Ay, makapagbagbag damdamin naman ang intro ni REPAH, anyway, haha…
nakakagulat, sa totoo lang, paano kasi perstaym na may nagtag sakin na virtual friend..ahaha, parang tamagotsi(ta-ma-got-si) lang…toink! Hindi, unang tag to ng isang tao na hindi ko naman talaga kaprend sa ibabaw ng mundong kinagagalawan ko sa araw-araw.. hehe, salamat repah(talagang may-h pa…buti nalang bagong tusbras ako)..haaaaaaaaahh..salamhaaaat haaaah,tats akohhhhhhh..
At teka, teka, sa lahat ng tag ito ang unang ginawa ko kaagad..hehe(oo, nakasave lang sa pc)
Fjordz, nagawa ko na yun 8 weird things blahblah tsuba..di ko nga lang mahanap kung saan ko niseyb..lamu naman aku, OC, kaya kung sa kable, sabog-sabog… asarness!
Ge, shimpers nagawa ko na, di ko nga lang din mahanap.. at saka ang adek mo kasi, di mo lang man sinabi sa aking na naka-tag ako.. lamu naman bisi ako.. bisi sa frat ko…
frateng tulog… toink!
1. At what age do you wish to marry?
• Ahaha, kung magbebente na ako..(malapit na malapit na) um, 19 years old gusto ko ng magpakasal…(now? Hindi, magbasa ka kasi muna) oo kaya, 19, no joke, trip ko nang magpakasal nung summer. Ewan ko nga ba’t inlab na inlab ako… parang lutang ebri minute…iniisip ko na yung buhay ko kung kasal na ako….blahblah.. at dahil malupet ang tadhana, iniwan din ako nung trip kong pakasalan. Oha! San ka pa? ano ako, mag-iisang maglakad sa altar with all the expenses? Heelleeer?
• Pero honestly, trip kong magpakasal ng 25… payb years from now yun(oo na, bente na nga ako diba!). Sana lang stable na ang buhay ko nun. Okay lang naman na wala AKONG sariling mansyon, kotse, mga alahas at kung anu-ano pa…basta DAPAT meron nun yung MAPAPANGASAWA KO,.. hekhek.
• May siyentipikong eksplanasyon yan kung bakit dumadaan sa stage ng mga bata na gusto na nilang magpakasal… nagdidischarge kasi ang utak natin ng isang klase ng neurotransmitter kaya nararamdaman natin ang isang nakapataas na lebel ng pagmamahal(na akala lang pala) para sa isang tao sa maagang oras. Kya dapat hindi talaga padalos-dalos dahil mapanloko din ang sistema natin bilang tao, kung tutuusin.
Kung tatanungin niyo kung ano yung neurotransmitter nay un, nako, di ko alam e… hayaan nyo, magpapakadalubhasa ako para matukoy at maipaalam sa inyo.. tsk, ang yabang magbigay ng fact, intro lang naman,,, hehe, tanungin niyo pa kung bakit may bakla, baka masagot ko pa…toink!
2. What color do you like most?
• one lang? how kj naman this tag(ay, konya!) pinaka… Brown na yata ngayon, hindi na fuchsia, kung ibabase ko kasi sa istatistiko ng mga kagamitan ku, wawagayway talaga ang kuponan ng brown… Hehe. May istatistiko pa ako niyan, teknot…
3. If you have the chance, what would you probably say to your beloved one?
• Henep! Buti hindi pa kita niyayang magpakasal..kundi talo ko pa ang nakuryente habang nasa tub… hehe, tsaka hindi naman kita talaga yayayain, dalagang pilipina kaya ako(mebuheeey,mas flying kiss pa yan)… tama nay un ako yung nag-go the distance.. ahehe, tsaka masampahan pa ako ng kaso ng magulang mong parang gwardya sibil, corruption of minor…
Waaaaaaaaaaaah, okay na ako
pc: kookoo, breathe in, breath in, breathe in, beath in, breath in..
koo: breathe out DIN! Naubusan lalo ako ng hangin
o diba, nagusap pa kami ng pc ko..dyan kayo mabilib sa imahinasyon..uh, toink!
