Tuesday, January 1, 2008

masaya naman pala... year ender...

Hehe, I was really downbeat before 2007 ended.. hindi ko tuloy naenjoy yung pasok ng newyear.. anyway, hehe..sana magawa ko ang year end katsubahan report na ito...

ENERO: berdeyan, mala-debut!

guess what, huling taon ko na sa pagiging teen. Nag-nayntin na ako. Marami ang nagbalak na bigyan ako ng suprays bertdey parteeey (napaindak ako bigla at sumayaw ng parang nakadroogs). Isa lang ang natuloy dun, may spoiler pa (actually hindi naman, I’m good at tipaan and vibes tsuba lang talaga)..nalaman ko talaga. Whoa! Nagpakain ako sa isang prestihiyosong pichahan(ang pangit).. pizza parlor nalang(guess what, walang nagpapaherkat at kyuteks at kung anekaneks pa)..ayun, feel na feel ko naman na nagpapakain ako... e pero syempre, hindi ako ang nagbayad... kasi suprays nga sakin yun.. nakakaaliw pa na sa bayadan portion, ako lang yung nakatunganga.. lahat sila labasan ng mga gigintong salapi...ako, sisipol sipol lang at umaarti na parang debutante. tOink! pero kung debutante man ako, mukha akong palaka, hindi prinsesa..errr!

Ayos din yung pagpray over sakin ng mga co-leaders ko sa ____.. natuwa ako dun, sikat na sikat talaga ako. Ahem!

Binalak din akong ihanda ng mga kafriends sa bicol na nasa manila..kaso medyo nagkagulo sa sched.. busy kasi ako sa mga birthday bashes..toink! kaya ayun.. at least andun yung fact na nagtry silang mag-effort... hehe

Madami akong natanggap na regalo. Paborito ko si Bakookoo.. paborito ko yan, kahit hindi halata..ahaha! (bigay ni ajoy)

malulupet din yung mga letters na bigay sakin. Ang nakasulat dun ay kung symbol ako, ano yun at bakit. Magaganda naman yung mga eksplanasyon. yung iba pa meron mismong symbol..halimbawa dalandan..may fresh dalandan...Aba’y lumaki nga ang ulo ko..nagmistulang lobo, muntik na akong lumipad. Napadasal, HUMBLE LANG. dalandan from phoebe

PEBRERO: prinsesa ng tungengots..toinks!

Medyo hindi okay ang pebrero ko, yun kasing taong kinahuhumalingan ko(uh, parang boldstar lang) e binabalewala ako pagkatapos iparamdam na importante ako. Wala akong ginawa ng mga panahong ito kundi kumain ng kumain gawa ng sobrang sama ng loob. Leche! Sa panahon pa ng mga kapusuan tsorba nangyari, putobumbong!!

Nagbantay ng teacher’s evaluation. Mala-COMELEC ang drama. Hehe, batas na, juniors.. yeknow!

Nanood ng UP FAIR.. garabe, sugatan ang puso ko kaya super enjoy ang pakikipagrak-rakan sa mga mababahong nakaitim. Gusto ko na ngang makipagsaksakan at makipagpatayan nun panahon na yon. Kaso parang sasaksakin ko palang sila, nakabitay na ako... mukha talaga silang hoodlum.. tsaka MABANTOTERS talaga. Kasama si Rico, Chi, Roxio, at Fang.

Trivia: girl na girl ang tatlong babae na ito. Dahil hindi planado, naka-white uniform sila. At dahil malapit lang ang dorm ko, umuwi muna ako. Sila hindi. So mukhang mga med students kame, este sila habang mukha din akong mabaho. Mukha lang, hindi amoy!! Napansin niyo, isa lang ang lalaki, si Rico lang. At base sa aking kaalaman ang mga babaeng mukhang matino ay madalas naha-harass ng mga langyang rakistang ito. Ayun, naging lalaki ako sa isang gabi... tinulungan ko si Rico, ewan ko nga ba, kung tutuusin ako naman ang pinakamaganda sa kanila... yun nga lang, mukha silang mas matino kasi nakaputi...

Malapit kami sa mosh pit, nung nagslaman na, kahit di naming trip e nadala na kami ng mga tao.. edi nakitalon tsorba nadin kami. At hail to me, the prinsesa of tungengots, nakaflip-flops.. ayun, nadetach sa paa ko, buti nakapa pa ng paa ko. Muntik na akong umuwi ng nakayapak.

Dito ko din pinadala yung liham ko(e-mail lang sa katunayan) na ang laman ay pag-amin sa totoo kong nararamdaman. Mga drama ek-ek ko na nasasaktan niya ako blahblah. Kaso bibingkang buhay, di nagreply. Namuti na ang mata ko at nabusog sa radiation, wala talaga.

