ang tagal na nito... tag to ni fjordz...ü
RULES:
1) In the 8 facts about [you], share 8 things that your readers don't know about you. At the end, you tag 8 other bloggers to keep the fun going. Each blogger must post these rules first.
2) Each blogger starts with eight random facts/habits about themselves.
3) At the end of the post, a blogger needs to choose eight people to get tagged and list their names.
4) Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
wirdo..limpak-lipak na tao na rin ang nakapagsabi na wirdo ako… ang weird ko, ang wirdo ko, ang weirdo ko, weirdotik ako.. lahat na ng kung anu-anong tsuba basta ang ini-imply ay weird ako, narinig ko na yan. Pati nga tingin ng mga tao na nagsasabi na ang weird ko e alam ko na yan.. panis!
Minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga ang basehan ng pagiging wirdo. Ayon sa pagkakaintindi ko, ang salitang ito ay ginagamit upang mabigyan ng karakter ang taong may kakaibang mga Gawain o pag-uugali. Yung hindi madalas na makikita sa normal na kapaligiran. Deviant kung baga. Sabi ko!
Bakit, kasalanan bang hindi mapabilang sa norm? whatever!
“pinagtatawanan niyo ako dahil kakaiba ako… pero pinagtatawanan ko kayo dahil pare-pareho kayo”
–halaw sa salita ni..um…ehh, di ko alam, basta nabasa ko yung bersyong ingles nyan, kinuha ko lang yung kaisipan.
1. Nagiging narcissistic na yata ako. Ahem, sa totoo lang, simula noong bata pa ako, umani na ako ng mga pahayag na maganda ako.. “kagandang bata”, “ang gandang bata”, “ang ganda ng anak/apo mo”.. tipong ang daming umaangkin na nagmana daw ako sa kanila, huh? Ni hindi ko nga kamag-anak yung iba..ano ako, singaw? Isa din sa mga una at nabibilang na natutunan kong mga salitang ilokano ang linyang “nagpintas”. Laking pagtataka ko kasi simula pa nung bata ako kung ano bang ibig sabihin nun. Akala ko kasi yun yung ayos ng buhok, yung braids.. nagpintas, akala ko nagtirintas ang ibig sabihin nila. Eh, ang tuwid naman ng buhok ko. Ah, maganda pala ang ibig sabihin nun. Ang salitang “kanos” naman ay nalaaman ko dahil sa president naming si Gino, 3rdyear college na ako nun, first time ko yung marinig… bikol term daw yun na ang ibig sabihin ay pangit.. ah, ni hindi kasi ako nasabihan niyan dati( take note, lumaki ako sa Bicol)..depensa ko, na totoo naman talaga.
Meron pa akong mga naaalala na mga anak ng mga amiga ng nanay ko na nirereto sa akin. Kesyo magiging “KAMI” daw ng anak niya pag laki namin. Hiniling ko tuloy na wag nang lumaki,tsaring lan! Basta
O, anu na? masyado ko na bang pinagdiinan na maganda ako? Eto kasi yun sundot dito. Wala, kahit man magandahan ako sa sarili ko, “iba parin ang palagay ko sa mga tao sa paligid ko, feeling ko ang pangit ko.” Hindi pansinin. Baga kulangot sa pader…ay!bulaklak pala! Amoeba oo!! Di ko alam kung bakit ako lumaking ganito, mababa ang kumpyansa sa sarili. Feeling tsakanes. Parang gulat na gulat at tuwang tuwa ako sa mga taong nagsasabi na maganda ako, palagay ko kasi ang pangit-pangit ko sa paningin ng iba. Minsan sinisigurado ko pa bago ako magreact at magpasalamat. Parang alam ko lang sa sarili ko na maganda ako pero sa ibang tao, Malabo. Basta, mahirap ipaliwanag pero alam kong gets mo na… aaaahhh.. koka kolai!! Weirdo diba?
Medyo kadugtong nito yung ang lakas-lakas kong mangmotivate ng iba na maging positibo ang tingin sa buhay pero ako mismo, kalahating lubog sa negatibismo.
2. Hindi ako madalas magkamali ng mga desisyon..siguro 60% o kaya’y 50%+1 ng mga desisyon ko ay nasa tamang tahakin. Yung iba dun, uhmmmm..togodoink! Ewan ko nga ba kung bakit pagdating sa direksyon, ang bopols bopols ko. Ako yung taong laging naliligaw, literal- as in. meron pang isang araw na nawala ako sa divisoria loob, divisoria labas, quiapo, at intamuros. OO, isang araw lang ito, sa apat na destinasyon agad ako nawala. Parang araw-araw akong nasa loob ng Labyrinth. Parang dagang pinageeksperementuhan(pero talo pa nila ako impeyrnes..imbyerna!) Sabagay, sabi nga ni Ajoy “normal lang yan, sa SM nga nawawala ka” sagot ko naman “sa DORM nga lang natin naliligaw ako, paano pa kaya sa SM, divi, quiapo at intramuros diba?” oo, inaamin ko naman. Di ko alam kung bakit sobrang wala akong sense of direction. Pero proud naman ako sa sarili ko na madalas man akong mawala, nakakarating parin akong buo sa kung saan destinasyon ko man plinanong pumunta, at hindi ako umuuwi ng walang napapala. Yun nga lang, madaming oras ang napupunta sa kawalan sa mga oras na dapat ay nasa lugar na ako ng dapat ay naroon ako. Gets? Getch!!