Sige, para sayo, pakasaya ka na… kaya naman talaga nating mabuhay ng MAGKAHIWALAY.. anu tayo, Siamese twins? Eew ka! (ay pait!)
4. Which part of you that you hate the most?
• Mata, kahit pa sinasabi ng mga tao na okay naman, I still don’t like it. Ang gaganda kasi ng mata ng mga matang nakikita ko sa bahay(sa aso namin, lalo sa pusa..reflectorized..uh?).. maganda kasi ang mata ni ina at ng mga kapatid ko. Tsaka, napakasinungaling ng mata ko. Maliban sa mahina ang supply ng tubig alat sa mata ko e..basta. YAW KO SA MATA KO. Pero ayaw ko din naman paltan. (ay, ayronik!)
5. When you encounter a sad moment, what would you do?
• Nood concert. Ay garabe. Tas habang nasa gitna ng smashing crowd e sisigaw ako ng malakas, habang asar na asar
• E.g, “********woman na ina mo”… hulaan nyo nalang kung ano yan... ang makahula may premyo. Hehe..
Pc: Sad moment daw, hindi annoying..
Koo: e bakit, blog ko to ah!
Pc: sabi ko nga, sorry boss..
6. What are you afraid to lose the most?
• What? O who? Dahil given na hindi mawawala si God poreber… marapat niyo akong sabihin na si mom. Kahit pa palagi akong asar dun, ang kulit kasi… hehe, pero maasikaso yun tsaka responsable(pag may sakit ako) toink! Hindi, lagi naman.
Yun nga lang badtrip yung manggising(mahilig nga akong matulog dba)… pag nanggising kasi yun parang aatakihin na ako sa puso sa lakas… namamalo pa ng puwet pag wapakels ang drama ko)
7. If you win $1 million, what would you do?
• dolyar? Teka teka, laki nun a… hehe, bibili ako ng malupet na camera at pc
pc: papaltan mo na ako?
Koo: aba’y oo..naghihingalo ka na kaya…
Pc: breathe in, breathe in, breathe in
Koo: ano ka, nagsusuicide? Wag muna, wala naman akong isang milyong dolyar…
Tapos papaayos yun bahay namin, repainting lang siguro..
tapos tapos tapos….
Ibibigay namin sa mga taong worth mabigyan ng bahay … tumutulong din kasi yung pamilya ko sa isang komunidad, pero di ko na naman babanggitin…
Bibili din ako ng madaming madaming BAKA..oongah! seryoso!
8. If you meet someone that you love, would you confess to him/her? Or would you keep it to yourself and observe from afar?
• Tooooooooooooogsh! Sapul. Base sa nakaraan ko, sinabi ko… okay naman SANA..hindi lang talaga kami para sa isa’t-isa..
• Pangit kasi yung may regrets ka dahil sa pagtago ng pagtago… e kung magtaguan nalang kayo?! Sa ilalim ng maliwanag na buwan(ay!! bumabalik sa pagkabata)..
• Depende sa sitwasyon, kung dapat talagang itago, itago..kung hindi.. try, di ka naman mamamatay, MAPAPAHIYA KA NGA LANG… ahihi. Toink!
9. Do you have straight hair?
• Ebersins… pero magtataka ka kasi kulotski si ina.. hindi ako ampon! (kahit hindi ako sinasagot ni ina tungkol sa tanong na “mommy, ampon ba ako?” ahaha)
10. What are the requirements that you wish from your other half?
• O, may “s” yan ha, pluralized! Um, dapat kilala niya ang Diyos tas sa puso ng Diyos niya ako mahahanap…kasi dun naman niya ako tinago.. weeee..
• Dapat responsable…. Mahal niya ang pamilya niya kesa sa mga tropapips…
• Dapat mahal niya din ang sarili niya, para handang-handa na siyang magmahal ng iba..