Pero dahil desperado ako, pinadala ko si froggy dude sa kanya. Nagustuhan naman daw niya.

MARSO: ay, nag-gu da distance! bungga ka dai!

Ahem, magbabakasyon na, isa sa mga huling araw ko bilang third year. Hehe, balita ko kasi sa panahong ito ang pinakakritikal na stage sa buhay kolehiyo. Hehe. Matatapos ko na, yiheeee!

Naggupit din ako ng bangs...parang tanga tuloy akong tignan.

At dito ko din naisipan dalawin si kinahuhumalingan. Abay nag-go the distance ang lola. Iba na ngayon, gerl na ang dumadalaw sa guy. Ewan ko nga ba kung anong trip ko at nagkaganoon ako. Nagkaligaw-ligaw pa ako sa lugar nila(isang maunlad na siyudad sa south). Kasama ko pala don ang bespren kong si rico. Pareho kaming walang alam sa lugar. Nag-asahan. “akala ko alam mo”...”akala ko ikaw ang may alam”. Nakarating din kami sa kanila. finally, kaharap ko na siya.. At nameet ang buong family niya. Okay naman, hehe, may bigay din siya sakin, si doggy dude at isang bracelet. Masaya.

pero ang totoong pakay ko talaga ay i-carnap yung suv nila... hindi para dalawin siya.... toink!

ABRIL: layas kang negra ka!

Hehe. Ayos naman, lab lab, Masaya. Hindi rin pala siya nagchecheck ng email niya kaya walang sagot dati. Garabe, dalawang taon. Kung suicide note yun, inuuod na ako kung sakali. Toink!

Pumunta ako sa dako ng isang lugar sa bicol upang gumawa ng bahay. Literal. Parte kasi ako ng isang malawakan organisasyon na tumutulong sa mahihirap upang magkaroon ng bagong bahay at ang malupet ay BAGONG BUHAY. Bilib din ako sa adbokasiya(may ganitong salita nga ba) ng grupo.

Ayun, umitim ako. Todo! Pero ayos lang. Masaya. Naghukay kami ng septic tank. Nasubukan kong gamitin yung paletada sa paglagay ng semento, gumamit ng piko at pala(mukhang simpleng gawin pero ang hirap-hirap)at kung anu-ano pa. Paborito kong gawin yung magpasa ng hollow blocks o kaya yung pagpasa ng sako ng graba o lupa.

Teka, ang tawag pala sa kaitiman na natamo naming dahil sa house build ay “heroic brown” ahehe. Nagpakabayani kasi kami kaya heroic. Abay saan ka pa ba naman makakakita ng magpapagod gumawa ng bahay para sa iba. Toink!

Matapos ang build, umattend kami ng
International Leader’s Conference na pinamagatang “Rebolusyon ng Pag-asa”. Masaya.

Lumipad na SIYA palabas ng bansa. Dun na ULIT sila ng pamilya nila. AHEM, long distance ang setting. Mahirap.

Pumunta kami ng pamilya ko (kasama si bolpz, ang pinsan kong mahal, proxy ng kuya ko, nasa training) sa Baguio sa Benguet. Ahaha, ang ulol naming tatlo nila Bolpz. (sa quezon nat'l park palang yan)

Starting dito sa Bicol ang byahe.. tas stop over sa Laguna sa kapatid ng dad ko.. tas sa La Union nagstay kami sa ancestral house ng aking ina.. dalaw beach, syempre tas sa Baguio.. Ang gulo-gulo-gulo-gulo naming sa byahe.ang lakas naming magasaran. Masaya. Ang sarap ng strawberry flavoured taho. Garabeeeee!

Dahil ANDUN na si *toot*, text text kami...ang mahal. Dun din nakaabot ng halos dalawang libo ang nabasang bill ng ina ko para sa bayaran sa phone ko. Tsk!

MAYO: o ano ka? San napunta ang pagod mo? tsk tsk.. sa ano, um..sa....ewan!

woohoo.. voter na ako... hehe, medyo nakakakaba... kaso medyo bigtime friendly ang lola ko kaya hindi naman na nakakatakot sa loob nung presinto..

gab: lalai, anong binibilang sa presinto, preso?
(kapatid ko si gab...bata pa kasi siya..kaya toink mag-isip! mana! haha)

Masaya yung unang banda. Balak kong pumasok sa bahay ni kuya. Toink! Pero isang linggo lang. Ahehe, bahay ng kuya ng lahat ng kuya. Si kuya Hesus. Sa org ko kasi(na hindi ko pa feel banggitin) e merong tinatawag na SHOUT o Summer in-HOUse Training. Yun yung isang week na makakasama mo ang mga co-leaders mo na nagse-serve sa campus based, high school based, comm. based at SIGA. Kung alam mo ang service na to, hehe, alam mo na ang org na sinasabi ko.