3. Gaya ni Pyordan at kung sino-sino pang matatalinong katauhan, hindi ko man hilig ang mag-isip pero may sarili itong pagkukusa. Tipong pagal na pagal na gumagana parin ito. Remedyo? MATULOG. Marami ang kumekwenstyon sa mahabang tulog na ginagawa ko. Kesa ikakain ko, itutulog ko nalang. Kesa sa ano pa mang bagay, a basta..AKO, MATUTULOG. Hep hep, anong wirdo dito? Hehe.. nasubukan mo na bang tumingin sa malayo? Tipong parang ang layo-layo na ng nilalakbay ng mga naiisip mo. Nakatingin ka nalang sa kawalan at napakalalim ng mga naguumpugang pananaw? Yung tinatawag nilang “TULALA”?
Kookoo: (malayo ang tingin, tualala)
Tuk’ko: parang ang layo-layo at ang lalim-lalim ng iniisip mo
Kookoo: huh? WALA NGA AKONG INIISIP E.
Ayun yun, sa dinami-dami ng mga kakilala ko, ako palang ang taong kilala ko na pwedeng tumulala ng walang iniisip, blanko. Ang weird talaga!
4. Kapag nakakaramdam ka ba ng pagsusuka, napansin mo bang bumibilis ang paglabas ng laway mo? Normal yun, pero ang pagkati ng mukha pag inaantok? Hmmm.. ako lang yun.
MABABAW LANG ITO ^
ITO HINDI v
5. Alam mo ba kung ano yung emoticon? Oo, yun yung madalas na nakikita sa mga message box ng mga tsorba sa internet. Yun yung mga emotions na nararamdaman natin na hindi natin maexpress kasi nga sa computer lang. parang sa bawat pahayag maglalagay ka nito para malaman ng kausap mo kung ano ba talagang nararamdaman mo sa oras ng pag-uusap niyo.
Halimbawa: >> kookoo: hindi ko na alam ang kelangan kong gawin o_O?
maglalagay ka ng emoticon para maemphasize na nalilito ka na. basta, gets mo nay un, alam ko.
Pero, nakakita ka na ba ng buhay na emoticon, OO, buhay. Kung hindi pa at gusto mo, try mo akong hagilapin at magkekwentuhan tayo. Tsaka mo masasabi na “OO NGA, PWEDENG MAGING BUHAY ANG EMOTICON” kahit ano pang nararamdaman ko, kayang kayang kaya ko yang ipakita… yun nga lang, kaya ko ding itago… pero kung walang rason para itago ito, sos! Magsawa ka! Ahaha.. matatawa ka nalang sa kawirohan..
Cathy: ikaw talaga, ang dami mong emosyon
-
Phoebe or MiKwinsi: si kookoo, emoticon
6. Vulnerability. Haha, isa ito sa kawirdohan ko, grabe akong maka-adapt sa environment ko. Kahit ano pa mang emosyon yan, kayang-kaya ko yang makuha ng walang kahirap-hirap. Halimbawa meron recitation sa class, hindi ako kinakabahan, pero kapag sinabi mo sakin na kinakabahan ka, malamang sa malamang kakabahan din ako.. hawa kumbaga sa sakit. Ayun, malakas ang hawa sa akin. Pagkagradweyt ko, gusto kong maging propesyonal na counselor. Ahaha, kumusta naman ang pagiging vulnerable ko diba, oh well, pero ang kakaiba pa rin sa akin e kaya kong itago ang mga emosyon na ito. Na sa katunayan ay nadadama ko din. Toink oo!
Kukay Mamen(testi): haha, eto problema ko pinoproblema din
Mark GMK: eto, ang dami daming problema sa mundo. Pinoproblema kahit hindi dapat problemahin
John XD: you’re not God, you can’t fix everything.—ingles, dumugo muna ang ilong ko niyan bago maarok ng nangangalawang kong isipan..
Rico: ate, pati yan, pinoproblema mo? Bayaan mo na sila
Oo, kasabay din kasi ng pagkahawa ko sa mga problema ng mga tao e ang kagustuhan kong maayos ang mga suliraning ito, malamang, naramdaman ko kaya yung nararamdaman nila. Yun nga lang, gaya ng nasabi ko kanina, kaya ko din umartiii na wapakels.
