Wednesday, January 30, 2008

nakisamang kalangitan

matagal-tagal na ding hindi tumatahak ang mga luha sa pisngi ko... nung disyembre pa yung huli...

hindi pa rin ako ganoon kanormal kung luha, iyak, pasakit o kalungkutan man ang paguusapan, ako kasi yung taong nanaising balewalain na lang yan... hindi para mapagtakpan at mag-inarteng matapang ako... ayaw ko lang na may mga malulungkot para sa akin.

lubos lamang ang pagaaalala ko sa iba..

"ayaw kong ako ang magiging rason ng kalungkutan ng mga taong nasa paligid ko"

yan yung tinatawag sa ingles na "selfless love"

mahirap, kung tutuusin. pero mas hindi ko kakayanin kung hindi ko isasabuhay yan.

masaya na rin na nailabas ko ang luha kasabay ng paghihirap ko kay tatay lee, hindi ko siya tatay pero kinokonsidera ko siya bilang isa. isa ito sa minamahal ko na kaibigan ngayon...

matagal din ang pag-uusap namin. lumiwanag na nga't lahat. umaga na, kelangan ko ng umuwi...

ito ang pinakanatunan ko sa kanya

na tama naman ang ginagawa kong accountability sa iba yun nga lang, nabibigatan ko kasi hindi ko ito ipinapasa-Diyos.

okay na ako... umuwi, natulog.

pupunta kasi ako sa paranaque para tapusin ang thesis namin.

ng maibahan sa sistema...

hindi ako magiinarte, pero... parang hindi malabo na, meron akong malub....blahblahblah...

napaisip, siguro... wala na akong future kaya hindi ko na naiisip ang future ko...

habang gumagawa ng thesis napatanong sa mga kagrupo...

koo: ano kayang nararamdaman ng mga taong malapit ng mamatay?

kent: ANG DAMI MONG INIISIP

"ang DAMI KONG INIISIP"

yan ang madalas kong marinig sa mga tao ngayon....

==============================================================================

nagiging bugnutin na ako..nakakainis.

==============================================================================

usap blog.... masaya naman akong naitulak ko si jez, gboi at pidoy na magblog sa labas ng dating blogsite na sinusumpa ko..hehe

sige, sulat lang kayo...

==============================================================================

kanya-kanya ang istilo ng mga tao, kaya mahalin nalang natin kung ano yung ATIN

==============================================================================

kaninang ala-sais

cheng: o, ano, naghihintay ka nanaman ng sunset

koo: (ngumiti....)

==============================================================================

naghintay ng ilang sandali.... ang liwanag ng araw, nagpapaalam na... bumaba ako ng building.... 8th floor, tinakbo ko pa ground floor...

okay naman, lumawit lang ng konti yung dila ko...



(sa school to, FEU)

tinex ko si kah, jez at karol upang sabihing napakaganda ng kalangitan...

pag balik ko sa itaas... "hinahanap ka kaya ng lahat kanina....."

"nasaaaan si koooookooooo, dali ang ganda ganda ng kalangitan"

hmmm, Nakaiwan naman pala ako ng alaala sa mga kaklase ko..alam na nila na inaabangan ko talaga ang mga ganoong pagkakataon...

masaya ako na masaya sila para sa akin....

at naghinayang na hindi ko nakita yung nakita nila....na sa katunayan ay nakita ko, at hinanapan pa ng ibang anggulo...

================================================================================
(sa text)

karol: malungkot?

koo: sino? ako? bakit mo naman sinabi?

karol: hindi, yung sky?

koo: malungkot nga yun sky, pero the sky was trying to show how worthy "she" was to be looked at...and appreciated

nakakawindang na si karol... na taong hindi ganoon ka-okay sa art analysis ay nakaramdan ng kalungkutan sa panahong iyon..

================================================================================

karamdam-ramdam na nga ba?

10 iba't-ibang reaksyon:

Duroy said...

Sa tingin ko, kaya ka malungkot, iiwan mo na ang paaralan mo. Iiwan mo na ang mga kaklase mo na sa ayaw at sa gusto mo, napamahal na rin sa iyo.

Hmmm, andyan ka na siguro doon sa stage kung saan iniisip mo kung ready ka na ba sa hamon ng buhay kapag nakagraduate ka na. Normal lang yan.

Wag ka na malungkot. May cellphone naman di ba? Kung sakaling dumating na yung puntong magkakahiwalay na kayo, you're just a text away. Hehehe

Gragraduate ka na bwahahaha!!!

Dear Hiraya said...

malungkot ba ang kookoo??? hehehe... pasensya na nung mga nakaraang gabi kung parang wala sa katinuan ang mga reply ko at kung di gaanong makapagtext.... abnormal na naman si fjordz ngayon hehehe..

http://hiraya.co.nr

RedLan said...

i love sunset tooooo! ewan ko ba. hindi ko ma-explain ang effect nito sa akin.

napunding alitaptap... said...

@ duroy

hehe, hindi yata yun yoon... more than that... wahaha, magaling nga akong magtago ng mga gusto kong ipahayag.... kung may oras ka, basahin mo ulit... kung interesado kang malaman kung bakit ako malungkot, himay-himayin mo ang bawat pahayag...

@ fjordz

ganyan ka naman, nasaan ka na ba? di kasi kita maramdaman.

@ redlan

haha, ako hindi lang sunset... kaso yun yung tanawing kayang abutin ng mata ko araw-araw... di gaya ng dagat... o bundok... o aso... o bulaklak.... hehe, pero iba nga ang effect nito..

Duroy said...

Bat ganyan reply mo kay Fjords? Mukhang meron ah... nyahahaha!!!

Mahina ako sa pagdecode ng mga hidden messages. 3 lang ako nung kinuha ko yung 3 Filipino subjects ko at 3 English subjects ko nung college hahaha!

jez said...

niko!

jez to.. :)

jez said...

niko.. may blog na akong bago.. eto na eto na talga.. :)

sad... sabi minsan ng nabasa at napanood ko.. ang pagiging sad ay isang senyales na we're still but human.. nothing more and nothing less.. ngee.. connect ba?

i pray you find joy after sadness.. not just happiness but joy and gladness...

pag titignan ko sunset.. isa ka sa maalala ko.. :) Gb!

napunding alitaptap... said...

@ duroy

PO? bakit, anong MERON sa reply ko kay fjordz?

ay, antataas ng grades... hardcore! wahaha!ΓΌ

@ jez

hay, mukha na ba akong araw? o well, salamat na din sa pag-aalala... parang talagang maghihiwalay ang landas natin no? hmmm...

adeodatus said...

ang galing ng mga kuha mo..napaka-serene.

Holy Kamote said...

napakaganda nga ng kalangitan. pag sobrang cluttered na ang utak ko, titingin lang ako sa magandang langit, at solve na ako. n_n