Masaya dun, pero di ako nakasama. Kailangan kasi naming sunduin yung kuya ko sa airport. At dumating galing sa langit ang laptop ko. Pagsundo kay kuya...Dahil bigtime siya, ibinili niya ako ng iPod Classic(video) bilang pasalubong. Ahem! Hindi kami mayaman, si kuya lang(teknot estudyante palang yan..droog poosher nga lang, toink...jowk lan)

pumunta na din kami sa Zambales...

Dahil ang paraan lang namin ni *toot* para magusap ay internet (pwede sa text kaso über mahal nga, di nga ako mayaman), nawalan kami ng komunikasyon.
Pag balik ko.. HINDI NA KAMI OKAY.. huwaw kakaw!

Di na makakain, puro tulog. tanyo naman mata ko..magang-maga sa sobrang tulog.. at ang ngiti, di mailabas ang bentekwatrong ngipin..

TIGIL BLOG!! Halos sinumpa.. Ayaw ko ng maaaaaaaagssssssssuulllaaaaaaaaaaaaaaaat ng mga panahong iyon. Sinuko ko na muna ang buhay alien, este buhay online.

Nagpakonsulta sa sikolhista para sa counseling, no joke!
HINDI AKO UMIYAK.. ni-patak! Ano ako, joy dishwashing soap?

HUNYO: matanda ka na, single ka pa!

Pasukan na! Fourth year na! Ayos naman... walang masyadong kwento... wala akong masyadong maalala. Naging scholar ulit.
BUHAY SINGLE--ULIT.

Simula ng responsibilidad sa org sa campus at sa buhay ng ibang tao. Adjustment period.

Ka-core.. pakoy at socpolpak ge.. (hanapin niyo kung nasaan yung babae, pinakaastig pa ata ako..badtrip!)

gumawa ng bagong blog site, di naman nagsulat.

HULYO: racoon, este rock on!

Teka, eto yata yung nanood kami ng rakrakan kasama ang mga metal. Ay ang saya. Ang bangis tumugtog. Muling tumibok ang puso... dun sa drummer na super pogi, gusto ko ng ikiss at binalak mag-stalk.. tsaring lang.

Kakaiba din yung mga metal, mukha silang mayayaman. Mabangong tignan, kahit mga kulot, may dating... yun nga lang, mga lasinggero at madumi ang bibig. Di na nagsawa kamumura. Ayun, sunog ang baga ko sa kasisinghot ng mga usok nila. What the? Duck!what the duck!!

Pumunta sa cloudnine at nakipaglasingan, ng Mountain Dew. Okay naman. Kasama si Chi at Rico.
(ilusyon namin sa tagaytay pero sa antipolo lang talaga yan)


(halos umaga na, binabalot na ng sobrang lamig ang paligid... habang humahati na ang dilim papaliwanag... PINK YAN SA TINGIN MATA, VIOLET SA SCREEN, not bad though)

AGOSTO: mata ko, nangangalabasa!

naisip kong lumibot sa quiapo ilalim, kung saan andun yung mga native na mga tinda.. enjoy..sobra..
(pahirapan yan, nahihiya kasi ako sa mga tinderang piksuran mga paninda nila, shy type talaga.tsk)

dito, eto na yung kasagsagan ng pagreklamo ko ukol sa kakaibang paningin ko. Madalas na kasing masakit ang ulo at mata ko. Sabi nung ibang mga taong spectacular...este, yung may mga spectacles o salamin, kelangan ko na talagang magpakonsulta sa OB(toink..joontes?) sa optometrist pala.

Umuwi ako sa Bicol, kelangan ko ng pahinga. Sobrang sabog-baga ako sa usok-maynila.
At nagpacheck-up na sa ophthalmologist, siyempre para hindi ako gagastos ng allowance ko kaya sinamantala ko na pera ni ina ang gagamitin ko..ahaha! aba’y si dok, may bangs... Rizal, is that you? Toink! Hindi, medyo bald headed na si sir.. pero uber nice nya talaga.. dahil nadaan ko sa charm, libre nay un pakonsulta! Panaginip lang.. libre na kasi pareho ang unibersidad na pinapasukan ko ngayon at pinaggradweytan niya.

At eto ang Masaya, mild mindgrain daw, may butil ng mga monggo sa utak ko..toink! mild migraine daw.. wala naming topak sa mata ko,
paranoid lang ako. Ayaw ko ng salamin... kahit pa contact lenses.