• Dapat may mansyon, madaming kotse… ibibili ako ng mala-imeldang alahas..toink! joke lan to…
• Dapat alam niyang mahalin at marunong tumulong sa mahihirap.. kung yun ngang mga taong yun kaya niyang mahalin, paano pa kaya ako…
• Oha, sana nasa komunidad lang namin… ah, di ko talaga mabanggit…
11. Till now, what is the moment that you regret the most?
• Wala, di uso yan! Matuto tayong matuto sa kamalian… mauuwi ka sa mental yan kung pagiisipin mo pa yan.. sabagay, mas Masaya kami pag maraming baliw.. paano nalang ang propesyon naming kung wala KAYO..OO, KASAMA KA! ay, sila pala..
• Kapag nireregret, lalong naiisip… tsk!! Mas kaiinisan ang happenings..
Pc: move forward.. move on!!
Koo: kerek…. korek pala!
12. Which type of person do you hate the most?
• Pananadiyang panlilinlang… yun tinatanong ng matino tapos, sasagutin ka ng matino..walang tril! Toink! Juk… yun seryoso na tas ang barubal..asarness!
13. What is your ambition?
• Get-up-and-go ang drama!! Maging magaling na sikolohista.. pero hindi tanyag… tama ng tutulong lang sa mga taong may saltik,.,,este mga taong nangangailangan ng tulong., taong makikinig.. taong makikiramay ng nasa tamang lebel(pinagaaralan kasi namin ng may tamang batayan..basta, magulo)
• Pero sa totoo, gusto kong maging misyonero…o misyonaryo… hindi ko gusto ang normal na pamumuhay na puro sarili ang iniisip.
14. What is the thing that will make you think he/she is bad?
• Depende yan. Ayaw kong magsalita… lahat depende sa sitwasyon.
15. If you had one wish what would you wish for?
• Makilala ko na talaga ang sarili ko habang katabi ang Diyos… seryoso yun. Pero dapat nasa masayahing disposisyon pa rin ako.
16. If you can relate your life now to a song, what will it be?
• Blue Danube ni Strauss. Hindi dahil feeling debutante ako, pero nakakatuwa lang yung taas-baba ng tono at ritmo niya… parang buhay ko, hindi stable… pero tumataas man o bumababa, nagagawa ko paring masining ang mga tagpo sa buhay ko, pinipilit..minamahal…( ay, seryoso na…), piyesa ang buhay ko ng Diyos kaya kailangan kong pag-igihan…
17. If the thing that you loves most would be taken from you forever but it would make you get “all” the things that you want, would you agree to it or not?
Hindi, ayaw ko na munang magsalita tungkol dito pero kung sarili ko lang ang iisipin at nakasalalay, wag nalang.. noodle.. no deal! (yung katanungan ay medyo halaw sa nabasa ko sa libro ni bob ong)
18. It would be 2008 in a few days, do you have a new year’s resolution?
• Toink! Haaaaaaaaay, anong petsa na?
19 . If your better half is cheating on you, will you forgive him or her?
• Oo naman, (teka, asawa na to diba?)… sigurado ako dun, hindi din sa akin mahirap magbigay ULIT ng tiwala.. ewan, napaka-trusting ko….
• Minsan sinabi ko sa sarili ko, dapat hindi na ako ganun.. kaya naaabuso…
• Kaya ko naman maisip kung tama na o tuloy pa, nabigyan ako ng saktong talino para magdesisyon sa mas tamang tahak.
• Pwede naming magsukli ng kabaitan, mamamatay yun sa konsensya… ahehe
20. If you’re going to die this day! Where do you want to go & who’s person your going to be with?
- isa lang ba? Hmmm… hindi ko pa din to napagiisipan. Hindi magandang pumili ngayon, kung sino nalang ang maglalaan ng oras sa akin, yun yung mahalaga.
salamat repah sa pagbibigay sa akin ng oportunidad na magawa ito... ang drama talaga.. ahaha
hehe, perstaym kong magta-tag, kinabahan naman daw ako... anyway, nilalagyan ko ng etiketa sina.... teka, di ko pa to naiisip.. next time nalang... ichechek ko muna kung sino yung mga na-tag na ng ganito para oportunidad na din sa iba.. uki?
