estudyante ito... na sa palagay ko ay ditto lang rin sa kamaynilaan lumalagi.
Liban sa mga ralyista, naglipanan din ang naglalakihang mga kamera at mga mapormang litratista. Napaisip, kamera nalang pala ang kulang sa akin, kahawig ko na rin sila. (an sabe, trying hard..hehe)
Umakyat ako sa overpass, hindi para makiosh-shosho... makiusyoso pala sa mga limpak-limpak na mga magsasakang nag-aaklas. Huwaw, napaselfpity lugod ako ng di oras, hindi ako makapagsabayan sa baga-barbel na kamera nung mga kung sino man sila... gara! Ako, nasa tabi nalang. Kinunan ko pa rin ang mga nag-aaklas na parang naiihi lang naman talaga... bakit ba kasi mainit ang ulo nila?
Pc: a siguro meron...
Koo: baka nga.
Yung nga lang, kung sa konsyerto, wala ako sa moshpit... kaya tuloy walang kwenta yun nalitratuhan ko.(mahaba talaga yang linya ng mga tao na yan....tsaka makulay sila, parang reynbow...yeknow).. walang eksaytment, patay! Bulaklak sa pader...(napakahaba niyan..yang nga lang ang kinaya ng maling anggulo ko...nasa gilid nga lang ako ng mga nasa gitnang mga litratista diba? kasama pa ang espesyal na partisipasyon ng mga binebentang payong)
Nang makapasok sa eskwelahan(matapos maglakad ng di naman kalayuan, pero malayo, uhh?!).. pumasok sa isang opisina upang makikulit sa mga ka-eskwela..at dahil nga hindi naman ako nagsi-civilian habang may pasok, nagtaka naman sila
“o, bakit ka naka-ganyan?”
“a, sumama kasi ako sa rally”
“ahhh”
Letse, mukha ba talaga akong sasama sa rally?
Habang nakikita ang mga ibang kaklase, walang tigil ang tanong ng mga ito kung bakit ako naka-civilian... at ang sagot ko, dati lang
“sumama kasi ako sa rally”
Ni-isa sa kanila wala lang nagtaka.... may nagsabi “ah, naglitrato ka ba?” medyo matinong kaibigan to...mas naisip na kung sakali, yun ang dahilan ko at hindi pagaaklas...hindi naman ako magsasaka indeperspleys...
Matapos ang isang leksyon, lumipat na kami ng kwarto..eto na polsay na, nagrerebyu-
rabyuhan kami ni kah...
Nagkatinginan kami ni propesor ho-ra-si-yo....
“why are you not in uniform?”
Napaisip ako ng isasagot ko,
hulaan mo ang sagot ko:
a. hindi pa po kasi napapalabhan
b. la lang, trip like wearing civilian sir
c. galing po kasi ako sa rally
naiisip ko ng sabihin na wala akong uniporme kasi hindi ko napalabhan, pero gaya ng mga nakaraang propesor mula nun ako’y musmos pa, sinasabing “hindi rason ang hindi paglalaba ng damit”
sinabi ko nalang, gaya ng sinabi ko sa karamihan....
“sir...a..ehhh... ga-ling po ako sa rally”... yung salitang parang may alinlangan...
Napatango nalang si sir
Nagulat si kah sa sinabi ko, pati ba naman sa prof, yung ang inirason ko...
Ang galing mo, mukhang paniwalang-paniwala si sir... ang sinasabi pa ng pagtango ni sir ay “a nirerespeto kita”
Medyo kinabahan ako sa ginawa ko.. baka kasi tanung-tanungin nya ako at wala akong maisagot.. kung makakasagot man ako
“ahhh...ehhh...ewan ko po sir” tooogsh! Dali ako nun, sira ang kredibilidad. Baka ibagsak pa sa pagiisip na ginagago ko siya..
Jan21,2008
Koo: aba, mukha ba talaga akong galing sa rally
Kah: oo... diba nga sabi ko dati sayo
Nagreminisce kami bigla...
1st sem(sept): papunta sa UPD
Koo: kah, sa tingin mo ba magiging aktibista ako kung sa UPD ako mag-aaral (naghihintay ng gustong marinig na sagot na HINDI)
Kah: OO
Koo: (tooogsh! Basag).. oh? Bakit o naman nasabi
Kah: wala, sa school pa nga lang ang dami-dami mo ng sinasabi... angd dami mo kasing naiisip
Koo: hindi naman a, di ko nga maramdaman...dahil ba kayang walang nagti-trigger?
Kah: oo naman, paano pa kaya kung nakasama ka sa Advo(Advocate, official newspub ng school)? May pagka-radikal ka kasi.
-
Naalala ko ulit yung pinagusapan naming dati... pero hindi pa rin ako makapaniwala HANGGANG NGAYON.
-
Rico: bakit ka nakacivilian
Koo: galing ako sa rally
Rico: o, bakit ka sumama? Paano kung damputin kayo at ikulong?
Koo: uhh, bakit naman kasi ikukulong? Matagal ba bago makalabas?
Rico: oo pare, ibe-bail ka ni mama at papa mo
Koo: excuse me, i only have mommy and daddy... at “bail”? nagreview ka bas a polsay?
Rico: mahina na kaya ang dyes mil diyan... ako natry ko ng makulong...
Koo: o, bakit?
Rico: bagansa
Koo: ano yun?
Rico: yun yung nakatambay kasi kami matapos ng gimik
Koo: ahhh, mahirap? Nasa loob talaga kayo ng rehas? Gaano kayo katagal? Binail ka ni mommy mo?