Pero kabilin-bilinan ni dok na bawal na daw sa matamis. Uh? Bigla akong namatay ng mga sampung Segundo sa gulat.. huwaaaaaaat? Matamis, bawal? At kumain daw ako ng gulay.. a, panis! Yakang-yaka. Trip ko naman talaga ang gulay. “Lalo na ng KALABASA”.. napalunok. Eto, namatay ako hanggang dumating sa bahay. Sa lahat kasi ng gukay, yan ang pinaka ayaw ko. Basta, di ko trip.

Pag-uwi ko, tada! Kalabasa ng ulam. Pinilit kong kumain. “mind over matter lang to”... inenjoy ko naman yung pagkain pero, baaaaaaaaah! I threw it all up. Di ko kaya ang maraming kalabasa..


SETYEMBRE: ano ka ngayon?! eskandalosa


Binura na ni *toot* yung blog site niya.. madami siyang naisulat about SAKIN o SAMEN dun. Wapakels lan. Akala ko.

May paborito akong prof, si sir cosare. Ang galing niya talagang magturo. Kung ang idol ko sa blogging at potograpiya ay si homebodyhubby(hehe, siningit ko po talaga, idol kasi talaga!), sa sikolohiya naman at sa math at sa madaming bagay, si sir na yun. Feeling ko magaling din siya na manunulat kung nagkataon. Nasagi nga sa isip ko na si Bob Ong siya. Basta, napaka-exceptional.

Ayun, nagreport ako at medyo badtrip siya nung araw na yun, napakyawan ang panlilibak sa report ko. Garabe, mangiyak-ngiyak..este umiyak talaga ako nun(para pa naman akong bata pag umiiyak) hehe. Syempre sikat ako nun. Pinalibutan ako ng mga concerned citizen, parang hinika ang drama.. juklan, luha eber lang...

nasabing “ayaw ko na sa kanya, hindi na kami bati”(o, sinong magsasabing dalagang hibi yung pag-iyak ko?)..

Umiiyak parin, biglang napatingin kay besbud karol at napasabi.. “kah, umiiyak ako”...”oo nga”.. napangiti. “sige, isasabay ko na” hehe “ang sarap umiyak” ...... nasaktan din kasi ako dun sa pagbura ng blog tsuba, talagang binubura na ako sa buhay nya.. tsk tsk... toink! Ahehe.. pero alam ko sa sarili kong yung reporting tsuba parin ang iniiyak ko. Badtrip!!

OKTUBRE: saya mo! saya mo!

Bertdey ni xenatot nito. Pumunta kami sa Japan. Masaya naman. Kahit feeling lang namin. Ahehe. Sa gateway lang yun talaga. Ahaha! Japan-japan.. nakita ang The Simpsons.. yey!

Sembreak, nagreminisce, tsk, may namimis ako... meron din akong nalaman.. may gempren na siya... ay langya talagang putobumbong! sige nalang!

nakibakasyon si Xena..sakto, birthday ng tita ko nun.. tiba-tiba kami sa chibog

Nag metrocon. Kasali ako sa junk-art, representative kami ng sector namin. Whoa!
Buong manila yung nakalaban namin, yung other sectors... Hmmm.. dahil tinamad akong magexplain, namanipulate tuloy nung iba yung judges. Hehe.

Garabe, dami ko narealize. Dami talaga. LOOOOORD, ang sakeeeeeeeeeet! LOOOOOORD, ang saraaaaaaaap!! Basta, ang galing lang ni Lord talaga. Nakita ko pa dun yung kras kong litratista. Hehe. Tas si idol flip din. He did the speaking para sa CRY OUT LOUD. Hehe.

At at at, dito nabuo ang prensyip naming ng apat dapat... hehe, si champ, fjordz at xena...at syempre AKO.ü

Pinilit magsulat uli sa blog, tumigil ulit “BUSY DAW”

NOBYEMBRE: awooh! awoooooh?!

Undas. Feeling ko. Undas nga ba? May kwento ba? Hmmmmmmm... awooooooooooooh!


Balik buhay estudyante... nag-apply sa OJT. Tinatamad mag-aral... naiisip magsuicide(tsaring lang).. iniisip, ayaw ko nang mag-aral..toink! last sem na.. haaaaaaaaaay, nakakapressure..

nakipagdeyt.. nagpalibre sa panahong tag-gutom... "kain tayo, libre mo ako" sabi ko sa isang epal. true story yan,naubusan ako ng pera at alam kong hindi sya tatanggi... uh... oportunista! hehe.. charm!

Naligaw ng ilang beses sa kung saan-saang lugar... madaming lugar.
Lumipat ng dorm, naligaw mismo sa loob ng dorm. Dami girls, may ibang nice, may ibang dugyot. Dormeyt si ajoy... yey! Hulaan niyo nalang kung sa dugyot o nice
siya.. ahaha!

