Thursday, January 24, 2008

napaisip.

nakakalunkgot naman, hindi na ako nakakapagpost sa mismong araw ng mgpangyayaring inilalathala ko...

hindi ko na lugod maramdaman ang nadama ko...

kanina binalak kong magsulat ulit... dito mismo, habang may net pa ang computer na ginagamit ko... pero wala, hindi NANAMAN...

bahagyang hirap ako, baka ano kasi ang maisulat ko, hindi ako ayos ngayong araw na ito, simula pa kagabi sa katunayan....

nakakalungkot....ang lungkot...malungkot.

habang lumilibot sa mundo ng blog, napadaan nanaman ako sa blog ni gg.gasti, naghanap ng maaaring mabasa... at dahil bata pa ako(TALAGA), nahatak ang paningin ko ng "for kids only"..

enjoy namang magbasa, tawa nga ako ng tawa ng mag-isa dito... kulang nalang maghahagalpak pa...

malamang sa malamang, sa lahat ng nakasulat, dito talaga tumutok ang kamalayan ko..

top 10 ugali ng mga babae kapag inlove

ayun, tawa ako ng tawa...talaga! click mo nalang at makitawa na din..

pero napaisip, kung pagbabasehan ko ang mga ito, sasabihin kong "HINDI AKO INLAB"...

pero gaya din ng sinabi niya na "wala akong sinabing sasagutin ko kayo ng matino" ibig sabihin, hindi talaga tamang batayan ito... enjoy enjoy enjoy lang talaga... pero may point.... may katotohanan talaga, deviant lang ako kumbaga...

napaisip, inlab nga ba ako?

hindi ko alam...

pc: pagod ka lang

koo: sabi ko nga.

di bale, hindi ko naman kailangang magmadali...(kuha ni yatchoy na anak ko, nakakaproud siya masyado, lalo na nung nalitratuhan niya to..sa antipolo to, ako na yung naglagay ng caption)


-
teka, naalala ko tuloy ang sabi ni kah..(ako yan, pagnakatalikod... umarte pa, may attitude pa kamo ako niyan, di naman kita kasi nga di naman nakaharap.... nilangyan ko din ng caption, yun yung sinabi ni kah... iclick mo nalang para mabasa mo ng mas malaki-laki)

8 iba't-ibang reaksyon:

Dear Hiraya said...

nabasa ko na yung 'top 10 ugali ng mga babae kapag inlove' teka teka.. inlab ka ba kookoo?? sayo ko pala dapat itinatanong yan eh hahahah!!

galing ni yatch ah!!! parang postcard yung kuha nya dun.. pang professional!!

at ang kookooness... maganda ka pa rin kahit nakatalikod hehehe

http://hiraya.co.nr

nelo said...

teka tama ba yung nabasa ko na may anak ka na? sige sige bata ka pa nga.

wag ka na malungkot kookoo! pwede ka namang mainlab kahit saan eh kahit hindi sa lalaki. (wala ako sinabing magpakatomboy ka ah)ibang bagay ang tinutukoy ko.

kunyari inlab ka sa kalabaw. mga ganun ba.

.gasti

RedLan said...

ang bulaklak talaga para sa paru-paru. ang alitaptap para sa puno. bakit nandito ka? joke.

tama si fjordz, maganda ka kahit nakatalikod. try mong mag-side view. hehehe. maganda ka pa rin, no doubt!

joke-joke lang tong mga sinusulat ko ha. patawa lang. isang bagay lang ang seryoso at totoo sa mga sinasabi ko, maganda ka talaga. sana.... sana siya na lang. lol

Pepe said...

Hello Kulay, i'm back....! Tunog horror movie a he-he....! Lab na naman pinag-uusapan dito....? Oi exciting yang lab na yan a....! Medyo wala lang ako sa mood na magbigay ng advice ngayon kasi masakit balikat ko pero madami akong alam dyan....! Bayaan mo one day papayungan kita este papayuhan kita pala he-he....! Oi, salamat pala dun sa tag Kulay, gagawin ko yun ASAP promise.... Pagalingin ko lang muna tong left shoulder ko.... =D

Nicely said...

whatever it is that you're undergoing now, u'll realize in the end that it is worth feeling. why? because in the end, you'll be happy pa rin. just hold on and keep praying. God loves you!

Duroy said...

Simpleng diskarte si Fjords kay Kookoo bwahahaha!!!

Sino kaya yung swerteng nilalang na iyon? Hmmm... very intriguing... Anyway, kung meron nga, siguraduhin mo lang kung siya nga iyon. Karamihan kasi ngayon, magkakaroon ng BF/GF, pero, wala namang intensyon na magpakasal. Hanggang dun lang. Kaya nga kung magkakafiancee (marami akong girlfriends, babaeng kaibigan haha) man ako, gusto ko, siya na yung pakakasalan ko.

P.S. Matanda ka na, 20 ka na hehehe.

napunding alitaptap... said...

@ fjordan

gaya ng sabi ko(para malaman na din ng iba) hindi ako inlab..wala lang talaga akong magawa sa buhay ko kaya umaarte nalang ako...

pero, baka,(sana hindi) magiinarte ako ngayon ngayon.... wahaha! galing talaga ni yatchoy, poreber!!ü magaling din kasi ang Diyos sa mata niyang batang yan e....

@ gasti

wala pa po akong anak, bente lang nga po... nakakatakot naman na meron na, to think, 2ndyr college na yang si yatch...wag po kayong malito...marami pa akong mga ANAK... haha..

ako, mainlab sa kalabaw? ayaw, sa halaman nalang... sa venus flytrap, para pag naglalampungan kami, pede na ding magkagatan..wahaha...

@ redlan

ay, haha... sabi ko pa naman po kay g.gasti sa venus flytrap ako maiinlab..nako, panu na yan, chichibugin ako nun....fireFLY pa rin ako..haha...

at gaya ng sabi niyo "LOL" haha..

@ pepe

gawin mo na soooon..ü tapos, haha... sige, adbaysan mo ako minsan... ü

@ ms. nice

ahaha, huwaw..nagbasa ka po... at nanowsbleed ako bigla..ahaha. hold on? parang kelangan po kasing bumitaw e... ayun.. salamat po sa concern..ü yup, God loves me... ikaw din.

@ duroy

ay nako, isa pa din tong maisyu(ma-ish---yu, ika nga ni fjordz)...

ayun, kahit nga PO(nakakahiya naman po hindi mag-PO sayo,wahaha..kahit nga nakakaatat din kiligkiligin at makipaglampungan sa intramuros(huwat? hehe, juklan, past na yun..ü)... makipagpunasan ng pawis at uhog, eew.. e hindi ko na din tinutuloy yang mga ganyan-ganyan kung alam ko sa sarili kong wala naman akong balak pakasalan yan.... haha... yun yung ginagawa ko lately... ayun, buti nalang matino-tino pa din ako na hindi na ako nambobola at nagpapaasa...

wala pong "maswerte" ano ako, buddha? grr... umaarte nga lang po ako... ayun.. hehe

Duroy said...

Awts, ang sakit mo namang magsalita... Wala pa ngang 4 na taon tanda ko sa iyo... huhuhu...

Di ko naranasan yun sa Intra... Nahirapan akong mamingwit doon...