7. iyak. Ako si emoticon tsuba diba?! Pero maniniwala ka ba kung sasabihin kong dumating ako sa panahon na hindi ako umiiyak?(kahit umiiyak na ang isang tao, hindi parin ako maiiyak, walang hawa hawa kung luha ang usapan) Tipong kahit gumunaw na ang buhay pagibig ko e wala pa rin akong tinag. Simula pa hayskul, na-train(hindi tren, pagsasanay yan! Adek!) ko ang sarili ko na wag nang umiyak, bakit pa. senyales ito ng pagiging mahina. Sabi ko. Ayun tuloy, sa mga panahon na iyak na iyak na ako, ah, hindi pa rin.. matapang ako, ika ko…. Mas lalo tuloy akong nahirapan at natagalan gumalaw pasulong(ano ako, sundalo? Heller)… wirdo ba?
(hehe, medyo iba na ang pananaw ko ngayon…. Alam ko na ang tulong na naidudulot nito… di ko alam kung wala lang akong rason ngayon para umiyak o hindi nga lang talaga ako iyakin na nayun… ewaaaaaaaaaaan)-- (nasabi ko na to sa yearender ko..gaya ng sabi ko, matagal ko na itong sinulat)
8. mainlab. Wirdo akong mainlab… di ko na yata makekwento… di ko alam kung hindi ngayon o hindi magpakaylanman(whoops, mel t.. is da you?) pero wirdo talaga… sa mga matatagal ko ng kaibigan alam nila yan… nagreregalo pa nga ako ng aircon e… huh, soogar mame? De ah!
9. ahaha, 8 weird things lang daw diba… e bakit ba, parte ng pagkawirdo ko ang madalas na paglabag ko sa mga patakaran. Wala naman nakasaad na sasara ang butas ng ilong ko kung hindi ko susundin ang rules diba… ni sa mga chain tsorba nga, na mamalasin daw ako ng kasingtagal ng paboritong numero ko e hindi ako naniniwala
Pc: bakit, ilang ba ang paborito mong numero?
Koo: 6OOO..
O diba, 2008 palang kaya… kumusta naman ako, mamalasin nga ako, ang tagal ko namang mabubuhay… ay nako talaga…
Ilang mga gawain na rin sa eskwelahan ang ipinasa ko na lumalabag sa mga patakaran ng mga propesor.
Kahit pa ingles ang pinagagawa ng prop e magpapasa pa rin ako ng mga tagalog o mas mainam na tawaging FILIPINO na lathalain…
Isa pang pangyayari ang pinagagawa kami ng critique na essay KASO poem ang ipinasa ko(ingles nga… pero tula naman)
pero dahil sa mga paglabag na yan, umaani ako ng matataas na marka.
Magkukunwari pa akong magsosori sa mga prop
e.g(pero totoo to)
“Miss gracey, I’m sorry, just felt like writing in tagalog”-koo
“okay lang, nageenjoy naman ako sa pagbabasa ng mga isinusulat mo”-miss gracey ..sabay 100 na grade… woohoooo! O diba, napatagalog din si miss ng di oras..wahaha!
O diba! Bongga!!
Isa pa
“I’m sorry the unpoetic writer suddenly blahblahblah tsorba blahblah”-koo (di kasi talaga ako marunong gumawa ng poem dati, puro essay lang)
“COOL” sagot naman ni miss, um..missss..a..e..sino nga yun? Basta si miss… yun Lit prof na baga-ahas kung magsalita ng “S”…ssssssssssss, ang haba.
10. 10? May ten pa, oo, trip ko e… at saan ka makakarinig/makakakilala/makakakita/blahblah/tsorba ng tao na nakikipagusap sa kompyuter nya(KIYA ang pangalan ni pc… laiPod,short for nikolaiPod, naman yung iPod ko, o diba, may pangalan pa sila)…
Ayun, kaya di ko nga ba alam, dispalinghado na tuloy tong laptop ko, pag di kasi sumasagot niyuyugyog ko… ahuhu, dati sa battery lang ang problema, ngayon pati LCD na, nung isang araw ko lang natuklasan….
WAAAAAAAAAAAAAAHHHH! Ang wirdo talaga! Bahala ka na…
Hehe, pede na ba akong magkabit ng etiketa sa mga blagista prends diyan? Tada! homebodyhubby, duroy, pepe, repah, sheign, jv, jez, pidoy, mj at gboi… sampu yan, tatak wirdo yan…
Pyordaaaan, salamat sa pag-tag… hinalughog ko pa ang buong sistema ni kiya para mahanap to…haha, unang tag sa buong buhay ko… salamat.
Thursday, January 24, 2008
etiketa: walong wirdo...
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 1:37 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 iba't-ibang reaksyon:
may nakalimutan kang batiin....
Kulay....!!!! Oi, sorry hindi ko pa to nagawa hanggang ngayon, wala pa kasing chance na mag-type magdamagan.... Busy na kasi sa work kaya yun....! Basta, one of this days sasabihan na lang kita he-he....! Ingatz....! =D
alam ko pito lng to ah... kaw tlaga nidagdagan mo na naman ha... at super update k na tlga
Post a Comment