Natanggap sa OJT,

NAGBLOG ULIT... naglalabas ng mga sama ng loob sa blog.. at sa..hehe.. toilet bowl. toink!

DISYEMBRE: pasko na, sinta ko, hanap-hanap, uh?!

Nagpapiksyur... enjoy naman, lumaki ang ulo. Ganda ko daw kasi “yeah, i know” sagot ko kahit ang daming negativities...

May meykap..teknot!! sabi ni bading “sige, gumalaw ka pa ng gumalaw at din a napapantay ang make up mo” taray!
nanggagalaiti na yan si mother sakin... haha, nakapagpiktyur pa ko, galit na yan! haha

nabilib sa magagandang cam, binalak itakbo ang mga ito.. magagaling na mga litratista.. ahehe, natutuwa naman sakin yung mga litratista, magandang ngiti daw. At may kwento pa kasi halos di ako makahinga.. kabado kasi para sa outcome ng pic, tawa ng tawa yung mga litratista. Relax daw.

meron din kaming ni-violate na rule habang nasa studio... wala naman kasi sa handbook namin yun,.. uh?!

At umani naman ako ng madaming patimpalak... miss congeniality... best in tsorba and tsuba.. toink! Okay naman yung pic.. hanggang ngayon nga lumalaki pa rin ulo ko, hydrocephalic here here... kaso hangin ang laman.. “utot/dighay-cephalic” uh? Toink! Utot at dighay sa ulo..nakakaawa sa lahat ng nakakaawa.

Nagpasimuno ng malaking kalokohan sa dorm, instant sikat naman ako in fairness. Sis nina “ang bibo kagabi, salamat, pinasaya mo kami”

“proud na proud kaya kami sayo, lalo na si ajoy”-angeli japan japan

Nakipagaway kay champ, hehe, at sa mga bumabati ng meri “xmas”.. hehe.. seryoso ako though. “dapat di na ako nagekspleyn...kahit kelan di ako mananalo sayo”

nanood ng paskuhan sa USTE... natikal ang tulili nung ibang mga malapit sa akin na nakarinig ng sigaw ko...

may stori pa, di ko makita si vinci, tas may guy na nagsabi "dito ka o.." e oportunidad, diba nga oportunista ako..ayun.. hehe.. magandang pwesto.. feeling maganda na ako ng malaman ko na kakilala pala kasi siya ng kafriend ko... ka-org namin pala yun, ust chapter... badtrip..ahaha!

Nagcamp..masaya. natuwa sa mga anak ko at naging proud.. sobra! sa glory of the gardens yan sa antipolo..pag nawawala ako, hehe, naglilitrato ako nun... mas trip ko pa yan kesa maligo..hehe..

natuto na ulit umiyak...(yung may kaakibat na damdamin)
(o, diba, naisip ko pang maglitrato... crying time na yan take note! oo, self-captured yan.. dokyu, umiiyak na ulit ako..yey!! may sipon-sipon pa ol ober da fes)

Nagblog ulit, at kinarir, teknot.. nakakilala ng madaming blogger.. nakapagbasa ulit... Masaya.

Nadepress ulit... hindi masayang pasko..

Nalito sa totoong “malayang pamamahayag”... at madami pang blahblah..
Nabilib kay idol homebodyhubby na pag tinatamad ako’y ginagawa kong homebuddy..para maiksi..hehe.
ang galing ng Diyos sa taong to.. garabe!!

hinihintay pasalubong ni fjordz... pare, kahit ano lang... basta ligtas ka, masaya na ako... woohooo!

ENERO 1, O8

Nagpaputok kasama ni dad, nagsusumigaw..nabadtrip si ama..
Di masayang natulog. Umiiyak-iyak drama pa. Nun umaga badtrip.. nung hapon nagbalak magrebelde... pero nabatukan, naliwanagan.

Kumain ng kumain ng kumain.. naempatso blues!

Nakipagbonding sa computer niya, hoooy! Sumagot ka...

Sinimulan ang year end report... new year na kaya... mali! Hindi na year end.. hehe..

Namiss si fjordz, garabe... “mahilig kang mambalewala tsorba”

Nalaman na writer si ranranraniel... “writer ka din pala”.. “di lang ako nakiki-in sa blog”

Nagsorry kay tatay lee.. lagi kasing natutulugan...

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!

Masaya naman pala ang taon ko, darn, i was stupid not to appreciate it earlier.... bakit ko ba pinayagan ang sarili kong malungkot... sinayang ko yung oras na dapat Masaya ako...