Gb..ü
Monday, January 14, 2008
etiketa: benteng katanungan
Posted by napunding alitaptap... inilathala ng 5:49 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 iba't-ibang reaksyon:
Oi, meron na'ko nito kaya lang masyado kong ginawang seryoso mga answers ko.... Pero ang haba ng mga sagot mo ha, nalaglag na yata sa sahig ang eyeballs ko sa kakakonsintreyts sa pagbabasa dyan kanina pero hindi ko pa rin matapos-tapos basahin ha-ha....! Tough bang ka-converse ang mga sikolohistang ka-like you....? Ako kasi mata lang ang ginagamit mangusap,(parang hush puppy)at daliri din pala, dito sa blog he-he....! Tahimik lang, walang gulo na parang bulkan, yun he-he....! Oi, napahaba yata to he-he....! Sowii....! Thanks for sharing and for the space, ingatz....! =D
haba mo rin talaga mag-post (paris ko). pero binasa ko lahat-lahat.
"hehe, tanungin niyo pa kung bakit may bakla, baka masagot ko pa…toink!"
totoo ko? baka pede mo i-blog? toink! toink!
"Dahil given na hindi mawawala si God poreber…"
yes na yes! toink! sige -- "oong-oo!" "tumpak na tumpak!" "amen and amen!"
"Blue Danube ni Strauss"
classical! ako "Air" (orchestral suite no. 3 in D major. toink!) ni Bach
binasa ko talaga to kookoo maniwala ka sa akin pls!!! from cover to cover!!!
http://hiraya.co.nr
ayan napundi... gusto mo ba akong magkoment.. wag na.. hehehe... salamat sa efort sa pagsagot.. ayan nalimutan ko na tuloy.. babalikan ko uli,,
@ pepe
haha, unang comment nanaman...ismaaayl..ü wala e, madaldal talaga... bu-ang bu-ang na nga ako kasi ang dami dami kong naiisip...ü
@ homebodyhubby
@homebodyhubby
ahehe, ang haaaaaaaabbbaaaa tlaga.. ay nako po, kahit sa totoong buhay madaldal ako... sabi pa naman nila yung mga mahahaba daw magsulat ay mga taong bihirang makapagsalita, anu naku, hindi sa akin uubra ang paniniwalang yan... paano na pala kung tahuimik ako talaga...ilang pages ang magagawa ko.. ahaha...
yup, classical, sige po, hahanapin ko yang air na yan at pakikinggan..ü
@ fjordan
nako naman, kasama lang kita kanina... oo na, nabasa mo na, kahit haha, ang labo mo pa ring sumagot sa mga batikos ko ukol sa "hindi mo pagbasa nito" haha..
naniniwala naman ako sayo..ikaw pa.. libre ule! ahaha
@ repah,
okay lang kahit walang komento..basta, salamat...ay nako, hindi kasi gumagana dati pag nagdadagdag ako sa blogroll... kahit nga yung homebuddy na dapat ay homebodyhubby na ilang beses ko ng inedit ay homebuddy parin...try ko now na now..pag wala, ibabato ko na tong pc.. hehe. wait..ü
nahihiya nga ako sayo eh... hehehe.. yaan mo sa susunod nating labas e sa mamahaling restaurant tau hehehe..
http://hiraya.co.nr
Corruption of minor? Hmmm... parang pedobear bwahahahaha!!!
How is you Kulay....? Busy na'ko ngayon kaya pasilipsilip na lang muna.... But i will still drop by whenever i have the chance....! Have a great week ahead, take it easy, study well, and be kind to animals okay....? =D
@ duroy
yup, corruption of minor, major in computer engineering pa... grrr... haha, pero totoo to... ugh, i s*ck... haha..ü
@ pepe
ahaha, uso na talaga ang busy...salamat sa pagdalaw...ü
uy uragon! basta magayon ako.. hahaha.. bicolana k pla... grvaaa.. ako rin konti lng alam ko sa bicol ...
Post a Comment