Wednesday, January 30, 2008

yun nalang..di pa naibigay!

(kanina, enero 30, 2008)

nasa-fx kami ni mami aps, dahil nasa likod kami, patalikod din ang tingin ko, masyadong ma-effort kung sa harap ako haharap...

garabe ang trapiko, ang sarap magpasabog ng mga sasakyan..grrr.. o well, natripan ko nalang makipagtitigan sa mga tsuper na nakakatapat ko...

yung iba, mga pampasaherong tsuper(uh, tama ba yun?)... pilit ko talagang sinisilip kung anong hitsura nila, matanda na ba..bata, bulakog ba o singkit...maputi ba o maitim...

pero sobrang na-magnet ako nun isang naka-tsikot na tsekwa... ang gara ng kotse niya... ang gara talaga..

napaisip, siguro, kwalipikado to sa kwalipikasyon ko... hehe, (sabi ko nga gusto ko na may kotse ang mapapangasawa ko diba...seryoso ako dun... juklan,ah, bahala ka na!)

jampak ang trapik oo... napatingin ulit sa kotse, ang ganda...

may isang batang lumapit at nilinisan ang salamin nito... ninanais nung batang linisan yung salamin sa pagnanais na makakuha ng kaunting salapi kapalit ng serbisyong ipinagkaloob niya..

"PPPPPPPPPPPPPPPPPPOOOOOOOOOOOOOOOOOOOTTT!"

isang napakahaba at napakalakas na busina ang sumalubong sa bata... na ikinagulat ko din...

(nasa loob ako ng saradong sasakyan kaya hindi ko na dapat narinig ang busina, pero ang lakas talaga)...

yung lakas na parang nagmamadali kasi emergency, yun labas na yung ulo ng bata kung buntis man ang sakay nito.... ngumangawa ngawa pa...

KASO mag-isa lang itong si lalake(na baga-bading umarte)... nakakaasar...

di na din siya natapos kawiwisik nung tubig upang linisin tung salamin ng kotse niya.... nakita ko din kung gaano katapang ang mga matang nanlilisik na nakatingin sa batang naglinis ng sasakyan niya...

ANG SAMA NIYA, DI SANA PINAGBIGYAN NALANG NIYA YUNG BATA... kahit piso yata, tatanggapin naman yun... at malilinis naman niya yung kotse niya...

napakasamang ugali ang ipinakita...

MADALAS, SINASABI NATIN(TEKA, MAAARI KO BANG ILABAS ANG SARILI DITO?) NA WALA NG PAG-ASA ANG PILIPINAS...

NA MAHIHIRAP TALAGA ANG MGA TAO DITO, ANG MGA PILIPINO.

NA KUNG HINDI EDUKADO ANG ISANG TAO, WALA NA RIN SIYANG KARAPATAN NA MALAYANG GUMALAW NA HINDI SIYA IIWASAN NG MGA TAONG UMAARTE NA NAGYAYAMAN-YAMANAN(NA PARA DIN HINDI EDUKADO KUNG UMASTA, B*STOS!)

nadama ko yung pagsisikap nung mga batang maglinis ng kotse ng iba, umaasa kasi sila na dahil sa sipag na ito, makakakain sila...

hindi sila nanlilimos lamang at tumatambay sa gilid, NAGTATRABAHO SILA!!

hindi ko rin masyadong maintindihan ang mga taong hindi nararamdaman na mawserte sila, NA MERON NAMAN SILANG KAYANG IBIGAY...pero uupo-upo lang sa mga kotse nilang parang diretso na sa i*******...

WAG MONG SISIHIN ANG IBA KUNG SA TINGIN MO HINDI NA UUNLAD ANG PILIPINAS...

IKAW.. TIGNAN MO MUNA KUNG MAY GINAGAWA KA! BAKA NGA NI ISANG HAKBANG WALA KA!

hoy, lalakeng tsekwang nakatsekot, ang yabang mo! hindi ikaw ang taong dapat pagaksayahan ng oras... nakakahiya ka, umalis ka nalang ng pilipinas!

6 iba't-ibang reaksyon:

RedLan said...

Galing ng intro.

May lesson naman akong natutunan dito. Naalala ko tuloy one time. Nag-uunahan ng mga batang kalye sa paghanap ng taxi para sa amin. Hanestly mama bey, nainis ako ng kaunti. dahil destruction yun para sa akin. Nagmamadali kami. tatlo sila. 10php ang binigay ko. Nakasakay na kami pero narinig ko na nag-aaway sila dahil buo yung 10 pesos at hindi nila mahahati. Natauhan naman ako sa sinabi mo. Tama ka, pulubi rin sila pero pinagtatrabaho sila at iba sila dun sa tabi at naghingi lang ng abuloy.

salamat sa post mo. naging seryoso tuloy ako.

Duroy said...

Wag mong pagalitan yung may kotse. Sisihin mo yung magulang nung mga bata. Sila dapat nagkakayod para mapakain at mapaaral yung mga bata.

Dear Hiraya said...

may mga tao talagang walang pakiaalm sa iba basta magawa lang ang gusto.. palibhasa may pera.. palibhasa nakakaraos.. palibhasa hindi sila yung nahihirapan... naaaasar na naman ako!! GRRRRR!!!!

http://hiraya.co.nr

Rakz said...

Puso mo kookoo..hehehe..=D

Pag nkka-encounter ako ng street children minsan iniinterview ko lang..haha! ES?? tapos most of the time if i have food, food ung binibigay ko..hindi pera..kasi dami kong nakikitang ipinangra-rugby lang ung perang binibigay sa kanila..T_T

Ano nga pala meaning ng bulakog? hehehe...

napunding alitaptap... said...

@ redlan

basta kung meron, magbigay... kug waqla..walang magagawa

@ duroy

given na na pabaya yung magulang... pero ang scene dito ay yung insidente sa kotse... gaya ng sinasabi ko kung meron, magbigay... malay mo, nagtatrabaho din yun magulang nila that moment... di nga lang kasama sa scenario..diba?!

@ fjordz

nakakaasar talaga... gusto ko talagang pasabugin yung kotse niya.. bading siya... grrr..

@ mama rakz

ako din, kung may oras kinakausap ko... oo, pagkain nga kung meron... may insidente pa nga na nagbigay ako ng burger steak meal...ang saya ko nun ginawa ko yun...

bulakog- laki mata..parang mata ko o_o

Duroy said...

Sorry... galit ka na sa akin nyan? Hehehe...

Nakakaasar rin kasi yung ganyan paminsan. Yung tipong kakalinis mo lang ng kotse, biglang dudumihan.

Ako kasi naglilinis ng kotse namin, at ako nasesermonan kapag hindi ito nalinis ng mabuti...