Na-appreciate ulit ang BLOGGING... nakakatulong nga pala siya to realize things.... oo, released! ANG SAYA PALA NG 2007 at JAN 1, 2008.....
Sana sumagot na yung computer ko... haaaaaayz...




GE, EXCITED NA AKO SA CAMPUS TOUR.. GB SATEN! NAWAY MAPAKILALA NATIN ANG DIYOS SA NAKARARAMING PIYU!

28 iba't-ibang reaksyon:

Pepe said...

Napagod ako sa kakabasa nito a he-he....! Akala ko sampong entries yun pala isa lang pero naaaapakahaaabaaaaa nya....! Wala akong masabi, shock ako sa 1 year drama ng buhay mo....! Ang saya ng mga adventures....! Anyways, good luck na lang sa another years of adventures to be pa.... =D

napunding alitaptap... said...

@ pepe

binasa mo lahat? yey! na-appreciate ko yun.. masyado nga kasing mahaba..at para sa isang estranghero, exhausting magbasa ng buhay ng hindi naman niya talaga kilala.. tipong wala naman mapapala or wala siya sa storya... hehe... naiyak ako..ü

salamat

Gerald Tipones said...

oist

inabot ata ako ng 45 min dito huh. haha masakit sa mata. haha at ako pa ang ending ng entry nato.. natuwa ako sa jpanjapan pic niyo para talagang asa japan. ankulet..hahaha

and batet ayaw mu sabihin ang pangalan ng kulto este ng grupo natin!?? ehehehe

kakatapos ko lang gawin yung first post ko sa 2008. read it and comment! waha sapilitan

haha hindi ito blogpost para pahabain..hahaha

goodluck sa career! GODBLESS SA CAMPUS TOUR NATIN!!!!!1

Unknown said...

ang habaaaaaaa...!!! hehe. pero binasa ko lahat. nakakatuwa. nakakalungkot. nakapagpapangiti. nakapagpapaluha... pero nakaka-inspire ang isang taong istorya mo.
ganyan nga -- i-express mo ang nararamdaman mo, pero kwidaw ka rin -- huwag mong hayaang magapi ng emosyon mo ang leading sayo ng Banal na Espiritu.
siguro hindi lang isang beses kong babasahin ang post na ito -- hindi dahil sa makalawang beses na nabanggit mo ako. tao rin ako, marami ring naging struggles na tulad mo.
sinadya mong hindi banggitin yung 'local church' mo, pati na rin yung diagnosis ng doctor sayo...

napunding alitaptap... said...

@ gerald

wahaha.. bungga!! ahaha.. finale, syempre naman... pangarap nating dalawa yan dati pa(huwaw, parang isyu)...

sobrang failure lang yun nafeel naten as socpol dati... kaya ayun..

sana okay na yun.. malaki ang expectation ko sayo na magagawa mo yan... at syempre, mage-expect talaga ako kasi alam kong magwowork naman si God sayo... saten lahat..

hindi pa ako handang sabihin yung kulto, este group natin... tsaka na..sa susunod na year end post ko..toink! ahaha!

in time, in His time... pag kayang-kaya ko ng magstand...

malapit na, I believe! toink toink!

salamat sa palaging pagbasa ng blog posts ko...

napunding alitaptap... said...

@ homebodyhubby

trivia: minsan po homebuddy talaga ang natatype ko.. minsan homebodyBUDDY... boplex.. ahaha.. toink toink!

kwidaw-- ano po to? di ko maintindihan.... ahaha...

yup, madali akong tamaan ng mga katsorbahan kapag nararamdaman kong hindi ako accountable sa mga tao... medyo may selfless acts ako... na sobrang selfish na sa akin...

basta, hindi ko po maexplain...

sa totoo po, i'm really good at hiding my feelings.. parang it's my choice whether i'll show it or not... hindi sa plastic. iniisip ko lang yung mga nasa paligid... basta.. magulo po talaga...

sobra sobrang toink....

ahaha, um, wala naman pong diagnosis yung sikolohista... for counseling lang po.. hindi naman ako nagpakonsulta sa sikaya...um, ingles nalang..sa psychiatrist... yun po yun nakakatakot na pag lumapit ka... ahaha.. pero sobrang nagkasundo kami nun dok.. parang estudyante lang niya ako... basta, teknikal nga kami magusap.. di na niya kelangan iexplain yung theories, alam ko na kasi..ahaha... okay naman po yung outcome...hindi po ako saykotik... ahem, may byotepol maynd nga lan... ahaha.. juk!

sobrang salamat sa pagbasa ng post kong to.. masaya po ako.. masaya po talaga ako..

bow! marami pa akong gustong sabihin pero baka makasinghaba nung post ko..ahaha!

toink! fly fly!!

nelo said...

eto na yata ang pinakamahabang blog post na binasa ko..hehe! isang malupit na year end blog report..salamat nga pala sa pagbisita sa blog ko ha..inadd na rin kita sa blogroll ko.