Rico: oo naman, magdamag yun. IYAK NGA NG IYAK SI MOMMY NUN
Koo: o, ikaw anong pakiramdam mo(nageexpect na isasagot na nalungkot, natakot o naiyak siya)
Rico: ANG BAHO!!
Nako, ewan ko nga ba kay rico at ANG BAHO ang sagot sa tanong ko ukol sa naranasan niya,..akala ko pa naman emosyon ang isasagot.
-
Naka-FISHERS OF MEN SHIRT pa pala ako kanina.. kaya malamang samalamang, akala ng mga tao e talagang nagrally ako nun... medyo dugyutin kasi ako kanina.. (eto yung shirt, may bible verse pa yan...ü gusot, galing kasi sa hamper..gusto ko lang talagang ipakita..kaya kinalkal ko pa sa basurahan...hehe..ü)
Hindi nga pangmagsasaka ang FISHER pero mangingisda, pero hindi mo masisisisi ang isip ng mga tao na hindi mahiwalay ang isdaan sa agrikultura...kaya hindi agad nito maiisip na hindi angkop ang damit para sa totoong sigaw ng mga ralyista.
(eto yung damit ko nung araw na yon... alisin mo lang yung hoodie, sapilitan na pagposing yan...hiling ni rico, kahit sabi ko sa kanya litratuhan niya ako sa totoong kasuotan ko...kaso, wala akong nagawa..tsk! ayan, with the special participation nanaman ng payong..payong ko na yan this time... teka, ano palang kumento mo sa posing ko diyan? bawal sumagot ng "emo" ha...)
-
Napaisip tuloy ako kung sasama ba talaga ako sa mga rally... kung sakaling Makita ko talaga ang mali..sasama ba ako?
Napapaisip tuloy ako, gusto kong maging etnograpista. Gusto kong alamin ang buhay ng mga taong ito... bakit, at para saan.... bakit at para saan ang rally?
Pero ganun pa din, nais kong maging litratista...ayun. minsan, gusto ko rin puminta nalang...minsan nga naisip kong maging basurera(wal halo joke to, sana makwento ko next time)
Anu ba naman to, ang wirdo ng mga ginugusto ko..bakit ba hindi nalang magstik yung utak ko sa pinagaaralan ko ngayon... pero napapaisip talaga ako, ayos kayang maging ethnographer???
Radikal nga ba ako? Hindi ko naman madama... totoo! pero marami akong naiisip...ah, basta..
Mukha nga ba akong litratista?
Ralyista?
E Dugyutin?
Marapat bang maglakad ako at bumaba agad dahil sa rally?
Mabaho ba talaga sa loob ng kulungan?
Kung iiyak kaya yung nanay ko, mas maiisip ko pang mabaho sa loob ng selda kesa isipin ang nararamdaman ng ina ko?
A, ewan...
-
Pero trivia: noong lunes, kasama ko si kapita-pitagang fjordz papuntang DOJ...
makikisama kami sa rally... PRESS FREEDOM to dod! Este dude... kaso hindi na naming inabot, ilang beses kasi kaming nakarating sa maling destinasyon, badtriiip... ayun, nauwi sa date... pero, teka, hindi ba senyales na rin ang rally na yun, bakit kaya ninais kong sumama?
HALA, NAKAKALITO...NAKAKATAKOT AH...
Antok!
Alas tres..
(nakakahiya, dapat alam ko pala muna yung rason nila bago sila nag rally... nasa kumbento kasi ako kaya walang balita...sana may magdala sa akin ng dyaryo... pero okay na rin ang pagregalo ng radyo...okay na din ang tv kung wala kang choice, ayos yung plasma tv)
Thursday, January 24, 2008
mukha ba talaga?
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 2:59 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 iba't-ibang reaksyon:
ano naman kung maypagka-aktibista ka?? may masama ba kung radikal ka?? o may mali ba kung ipaglalaban ng mga tao yung dapat sa kanila? o yung dapat na sabihin nila? At hindi lahat ng nasa rally e pumunta lang para makisama o makigulo o magparami though may mga ganun nga.. malamang hindi rin exaggerated ang pag-iisip nila..
hindi kita inaaway ah.. hehehe..
http://hiraya.co.nr
Type ko yung jacket mo, unisex ba yan? Hehehe...
Paminsan talaga nakakainis yung mga iyan. Pero, karapatan nila iyan. Sana nga lang, wag silang makaperwisyo sa iba. Naranasan ko na rin magrally noon.
Speaking of rally... malapit na naman Feb. 14... ARGH!!!
@ fjordan
hindi masama, pero may mga taong hindi magiging masaya kung mabubuhay akong ganyan... naiintindihan ko sila, sarili ko ang hindi... BUTI NGA SILA ALAM NILA ANG PINAGLALABAN NILA... ako kasi, MAGPAPATALO nalang...
@ duroy
ahem, dahil makabayan ako, diesel yang jacket na yan... grr.. o well, hindi siya unisex... por gerls talaga yan kung tutuusin, nadala lang nun tindig ko na aastig-astig kaya nagmukhang pede sa guys...ü
@ duroy ULIT
uh, ano palang kinalaman ng rally sa feb portin? ahaha...
fa-ne ka naman oo..wahaha!
@ fjordz ULIT
di mo ba talaga ako inaaway... bawal sumagot ng "hindi, KAW TALAGA"
Abangan mo post ko sa Feb. 14... malalaman mo kung bakit, hehehe...
Kung gusto mo, chat tayo sa YM, kung pwede hahaha!!!
Post a Comment