.gasti

grifolyon said...

ei ei ei, ehehe, ms atig sau nay,. ehehe, my gnyn dn ako kso lng pix sa sat q nlng yng mga pix q, ehehe, see ya worship nay w/ those urbandub cds, whooo oh oh

Rui Caetano said...

happy new yer 2008. Goode blogue.

repah said...

gurl my tag ako sa iyo nsa bahay ko http://repah.wordpress.com saka ung sorpresa ko nsa http://repah.blogspot.com hanapin mo na lng..

xoxiRiSH_29xox said...

ang haba. hehe kakatuwa naman mga post mo. at nakuha mo pa magpapkityur na umiiyak. aus. hehehehehe

hehe la lang. natuwa ako sa post mo. stig hehehe

yeye oh http://ewanko.wordpress.com

Pepe said...
This comment has been removed by the author.
Pepe said...

Hello Kulay....! Oi, salamat pala sa pag-visit mo dun sa humble gallery ko.... Buti naman hindi ka naligaw he-he....! O ano, pwede na bang mag-umpisa ng exhibitions....? Joks lang hindi ko kaya yun....! Dami ko kasing ginawang mga oil paintings since pumunta ako dito sa australia kaso lang wala naman akong chance na i-expose ang mga to kasi wala naman akong mga connections dito kaya naisipan ko tuloy ilagay na lang sa blog ko.... Anyways, kahit papano ay may mga tumitingin din naman at nag-iiwan ng mga comments nila like you.... Madami pa pala yun dun sa mga previous entries ko, yung mga bago naman ay computer generated lang using Corel software pero kung may steady hand ka ay maganda rin naman ang results nya.... Tulog na muna ako, sige ingatz....! =D

Unknown said...

PHOTOS NAMAN:

your photos somehow reveal your personality -- hindi ka plastic, hindi ka pa-glamour, at hindi ka pakiyeme. in short, mukhang down-to-earth ka. *smile*

naaaliw ako sa face nung pinsan(?) mong mataba (yung naka-green nung ABRIL)

yung beach sa La Union -- damang-dama ko ang malamig na dampi ng hangin, dinig ko ang bawat hampas ng alon, at langhap ang malansa ngunit mabangong simoy ng dagat.
(Buti pa kayo may ancestral house.)

mukhang mahilig ka rin sa tribal or ethnic arts...

maganda yung vantage point (viewpoint) mo nung kinunan mo yung picture mo with bading. kita kayong pareho sa salamin, at nabigyang-diin (na-emphasize) yung kanang kamay nyang may hawak na pinsel at yung mga koloreteng gamit nya. oks din yung facial expression nyong dalawa. *lols*

ang ganda mo sa black and white portrait. ikaw ba yan? (seryoso ako dun sa sinabi kong una, joke lang yung pangalawa.)

okey lang yan... iiyak mo nang tahimik ang mga negatibong emosyon na nararamdaman mo.

Enero na uli... kelan ba ang birthday mo? *wink*

Dear Hiraya said...

ahoy!! nabasa ko na to kaya lang hindi buo toinkz!! kaya pala sabi mo nagtatampo ka kasi iniisnab kita kasi pagbalik ko dito wala pa pala aklong comment toinkz!!

kookoo hanggang ngayon tuwang tuwa pa rin ako sa pic mo sa blogger hahah!! papaprint ko nga yun lalagay ko sa notbuk ko hahaha!!

saka tungkol dun sa comment mo sa akin, panu naman tayo makakapagusap e may curfew ka tsk tsk (bakit kasi may mga curfew kayo...)

may gusto sana akong itanong kaya lang mukhang hindi magandang dito ipost at kung DAPAT ba talagang itanong yun..

ahehehe..

cge cge till next tym..

babalik ulit ako dito..

http://hiraya.co.nr

napunding alitaptap... said...

@ gasti

salamat din po sa pagbisita dito.. opo, ang haba-haba-haba... ahaha.. di pa po kumpleto yan, teknot! ahaha.. Gb po.

napunding alitaptap... said...

@ grifolyon

waaaaaaaaaaah, anak, naiyak talaga ako sa cds... yun ang bumuhay sa akin kagabi... an saya! ahehe,, bibisitahin ko din blog mo soon...

napunding alitaptap... said...

@ rui and barb

weh, di nyo nga naiintindihan sinulat ko e... dai nyu nga aku pagrukuhun ta ruku ako!! ano.. mas di nyo gets nyo?

salamat na din

napunding alitaptap... said...

@ repah

sige, intay intay mo lang.. ipopost ko din yun... soon..

sige na nga, ayaw kitang nahihirapan... KOOKOO nalang itawag mo... haha, ang effort ng napunding alitaptap...toink! ahaha

napunding alitaptap... said...

@ repah

sige, intay intay mo lang.. ipopost ko din yun... soon..

sige na nga, ayaw kitang nahihirapan... KOOKOO nalang itawag mo... haha, ang effort ng napunding alitaptap...toink! ahaha

napunding alitaptap... said...

@ xoxirish29....

hehe... yup, bihira lang akong umiyak kaya hindi ko sinayang yung oportunidad... ahehe...

natawa nga ako matapos kung litratuhan sarili ko...pathetic..ahehe

napunding alitaptap... said...

@ pepe

dadalw ulit ako sa art gallery mo...

para mafeel kong nasa puerto gallery ako..toink! ay! galera pala yun.. korni lan... sige lan, pinta ng pinta.... express!

napunding alitaptap... said...

@ homebodyhubby

ahaha, pa-glamour.... aysows... kung makikita mo pa po yung karamihan sa mga litrato ko, mapapailing ka lang... ahaha, hindi po uso yun, korning-korni nga ako sa mga taong super pakyut pag nagpapapiktyur... yun mga taong hindi pwedeng pumangit sila... ane be?! siguro po parte na rin ng personalidad kong makampante kahit pangit ako, basta masaya... vain pics, come on! tigilan mo ako.. ahaha..

yung naka-green, li'l bro ko po yun..what's with the facial attitude ba? ahaha.. silaw ang bata sa araw...

beach, masaya talaga..ang ganda! ang galing ng pagkakagawa ng Diyos... ancestral house, tsaring ko lang ata yun... pero pwede na rin... naaasar lang ako na pinaparenovate nung mga epal... sayang, kung ako sa kanila pinangalagaan nalang nila... ang problema kasi gustong makiuso sa modernisasyon... pangit naman! para lang "huwag mahuli sa uso" asarness!

ethnic arts? bakit nyo po nasabi..pero oo nga, sa palagay ko.. simula pa bata ako.... ahaha, bata pa njga lang ako trip ko ng magpatattoo... weird! ahaha... no joke, pero saaang banda niyo po ba nasabi yan?

si bading.... ahaha, nakapikit ng apo yung isang mata ko... sinipat ko talaga... ahaha, tuwing tumitingin ako sa art pumipikit yung isang mata ko... di ko alam kung bakit... baka po alam niyo eksplanasyon... ahaha.. pero pinagalitan niya talaga ako, nasabi ko nalang "sorry po" baka kasi tanggalan ako ng kilay... waaaaaaah!

salamat po sa papuri, nawangis lang talaga ako ni "pinakamagaling"..

sa enero dose(uh,mali ata.. i s*ck at spanish numbers) january 12 nalang... hehe..

napunding alitaptap... said...

@ fjordz

garabe, may nagreact nga dito sa blog ko, bida ka daw tas iniisnab mo.... magiwan ka kasi ng bakas para iwas na ako sa maling panukala... ahaha!

sige, kelan na ba tayo magkikita ng matino.. kalbo ka na ba ulit... sana naman.. ahaha!

pic sa blogger, ewan ko sayo! ahaha!

Heco said...

Huwaw! First commemt ko dito! Yay!

Kumusta naman 'yun! Mala-novela ate ha! Galeeeng!

Yun Lang! Hope we can be good Blog Frends! Nyepnyep!

Pepe said...

Happy happy birthday sa yo kulay....! Invited ba ako sa tsibugan....? Eto na pala ang ni-request mo he-he....! Sana magustuhan ng mga alitaptap....! Oi, wag mong kalimutang i-post ang mga pityurs dito ha....? Enjoy the day and ingatz....! =D

Here it is: http://bp3.blogger.com/_g6dTBBu1LG4/R4VQJq1SX3I/AAAAAAAACAE/oaTXAoAAnP0/s1600-h/Fido+Dido.jpg

Dear Hiraya said...

nyak nyak! at sino nman ang nagsabi nun??

nag-iiwan naman ako ng bakas ah hehehe..

saka di ba sabi mo gala tayo sa saturday nyt.. tuloy yun di ba???

miss u kookoo!!! hehehe

http://hiraya.co.nr

Anonymous said...

Yes if the truth be known, in some moments I can say that I approve of with you, but you may be inasmuch as other options.
to the article there is still a without question as you did in the fall publication of this beg www.google.com/ie?as_q=corel paint shop pro x 10.0.0 ?
I noticed the utter you have in the offing not used. Or you functioning the dreary methods of inspiriting of the resource. I have a week and do necheg